Share

APKF-5

Author: Pusa
last update Huling Na-update: 2022-11-04 23:31:01

Jheanne's Pov

Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa may puson at dibdib ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata upang tingnan ang bagay na nakapatong sa katawan ko. Ngunit ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ko si Ubi. Nakadantay ang mahahaba niyang bias sa puson ko, at nakasiksik naman ang mukha niya sa may kilikili ko habang ang braso niya ay nakayakap sa dibdib ko.

"Waaaaaah!" malakas kong sigaw sabay sampal sa braso niya, at marahas na bumangon.

Nagulantang siya sa ginawa ko at napaupo sa kama na natutulala. Samantalang napalundag naman ako at nag-iinit ang pisngi na napapatayo sa gilid ng kama.

"Bakit ka nakayakap sa akin, Ubi, huh? Manyak ka no?" singhal ko sa kaniya. Napayakap ako sa aking sarili.

Walang buhay ang mga mata niya na binalingan ako. Umiling siya, hindi sang-ayon sa sinabi ko.

"Hindi ako manyak...malamig kasi–" aniya sabay yuko.

Nakaramdam naman ako ng pagkapahiya sa sinabi ko sa kaniya kanina. Hindi ko dapat iyon sinabi sa kaniya. Humulma rin ang palad ko sa may balat niya gawa sa malakas kong pagsampal roon.

"Pasensya na, Ubi, nagulat lang ako. Sige matulog ka na ulit." sambit ko.

Pero umiling siya sabay tayo. Naglakad ito palabas ng silid ko. Nakagat ko ang hintuturo ko habang sinusundan siya ng tingin. Hindi rin ako nakatiis, sinundan ko na rin siya.

"Ubi, sorry na!" habol ko sa kaniya.

Mukha kasing nasaktan siya sa sinabi ko.

Pumasok siya sa banyo, at pagkalabas niya ay nakahilamos na siya. Napabuntonghininga na lamang ako habang nakatingin sa kaniya. Habang nagmamasid ako sa kaniya ay napansin ko ang pagbabago ng kilos niya. Para bang experto siya sa bawat galaw niya sa loob ng condo ko. Iyon bang tila sanay ito. Napaawang pa ang labi ko nang kunin niya ang rice cooker, nagsaing siya. Tapos kumuha siya ng dalawang tasa at nilagyan iyon ng brewed coffee. Bawat galaw niya ay napapanganga ako. Nang balingan niya ako at i-abot sa akin ang tasa ay wala sa loob na tinanggap ko iyon. Pakiramdam ko ay nag-ibang tao siya. Hindi kaya dahil sa ginawa ko kanina sa kaniya? Baka nahiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya?

"Sino ka ba talaga, Ubi?" tanong ko sa kaniya.

Natigilan siya sa sinabi ko. Tiningnan niya ako, at napansin ko na napakunot siya ng noo. Hanggang sa unti-unti siyang napayuko at napahawak sa kaniyang noo. Napansin ko rin ang panginginig ng mga kamay niya.

"Ubi, okay ka lang?" Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso.

Nag-angat siya ng tingin, tinitigan niya ako. Hanggang sa umiwas siya ng tingin at mukhang nagulat pa ito sa hawak na tasa nang makita niya ito. Nangunot ang noo ko sa pag-iiba ng kilos niya.

"Ano ka ba, Ubi? Natatakot na ako sayo huh. Paiba-iba ka ng mood eh. Diyan ka na nga muna at maliligo lang ako. Aalis tayo ngayon, punta tayo ng opisina ko." naiiling kong wika. Iniwan ko siya sa kusina.

Nagtungo ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas ako ng kuwarto ko. Pinuntahan ko si Ubi sa kusina, naroon pa rin siya nakaupo at nakatulala. Hinayaan ko na lang siya. Nagluto na lang ako ng almusal namin.

"Kain na, Ubi. Aalis tayo ngayon. Magpa-file ako ng leave sa office. Kaya dalian mo na riyan." untag ko sa kaniya.

"Kailangan ko ba talaga sumama?"

Napabuntonghininga ako. "Oo, eh. Kailangan kita, Ubi. Kailangan ko ng makakasama upang kayanin na harapin ang lahat. Kailangan kong magpanggap na okay ako pagkatapos ng lahat ng nangyari. Kaya pakisamahan mo na lang ako ha. Magpanggap ka lang na nobya mo ako, Ubi, iyon lang ang hinihingi ko sayo. Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa lahat ng gusto mo." pahayag ko. Saglit siyang nag-isip pero kalaunan ay napatango rin.

Ngumiti ako, "Salamat, Ubi."

...

