KINABUKASAN, nagtungo si Lorenzo sa building ng opisina ni Vic gaya ng napagusapan nila. Galing siya sa ospital at ang damit lang na nadala ng misis niya na pamalit ay ang uniporme niyang pang-delivery man kaya't iyon lang ang naisuot niya.
"Good morning. May appointment ako kay Mr. Vicente Santiago."
Nagulat si Lorenzo nang taasan siya ng kilay ng babae sa reception area ng LV Corporation.
"Ano namang mapapala ng Chairman namin kung makikipag-appointment sa delivery man?" Sarkastikong sagot ng babae.
"Miss, pakitawagan mo na lang. Alam niyang pupunta ako." Sinubukan ni Lorenzo na maging mahinahon ngunit sadyang sinusubukan ng mga tao ang pasensiya niya.
"Wala si Chairman. I bet kung nandito 'yon hindi ka rin kakausapin. Kung may idinideliver ka diyan na mga parcels at sulat, sabihin mo na para makaalis ka na. 'Wag ka na magpanggap na may appointment ka sa Chairman baka kung anu-ano lang ideliver mo."
Napanganga si Lorenzo at saka nakaisip ng paraan para maging maayos ang lahat.
"Manager mo. Pakitawag."
"Nandito na 'ko. Anong kaguluhan ba 'to?" Isang lalaking maliit na malaki ang tiyan ang lumapit sa kausap ni Lorenzo na receptionist.
"Sabi niya may appointment siya kay Chariman Santiago."
Kagaya ng reaksiyon ng receptionist ang naging sagot ng manager.
"Alis na bago ka pa ipadampot sa mga guard."
"Sige. Aalis na 'ko." Tumalikod si Lorenz at kinuha ang cellphone mula sa bulsa. May load pa rin naman iyon. Hinanap ang numero na nilagay ni Vic sa kanyang phone at saka idinial ito.
"Senyorito, nasaan na kayo?"
"Sinabi na ngang huwag na Senyorito. Minsan naman Lorenz lang, bakit ngayon senyorito?" Napalingon pa siya para tingnan kung may nakarinig ba. Nang masigurong wala ay saka muling nag-focus sa kausap.
"Old habits. So, nasaan ka nga?"
"Nasa baba. Hindi ako pinapaakyat."
"Oh my God! Sandali bababa na 'ko."
Habang naghihintay si Lorenzo ilang hakbang mula sa reception area ay nagbubulungan pa rin ang manager at ang receptionist.
"Sir Lorenz! Kanina ko pa po kayo hinihintay sa taas. Sinong nagbawal sa inyo na umakyat?" Malakas ang sigaw ni Vic nang naglalakad na ito palapit kay Lorenzo. May anim na nakaitim siyang bodyguards na kasama. May isang babae na nakasalamin at mukhang iyon ang Executive Assistant nito.
"Chairman--" sabay na bulong ng dalawang nasa Receptionist Area.
"Kayo ba?" Baling ni Vic sa dalawa na tila namumutla na dahil sa takot.
"Sila nga. Baka daw kasi kung anu-anong ideliver ko sa 'yo, Chairman," iritableng sagot ni Lorenzo. Sa mga panahong nagmamadali siya ay saka pa maraming mga sagabal sa landas niya.
"Both of you are fired effective immediately! This man here owns everything here including those uniform and badges that you're wearing! He's the sole owner and heir of LV Corporation! How dare you humiliate and reject our boss!" Dumagundong ang boses ng Chairman.
Hindi na narinig nina Lorenzo at Vic ang gulat na reaksiyon at pagmamakaawa ng dalawang nasisante sa trabaho dahil dumiretso na kaagad sila sa opisina ng Chairman kung saan naghihintay rin ang abugado ng mga Villaverde.
"Here is the final draft of the agreement and your grandfather's last will. We will be sending an official message to the executives that our real CEO and owner of LV Corporation finally accepted the position," wika ng abugado na sinangayunan naman ng Chairman.
"This is my dream come true! Sigurado rin akong nakangiti sa 'yo ang mga magulang mo at Lolo mo," nakangiti at masayang sabi ni Vic.
