Share

APKF-26

Jheanne's Pov

Magkahawak-kamay kami ni Ubi habang binabagtas namin ang daan papasok sa loob ng SM Mega Mall. Nakasuot ako ng mini dress na off-shoulder na bumagay sa maputi kong balat at sa mahubog kong katawan, at pinaresan ko ito ng puting sapatos, habang nakasuot naman ng simpleng polo shirt si Ubi at cargo shorts naman ang pang ibaba nito. Katulad ko ay kulay puti rin ang kaniyang sapatos, na ako rin ang bumili para sa kaniya

Kung titingnan ay para kaming magnobyo na dalawa dahil sa ka-sweet-an namin. Idagdag pa na minu-minuto yata ay hinahalikan ako ni Ubi. Hindi ko rin magawang tumanggi dahil gusto ko rin ang kaniyang ginagawa.

"Baby, punta tayo doon." ani niya sabay turo sa isang Photo Booth.

Napangiti ako at kaagad na napantango, "Sige ba! Kuha tayo ng picture!"

Ako pa mismo ang humila sa kaniya palapit roon dahil masyado akong na-excite. Natatawa na lamang siya sa akin at sa ginawa kong paghila sa kaniya.

Pagkarating namin sa Photo booth ay occupied pa ito kaya naghintay mu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neonita De Leon
Sino kaya ang nawawalang anak ni Ms Rosita? Exciting!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status