Papasok kami ni Ubi sa Affinity Manpower. Lahat ng mga tao na madadaanan namin ay napapatingin sa amin. Taas noo ako, at pinakita sa kanilang lahat na okay ako. Hinawakan ko pa ang braso ni Ubi, hindi siya tumutol. Diretso lang ang lakad niya. And guess what, ang guwapo-guwapo niya sa suot na polo shirt. Pinabili ko iyon sa katulong ko na naglilinis sa condo ko. Saktong maaga itong dumating kanina upang linisin ang unit ko nang magpasya ako na utusan itong pumunta sa malapit na Mall. Wala kasing damit si Ubi na magagamit kaya nagpabili na muna ako ng iilan, at mamaya na lang kami ulit magdagdag. Naka-polo shirt siya, pantalon na maong, at sapatos. Ang kisig niyang tingnan. Parang hindi na siya iyong pulubi na dinala ko sa condo ko.

"Good morning po, Ma'am Jhe!" Bati sa akin ng isa sa mga kasamahan ko na si Zsa. Tipid ko siyang nginitian.

Panay rin ang titig niya kay Ubi.

Alam kong gusto niyang magtanong sa akin, chismosa rin kasi ang isang 'to.

"Ma'am, kumusta na po kayo?" tanong pa sa akin ng isa ko pang kasamahan na engineer rin. Si Albie.

"I'm good. Nariyan ba si Boss?" balik-tanong ko sa kaniya. Tumango siya.

"Oo. At kasama niya si..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin.

Napabuntonghininga ako. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko. Mukhang alam ko na kasi ang taong tinutukoy niya. Si Hugo. Iisang company kaming tinatrabahuhan ni Hugo. Katulad ko ay engineer rin siya. Sa tingin ko ay siya ang kasama ni Boss sa opisina nito.

"Nasa loob ba si Hugo?" diretsang tanong ko kay Albie. Ni hindi nga ako nautal.

"Oo."

Nilagpasan ko si Albie. Hinawakan ko sa braso si Ubi at hinila. Dinala ko siya sa opisina ko at pinaupo muna sa isang silya ko roon.

Nanginginig ang katawan ko, knowing na narito si Hugo at alam kong magkikita kami. Hindi ko alam kong ano ang magagawa ko sa kaniya sa paghaharap namin na ito, pero isa lang ang naisip ko. Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Ipapakita ko sa kaniya na mabilis rin akong nakapag-move on.

Hindi ko namalayan na naiiyak na pala ako habang nakaupo ako sa couch ko. Napakurap nalang ako ng may kamay na humawak sa pisngi ko upang pawiin ang luha na iyon.

"U-Ubi..." sambit ko. Si Ubi ang may gawa niyon. Gamit ang palad niya ay pinahid niya ang luha ko. Napangiti ako.

"Huwag ka na umiyak." wika niya na titig na titig sa akin.

"Hayaan mo na ako, Ubi. Okay lang ako." ani ko. Muli siyang naupo sa kinauupuan niya kanina pero nanatiling nakatingin sa akin.

"Hindi ka okay," saad niya.

Nagpakawala ako ng isang pekeng tawa, "Okay lang ako. Basta galingan mo lang ang pagpapanggap ha."

Tumango siya. Inayos ko ang sarili. Nag-retouch rin ako dahil nahulas na ang light make-up ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Nang maramdaman ko na handa na ako ay binalingan ko si Ubi na tahimik lang na nakamasid sa akin. Kinuha ko na rin ang isang papel na ibibigay ko kay Boss para pirmahan niya.

"Dito ka lang ha, babalik ako kaagad." sabi ko kay Ubi.

"Sama ako," tugon naman niya. Umiling ako.

"Dito ka lang, kakausapin ko lang si Boss. Hintayin mo ako rito." Tumayo na ako at naglakad palabas ng opisina ko.

Hindi na sumagot si Ubi. Ilang beses akong humugot-buga ng hangin at marahas iyong ibinubuga bago ko katokin ang pinto ng opisina ni Boss.

Kahit nakatalikod ako sa karamihan ay alam kong nasa akin nakatitig ang mga mata nila. Marahil inaabangan nila ang mangyayari sa pagkikita namin ni Hugo ngayon. Naipikit ko ang aking mga mata, nang magmulat ay nagkatok ako.

Bumukas ang pinto, at bumungad sa akin si Boss Theo.

Napadta pa siya at halatang natigilan. Hindi niya siguro inaasahan na dadating ako. Bakas rin ang pag-aalala niya para sa akin.

"A-Anne," sambit niya sa palayaw na tawag niya sa akin.

"Magandang araw po, boss. I came here to talk to you." pormal na wika ko.