Alam ni Lorenzo na wala na siyang magagawa kung hindi ang tanggapin ang kapalaran na pilit niyang tinakasan. Lahat ng iyon para maipagamot ang nag-iisang anak. Kaya na niya ngayong dalhin sa ibang bansa para ipagamot si Lorena ngunit mas tatagal pa iyon dahil kailangan ng mga VISA at passport na wala pa sila. Dahil kritikal ang lagay ay itutuloy na lang nila ang operasyon sa St. James Hospital na kilala rin namang magandang ospital sa Pilipinas at Asya.
Nang matapos ang pirmahan nila ng mga dokumentong dala ng abugado, nagmadaling bumalik ng ospital si Lorenzo. Pagdating sa ospital ay may aberya.
"Sir, sira po ang elevator."
Tumango si Lorenzo sa sinabi ng maintenance staff. Under repair ang apat na elevator sa lobby. Sabi sa paskil na notice ay dahil daw sa security inspection and maintenance. Nagpapasalamat siya na nasa ikatlong palapag lang ng ospital na iyon ang silid ng anak. Mabilis lang siyang makakapaghagdanan para makita na si Lorena.
Ang masayang disposisyon ni Lorenzo ay nasira nang makarating siya sa ikatlong palapag ng emergency fire exit. Ang hagdanan sa fire exit ang ginamit niya at hindi niya inaasahang may makikita siyang nagaganap doon.
"Gago ka! Layuan mo nga ang asawa ko! Ang kakapal ng mukha ninyo dito pa kayo naghaharutan sa ospital! Hindi n'yo na binigyan ng kahihiyan ang anak ko!" Hinila niya si Peter gamit ang kwelyo ng suot na polo.
"Renzo! Ano ba! Nakakahiya kay Pareng Peter! 'Wag kang malisyoso! Tinutulungan niya lang ako dahil napuwing ako--"
"Anak ng tokwang puwing 'yan! Nakadikit ang nguso niya habang inaalisan ka ng puwing?! Anong pang-alis ng puwing dila ba?! Nalipat na ba ang mata mo sa may baba?! At ako pa ang malisyoso!" Lumalabas ang litid ng leeg ni Lorenzo sa pagpigil sumigaw ngunit may gigil at diin ang bawat salita. Namumula rin ang mukha niya dahil sa matinding galit.
"Inaalagaan ko na nga ang pamilya mo bilang kaibigan mo, ikaw pa ang may ganang magalit?!" Malakas ang boses na sagot ni Peter. Nakangisi ito at halatang ginagalit talaga siya. Hindi pa ito nasiyahan. Hinila pa nito si Princess palapit sa kanya at saka umakbay.
"Sinabi ko nang layuan mo ang asawa ko!" Hinila ni Lorenzo ang misis na nagalit at nagpapadyak sa sementong sahig. Umaalingawngaw ang tunog ng ginagawa nila sa fire exit stairwell na iyon.
"Nakakahiya at hindi tama ang inaasal mo. Siya ang nagbayad ng deposit sa ospital para maoperahan na si Lorena bukas. Ano pa bang gusto mo?! Wala naman kaming ginagawang masama!" Naghagod pa ng mahabang buhok si Princess at sa puntong iyon gusto nang hilahin ni Lorenzo ang buhok ng asawa para ilayo sa lalaking kasama.
"Ang gusto ko, gumaling si Lorena at ang gusto ko rin ay layuan mo 'yang lalaking 'yan! Walang ginagawang masama?" Napangisi siya at napapikit. Gusto man niyang maniwala ay hindi niya magawa.
"Sige, kung talagang wala kayong masamang ginagawa, at napuwing ka lang kaya magkadikit ang mga mukha ninyo, dapat ba talaga 'kong magpasalamat?! Sinuway mo na naman ako. Sinabi kong ako na ang gagawa ng paraan para sa pera. Ang galing mo rin talagang makinig!" Sarkastiko ang dating ng pagkakasabi niya ng mga katagang iyon. Hindi maiwasan mapaisip na mayroong mga taong walang delicadeza at napakamalas niyang may nakilala siyang dalawa at minamahal niya pa ang isa. Nakakuyom ang dalawang kamao at namumula ang mukha sa galit, naghahabol na rin siya ng hininga dahil sa pagpigil ng mga katagang gusto niya pang pawalan.
