Ubi's Pov Habang tinitingnan ko siya na masayang nakikipag-usap sa mga magulang niya ay lalo akong napamahal. Para rin akong isang balon. Katulad ng isang balon na malalim ay ganoon rin kalalim ang pagmamahal ko kay Jheanne.Siguro kung iiwan niya ako ay hindi ako makakaahon dahil hulog na hulog na ako sa kaniya.Napangiti ako habang nakatitig sa maganda niyang mukha.Nasa hardin kami, kasama ang mga magulang niya. Nag-usap tungkol sa nalalapit naming kasal. Hinihingi rin nila ang apelyedo ko, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon naibibigay. Mabuti nalang at nililigaw ni Jheanne ang usapan kaya nawala siguro iyon sa isipan ng mommy niya.Sa totoo lang ay nahihiya ako dahil wala ako ni pisong duling na ibinigay kay Jheanne para sa aming kasal. Wala naman kasi akong pera dahil isa lamang akong pulubi na binihisan niya at pinakain.Malungkot akong nagbaba ng tingin dahil sa isiping iyon.Pero muli akong napaangat ng tingin nang marinig ko ang sinabi ng mommy ni Jheanne sa akin."U
Carlos' Pov Three months later.Pirromalli Veterinarian Clinic.This clinic is owned by me. Pinatayo ko ito noon dahil likas na mahilig ako sa mga hayop, katulad ng aso. I am also a businessman. I'm running a Handyman Business Company. Maliban doon ay isa rin akong licensed architect. Nagtapos ako ng Bachelor of Architecture in Italy, where my dad, Rocco, lives. Limang taon mahigit ang ginulgol ko upang makapagtapos sa kursong nais ko. My dad is also the owner of Pirromalli Services Corporation in Italy kaya hindi niya ito maiwan roon. Siya ang namamahala dahil hindi ko pa ito kayang hawakan sa ngayon, at isa pa ay may sarili akong negosyo na pinalalakad. Taga Italy si Daddy, nang magbakasyon doon si Mommy pagkatapos nitong makapagtapos ng pag-aaral dito sa Pilipinas ay doon sila pinagtagpo at nagkakilala. And that's where their love story started.Napangiti ako nang maalala ang kuwento ni Mom. Ever since ay hindi siya nagsasawa sa pagkukuwento niya sa akin ng love story nila ni Dad
Carlos' Pov I was sitting on the couch while checking on the little puppy. Every month ay dinadala sila rito ng mga amo nila or should I say, the family, for their monthly checkups. At dahil isang taon akong nawala ay dinagsa itong clinic ko. Nang malaman kasi nila na nakabalik na ako ay pumunta sila kaagad ng mansiyon at nagdala ng kung anu-ano bilang pa welcome sa akin. Na-miss rin daw ako ng mga alaga nila.Hinaplos ko ang ulo ng puppy na tila ba isa itong bata. "Good boy, healthy ka." Pagkausap ko rito."Thanks, doc!" nakangiting sabi sa akin ng may ari ng aso na hawak ko. "You're welcome, Mrs. Clinton." ganting sabi ko naman dito. Tumango ito at gumanti ng isang ngiti sa'kin.Akmang tatayo na ito pero mukhang may nakalimutan sabihin sa akin kaya muli itong naupo sa silya."By the way, doc, saan ka po pala pumunta at ang tagal mo naman bumalik?"Ngumiti ako kay Mrs. Clinton. Halos lahat ay iisa lang ang tanong sa akin. Kung saan ba ako pumunta at bakit matagal akong nakabalik.