"But—"

"I don't care kong nariyan siya sa loob." putol ko sa sasabihin ni Boss. Alam ko kasi na sasabihin niyang nasa loob si Hugo.

Hindi ko na hinintay pang sumagot si Boss, ako na mismo ang pumasok sa loob ng opisina niya. Nilagpasan ko siya at nagtuloy-tuloy ako sa loob. At nang makita ko ang lalaki na siyang nangloko at nang-iwan sa akin ay napatigil ako sa paglakad. Nakaprente siyang nakaupo at halata pa ang saya sa mukha niya. Sumiklab ang galit sa puso ko, pero pilit kong kinalma ang sarili. Hangga't maaari ay ayoko na makita niyang nasasaktan ako sa ginawa nila. Ayokong ipakita na apektado ako kahit na ang totoo ay apektado talaga ako.

Tumikhim ako upang agawin ang atensyon niya. Napabaling siya sa akin. At nang makita niya ako ay ngumisi siya. Ni hindi man lang siya kinilabutan!

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kong kailan ba siya nagsimula sa panloloko niya sa akin. Hindi ko man lang napansin kasi, o sadyang magaling lang talaga siya magtago at magpanggap?

Tinaasan ko siya ng kilay, natawa naman ang gago! Naupo ako sa isang silya kaharap ng kinauupuan niya. Naupo rin si Boss Theo sa silya nito. Nate-tense si Boss sa pagitan naming dalawa ni Hugo, napansin ko iyon. Pinagpapawisan pa nga siya.

"Ah, Anne, ano ang sadya mo?" tanong sa akin ni Boss.

Tumikhim ako bago nagsalita ng pormal. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil nasa tabi ko lang si Hugo. Kumukulo ang dugo ko sa kaniya, gustong-gusto ko siyang suntokin ngayon.

"Kalma, Jhe, hindi ako nangangain," komento ni Hugo na binuntutan pa ng pagtawa. Nakuyom ko ang aking kamao. Paano niya nagagawang maging kalmado matapos ng lahat?

Sinuway ito ni Boss pero patuloy lamang ito sa pagtawa.

"Hindi rin naman ako magpapakain sayo, gago!" wika ko sa kaniya. Natahimik siya at naging seryuso. Binalingan ko si Boss, "Magpa-file po ako ng leave, Boss. Kailangan ko kasing asikasuhin ang kasal namin ng fiancé ko, I mean is, aasikasuhin naming dalawa. Kaya need ko ng leave." seryuso kong sabi kay Boss.

Naramdaman kong natigilan si Hugo sa kinauupuan niya. Napangisi ako.

Akala yata ng gagong ito siya lang marunong ah.

"G-Ganoon ba? Nakakagulat naman ang ibinalita mo," saad ni Boss. Bakas sa anyo niya na hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Ang alam kasi ng lahat ay si Hugo lang talaga ang lalaki sa buhay ko. Totoo naman iyon, noong hindi pa niya ako niloko.

"Naku, huwag kang magulat, boss. Masanay na po kayo," tugon ko.

Inabot ko sa kaniya ang papel na dala ko. "Pirmahan mo na po, boss."

Kinuha naman iyon ni Boss at walang kagatol-gatol na pinirmahan. Samantalang si Hugo ay tahimik lang sa isang tabi. Hanggang sa bigla na lamang ito nagsalita.

"So, ikakasal ka na rin pala ulit? Kanino naman?" tanong niya sa akin. Napa-irap ako rito.

"None of your business." walang gana na tugon ko.

Tumawa siya. Iyon bang tawa na nakakainsulto.

"Ikakasal rin kasi ako. Kaya nag-file rin ako ng leave. At...alam mo na siguro kong kanino ako ikakasal?" nakangisi niyang saad. "Of course hindi sayo, Jheanne. Kundi sa bestfriend mong si Jana."

Nalulon ko ang dila ko sa sinabi niya. Ang kaninang tapang-tapangan na pinakita ko ay naglaho na parang bula. Nang balingan ko siya ay puno na ng mga luha ang aking mga mata. Akala ko ay kaya ko na, hindi pala. Ang sakit pa rin, lalo na sa kaniya ko mismo iyon marinig.

"Hayop ka, Hugo! Ang kapal ng mukha mo!" Tumayo ako at nilapitan siya. Sinabunutan ko siya, at pinagsasampal sa mukha.

"Fuck! Bitawan mo akong babae ka!" singhal niya sa akin. Pati si Boss ay napatayo na rin para awatin kami ni Hugo.

"Tama na!" hinila ako ni Boss palayo kay Hugo. Namumula ang pisngi ni Hugo sa pagsasampal ko at halata ang galit niya. Makaganti man lang ako sa ginawa nila sa akin. Kulang pa nga iyon.