"Renzo! Ang kitid ng utak mo!" Pumadyak si Princess na hudyat na sukdulan na ang galit nito. Kung sino ang mas galit sa kanilang dalawa ay hindi niya alam ngunit kumukulo ang dugo niya sa mga oras na iyon. Tumahimik na si Lorenzo dahil kahit anong sabihin niya ay wala namang epekto sa babaeng iyon. Tinitigan niya ng masama si Peter na nakangisi at nangungutya pa ang mukha bago niya hinila ang pintuan ng fire exit stairwell at pumasok sa corridor ng ospital. Dahil sa likod siya galing ay namali siya ng tantiya kaya't sa ibang kwarto siya napunta. Maswerte namang walang tao roon kaya't naupo muna siya sa upuan sa may bintana at doon muna siya nagpalamig ng ilang minuto. Kailangan niyang kumalma dahil hindi niya gustong magpunta sa silid ng anak na mainit ang ulo.
Matapos ang kinse minutos, tinungo niya ang silid para silipin niya ang kanyang anak ngunit sadyang malupit ang tadhana. Nahuli naman niyang magkahawak ng kamay sina Princess at Peter. Sinamantala na naman ng dalawang ahas na tulog si Lorena at walang ibang tao sa silid.
NOON naalala ni Lorenzo ang nakasukbit na bag sa balikat. Sa sobrang galit nang makita ang dating kaibigan at ang asawa ay nalimutan na niya ang nakuhang pera mula kay Vicente. Ngayon lang niya naalala ang perang resulta ng kasunduan nilang pag-ako ng responsibilidad sa negosyo ng mga Villaverde."Heto na ang perang ipinautang mo!" Mahina man ang boses para hindi magising si Lorena ay siniguro ni Lorenzong may diin at anghang ang pagkakabanggit ng bawat kataga. Ihinagis niya ang maliit na bag sa mukha ni Peter. Nasalo naman agad iyon ng lalaki."Nagnakaw ka?! Saan galing ang pera?" Hinablot ni Princess ang bag na hawak ni Peter at sinilip ang laman."Sabi ko naman sa 'yo, pwedeng ako na ang magpahiram. Baka kung kanino mo na naman inutang itong pera at mabaon pa kayo lalo--" Sadyang kinapalan ni Peter ang mukha niya para malumanay na sabihin ang mga salitang iyon. Seryoso ang ekspresiyon at nagpapanggap na mabait para mas mahumaling sa kanya ang inaakit na si Princess. Alam niyang kau
TUMAYO si Lorenzo at sasagot na sana nang may dumating pang isang lalaki."Sabi mo nag-resign na, bakit nandito pa 'yan?" tanong ni Renandro kay Chester. Si Renandro ang dating kaklase ni Lorenzo na pinagbentahan niya ng negosyong iyon. Noong ibinenta niya ang RV Retail ay imbis na tulungan siya ng dating kaklase ay lalo pa siyang nasadlak sa putik. May lihim na galit pala ang taong iyon sa kanya kaya't imbis na bigyan siya ng mgandang posisyon ay sa pinakamababang level ng organizational chart siya inilagay."Ewan ko nga ba, Boss. Bakit dikit nang dikit pa rito wala naman siyang silbi.""Lorenzo, umalis na ka. Nakakaabala ka na masyado," dagdag na pangungutya ni Renandro."Tama. Dapat sa 'yo naliligo ng asin para mawala ang malas. Umalis ka na."Napapikit si Lorenzo at napabuntonghininga nang malalim. Hanggang kailan siya kailangang magtiis sa mga salitang ganoon?"Mr. Lorenz Villaverde is the official new but old owner of RV Retail," malakas ang boses ni Vic sa may likuran niya. Nap
SI Princess ay nakaupo sa may dulo ng lamesa at ang nakatokang magpe-present ng investment project sa kanila.Alam ni Lorenzo na nabanggit ni Vic sa mga ka-meeting na isasama niya ang magiging bagong CEO ng LV Corporation kaya't kinabahan siya ng husto nang makita ang asawa sa loob ng Board Room.Itinuro ni Vic ang bakanteng pwesto sa pagitan ng dalawang body guard na kasama nila. Hindi nawawala sa loob ng mga meeting room ang mga bodyguards lalo na kung may ibang tao. Tumango si Lorenzo at naintindihan kung anong excuse niya sa pagpunta niya sa lugar na iyon."Body guard? Si Lorena?" tanong ni Princess sa kanya. Wala mang tunog ay nabasa ni Lorenzo ang bibig ng misis. Hindi niya ito pinansin. Tumayo siya kagaya ng tayo ng dalawang guwardiyang katabi. Mabuti na lamang at kakulay ng suot niyang suit ang uniporme ng mga body guards ni Vic. Mas mukha lang mamahalin ang tela ng suot niya kahit magkaparehas naman ng kulay."As I was saying. The incoming CEO had an important appointment to