Carlos' PovI dreamed about the woman I met in my clinic. Sa panaginip ko ay masaya kaming nagkukuwentuhan na dalawa. We also shared kisses, and we ended up making love in a dark room full of sensations.The woman called me Ubi, many times, and it was like my real name to her. Para bang iyon talaga ang pangalan ko. We are both happy, kitang-kita ko rin sa panaginip ang sarili ko na puno ako ng pagmamahal para sa kaniya. Hanggang sa bigla kong nakita ang sarili ko na iniwan ang babaeng nakatulog na dahil sa pagod mula sa mainit namin na p********k. Lumabas ako ng isang silid na walang lingon-likod. Ngunit bago ako tuluyan na makalayo ay narinig ko ang isang malakas na boses na siyang tumawag sa pangalan ko."Ubi!"Isang sikat ng araw na nagmumula sa bintana ang tumama sa mga mata ko dahilan upang magising ang diwa ko.Kinusot-kusot ko ang aking mga mata habang inaaninag ko ang silid na kinaroroonan ko.I'm in my room. Bumangon ako at ininat-inat ang katawan habang tinutungo ko ang bin
Makati Medical Hospital Jheanne's Pov Isang puting silid ang nakita ko nang imulat ko ang aking mga mata.Nasaan ako?Nagsimulang maglikot ang mga mata ko sa paligid at hinahanap ang taong huling nasilayan ko bago ako nawalan ng malay sa labas ng Café.Pero dumapo ang mga mata ko sa taong hindi ko inaasahan na narito ngayon at nakaupo sa gilid ng kama at nakangiting nakatingin sa akin."H-Hugo..." malat ang boses na sambit ko sa pangalan niya."How are you, Jhe? Bakit ka ba sinugod dito sa Hospital? Alam mo bang alalang-alala ako sayo?" Umangat ang kamay niya at hinaplos ang noo ko. "Iniwan ko nga ang meeting ko para puntahan ka dito." Nginitian ko si Hugo pero ang kabaliktaran niyon ay nalulungkot ako dahil ang taong hinahanap ko ay wala rito ngayon. Hindi kaya mas pinili niya ang babae niya kaysa sa akin? Naalala ko ang babaeng iyon, nakita ko na iyon sa Cebu. Pero sinabi ni Ubi na hindi niya ito kilala. Bakit siya nagsinungaling sa akin noon?Parang piniga ang puso ko sa isiping
Jheanne's Pov Nanlamig ang buong kalamnan ko at paulit-ulit na tumugtog sa aking isipan ang sinabi ni Ma'am Rosita.Kung si Ubi nga ay si Carlos at ito nga ang nawawala niyang anak ibig sabihin...May asawa na si Carlos...kasado na ito.Wala sa sarili akong napatayo habang binabalot ng sakit ang aking puso. Ang tatlong nakaupo ay naging isa ang tingin sa akin at binalot ng pagtataka kung bakit ako biglang napatayo.Si Ma'am Rosita ang unang nagsalita at pinigilan ako sa braso nang akmang tatalikuran ko silang tatlo."Hija, saan ka pupunta? Hindi pa tayo nagsisimulang kumain." pigil nito sa akin na may halong paghihinayang ang tono ng boses.Walang salita ang namutawi sa aking labi. Tulala ako at nagsisimula na rin mabasa ang aking mga mata dahil sa mga luha na lumalabas mula rito.Ang pagtanong ni Ma'am Rosita ay hindi ko na sinagot bagkus nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa tuluyan niyang bitawan ang braso ko. Bahala na kung iisipin niyang bastos ang pag-uugali ko, basta ang a