"Hindi ka na nga kaguwapuhan, manloloko ka pa!" singhal ko sa kaniya.

Mapakla siyang natawa. "Pero nasaktan ka naman? Alam mo, Jheanne, hindi naman talaga kita minahal e, kaya lang kita niligawan dahil gustong-gusto ko iyang katawan mo. Sayang lang at hindi ko natikman. Masyado ka kasing pabebe. Alam mo kung sino ang mahal ko? Si Jana. Magpapakasal na kami, at ikaw? Maiiwan kang luhaan. Iyang sinasabi mong fiancé mo, alam kong kasinungalingan lang iyan. Dahil wala ka naman talagang naging lalaki kundi ako lang. At alam kong hindi ka pa nakakapag-move on sa akin. Syempre mahal ko ako, e." nakakasuya niyang pahayag.

Napakurap-kurap ako at lalong namalisbis ang mga luha ko sa pisngi. Lalo pa akong napa-iyak nang bumukas ang pinto at pumasok ang kaibigan kong si Jana. Pakembot-kembot itong lumapit sa akin at malakas akong sinampal.

"That's for hurting my boyfriend!" angil niya. Nilapitan niya si Hugo at niyakap.

Sabay nila akong binalingan, pagkatapos ay nginisian nila ako. Kapagkuwan ay naghalikan sila mismo sa harap ko!

"Mga hayop!" sigaw ko sa kanilang dalawa.

Hindi ko na nakayanan pa ang sakit. Tumakbo ako at tinungo ang pinto ng opisina ni Boss. Binuksan ko ito. Ngunit sa paglabas ko ay isang tao ang nabunggaran ko. Si Ubi. He's standing there and waiting for me. Nakatitig siya sa akin at bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.

Tumakbo ako papunta sa kaniya, at walang paalam na sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

"Ubi..." sambit ko sa pagitan ng dibdib niya.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa balikat ko. Kahit paano ay muli akong nabuhayan ng loob.

Naramdaman ko rin ang mga yapak sa likuran ko. Sa tingin ko ay sina Hugo at Jana iyon.

Kumalas ako ng yakap kay Ubi at tiningala siya. Ngunit nanlaki pa ang mga mata ko nang salubungin ng labi niya ang labi ko.

He kissed me. At wala akong nakapang pagtutol bagkus, ipinikit ko pa ang aking mga mata upang namnamin ang mga halik niya.

Kaugnay na kabanata

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-6

    Jheanne's PovNang balingan ko si Hugo ay nakita kong naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa amin ni Ubi. Lihim akong nagdiwang sa naging reaksyon niya."Hugo, Jana, meet my fiancé. Ubi!" nakangiting untag ko sa kanila. Lalong naningkit ang mga mata ni Hugo sa sinabi ko.Thankful talaga ako at narito si Ubi. Nakayanan ko silang harapin ngayon. Hinawakan ko sa braso si Ubi at idinikit ang katawan ko sa kaniya, at taas noo silang tiningnan isa-isa. Ang mukha ng dati kong bestfriend ay masama ang tabas sa akin. Ano naman ngayon? Tsk!Binalingan ko rin si Ubi. Tahimik lamang siya at nakatitig sa kawalan. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at sinadya kong palambingin ang boses ko."Baby, alis na tayo? Nagugutom na ako e," malambing kong sabi sa kaniya.Tiningnan niya ako at tumango siya. "Okay!" "Goodbye guys!" ani ko sa dalawang natigilan. Magsasalita pa sana si Hugo pero hinila na ako ni Ubi palabas ng building. Maigi na rin iyon dahil hindi ko na kaya ang presensya ng d

    Huling Na-update : 2022-11-07
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-7

    Hugo's Pov"Shit!" Inis kong ibinalibag ang laptop na hawak ko. Hindi ako makapag-concentrate dahil sa nangyari kanina. How dare he kissed Jheanne?"Argh!" Naihilamos ko ang palad sa mukha. Ang tagal kong hinintay na mahalikan ang labing iyon, tapos nauwi lang sa iba? Ang lalaking iyon lang makikinabang?I tried to search about the guy on the internet but I found nothing! Sino ba siya? May kakaiba akong nararamdaman sa lalaking iyon. Something strange. Gusto kong malaman ang tungkol sa kan'ya pero kulang ako sa kaalaman. Ni hindi ko alam ang full name niya."Ubi? How fuck that name!" Kinuha ko ang beer ko na inilapag kanina sa lamesa at tinungga. Hindi ko maiwasang mainis. I think hindi naman ako nagseselos, I just can't accept the fact that after I ran away to our wedding day ay kaagad siyang nagka-fiancé? Nang ganoon ka bilis? Kilala ko si Jheanne, hindi siya kaagad nagtitiwala sa isang lalaki lalo na kung kakakilala niya lang dito. At sa loob ng walong taon naming mag-nobyo ay si