SA mga sandaling iyon, tinatanong ni Lorenzo ang sarili kung bakit at paano nagbago ang ugali ng asawa. Sa tatlong taon nilang pagsasama ay marami silang naging away at hindi pagkakaunawaan, ngunit pinakamatindi ang mga kaganapan nitong mga nakaraang araw.Naalala ni Lorenzo ang unang pagkikita nila ni Princess."Tol, nasa parking na 'ko. Saang banda kayo nakapwesto?" Kadarating lang ni Lorenzo sa isang bar sa Malate, Manila. Iniangat niya ang handbreak ng sasakyan matapos maiayos ang pagparada. Masikip ang pagrking spaces sa bakanteng lote na malapit sa bar na iyon. Mabuti na lamang at dalawa pa ang bakante nang pumasok siya. May usapan silang tatlong magkakaibigan ngunit nahuli siya ng dating. Alas-onse y media ng gabi na nang matapos siya sa inaasikaso sa RV Retails."Langyang 'yan, ang tagal mo! Lasing na si Arnold. Alam mo namang tayong dalawa lang ang malakas uminom!" reklamong sagot ni Peter. Silang tatlo ay matalik na magkaibigan simula nang magkakiklala sila noong final year
"Senyorito, aalis na po ba tayo?" bulong ng bodyguard na kasama ni Lorenzo. Nagulat siya at nanlaki ang mga mata. Noong una ay Sir lamang ang tawag sa kanya ngunit ngayon ay naging Senyorito na. Nang hindi nagbago ang magalang na ekspresiyon ng bodyguard ay tumango si Lorenzo. Marahil ay utos ni Vic na ito ang itawag sa kanya kapag walang nakakarinig na ibang tao. Sinipat muna ng kasama niyang guwardiya ang hallway at nang masigurong nasa loob na muli ng kabilang silid si Princess at nakaalis na ang mga staff ng hotel ay saka naman siya iginiya ng guwardiya papalabas ng hotel na iyon. Habang naglalakad ay pilit pa ring ipinapaintindi ni Lorenzo sa sarili kung bakit ganoon na ang inaasal ni Princess. Sa lalim ng iniisip ay hindi nito nabigyang pansin ang nilalakaran. Napatid si Lorenzo at nang kukuha na ng balanse ay nakabangga ang isang lalaki. "Oh, shit! What the hell?!!!" umaalingawngaw ang boses na sigaw ng lalaki. Nang makarecover na si Lorenzo ay saka niya napansin na pamilyar
"Lorenz, dumapa ka muna sa sahig ng sasakyan kahit na bulletproof pa 'yan para siguradong ligtas ka! May papunta nang backup. Shit! I don't even know why this is happening! I'll drop the call. Please stay safe, Lorenz. Baka bumangon sa hukay ang Lolo mo at multuhin ako kapag may masamang nangyari sa'yo." Agad niyang sinunod ang bilin sa kanyang dumapa sa sahig na may rubber matting. Batid ang magkahalong panic at galit sa boses ni Vic sa kabilang linya. Itatatanong pa sana ni Lorenzo kung paano nakatawag ng backup gayong hindi naman naputol ang usapan nilang dalawa nang maputol na ang tawag.Ang kotseng sinasakyan ni Lorenzo ay mas pinabilis pa ang takbo. Kahit hindi naiintindihan niya ang nangyayari ay alam niyang marahil may kinalaman sa kanya ang barilang iyon. Napagtanto ni Lorenzo na marami pa ring may gustong manakit sa kanya dahil sa pangyayaring iyon. Maraming kamag-anak na ganid ang pamilya Villaverde. Mga pinsan at kaanak ng kanyang Ama at Lolo na hindi naambunan ng sipag a
