TUMAYO si Lorenzo at sasagot na sana nang may dumating pang isang lalaki.
"Sabi mo nag-resign na, bakit nandito pa 'yan?" tanong ni Renandro kay Chester. Si Renandro ang dating kaklase ni Lorenzo na pinagbentahan niya ng negosyong iyon. Noong ibinenta niya ang RV Retail ay imbis na tulungan siya ng dating kaklase ay lalo pa siyang nasadlak sa putik. May lihim na galit pala ang taong iyon sa kanya kaya't imbis na bigyan siya ng mgandang posisyon ay sa pinakamababang level ng organizational chart siya inilagay.
"Ewan ko nga ba, Boss. Bakit dikit nang dikit pa rito wala naman siyang silbi."
"Lorenzo, umalis na ka. Nakakaabala ka na masyado," dagdag na pangungutya ni Renandro.
"Tama. Dapat sa 'yo naliligo ng asin para mawala ang malas. Umalis ka na."
Napapikit si Lorenzo at napabuntonghininga nang malalim. Hanggang kailan siya kailangang magtiis sa mga salitang ganoon?
"Mr. Lorenz Villaverde is the official new but old owner of RV Retail," malakas ang boses ni Vic sa may likuran niya. Napatingin ang dalawang kausap sa bagong dating na lalaki. Naka-grey na business suit si Vic.
"Wow. Nag-hire ka pa ng magpapanggap at aakting para lang kunwari may value at silbi ka?" Patuloy na panunuya ni Chester kay Lorenzo. Pumalakpak pa ito. Maraming empleyado noon sa lobby na napahinto at nasaksihan ang kaganapan.
"Chester! You're fired!" Mabilis ang pangyayari. Noong una ay katulong ni Chester si Renandro sa panlalait ngunit ngayong dumating si Vic ay mabilis ang pagbaligtad nito.
"Chairman Santiago, pardon this man. He's no longer with our company as of now," paliwanag ni Renandro na halatang nanginig bigla sa takot. Nakilala niya kung sino ang dumating. Ito ang kausap niya sa cellphone ilang segundo lang ang nakalipas. Ang taong bumili ng kumpanyang matagal na niyang gustong bitiwan. Kumita siya ng sampung milyon sa transaksiyon na iyon kaya't ganoon na lang ang takot niyang mawala itong bigla.
"Good. I would hate it if I'm the one to fire him. Such a waste of time. Palayasin na 'yan!" Itinuro ni Vic si Chester na biglang namutla. Lumapit ang dalawng guwardiya ni Vic at ineskortan palabas ng building ang talipandas na lalaki.
"So, as I was saying. This young master here bought back this company."
Nagbulungan ang mga tao sa paligid. Nakita ni Lorenzo ang mga kasamahan sa trabaho. Nakilala niya ang isa roon. Ang assistant manager na si Irene. Sikat si Irene sa buong kumpanya dahil siya ang pinakamaganda roon. Kung hindi siya assistant manager ay papasa itong modelo o kaya naman ay artista. Maganda rin ang paguugali ng babae kaya't mabilis ang pagpapasiya ni Lorenzo.
"Bilang bagong may-ari ng RV Retails, may ilan akong anunsiyo. Simula ngayon, doble na ang sahod ninyong lahat. I want to rebuild this company and make this grand and I need your loyalty and dedication to complete that mission. Ms. Irene, from now on, you'll be the General Manager and will report to me directly."
Panandaliang natahimik ang mga tao sa paligid bago narinig ang nakabibinging hiyawan at palakpakan. Hindi inasahan ni Lorenzo na naroon na pala sa lobby ang halos seventy percent ng head count ng kumpanya dahil katatapos lang ng breaktime at pabalik na ang mga iyon sa trabaho. Mabuti na lamang at wala si Janet sa pagtitipon doon kung hindi ay baka dalawa sila ni Chester na nasisante.
"So paano, Mr. Lorenz, tara na sa bago mong opisina?" bulong ni Vic kay Lorenzo. Magkakasunod silang umakyat sa opisina ng Presidente na papalitan ang pangalan mula kay Renandro pabalik kay Lorenzo.