    Huling Na-update : 2022-11-17
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-8

    Jheanne's PovHindi ko maintindihan pero ang weird ng paligid ngayon. Ang tahimik. Simula ng dumating kami ni Ubi galing sa pamamasyal at naabutan namin si Hugo sa labas ng unit ko kanina ay heto kami ni Ubi ngayon, hindi nagpapansinan.Nakaupo siya sa sofa at nanonood ng tv at heto ako sa dining nakaupo at nakatulala. Sinubukan ko naman siyang kausapin kanina pero hindi niya ako pinapansin. Naroon na naman siya sa sariling mundo niya. At ayaw ko naman siyang istorbuhin.I heard my phone ringing, at nasa sala iyon. Sa center table na nakaharap kay Ubi. I was about to come there to get my phone pero bigla na lamang sumalubong sa akin si Ubi sa bukana ng dining at hawak nito ang phone ko. Ibinigay niya ito sa akin at nginitian ko siya habang tinatanggap ko iyon. "T-Thanks Ubi..." Hala bakit ba ako nauutal?Walang salita na namutawi sa labi niya, basta na lamang siya tumalikod at bumalik sa kinauupuan niya. I heave a sigh, ano ba ang problema niya?Bakit bigla yata siyang naging suplado

    Huling Na-update : 2022-11-20
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-9

    Jheanne's PovSinundo kami ni Mommy Anne sa condo ko. Siya ang napagbuksan ni Ubi kanina. Ang akala raw nito ay may nangyayaring hindi maganda kaya kaagad siyang nagpahatid dito. Well, may mangyayari talaga sana sa pagitan namin ni Ubi kung hindi dumating si Mom!Mabuti na lang dumating si Mommy kaya hindi natuloy ang paghalik sa akin ni Ubi. My god! Speaking of him, napatingin ako sa kaniya. Nakaupo siya sa tabi ni Dad at tahimik na kumakain. Alam mo iyon, isa siyang pulubi pero kung umasta ay napaka-professional. Hindi ko tuloy maalis ang mga mata ko sa kaniya. Nawiwili akong pagmasdan siya."Hija, hindi mo ba nagustuhan ang mga niluto ko?" nag-awtomatikong lumipat ang titig ko kay Mom."Hindi ka mabubusog sa paninitig mo na iyan, anak." Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi sa makahulugang sinabi ni Dad. Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit ang magkabila kong pisngi dahil nasa akin ang mga tingin nila.Tumikhim ako at pinalabas ang napakaganda kong ngiti. Una kong binalingan ay si Momm

    Huling Na-update : 2022-11-23
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-10

    Jheanne's Pov Isa sa mga luxurious hotel sa Mactan Cebu kami nag-stay ni Ubi. Ang totoo niyan ay doon dapat kami magho-honeymoon ni Hugo subalit hindi nga natuloy, at sayang naman kung mauuwi lang sa lahat ang ginastos ng mga magulang ko para sa bakasyon na iyon. Sila kasi ang gumastos niyon, at nag-proseso. Regalo nila iyon sa akin dahil matagal ko na talagang gusto pumunta sa lugar na ito, hindi lang nagkaroon ng oras dahil abala ako sa aking trabaho. Kaya naman laking tuwa ko nang i-anunsiyo ni Mommy at Daddy na sagot nila ang honeymoon vacation namin ni Hugo sa Shangri-La Hotel, Mactan Cebu. Iyon nga lang, hindi na si Hugo ang kasama ko ngayon kundi ang peke kong fiancé, si Ubi.Nang dumating kami dito at maipasok ang aming mga bagahe sa hotel room na inuukupa ay inaya ko kaagad si Ubi na kumain sa Cowrie cove. Isa itong seafood restaurant na nasa Shangri-La Hotel lang din.Nakaupo kami ni Ubi sa magarang upuan na pang-dalawahan habang hinihintay ang mga pagkain na in-order namin

    Huling Na-update : 2022-11-30
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-11