ALAS-OTSO na ng gabi nang makabalik ng ospital si Lorenzo. Naabutan niyang nasa labas ng silid si Princess at may kausap sa cellphone sa tahimik at walang ibang taong corridor ng ospital. Nakatalikod ito sa kanya kaya't hindi siya napansin kaagad nito. Pabulong ang boses nito kaya't narinig niya lang ang panghuling sinabi sa kausap sa telepono. Nakakapit ang dalawang kamay sa hawak na cellphone. Nakapantalon na itong maong na asul, itim na t-shirt at tsinelas na de sipit. Malayo sa suot nito sa trabaho. "Sa opisina na lang tayo magkita--" "Sinong kausap mo?" tanong niya sa asawa. Tumayo ng maayos si Princess at iniba ang pwesto ng kamay. Imbis na magkabilang kamay ang nakakapit sa cellphone, napunta sa beywang ang kaliwang kamay nito. Senyales iyon na kinabahan si Princess sa biglaan niyang pagsulpot. "Oo, sige bukas na lang ng umaga sa opisina. Pakidala ang approved presentation para diretso na tayo sa briefing," malakas ang boses nitong sabi sa kausap sa kabilang linya, "okay, sig
PAGPASOK ni Lorenzo ng silid ni Lorena ay nagulat siya sa dami ng gamit na nakita sa may tabi ng pintuan. Eksakto namang nag-ring ang phone niya as if on cue."Hello?" Alam naman ni Lorenzo kung sino ang tumawag dahil iyon lang naman ang madalas tumawag sa kanya."Lorenz, I forgot to tell you I sent some stuff sa hospital kanina. Masyado tayo naging preoccupied dahil sa ganap kanina kaya hindi ko pala nabanggit."Napailing si Lorenzo habang nakatingin sa hilera ng pitong malalaking paper bags na nang silipin niya ay puro damit ang laman. Mayroon ding limang kahon ng sapatos sa isang malaking eco-bag na nakapatas sideways para magkasya sa isang lagayan lamang. May dalawang pares ng tsinelas na kung titingnan ay magkiaba pa ng size. Isang teddy bear na puti na mayroong malaking ribbon. Magkasinlaki sina Lorena at ang stuffed toy kung nakaupo. May isang kahon din ng laptop na pambata. Sinipat ni Lorenzo kung ano iyon. Nakita niya ang listahan ng mga fairy tales at children's stories kasa
ALAM ni Lorenzo na parang suntok sa buwan ang gusto niya. Umaasa siyang pipiliin siya ni Princess kahit na hindi nito sinasabi ang tunay niyang estado sa buhay sa kasalukuyan. Simple lang naman ang gusto niya. Gusto niyang maging tanggap ni Princess na siya pa rin ang Padre de Pamilya at sundin nito ang sinasabi niya lalo na pagdating sa relasyon nito kay Peter. Nawalan na ng gana si Lorenzo kumain. Sumubo lang siya ng ilang beses bago uminom ng isang basong tubig. Kinuha ni Lorenzo sa bulsa ang bagong biling cellphone at nagtipa ng numero. Kahit na gabing-gabi na ay sumagot pa rin ang nasa kabilang linya. "Namiss mo agad akong kausap?" tanong ni Vic sa kabilang linya. "Vic, I want to acquire PI Investment as soon as possible. Do everything para makuha ko ang kumpanyang 'yon. Gusto kong ma-kontrol si Peter pati na rin . . .""Si Princess?" Napabuntonghininga si Lorenzo bago sumagot, "Oo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong nakatulay sa lubid na malapit nang mapigtas." "I'
NAPABUNTONGHININGA si Princess. Nang malugi ang negosyo ng asawa ay siya ang unang-unang nanghirap. Higit sa kanino man, si Princess ang nagmakaawa sa mga magulang upang tanggapin sila sa bahay ng mga iyon nang mailit ng bangko ang bahay at kotse nila ni Lorenzo. Si Princess din ang nakutya at naapi ng mga kapatid dahil sa pagkasadlak sa kahirapan ng asawa. Ang pinakamasama pa sa lahat, tinanggap ni Lorenzo na maging parte ng staff ng naluging kumpanya sa kagustuhang magkaroon pa rin ng trabaho. Lahat ng ipinangakong magandang buhay ni Lorenzo kay Princess ay naging isang pangako na lamang.Alam ni Princess noon na hindi naman niya tunay na minahal si Lorenzo. Napilitan lang siya dahil nagkasubuan na silang dalawa.His words seemed comforting sa panahong iyon na bagong tuklas ni Princess ang pagtataksil ni Rayver pero higit sa lahat, ang nangyari noong gabing iyon ang nagpabago ng lahat sa buhay nilang dalawa."Princess . . . lasing na lasing ka. Are you sure you don't want me to driv