Pirromalli mansiyonForbes ParkCarlos' PovI was sitting in the chair next to my mom's chair while I'm holding a cup of coffee. Si mom ay nagkakape rin at kanina pa ito nakatulala. Siguro hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang sinabi ng lalaking iyon kahapon sa café. I heave a deep sigh. Maging ako ay napapaisip rin tungkol sa sinabi ni Hugo Makatarungan.Inalam ko ang tungkol kay Hugo. At napag-alaman ko na dati itong kasintahan ni Jheanne Estofa. Ikakasal na rin sila nang biglang hindi sumipot ang lalaki sa araw mismo ng kanilang kasal.May kung anong emosyon ang dumaan sa mga mata ko at dumirekta ito pababa sa dibdib ko nang maisip ko ang tungkol sa kanila, at hindi ko ito mapangalanan. Hindi ko rin alam kung saan iyon nanggaling. I shook my head and took a sip of my coffee. Sumulyap rin ako kay mom na ngayon ay nakatulala pa rin at sa tanim niyang bulaklak siya nakatingin.Inilapag ko ang tasa sa lamesa at marahan na tinapik ang balikat ni Mom. Nagulat pa ito at sa akin naba
Jheanne's PovNanatili akong nakatitig sa pintong nilabasan niya. Kanina pa siya nakaalis pero heto ako't nakatayo pa rin sa kinatatayuan ko at patuloy na tumutugtog sa isipan ang sinabi niya.Hahanapin niya raw ako.Mapait akong napangiti. Gagawin niya ba talaga iyon para sa akin?Pero papaano kung mauubos ako? Paano kung sa paghihintay ko sa kaniya na maalala ako ay ako naman itong makalimot sa kaniya?Bumuntonghininga ako. Ang bigat sa dibdib nitong mga natuklasan ko. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na magmamahal ako ng isang pulubi, pagkatapos ay malalaman kung may amnesia pala ito, at iiwan na lang ako bigla dahil burado na ako sa isipan niya nang bumalik ang tunay niyang alaala. Akala ko sa pelikula lang iyon nangyayari, pero hindi pala.Muling naglaglagan ang mga luha ko. Ang sakit na, pero talagang mahal ko si Carlos. Ganoon naman talaga siguro kapag nagmahal ka, kailangan mong magsakripisyo para sa taong mahal mo, kailangan mong umintindi sa abot ng makakaya mo, at ma
Santuario de San Antonio, ChurchForbes Park, Makati City The wedding Carlos' Pov Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako lumingon sa bukana ng Simbahan, hinihintay na pumasok roon ang pinakamamahal kong si Jheanne. Panay rin ang baling ko sa relong pambisig, tinitingnan kung anong oras na. At sa tuwing dumadagdag ang bawat pagpatak ng oras ay lalo akong kinakabahan. Naranasan ko nang ikasal noon; kay Christina, pero masasabi kong kakaiba itong nadarama ko ngayon—sa araw ng kasal namin ni Jheanne.Narito na ang lahat, mga taong mahalaga sa buhay namin. Family, friends, at ilan sa mga kasosyo namin sa trabaho. Nandito rin si Hugo, kasama ang fiancé nitong italyana. Ang anak kong si Hope ay kina Mommy Anne at Mommy Rosita, silang dalawa ang nagsasalitan sa pagbubuhat sa kaniya.Si Jheanne na lang ang hinihintay naming lahat, para masimulan na ang kasal.Ang kasal na matagal ko nang pinaghandaan nang mga panahong nasa Italy pa si Jheanne. Simula kasi ng bumalik ang alaala ko ay
5 months laterJheanne's Pov Mahigit isang oras kong sinayaw-sayaw si Hope para makatulog lang ito. At sa wakas ay nailapag ko rin siya sa loob ng kaniyang crib. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang pangangalay ng balikat ko. Initaas ko ang braso at ininat-inat iyon. Habang minamasahe ko ang balikat ko ay napatingin ako kay Hope.Napangiti ako nang mapagmasdan ang mahimbing na pagtulog ng aking anak. Akalain mo nga naman na hindi ka marunong sumayaw o kumanta pero kapag nagkaanak ka na lahat ay makakaya mong gawin. Hope is now five months old. At nakabalik na rin kami ng Pilipinas. Unang araw namin ito sa Pilipinas. Kagabi kami dumating at nine pm. Sina mommy at daddy ang sumundo sa'min ni Hope sa Italy. Si Hugo naman ay nagpaiwan na sa Italy dahil buntis si Shania. Gusto nitong sumama pauwi at ihatid kami ni Hope pero ako na mismo ang nagpresinta na huwag na lang at alagaan nalang niya si Shania dahil medyo maselan itong magbuntis. Pero hinatid niya pa rin kami ni Hope sa airport