    Jheanne's Pov Nakahiga ako sa dalampasigan at hinahayaan na pumaroo't pumarito ang tubig sa aking mga binti, habang hinihintay kong dumating si Ubi. Nagpalit pa kasi ito ng damit kanina, ayaw kasi niyang maligo sa dagat at hindi naman ako pumayag na ako nalang mag-isa ang maliligo kaya pinilit ko siya nang pinilit hanggang sa napasunod ko ito.Nakatingala ako sa kalangitan habang naka-unan ang braso ko sa aking uluhan. Hindi pa gaano mataas ang sikat ng araw dahil alas sais pa lamang ng umaga. Isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw maligo ni Ubi, dahil gusto pa nitong matulog.Napangiti pa ako nang maalala ang nakasimangot niyang mukha kanina. "Ang cute lang!" nakangiti kong sambit habang nakatitig sa langit. Nasa ganoon akong sitwasyon nang bigla ay napalitan ng mukha ni Ubi ang kalangitan. Nagmistulang tumigil ang paligid ko nang mapatuon ang mga mata ko sa kaniyang guwapong mukha. Nakatunghay siya sa akin at pabaliktad ang aming posisyon. Mula sa ilalim ay kitang-kita ko ang hugis

    Huling Na-update : 2022-12-01
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-12

    Jheanne's PovNaipikit ko na lamang ang aking mga mata at sabay nanalangin na hindi ituloy ni Hugo ang binabalak nito sa akin. Naubusan na rin ako ng lakas manlaban, walang saysay rin naman ang lakas ko sapagkat malakas siya. Habang pikit ang mga mata, isang tao ang naisipan kong tawagin sa aking isipan.Ubi!And then, someone pulled Hugo away from my body."You idiot!" An enraged voice filled the whole room.Napamulat ako ng mga mata at kaagad na hinanap niyon ang may ari ng boses."Ubi!" I shouted his name.Parang may bagay na binunot sa dibdib ko nang makita ko siya. He's my savior!My Angel!Hawak niya ang leeg ni Hugo. He flamed up! At sa tingin ko ay hindi siya mangingiming pilipitin ang leeg ng lalaki."She's mine!" sigaw ni Hugo.Umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Aba ang walang hiya may pa she's mine pang nalalaman matapos akong iwanan at ipagpalit sa bestfriend ko, at muntikan pang pagsamantalahan!"Basagin mo ang mukha niya, Ubi!" Sa galit ko ay nasabi ko iyon.Ngunit nag

    Huling Na-update : 2022-12-03
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-13

    Hugo's Pov "Fuck it!" angil ko habang nakakuyom ang kamao. "Gaganti ako! Gaganti—""Shut the fuck up, Hugo!" galit na singhal ni Jana sa mukha ko. Galit na idiniin niya ang cotton balls sa balat ko; sa sugat na tinamo ko mula sa lalaki ni Jheanne! And she was crying while doing it, damn it!Marahas akong napabuntonghininga at iniwas ang tingin sa kaniya. Ibinaling ko ang tingin sa pintoan ng cottage na kinaroroonan namin ngayon."What are you doing there ba kasi, Hugo? Ang sabi mo kukuha ka lang ng vibrator sa Hotel, bakit doon ka napadpad sa cottage ng dalawa? And don't you dare lie to me dahil nakita kitang kumaripas ng takbo palabas doon!" She angrily said to me.Napasinghot-singhot ako, at napapangiwi na rin at the same time dahil dinidiinan niya pa lalo ang cotton balls na may alcohol sa sugat ko.Kung bakit ko pa kasi siya nakasalubong kanina, kailangan ko tuloy mag-isip ng isasagot sa kaniya!This woman was a pain in my ass too! Buntot nang buntot sa akin kairita! "Sinabi ko

    Huling Na-update : 2022-12-05

Pinakabagong kabanata

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-Epilogue

    Santuario de San Antonio, ChurchForbes Park, Makati City The wedding Carlos' Pov Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako lumingon sa bukana ng Simbahan, hinihintay na pumasok roon ang pinakamamahal kong si Jheanne. Panay rin ang baling ko sa relong pambisig, tinitingnan kung anong oras na. At sa tuwing dumadagdag ang bawat pagpatak ng oras ay lalo akong kinakabahan. Naranasan ko nang ikasal noon; kay Christina, pero masasabi kong kakaiba itong nadarama ko ngayon—sa araw ng kasal namin ni Jheanne.Narito na ang lahat, mga taong mahalaga sa buhay namin. Family, friends, at ilan sa mga kasosyo namin sa trabaho. Nandito rin si Hugo, kasama ang fiancé nitong italyana. Ang anak kong si Hope ay kina Mommy Anne at Mommy Rosita, silang dalawa ang nagsasalitan sa pagbubuhat sa kaniya.Si Jheanne na lang ang hinihintay naming lahat, para masimulan na ang kasal.Ang kasal na matagal ko nang pinaghandaan nang mga panahong nasa Italy pa si Jheanne. Simula kasi ng bumalik ang alaala ko ay

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-46 (Ending)