NAPABUNTONGHININGA si Princess habang inaalala ang mga sumunod na nangyari.Princess felt heartbroken and humiliated. Ang masakit pa, wala siyang mapagsabihan ng mga suliranin niya. Wala siyang makaramay na kahit na sino man lang ngayong puno ng pighati at galit ang buhay niya dahil sa tagpong nasaksihan. Hindi naman niya pwedeng tawagan si Charisse at sabihin na tama nga siya at lunukin niya ang pride niya para magpasalamat sa impormasyong nanakit sa kanya ng husto. Akala ni Princess, makukuha niya ang sagot sa mga katanungan kung papaandarin lang niya ang kotse na walang patutunguhan ngunit hindi pala. She went to a place where she thought she could forget about everything. Sa isang bakanteng lote ang parking lot ng isang sikat na bar sa Malate, Manila. Malayo pa lang siya ay nakita na niya ang dalawang parking space na bakante. May kotseng naka-hazard na pumasok sa isa sa mga bakanteng slot.Papasok na siya ng parking slot na natitirang bakante nang mag-ring ang phone niya. She s
THE door opened even before she could reach the third count. Sa kabila ng pinto ay may bumalandrang babaeng mahaba ang buhok, manipis ang kilay, hindi katangusan ang ilong at makapal ang namumulang mga labi. Kung titingnan ang katawan ay hindi rin proportion. Mas malaki ng mga dalawang beses ang dibdib ng babae kaysa sa balakang niya. Mukha siyang donut na nakatusok sa barbecue stick. "Darling, sino ba 'yan? Ang ingay, nakakahiya sa ibang kwarto." Naka-lingerie na pula ang babae na kasingpula ng lipstick ng labi. Hindi naman sa nanghahamak siya ngunit mukhang pokpok ang babae. "Ex-fiancee niya 'ko. Ikaw sino ka?" Nakangising sabi ni Princess. "Hon--" "Fiancee?" Magkasabay pa nasalita ang bab
SA mga panahong iyon naisip ni Princess na sana ay nakinig siya sa mga payo sa kanya noon na huwag gagawa ng desisyon kapag nasasaktan o kaya ay galit. She made a big one that day and it changed her life completely."Hello?" alas-siete ng gabi nang makatanggap siya ng tawag. Hindi na niya nasilip ang caller id dahil galing siya ng banyo, nakatapis lamang ng tuwalya at nagtutuyo ng buhok matapos mag-shower. "Hello? Princess?"Tiningnan ni Princess ang numero sa phone ngunit hindi niya iyon kilala. Hindi nakaregister ang number ng kausap."Yes, sino 'to?" "Si Charisse, classmate mo nung college. Buti pala ito pa rin ang number mo. Ano kasi--" Napairap si Princess dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ng kausap. Mangungutang ba itoJ? Hindi naman sila gaanong close ni Charisse. Kaklase nga niya ito noong college at nagkapalitan lang sila ng number dahil sa isang school project. Marahil hindi nagpalit ng cellphone simula noon ang kausap niya kaya't alam pa rin nito ang phone number n
