Jheanne's Pov
Matapos kong i-post sa social media account ko si Ubi at ang mga litrato namin ay inulan ako ng mga komento.Aba't may bago kaagad?May reserved ganoon?Ang bilis naman niyang magpalit!Baka matagal na niyang jowa iyan?Hindi kaya iyan ang dahilan kaya hindi siya sinipot ng nobyo niya sa kasal nila?Taksil rin siya!Ilan iyon sa mga komentong nabasa ko. Nasaktan ako, oo. Sino ba naman ang hindi masasaktan kong iyan ang tingin ng mga tao sayo? Na matapos kang lokohin ng nobyo mo at ipagpalit sa bestfriend mo ay pag-iisipan ka pa ng masama. At ang dating ay parang ang landi-landi ko pa.Well, ginusto ko itong palabas na ito kaya dapat lang na harapin ko ito. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin sa akin, basta ako at si Hugo, alam namin ang totoo. At speaking of gagong iyon, nakita niya kaya ang post ko? Sa pagkakaalam ko ay friend pa rin kami sa account ko. Pero depende rin, malay ko ba kung block na ako sa kaniya.Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ang post ko? Naipilig ko ang ulo ko sa isiping iyon. Kumukulo ang dugo ko sa kaniya, at kapag nagkita kami, sasapukin ko talaga ang pagmumukha niya! Baka sa mga sandaling ito ay masayang-masaya na sila ni Jana. Habang ako? Heto at parang basang sisiw, iniwan sa ere at wasak ang puso!Pinahid ko pa ang luha sa pisngi ko. Ang sakit talaga, kahit anong gawin ko ay masakit pa rin. Iyong hindi niya pagsipot sa akin sa kasal namin kanina ay hindi mawala-wala sa isipan ko. Siguro habang-buhay na iyong tatatak sa puso ko. Napasinghot-singhot pa ako."Gago ka talaga, Hugo Makatarungan. Saka hindi bagay sayo ang apelyedo mo! Dapat Hugo Manloloko, iyan dapat!" inis at umiiyak kong sambit.Ngunit napakislot pa ako sa kinahihigaan ko nang may marinig ako.Nakarinig ako ng malakas na kalabog sa sala. Parang may nahulog na bagay at nabasag ito. Dali-dali akong bumangon upang puntahan ito dahil doon natutulog si Ubi.Naka-dim ang ilaw sa sala, naglakad ako patungo sa may sofa."Ubi?" tawag ko sa kaniya ngunit wala akong sagot na natanggap mula sa kaniya.Nakita ko siyang nakahiga sa sofa at panay ang pabaling-baling niya sa kinahihigaan niya. Umuungol rin ito at sa tantiya ko ay nananaginip. Nilapitan ko siya at pinagmasdan. Nakita ko rin ang vase na nahulog sa lapag, iyon ang nabasag kanina. Siguro nasagi ng braso niya."D-Don't...l-leave m-me...p-please–"Nangunot ang noo ko. Kahit sa pagtulog ay nag-e-english siya. Napansin ko rin na may nahulog na luha sa gilid ng mga mata niya."Ano ba ang panaginip mo, Ubi? Bakit parang ang sakit naman yata?" bulong ko habang titig na titig ako sa kaniya.Paulit-ulit niyang sinasambit ang sinabi niya kanina at habang patagal nang patagal ay lalong dumadami ang luha na tumutulo mula sa mga mata niya. Hindi na ako nakatiis at tinapik ko na siya sa braso niya."Ubi, wake up. You're having a nightmare," yugyog ko sa may balikat niya.Nagmulat siya ng mga mata, at nagtagpo ang mga tingin namin. Nagulat pa ako ng bigla na lamang niya akong hapitin sa bewang kaya nawalan ako ng balanse mula sa pagkakatunghay ko sa kaniya, at bumagsak ako sa ibabaw niya."Ubi!" naibulalas ko.Hawak niya ng mahigpit ang bewang ko, at ako naman ay nakayakap na sa kaniya."Huwag kang umalis! Huwag mo akong iwanan!" humihikbi niyang d***g sa may dibdib ko. Oo, nakasubsob ang mukha niya sa gitnang dibdib ko at hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha sa posisyon naming dalawa. Malakas rin ang pagtambol ng dibdib ko at hindi ko alam kung para saan iyon.Pilit akong kumalas sa kaniya, ngunit lalo lamang niyang hinigpitan ang