    5 months laterJheanne's Pov Mahigit isang oras kong sinayaw-sayaw si Hope para makatulog lang ito. At sa wakas ay nailapag ko rin siya sa loob ng kaniyang crib. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang pangangalay ng balikat ko. Initaas ko ang braso at ininat-inat iyon. Habang minamasahe ko ang balikat ko ay napatingin ako kay Hope.Napangiti ako nang mapagmasdan ang mahimbing na pagtulog ng aking anak. Akalain mo nga naman na hindi ka marunong sumayaw o kumanta pero kapag nagkaanak ka na lahat ay makakaya mong gawin. Hope is now five months old. At nakabalik na rin kami ng Pilipinas. Unang araw namin ito sa Pilipinas. Kagabi kami dumating at nine pm. Sina mommy at daddy ang sumundo sa'min ni Hope sa Italy. Si Hugo naman ay nagpaiwan na sa Italy dahil buntis si Shania. Gusto nitong sumama pauwi at ihatid kami ni Hope pero ako na mismo ang nagpresinta na huwag na lang at alagaan nalang niya si Shania dahil medyo maselan itong magbuntis. Pero hinatid niya pa rin kami ni Hope sa airport

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-45

    Milan, Italy Jheanne's Pov Mula sa isang mahimbing na pagtulog ay naalimpungatan ako dahil sa tunog na narinig ko mula sa pintoan sa main door.Sa isiping si Hugo iyon ay kaagad nabuhay ang inis sa dibdib ko."Istorbo!" naiinis kong sambit.Mula sa kama ay dahan-dahan akong bumangon at bumaba. Habang palabas ng pinto ng kuwarto ay napapahikab pa ako. Nabitin ang tulog ko at naiinis ako kay Hugo!Ano naman kaya ang kailangan niya? Ang pagkakaalam ko kasi ay lumabas sila ni Shania at namasyal. Iyon kasi ang paalam niya kani-kanina lang. Tapos na ba kaagad ang date nilang dalawa?Tamad akong naglakad patungo sa sala upang buksan ang pintoan roon. Ngunit sa pagbukas ko ay isang bonguet ng bulaklak ang siyang sumalubong sa mukha ko na hawak ng isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil natatabunan ito ng bulaklak."Fiori per lei signora," (Flowers for you madame)Napamaang ako. Hindi ko inabot ang bulaklak bagkus hinawi ko iyon upang makita ko ang mukha ng lalaki.He's not familiar

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-44

    Handyman CompanyMakatiCarlos' Pov"Sir, heto na po ang mga papeles na pipirmahan niyo. At remind ko lang po ang meeting mo mamaya kay Mr. Mendez at 1 pm."Tsk!Papeles!Meeting!Wala na bang katapusan 'to?Nakasimangot kong binalingan si Julio. Ang bago kong sekretarya."Baka mayroon pa huwag ka na mahiya, itambak mo na lahat sa lamesa ko." makahulugang turan ko rito habang nakasimangot ang aking mukha.Mahina itong natawa saka napailing. Ipinatong nito ang mga papeles sa lamesa ko at naupo ito sa isang silya kaharap ng lamesa ko."Natural lang iyan, sir, ikaw ang may ari ng kompanyang ito e, kaya nakasalalay sayo ang lahat.""Tsk!" Muli akong napasimangot. In the past 5 months ay wala na akong ibang inatupag kundi trabaho...trabaho...trabaho! "Mabilis kang tatanda niyan, sir." natatawang komento ni Julio."Shut up and leave my office!" Natawa lang ito sa sinabi ko. Ganoon naman siya palagi e, pasalamat siya at pamangkin ko siya dahil kung hindi matagal na siyang tanggal sa trab

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-43

    Milan, Italy 5 months afterJheanne's Pov "Quanto?" (How much?)Tanong ko sa tindera na nagtitinda sa prutasan dito sa Fruit market sa Milan. Ang tinutukoy ko sa kaniya ay ang ubas na hawak ko ngayon at sinisimulan ko nang kainin kahit hindi ko pa ito nababayaran.Napangiti sa akin ang italyanang tindera. Suki na ako nito sa mga paninda niyang prutas kaya sa tuwing nilalantakan ko ang mga paninda niya kahit hindi ko pa nababayaran ay wala na lang iyon sa kaniya. Alam naman kasi niya na babayaran ko ang mga nakakain ko."C'è un prezzo, tesoro." (There's a price, honey) wika nito sabay turo sa mga preso sa bawat prutas na naka-display.Mahina akong natawa bago ko muli isinubo ang isang grapes. Saka na ako nagsalita nang matapos ko na itong nguyain at lunokin. "Sto scherzando." (I'm kidding) ani ko.Napailing-iling na lang sa akin ang italyanang tindera.Kumuha ako ng mga prutas na gusto ko at inilagay ito sa isang tray. Sa dami ng mga nasa harapan ko ay hindi ko na alam kung ano ang u