Sa araw na iyon ay noon lang tunay na nakangiti si Lorenzo. Pakiramdam niya ay nabawasan nang kaunti ang bigat ng dibdib niya.
LUMIPAS ang mga araw. Natapos at naging successful ang operasyon ni Lorena. Wala pa ang opisyal na resulta ng biopsy ngunit ayon sa unang analysis ay non-cancerous naman ito. Nasa ospital pa ang bata at nagpapalakas. Nag-hire ng mga nurse si Lorenzo para bantayan ang anak kapag wala siya at si Princess. Dahil sa anak nila ay hindi na muna niya inisip ang sunod na hakbang sa relasyon sa misis. Kapag araw ay nagpupunta silang dalawa sa opisina. Siya bilang pagpunta sa RV Retails at ang asawa naman sa pinagtatrabahuhang opisina. Sinasadya niyang paunahin umalis ang misis para hindi nito maisip na may trabaho pa rin siya at iniiwan niya ang anak sa mga na-hire niyang nurse. Bumabalik din siya ng maaga para masigurong nasa ospital siya pagbalik ni Princess. Isinikreto ni Lorenzo ang lahat sa asawa dahil ayaw niyang magbago ang pananaw nito sa kanya dahil lang sa may pera na siya.
"Lorenz, tara. I came to bring you to an investment meeting." Walang anunsiyong pumasok sa opisina niya si Vic. Hindi rin niya alam na pupunta pala ito.
"Hindi ka nagsabi na pupunta ka. Hindi pa naman ako nakabihis," mahina niyang sabi. Hindi naman talaga siya nagbibihis ng naayon sa posisyon niya. Naka-t-shirt lang siya at pantalon at madalas ay tsinelas o rubber shoes. Wala namang dahilan para magbihis siya ng pormal. Dahil sa pagtataas ng sahod niya sa mga empleyado ay nangako ang mga iyon na itatago ang pagkatao niya. Hinihintay pa niyang ma-finalize ang gagawing paghirang sa kanya bilang bagong CEO ng LV Corporation kung saan under na ang RV Retails. Inilipat din si Janet ng ibang opisina para hindi sila magkita at hindi malaman ng babaeng iyon kung sino siya.
"Don't worry. I have clothes and shoes for you inside the limousine. Tara."
Napailing si Lorenzo at sumunod na kay Vic. Pagsakay nila ng limousine na puti ay may nakahanger na itim na damit doon. May kahon din ng mamahaling brand ng sapatos.
"Bihis na. We'll be there in about forty five minutes tops. Ipinahanda rin kita ng lunch since siguradong hindi ka pa kumakain." Nakangiting sabi ni Vic.
"Thank you."
Habang nagpapalit ng damit si Lorenzo ay nagtanong siya, "Anong investment firm tayo pupunta?"
"Sa Escalante Investments."
Natigilan sa pagkilos si Lorenzo nang marinig ang pangalan ng kumpanya. Iyon ang investment firm ni Peter at doon din nagtatrabaho ngayon si Princess.
"Hindi pwede. Naroon si Princess."
Nakita ni Lorenzo ang pag-irap ni Vic. Gusto niyang matawa dahil kagalang-galang ang itsura nito sa suot na dark brown suit ngunit kung makairap ito ay daig pa ang high school.
"I asked who will be the participants sa meeting at wala ang name ng ex-friend mo at niyang wife na soon to be ex mo na hindi ba?"
"Vic," pabuntonghiningang saway niya sa kasama. Alam ni Lorenzo na kahit hindi niya ikwento ay nalaman na nito ang nangyayari sa kanyang buhay pamilya. Kung tutuusin ay si Vic pa rin naman talaga ang tumatayong guardian niya kahit na matanda na siya.
"Yes I know. I won't meddle with your personal life like that. Bilisan mo nang magbihis at para makakain ka pa."
Tumango si Lorenzo. Tinawanan pa siya ni Vic nang makita nito ang suot niyang puruntong na shorts na panloob sa pantalon.
"Remind me to take you shopping, Mr. Villaverde. Let's fill up your room with lots of clothes. Ipag-shopping na rin natin si Lorena dahil paglabas niya ng hospital, she would be living at the mansion na."