pagyakap sa bewang ko."Ubi, bitawan mo ako. Hindi talaga ako aalis dahil condo ko ito! Ikaw ang papaalisin ko rito kapag hindi mo pa ako bitawan!" wika ko na may pagbabanta sa kaniya.Naramdaman ko na unti-unting lumuwag ang pagyakap niya sa akin, hanggang sa tuluyan niya akong pakawalan.Napabuga ako ng marahas na hangin nang makaalis ako sa kaniya. Naupo ako sa may center table at tiningnan siya. Nakaupo na siya ngayon sa sofa at pawis na pawis."Ano ba kasi ang panaginip mo ha? Kung makayakap ka kasi sa akin parang susunduin ka na ni Kamatayan." ani ko.Napayuko siya at nasapo ang kaniyang noo. Pawis na pawis siya, at dahil wala siyang pang-itaas na damit ay kitang-kita ko ang pawisan niyang dibdib. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil likas talaga na mamasel-masel ang katawan niya. Lalo tuloy akong napapaisip kung saan ba siya galing? Kung ano ba siya dati bago siya naging ganito ngayon."Ubi? Ano, okay ka lang ba? Ano ba ang napanaginipan mo?" aniya ko.Nag-angat siya ng tingin sa akin. Muli ay nagtagpo ang mga mata namin. Ang lungkot ng mga mata niya, tila ba may matindi siyang pinagdadaanan."B-Babae...p-patay siya." garalgal ang boses na sagot niya sa tanong ko."Babae? Patay? Naku, huwag mo ng pansinin iyon, Ubi. Panaginip lang iyon. Saka, nanood kasi tayo ng n*****x kanina e. Iyong tungkol sa mga biktima niya na ginagawa niyang souvenir, at pinapasok sa blue na drum kaya siguro nanaginip ka ng ganiyan," natatawa ko pang saad.Tumango-tango naman siya at muling napayuko."Paano, matulog ka na riyan dahil papasok na rin ako sa silid ko," Tumayo na ako at tinapik pa ang balikat niya. Ngunit akmang tatalikod ako nang hawakan niya ang palad ko, kaya muli akong napabaling sa kaniya."Bakit, Ubi?" tanong ko sa kaniya. Tumayo siya kaya sa dibdib nalang niya ako nakatingin, need ko pang tumingala. Paano ang tangkad kasi talaga niya at ang laking tao pa."Puwede ako tulog sa tabi mo?" wika niya na nakatunghay sa akin.Napatanga ako sa sinabi niya. Napaawang rin ang bibig ko. Diyos ko, wala pang lalaki na nakatabi sa akin sa pagtulog maliban sa daddy ko noong bata pa ako. Kahit si Hugo ay never na nakatabi sa akin sa pagtulog kahit nobyo ko siya."Please..." ungot pa niya. Bakas sa tono ng pananalita niya ang pagmamakaawa.Saka bakit parang hindi ko siya matanggihan? Napakamot ako sa ulo ko. Ano ba itong napasok ko?Mukhang first time ko yatang matulog na may lalaking katabi, at pulubi pa!"Naku dito ka nalang matulog, Ubi. Malikot ako matulog baka matanggalan ka pa ng ngipin dahil sa akin," palusot ko.Lumungkot ang anyo niya at napayuko ulit ito. Para siyang bata na nagtampo dahil hindi pinagbigyan sa gusto nito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Binalingan ko ang sofa na higaan niya. Maliit iyon sa tulad niyang matangkad at malaking tao. Mukhang hindi siya makakatulog ng maayos roon. Naawa naman ako sa kaniya.Napabuntonghininga ako. Pinagmasdan ko siya. Kapagkuwan ay bumuka ang bibig ko para kausapin siya."Sige na nga. Doon ka na matulog sa tabi ko, pero maglalagay ako ng harang sa pagitan natin ha?"Napaangat siya ng ulo at kaagad na lumiwanag ang mukha."S-Salamat," sambit niya."Oh, siya. Halika na at matutulog na tayo." Hinawakan ko siya sa braso at hinila papunta sa silid ko.Inayos ko rin ang higaan namin ng makapasok kami. Naglagay ako ng ilang unan sa pagitan ng higaan namin. At dahil malapad naman ng kama ko ay tiyak ko naman na hindi magdidikit ang mga katawan namin. Nahiga na ako sa kama, at tinuro ko rin sa kaniya kung saan siya hihiga."Lay down na dahil papatayin ko na ang