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-42

    Garzon Healthcare Makati Second sessionCarlos' Pov Before leaving her condo last night I told her to wait for me no matter what. Sinabi ko rin sa kaniya na kung puwede ay iwasan niya si Hugo Makatarungan. Tinanong niya ako kung bakit, hindi ko masagot dahil bakit rin ang tanong ko sa aking sarili.Nakakatawa lang isipin pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng inis nang makita kong magkasama sila ni Hugo at nagyakapan pa.Ilang oras ba akong naghintay sa kaniya sa labas ng condo unit niya? Sa tingin ko ay apat na oras. Apat na oras akong naghintay dahil gusto ko sana siyang maka-usap, pero dahil wala pa siya ay doon na muna ako tumambay sa isang bar malapit sa condo building. Nagsimula ako sa isang bote ng beer, hanggang sa ang isa ay dumami na at hindi ko na mabilang kung ilan ang naubos ko. Bumalik ako sa condo unit niya after a few hours, and there, I saw them hugging each other.May kung anong tumulak sa akin na sugurin ang mga ito pero hi

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-41

    Jheanne's Pov The moment I heard what he said, my heartbeat stop from beating. Pakiramdam ko ay kinakapusan ako ng paghinga, ayaw mawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya at hanggang ngayon ay patuloy ito sa pagtugtog sa pandinig ko."Si Christina lang ang mahal ko at hindi na ako magmamahal pa ng iba!"Those words still play like music in my head.Nakakabingi.Kahit narito ako ngayon sa isang park at maraming tao ang namamasyal at nag-iingay ay walang sinabi ang ingay nila sa ingay ng mga salitang sinabi ni Carlos na tumatak sa isipan ko.I wiped the tears that keep on streaming down my face. Hindi na yata ito maampat pa. Wala na yatang katapusan ang mga luha ko, hindi nauubos.Napabaling ako sa isang kamay na may hawak na panyo at nakalahad sa akin. Bumuntonghininga ako bago ako nagtaas ng tingin upang salubungin ng tingin ang nagmamay-ari niyon."Take it or else ako ang gagawa." anito.Napangiti ako sa sinabi niya. Kinuha ko rin ang panyo na bigay niya sa akin."Wala ba

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-40

    Carlos' Pov Napamulat ako ng mga mata at marahas na napabangon."Carlos!" Narinig kong bulalas ni Ninong Esmael. Napabaling ako rito at nabakas ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Humingi ako ng paumanhin sa kaniya. "Pasensya na po, ninong, pero kailangan ko ng umalis ngayon din." wika ko at kaagad na tumalikod."Teka, saan ka naman pupunta? Why are you in a hurry? May naalala ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Mabilis itong naglakad papalapit sa akin. "Okay ka lang ba, Carlos? Sa itsura mong iyan alam kong galit ka, sino ba ang kaaway mo?" Napatiim-bagang ako at nakuyom ko ang aking mga kamao ng mahigpit.Ang babaeng iyon!Ano ang kasalanan ni Christina sa kaniya at nakaya niya itong patayin! She's a murderer!Binalingan ko muli si Ninong. Wala na akong panahon na magpaliwanag pa. Kailangan kong puntahan si Mia ngayon din at magtutuos kaming dalawa!"I'm sorry po ninong pero saka na ako magpapaliwanag sayo.""Carlos—"Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Mabilis na

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-39

    Garzon Healthcare Makati Carlos' Pov Nasa loob ako ng isang kuwarto at ako lang ang naroon, at si Ninong Esmael. Dilaw ang pintura ng dingding nito na may nakasabit na iba't ibang klase ng frame. Maaliwalas rin ang silid na ito at masasabi ko talaga na komportable ito sa pakiramdam.Si Mommy naman ay naghihintay lang sa labas. Sigurado naman ako na hindi rin siya mabuburyo dahil nakabukas naman ang tv sa labas at may malilibangan naman siya habang narito naman ako sa isang silidna ito.Today is my first day of the session. At naniniwala ako na may maalala ako ngayong araw na ito."Are you ready, hijo?" ani ni Ninong Esmael sa akin. Nakaupo siya sa couch na nasa harapan ko mismo. Sa isang tabi ay may isa pang pahaba na sofa, at sa tingin ko ay doon ako hihiga mamaya.Kaagad naman akong tumugon sa tanong niya. "I am." Tumango at ngumiti si Ninong Esmael sa akin."Lay on that sofa bed." utos sa akin ni Ninong Esmael habang iminusra ang sofa bed.Wala na akong sinayang pa na panahon,

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status