Milan, Italy Jheanne's Pov Mula sa isang mahimbing na pagtulog ay naalimpungatan ako dahil sa tunog na narinig ko mula sa pintoan sa main door.Sa isiping si Hugo iyon ay kaagad nabuhay ang inis sa dibdib ko."Istorbo!" naiinis kong sambit.Mula sa kama ay dahan-dahan akong bumangon at bumaba. Habang palabas ng pinto ng kuwarto ay napapahikab pa ako. Nabitin ang tulog ko at naiinis ako kay Hugo!Ano naman kaya ang kailangan niya? Ang pagkakaalam ko kasi ay lumabas sila ni Shania at namasyal. Iyon kasi ang paalam niya kani-kanina lang. Tapos na ba kaagad ang date nilang dalawa?Tamad akong naglakad patungo sa sala upang buksan ang pintoan roon. Ngunit sa pagbukas ko ay isang bonguet ng bulaklak ang siyang sumalubong sa mukha ko na hawak ng isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil natatabunan ito ng bulaklak."Fiori per lei signora," (Flowers for you madame)Napamaang ako. Hindi ko inabot ang bulaklak bagkus hinawi ko iyon upang makita ko ang mukha ng lalaki.He's not familiar
Handyman CompanyMakatiCarlos' Pov"Sir, heto na po ang mga papeles na pipirmahan niyo. At remind ko lang po ang meeting mo mamaya kay Mr. Mendez at 1 pm."Tsk!Papeles!Meeting!Wala na bang katapusan 'to?Nakasimangot kong binalingan si Julio. Ang bago kong sekretarya."Baka mayroon pa huwag ka na mahiya, itambak mo na lahat sa lamesa ko." makahulugang turan ko rito habang nakasimangot ang aking mukha.Mahina itong natawa saka napailing. Ipinatong nito ang mga papeles sa lamesa ko at naupo ito sa isang silya kaharap ng lamesa ko."Natural lang iyan, sir, ikaw ang may ari ng kompanyang ito e, kaya nakasalalay sayo ang lahat.""Tsk!" Muli akong napasimangot. In the past 5 months ay wala na akong ibang inatupag kundi trabaho...trabaho...trabaho! "Mabilis kang tatanda niyan, sir." natatawang komento ni Julio."Shut up and leave my office!" Natawa lang ito sa sinabi ko. Ganoon naman siya palagi e, pasalamat siya at pamangkin ko siya dahil kung hindi matagal na siyang tanggal sa trab
Milan, Italy 5 months afterJheanne's Pov "Quanto?" (How much?)Tanong ko sa tindera na nagtitinda sa prutasan dito sa Fruit market sa Milan. Ang tinutukoy ko sa kaniya ay ang ubas na hawak ko ngayon at sinisimulan ko nang kainin kahit hindi ko pa ito nababayaran.Napangiti sa akin ang italyanang tindera. Suki na ako nito sa mga paninda niyang prutas kaya sa tuwing nilalantakan ko ang mga paninda niya kahit hindi ko pa nababayaran ay wala na lang iyon sa kaniya. Alam naman kasi niya na babayaran ko ang mga nakakain ko."C'è un prezzo, tesoro." (There's a price, honey) wika nito sabay turo sa mga preso sa bawat prutas na naka-display.Mahina akong natawa bago ko muli isinubo ang isang grapes. Saka na ako nagsalita nang matapos ko na itong nguyain at lunokin. "Sto scherzando." (I'm kidding) ani ko.Napailing-iling na lang sa akin ang italyanang tindera.Kumuha ako ng mga prutas na gusto ko at inilagay ito sa isang tray. Sa dami ng mga nasa harapan ko ay hindi ko na alam kung ano ang u
Garzon Healthcare Makati Second sessionCarlos' Pov Before leaving her condo last night I told her to wait for me no matter what. Sinabi ko rin sa kaniya na kung puwede ay iwasan niya si Hugo Makatarungan. Tinanong niya ako kung bakit, hindi ko masagot dahil bakit rin ang tanong ko sa aking sarili.Nakakatawa lang isipin pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng inis nang makita kong magkasama sila ni Hugo at nagyakapan pa.Ilang oras ba akong naghintay sa kaniya sa labas ng condo unit niya? Sa tingin ko ay apat na oras. Apat na oras akong naghintay dahil gusto ko sana siyang maka-usap, pero dahil wala pa siya ay doon na muna ako tumambay sa isang bar malapit sa condo building. Nagsimula ako sa isang bote ng beer, hanggang sa ang isa ay dumami na at hindi ko na mabilang kung ilan ang naubos ko. Bumalik ako sa condo unit niya after a few hours, and there, I saw them hugging each other.May kung anong tumulak sa akin na sugurin ang mga ito pero hi