ilaw." utos ko sa kaniya.Tumango siya at nahiga na rin.Kinuha ko naman ang remote control ng ilaw, at in-off ito.Mula sa madilim sa silid ay rinig ko ang paghinga ni Ubi. Ewan ko ba pero wala akong maramdaman na takot mula sa kaniya. Hindi ko siya lubusang kilala pero narito siya at iisang kama ang hinihigaan namin.Baka bigla na lang niya akong sakalin mula sa mahimbing na pagtulog ko? O 'di kaya'y pagsasaksakin?Naipilig ko ang ulo ko. Tiwala ako kay Ubi na hindi niya iyon gagawin sa akin.Alam kong mabuting tao siya, at ramdam ko iyon. Hindi ko rin maiwasang matawa sa mga pinanggagawa ko. Matapos kong dalhin sa condo ko ang pulubi na ito, at ipakilala sa mga magulang ko na fiancé ko siya, ngayon naman ay katabi ko na siya matulog.Ang bilis ng pangyayari. Kasing bilis ng pag-iwan sa akin ni Hugo Manloloko!Jheanne's PovNagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa may puson at dibdib ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata upang tingnan ang bagay na nakapatong sa katawan ko. Ngunit ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ko si Ubi. Nakadantay ang mahahaba niyang bias sa puson ko, at nakasiksik naman ang mukha niya sa may kilikili ko habang ang braso niya ay nakayakap sa dibdib ko."Waaaaaah!" malakas kong sigaw sabay sampal sa braso niya, at marahas na bumangon. Nagulantang siya sa ginawa ko at napaupo sa kama na natutulala. Samantalang napalundag naman ako at nag-iinit ang pisngi na napapatayo sa gilid ng kama. "Bakit ka nakayakap sa akin, Ubi, huh? Manyak ka no?" singhal ko sa kaniya. Napayakap ako sa aking sarili.Walang buhay ang mga mata niya na binalingan ako. Umiling siya, hindi sang-ayon sa sinabi ko."Hindi ako manyak...malamig kasi–" aniya sabay yuko.Nakaramdam naman ako ng pagkapahiya sa sinabi ko sa kaniya kanina. Hindi ko dapat iyon sina
Jheanne's PovNang balingan ko si Hugo ay nakita kong naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa amin ni Ubi. Lihim akong nagdiwang sa naging reaksyon niya."Hugo, Jana, meet my fiancé. Ubi!" nakangiting untag ko sa kanila. Lalong naningkit ang mga mata ni Hugo sa sinabi ko.Thankful talaga ako at narito si Ubi. Nakayanan ko silang harapin ngayon. Hinawakan ko sa braso si Ubi at idinikit ang katawan ko sa kaniya, at taas noo silang tiningnan isa-isa. Ang mukha ng dati kong bestfriend ay masama ang tabas sa akin. Ano naman ngayon? Tsk!Binalingan ko rin si Ubi. Tahimik lamang siya at nakatitig sa kawalan. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at sinadya kong palambingin ang boses ko."Baby, alis na tayo? Nagugutom na ako e," malambing kong sabi sa kaniya.Tiningnan niya ako at tumango siya. "Okay!" "Goodbye guys!" ani ko sa dalawang natigilan. Magsasalita pa sana si Hugo pero hinila na ako ni Ubi palabas ng building. Maigi na rin iyon dahil hindi ko na kaya ang presensya ng d
Hugo's Pov"Shit!" Inis kong ibinalibag ang laptop na hawak ko. Hindi ako makapag-concentrate dahil sa nangyari kanina. How dare he kissed Jheanne?"Argh!" Naihilamos ko ang palad sa mukha. Ang tagal kong hinintay na mahalikan ang labing iyon, tapos nauwi lang sa iba? Ang lalaking iyon lang makikinabang?I tried to search about the guy on the internet but I found nothing! Sino ba siya? May kakaiba akong nararamdaman sa lalaking iyon. Something strange. Gusto kong malaman ang tungkol sa kan'ya pero kulang ako sa kaalaman. Ni hindi ko alam ang full name niya."Ubi? How fuck that name!" Kinuha ko ang beer ko na inilapag kanina sa lamesa at tinungga. Hindi ko maiwasang mainis. I think hindi naman ako nagseselos, I just can't accept the fact that after I ran away to our wedding day ay kaagad siyang nagka-fiancé? Nang ganoon ka bilis? Kilala ko si Jheanne, hindi siya kaagad nagtitiwala sa isang lalaki lalo na kung kakakilala niya lang dito. At sa loob ng walong taon naming mag-nobyo ay si