NAKABABA na siya ng elevator at naglalakad sa ground floor hallway papuntang cafeteria ng ospital nang may biglang tumapik sa balikat niya."Have you thought about it?"Napalingon siyang bigla. Sa gulat niya nang makita ang nasa likuran ay napaatras siya at muntikan nang matumba. Nasalo siya ng taong kausap. Nakakapit ang kamay sa beywang habang ang kabilang kamay ay sa braso. Kung may makakakita sa kanila ay para silang nagsasayaw ng tango at nag-dip ang kaparehang babae pahiga."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang marahang tumatayo at inaayos ang sarili. Nag-iwas siya ng tingin at dumistansya habang palinga-linga sa paligid. Alam naman niyang wala roon ang taong kinatatakutang makita."I came to see you."Pinigilan niya ang sariling lumapit sa kausap. Pumikit muna bago nagsalita. Sinusubkang pakalmahin ang sarili dahil sa sitwasyon."Hindi ba kakasabi ko lang kanina, bukas na tayo magkita at mag-usap sa opisina." Hindi niya alam kung tama ba ang tono ng pananalita niya na tu
PAGPASOK ni Lorenzo ng silid ni Lorena ay nagulat siya sa dami ng gamit na nakita sa may tabi ng pintuan. Eksakto namang nag-ring ang phone niya as if on cue."Hello?" Alam naman ni Lorenzo kung sino ang tumawag dahil iyon lang naman ang madalas tumawag sa kanya."Lorenz, I forgot to tell you I sent some stuff sa hospital kanina. Masyado tayo naging preoccupied dahil sa ganap kanina kaya hindi ko pala nabanggit."Napailing si Lorenzo habang nakatingin sa hilera ng pitong malalaking paper bags na nang silipin niya ay puro damit ang laman. Mayroon ding limang kahon ng sapatos sa isang malaking eco-bag na nakapatas sideways para magkasya sa isang lagayan lamang. May dalawang pares ng tsinelas na kung titingnan ay magkiaba pa ng size. Isang teddy bear na puti na mayroong malaking ribbon. Magkasinlaki sina Lorena at ang stuffed toy kung nakaupo. May isang kahon din ng laptop na pambata. Sinipat ni Lorenzo kung ano iyon. Nakita niya ang listahan ng mga fairy tales at children's stories kasa
ALAS-OTSO na ng gabi nang makabalik ng ospital si Lorenzo. Naabutan niyang nasa labas ng silid si Princess at may kausap sa cellphone sa tahimik at walang ibang taong corridor ng ospital. Nakatalikod ito sa kanya kaya't hindi siya napansin kaagad nito. Pabulong ang boses nito kaya't narinig niya lang ang panghuling sinabi sa kausap sa telepono. Nakakapit ang dalawang kamay sa hawak na cellphone. Nakapantalon na itong maong na asul, itim na t-shirt at tsinelas na de sipit. Malayo sa suot nito sa trabaho. "Sa opisina na lang tayo magkita--" "Sinong kausap mo?" tanong niya sa asawa. Tumayo ng maayos si Princess at iniba ang pwesto ng kamay. Imbis na magkabilang kamay ang nakakapit sa cellphone, napunta sa beywang ang kaliwang kamay nito. Senyales iyon na kinabahan si Princess sa biglaan niyang pagsulpot. "Oo, sige bukas na lang ng umaga sa opisina. Pakidala ang approved presentation para diretso na tayo sa briefing," malakas ang boses nitong sabi sa kausap sa kabilang linya, "okay, sig
"Lorenz, dumapa ka muna sa sahig ng sasakyan kahit na bulletproof pa 'yan para siguradong ligtas ka! May papunta nang backup. Shit! I don't even know why this is happening! I'll drop the call. Please stay safe, Lorenz. Baka bumangon sa hukay ang Lolo mo at multuhin ako kapag may masamang nangyari sa'yo." Agad niyang sinunod ang bilin sa kanyang dumapa sa sahig na may rubber matting. Batid ang magkahalong panic at galit sa boses ni Vic sa kabilang linya. Itatatanong pa sana ni Lorenzo kung paano nakatawag ng backup gayong hindi naman naputol ang usapan nilang dalawa nang maputol na ang tawag.Ang kotseng sinasakyan ni Lorenzo ay mas pinabilis pa ang takbo. Kahit hindi naiintindihan niya ang nangyayari ay alam niyang marahil may kinalaman sa kanya ang barilang iyon. Napagtanto ni Lorenzo na marami pa ring may gustong manakit sa kanya dahil sa pangyayaring iyon. Maraming kamag-anak na ganid ang pamilya Villaverde. Mga pinsan at kaanak ng kanyang Ama at Lolo na hindi naambunan ng sipag a