Jheanne's Pov The moment I heard what he said, my heartbeat stop from beating. Pakiramdam ko ay kinakapusan ako ng paghinga, ayaw mawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya at hanggang ngayon ay patuloy ito sa pagtugtog sa pandinig ko."Si Christina lang ang mahal ko at hindi na ako magmamahal pa ng iba!"Those words still play like music in my head.Nakakabingi.Kahit narito ako ngayon sa isang park at maraming tao ang namamasyal at nag-iingay ay walang sinabi ang ingay nila sa ingay ng mga salitang sinabi ni Carlos na tumatak sa isipan ko.I wiped the tears that keep on streaming down my face. Hindi na yata ito maampat pa. Wala na yatang katapusan ang mga luha ko, hindi nauubos.Napabaling ako sa isang kamay na may hawak na panyo at nakalahad sa akin. Bumuntonghininga ako bago ako nagtaas ng tingin upang salubungin ng tingin ang nagmamay-ari niyon."Take it or else ako ang gagawa." anito.Napangiti ako sa sinabi niya. Kinuha ko rin ang panyo na bigay niya sa akin."Wala ba
Carlos' Pov Napamulat ako ng mga mata at marahas na napabangon."Carlos!" Narinig kong bulalas ni Ninong Esmael. Napabaling ako rito at nabakas ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Humingi ako ng paumanhin sa kaniya. "Pasensya na po, ninong, pero kailangan ko ng umalis ngayon din." wika ko at kaagad na tumalikod."Teka, saan ka naman pupunta? Why are you in a hurry? May naalala ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Mabilis itong naglakad papalapit sa akin. "Okay ka lang ba, Carlos? Sa itsura mong iyan alam kong galit ka, sino ba ang kaaway mo?" Napatiim-bagang ako at nakuyom ko ang aking mga kamao ng mahigpit.Ang babaeng iyon!Ano ang kasalanan ni Christina sa kaniya at nakaya niya itong patayin! She's a murderer!Binalingan ko muli si Ninong. Wala na akong panahon na magpaliwanag pa. Kailangan kong puntahan si Mia ngayon din at magtutuos kaming dalawa!"I'm sorry po ninong pero saka na ako magpapaliwanag sayo.""Carlos—"Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Mabilis na
Garzon Healthcare Makati Carlos' Pov Nasa loob ako ng isang kuwarto at ako lang ang naroon, at si Ninong Esmael. Dilaw ang pintura ng dingding nito na may nakasabit na iba't ibang klase ng frame. Maaliwalas rin ang silid na ito at masasabi ko talaga na komportable ito sa pakiramdam.Si Mommy naman ay naghihintay lang sa labas. Sigurado naman ako na hindi rin siya mabuburyo dahil nakabukas naman ang tv sa labas at may malilibangan naman siya habang narito naman ako sa isang silidna ito.Today is my first day of the session. At naniniwala ako na may maalala ako ngayong araw na ito."Are you ready, hijo?" ani ni Ninong Esmael sa akin. Nakaupo siya sa couch na nasa harapan ko mismo. Sa isang tabi ay may isa pang pahaba na sofa, at sa tingin ko ay doon ako hihiga mamaya.Kaagad naman akong tumugon sa tanong niya. "I am." Tumango at ngumiti si Ninong Esmael sa akin."Lay on that sofa bed." utos sa akin ni Ninong Esmael habang iminusra ang sofa bed.Wala na akong sinayang pa na panahon,