Jheanne's PovHindi ko maintindihan pero ang weird ng paligid ngayon. Ang tahimik. Simula ng dumating kami ni Ubi galing sa pamamasyal at naabutan namin si Hugo sa labas ng unit ko kanina ay heto kami ni Ubi ngayon, hindi nagpapansinan.Nakaupo siya sa sofa at nanonood ng tv at heto ako sa dining nakaupo at nakatulala. Sinubukan ko naman siyang kausapin kanina pero hindi niya ako pinapansin. Naroon na naman siya sa sariling mundo niya. At ayaw ko naman siyang istorbuhin.I heard my phone ringing, at nasa sala iyon. Sa center table na nakaharap kay Ubi. I was about to come there to get my phone pero bigla na lamang sumalubong sa akin si Ubi sa bukana ng dining at hawak nito ang phone ko. Ibinigay niya ito sa akin at nginitian ko siya habang tinatanggap ko iyon. "T-Thanks Ubi..." Hala bakit ba ako nauutal?Walang salita na namutawi sa labi niya, basta na lamang siya tumalikod at bumalik sa kinauupuan niya. I heave a sigh, ano ba ang problema niya?Bakit bigla yata siyang naging suplado
Jheanne's PovSinundo kami ni Mommy Anne sa condo ko. Siya ang napagbuksan ni Ubi kanina. Ang akala raw nito ay may nangyayaring hindi maganda kaya kaagad siyang nagpahatid dito. Well, may mangyayari talaga sana sa pagitan namin ni Ubi kung hindi dumating si Mom!Mabuti na lang dumating si Mommy kaya hindi natuloy ang paghalik sa akin ni Ubi. My god! Speaking of him, napatingin ako sa kaniya. Nakaupo siya sa tabi ni Dad at tahimik na kumakain. Alam mo iyon, isa siyang pulubi pero kung umasta ay napaka-professional. Hindi ko tuloy maalis ang mga mata ko sa kaniya. Nawiwili akong pagmasdan siya."Hija, hindi mo ba nagustuhan ang mga niluto ko?" nag-awtomatikong lumipat ang titig ko kay Mom."Hindi ka mabubusog sa paninitig mo na iyan, anak." Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi sa makahulugang sinabi ni Dad. Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit ang magkabila kong pisngi dahil nasa akin ang mga tingin nila.Tumikhim ako at pinalabas ang napakaganda kong ngiti. Una kong binalingan ay si Momm
Jheanne's Pov Isa sa mga luxurious hotel sa Mactan Cebu kami nag-stay ni Ubi. Ang totoo niyan ay doon dapat kami magho-honeymoon ni Hugo subalit hindi nga natuloy, at sayang naman kung mauuwi lang sa lahat ang ginastos ng mga magulang ko para sa bakasyon na iyon. Sila kasi ang gumastos niyon, at nag-proseso. Regalo nila iyon sa akin dahil matagal ko na talagang gusto pumunta sa lugar na ito, hindi lang nagkaroon ng oras dahil abala ako sa aking trabaho. Kaya naman laking tuwa ko nang i-anunsiyo ni Mommy at Daddy na sagot nila ang honeymoon vacation namin ni Hugo sa Shangri-La Hotel, Mactan Cebu. Iyon nga lang, hindi na si Hugo ang kasama ko ngayon kundi ang peke kong fiancé, si Ubi.Nang dumating kami dito at maipasok ang aming mga bagahe sa hotel room na inuukupa ay inaya ko kaagad si Ubi na kumain sa Cowrie cove. Isa itong seafood restaurant na nasa Shangri-La Hotel lang din.Nakaupo kami ni Ubi sa magarang upuan na pang-dalawahan habang hinihintay ang mga pagkain na in-order namin
Jheanne's Pov Nakahiga ako sa dalampasigan at hinahayaan na pumaroo't pumarito ang tubig sa aking mga binti, habang hinihintay kong dumating si Ubi. Nagpalit pa kasi ito ng damit kanina, ayaw kasi niyang maligo sa dagat at hindi naman ako pumayag na ako nalang mag-isa ang maliligo kaya pinilit ko siya nang pinilit hanggang sa napasunod ko ito.Nakatingala ako sa kalangitan habang naka-unan ang braso ko sa aking uluhan. Hindi pa gaano mataas ang sikat ng araw dahil alas sais pa lamang ng umaga. Isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw maligo ni Ubi, dahil gusto pa nitong matulog.Napangiti pa ako nang maalala ang nakasimangot niyang mukha kanina. "Ang cute lang!" nakangiti kong sambit habang nakatitig sa langit. Nasa ganoon akong sitwasyon nang bigla ay napalitan ng mukha ni Ubi ang kalangitan. Nagmistulang tumigil ang paligid ko nang mapatuon ang mga mata ko sa kaniyang guwapong mukha. Nakatunghay siya sa akin at pabaliktad ang aming posisyon. Mula sa ilalim ay kitang-kita ko ang hugis
Jheanne's PovNaipikit ko na lamang ang aking mga mata at sabay nanalangin na hindi ituloy ni Hugo ang binabalak nito sa akin. Naubusan na rin ako ng lakas manlaban, walang saysay rin naman ang lakas ko sapagkat malakas siya. Habang pikit ang mga mata, isang tao ang naisipan kong tawagin sa aking isipan.Ubi!And then, someone pulled Hugo away from my body."You idiot!" An enraged voice filled the whole room.Napamulat ako ng mga mata at kaagad na hinanap niyon ang may ari ng boses."Ubi!" I shouted his name.Parang may bagay na binunot sa dibdib ko nang makita ko siya. He's my savior!My Angel!Hawak niya ang leeg ni Hugo. He flamed up! At sa tingin ko ay hindi siya mangingiming pilipitin ang leeg ng lalaki."She's mine!" sigaw ni Hugo.Umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Aba ang walang hiya may pa she's mine pang nalalaman matapos akong iwanan at ipagpalit sa bestfriend ko, at muntikan pang pagsamantalahan!"Basagin mo ang mukha niya, Ubi!" Sa galit ko ay nasabi ko iyon.Ngunit nag
Santuario de San Antonio, ChurchForbes Park, Makati City The wedding Carlos' Pov Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako lumingon sa bukana ng Simbahan, hinihintay na pumasok roon ang pinakamamahal kong si Jheanne. Panay rin ang baling ko sa relong pambisig, tinitingnan kung anong oras na. At sa tuwing dumadagdag ang bawat pagpatak ng oras ay lalo akong kinakabahan. Naranasan ko nang ikasal noon; kay Christina, pero masasabi kong kakaiba itong nadarama ko ngayon—sa araw ng kasal namin ni Jheanne.Narito na ang lahat, mga taong mahalaga sa buhay namin. Family, friends, at ilan sa mga kasosyo namin sa trabaho. Nandito rin si Hugo, kasama ang fiancé nitong italyana. Ang anak kong si Hope ay kina Mommy Anne at Mommy Rosita, silang dalawa ang nagsasalitan sa pagbubuhat sa kaniya.Si Jheanne na lang ang hinihintay naming lahat, para masimulan na ang kasal.Ang kasal na matagal ko nang pinaghandaan nang mga panahong nasa Italy pa si Jheanne. Simula kasi ng bumalik ang alaala ko ay
5 months laterJheanne's Pov Mahigit isang oras kong sinayaw-sayaw si Hope para makatulog lang ito. At sa wakas ay nailapag ko rin siya sa loob ng kaniyang crib. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang pangangalay ng balikat ko. Initaas ko ang braso at ininat-inat iyon. Habang minamasahe ko ang balikat ko ay napatingin ako kay Hope.Napangiti ako nang mapagmasdan ang mahimbing na pagtulog ng aking anak. Akalain mo nga naman na hindi ka marunong sumayaw o kumanta pero kapag nagkaanak ka na lahat ay makakaya mong gawin. Hope is now five months old. At nakabalik na rin kami ng Pilipinas. Unang araw namin ito sa Pilipinas. Kagabi kami dumating at nine pm. Sina mommy at daddy ang sumundo sa'min ni Hope sa Italy. Si Hugo naman ay nagpaiwan na sa Italy dahil buntis si Shania. Gusto nitong sumama pauwi at ihatid kami ni Hope pero ako na mismo ang nagpresinta na huwag na lang at alagaan nalang niya si Shania dahil medyo maselan itong magbuntis. Pero hinatid niya pa rin kami ni Hope sa airport
Milan, Italy Jheanne's Pov Mula sa isang mahimbing na pagtulog ay naalimpungatan ako dahil sa tunog na narinig ko mula sa pintoan sa main door.Sa isiping si Hugo iyon ay kaagad nabuhay ang inis sa dibdib ko."Istorbo!" naiinis kong sambit.Mula sa kama ay dahan-dahan akong bumangon at bumaba. Habang palabas ng pinto ng kuwarto ay napapahikab pa ako. Nabitin ang tulog ko at naiinis ako kay Hugo!Ano naman kaya ang kailangan niya? Ang pagkakaalam ko kasi ay lumabas sila ni Shania at namasyal. Iyon kasi ang paalam niya kani-kanina lang. Tapos na ba kaagad ang date nilang dalawa?Tamad akong naglakad patungo sa sala upang buksan ang pintoan roon. Ngunit sa pagbukas ko ay isang bonguet ng bulaklak ang siyang sumalubong sa mukha ko na hawak ng isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil natatabunan ito ng bulaklak."Fiori per lei signora," (Flowers for you madame)Napamaang ako. Hindi ko inabot ang bulaklak bagkus hinawi ko iyon upang makita ko ang mukha ng lalaki.He's not familiar
Handyman CompanyMakatiCarlos' Pov"Sir, heto na po ang mga papeles na pipirmahan niyo. At remind ko lang po ang meeting mo mamaya kay Mr. Mendez at 1 pm."Tsk!Papeles!Meeting!Wala na bang katapusan 'to?Nakasimangot kong binalingan si Julio. Ang bago kong sekretarya."Baka mayroon pa huwag ka na mahiya, itambak mo na lahat sa lamesa ko." makahulugang turan ko rito habang nakasimangot ang aking mukha.Mahina itong natawa saka napailing. Ipinatong nito ang mga papeles sa lamesa ko at naupo ito sa isang silya kaharap ng lamesa ko."Natural lang iyan, sir, ikaw ang may ari ng kompanyang ito e, kaya nakasalalay sayo ang lahat.""Tsk!" Muli akong napasimangot. In the past 5 months ay wala na akong ibang inatupag kundi trabaho...trabaho...trabaho! "Mabilis kang tatanda niyan, sir." natatawang komento ni Julio."Shut up and leave my office!" Natawa lang ito sa sinabi ko. Ganoon naman siya palagi e, pasalamat siya at pamangkin ko siya dahil kung hindi matagal na siyang tanggal sa trab
Milan, Italy 5 months afterJheanne's Pov "Quanto?" (How much?)Tanong ko sa tindera na nagtitinda sa prutasan dito sa Fruit market sa Milan. Ang tinutukoy ko sa kaniya ay ang ubas na hawak ko ngayon at sinisimulan ko nang kainin kahit hindi ko pa ito nababayaran.Napangiti sa akin ang italyanang tindera. Suki na ako nito sa mga paninda niyang prutas kaya sa tuwing nilalantakan ko ang mga paninda niya kahit hindi ko pa nababayaran ay wala na lang iyon sa kaniya. Alam naman kasi niya na babayaran ko ang mga nakakain ko."C'è un prezzo, tesoro." (There's a price, honey) wika nito sabay turo sa mga preso sa bawat prutas na naka-display.Mahina akong natawa bago ko muli isinubo ang isang grapes. Saka na ako nagsalita nang matapos ko na itong nguyain at lunokin. "Sto scherzando." (I'm kidding) ani ko.Napailing-iling na lang sa akin ang italyanang tindera.Kumuha ako ng mga prutas na gusto ko at inilagay ito sa isang tray. Sa dami ng mga nasa harapan ko ay hindi ko na alam kung ano ang u
Garzon Healthcare Makati Second sessionCarlos' Pov Before leaving her condo last night I told her to wait for me no matter what. Sinabi ko rin sa kaniya na kung puwede ay iwasan niya si Hugo Makatarungan. Tinanong niya ako kung bakit, hindi ko masagot dahil bakit rin ang tanong ko sa aking sarili.Nakakatawa lang isipin pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng inis nang makita kong magkasama sila ni Hugo at nagyakapan pa.Ilang oras ba akong naghintay sa kaniya sa labas ng condo unit niya? Sa tingin ko ay apat na oras. Apat na oras akong naghintay dahil gusto ko sana siyang maka-usap, pero dahil wala pa siya ay doon na muna ako tumambay sa isang bar malapit sa condo building. Nagsimula ako sa isang bote ng beer, hanggang sa ang isa ay dumami na at hindi ko na mabilang kung ilan ang naubos ko. Bumalik ako sa condo unit niya after a few hours, and there, I saw them hugging each other.May kung anong tumulak sa akin na sugurin ang mga ito pero hi
Jheanne's Pov The moment I heard what he said, my heartbeat stop from beating. Pakiramdam ko ay kinakapusan ako ng paghinga, ayaw mawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya at hanggang ngayon ay patuloy ito sa pagtugtog sa pandinig ko."Si Christina lang ang mahal ko at hindi na ako magmamahal pa ng iba!"Those words still play like music in my head.Nakakabingi.Kahit narito ako ngayon sa isang park at maraming tao ang namamasyal at nag-iingay ay walang sinabi ang ingay nila sa ingay ng mga salitang sinabi ni Carlos na tumatak sa isipan ko.I wiped the tears that keep on streaming down my face. Hindi na yata ito maampat pa. Wala na yatang katapusan ang mga luha ko, hindi nauubos.Napabaling ako sa isang kamay na may hawak na panyo at nakalahad sa akin. Bumuntonghininga ako bago ako nagtaas ng tingin upang salubungin ng tingin ang nagmamay-ari niyon."Take it or else ako ang gagawa." anito.Napangiti ako sa sinabi niya. Kinuha ko rin ang panyo na bigay niya sa akin."Wala ba
Carlos' Pov Napamulat ako ng mga mata at marahas na napabangon."Carlos!" Narinig kong bulalas ni Ninong Esmael. Napabaling ako rito at nabakas ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Humingi ako ng paumanhin sa kaniya. "Pasensya na po, ninong, pero kailangan ko ng umalis ngayon din." wika ko at kaagad na tumalikod."Teka, saan ka naman pupunta? Why are you in a hurry? May naalala ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Mabilis itong naglakad papalapit sa akin. "Okay ka lang ba, Carlos? Sa itsura mong iyan alam kong galit ka, sino ba ang kaaway mo?" Napatiim-bagang ako at nakuyom ko ang aking mga kamao ng mahigpit.Ang babaeng iyon!Ano ang kasalanan ni Christina sa kaniya at nakaya niya itong patayin! She's a murderer!Binalingan ko muli si Ninong. Wala na akong panahon na magpaliwanag pa. Kailangan kong puntahan si Mia ngayon din at magtutuos kaming dalawa!"I'm sorry po ninong pero saka na ako magpapaliwanag sayo.""Carlos—"Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Mabilis na
Garzon Healthcare Makati Carlos' Pov Nasa loob ako ng isang kuwarto at ako lang ang naroon, at si Ninong Esmael. Dilaw ang pintura ng dingding nito na may nakasabit na iba't ibang klase ng frame. Maaliwalas rin ang silid na ito at masasabi ko talaga na komportable ito sa pakiramdam.Si Mommy naman ay naghihintay lang sa labas. Sigurado naman ako na hindi rin siya mabuburyo dahil nakabukas naman ang tv sa labas at may malilibangan naman siya habang narito naman ako sa isang silidna ito.Today is my first day of the session. At naniniwala ako na may maalala ako ngayong araw na ito."Are you ready, hijo?" ani ni Ninong Esmael sa akin. Nakaupo siya sa couch na nasa harapan ko mismo. Sa isang tabi ay may isa pang pahaba na sofa, at sa tingin ko ay doon ako hihiga mamaya.Kaagad naman akong tumugon sa tanong niya. "I am." Tumango at ngumiti si Ninong Esmael sa akin."Lay on that sofa bed." utos sa akin ni Ninong Esmael habang iminusra ang sofa bed.Wala na akong sinayang pa na panahon,