Alam ni Lorenzo na hindi papayag si Princess na mahiwalay kay Lorena. Kahit pa marami itong pagkukulang ay mas nananaig pa rin naman ang pusong ina ng babaeng pinakasalan. Kailangan niya munang makaisip ng paraan kung paano niya makukuha si Lorena nang hindi nalalaman ng iba kung gaano na siya kayaman.
Isang tenderloin steak na may mashed potatoes at corn and carrots ang tanghalian na kinain nila sa limousine. Kung paano naging mainit pa rin ang pagkain pagkaabot sa kanya ng EA ni Vic ay isang misteryo. Nag-enjoy siya at naubos ang pagkain habang si Vic ay nakatatlong subo lang at naging abala na muli sa mga tawag sa telepono. Sa kakasama niya sa lalaki ay nagkakaroon na siya ng ideya kung gaano ka-busy ang magiging buhay niya sa oras na siya na ang pumalit na CEO ng LV Corporation.
"We're here. Let's go." Sa tapat ng isang building sa Uptown BGC Taguig sila pumarada.
Magkasunod na lumabas ng kotse sina Vic at Lorenzo. Elegante ang pinasukan nilang building ngunit mas maganda at mas matayog ang main building sa BGC ng LV Corporation. Nakapunta na doon si Lorenzo ng limang beses ngunit hindi pa rin siya masanay sa kalidad at class ng lugar. Ibang-iba iyon sa dati nilang head office sa Makati noong nabubuhay pa ang kanyang Lolo Leandro.
"Mr. Soriano, I'm Rupert, and we'll escort you to the Board Room." May sumalubong na lalaking parang mga edad kwarenta pataas sa kanilang dalawa. Kasunod ang apat na body guards nila ay tinungo nila ang elevator. Sa 21st floor ang Board Room.
"Mag-cr muna 'ko." Biglang nakaramdam ng pagkaihi si Lorenzo. Tanaw naman na niya ang Board Room kaya't hindi na siya maliligaw.
"The restroom is that way, Sir," magalang na sabi ng lalaking nagpakilalang Rupert.
Mabilis lang sa toilet si Lorenzo. Itinali niya rin gamit ang dalang itim na goma ang mahabang buhok. Hanggang balikat na ang buhok niya kaya't kailangang talian. Hindi pa niya planong magpagupit hanggang hindi pa nasisigurong wala ng problema sa kalusugan ng nag-iisang anak.
Pagpasok ni Lorenzo sa Board Room ay natigilan siya at nanlamig ang katawan nang makita sa loob ang asawa.
SI Princess ay nakaupo sa may dulo ng lamesa at ang nakatokang magpe-present ng investment project sa kanila.Alam ni Lorenzo na nabanggit ni Vic sa mga ka-meeting na isasama niya ang magiging bagong CEO ng LV Corporation kaya't kinabahan siya ng husto nang makita ang asawa sa loob ng Board Room.Itinuro ni Vic ang bakanteng pwesto sa pagitan ng dalawang body guard na kasama nila. Hindi nawawala sa loob ng mga meeting room ang mga bodyguards lalo na kung may ibang tao. Tumango si Lorenzo at naintindihan kung anong excuse niya sa pagpunta niya sa lugar na iyon."Body guard? Si Lorena?" tanong ni Princess sa kanya. Wala mang tunog ay nabasa ni Lorenzo ang bibig ng misis. Hindi niya ito pinansin. Tumayo siya kagaya ng tayo ng dalawang guwardiyang katabi. Mabuti na lamang at kakulay ng suot niyang suit ang uniporme ng mga body guards ni Vic. Mas mukha lang mamahalin ang tela ng suot niya kahit magkaparehas naman ng kulay."As I was saying. The incoming CEO had an important appointment to
SA mga sandaling iyon, tinatanong ni Lorenzo ang sarili kung bakit at paano nagbago ang ugali ng asawa. Sa tatlong taon nilang pagsasama ay marami silang naging away at hindi pagkakaunawaan, ngunit pinakamatindi ang mga kaganapan nitong mga nakaraang araw.Naalala ni Lorenzo ang unang pagkikita nila ni Princess."Tol, nasa parking na 'ko. Saang banda kayo nakapwesto?" Kadarating lang ni Lorenzo sa isang bar sa Malate, Manila. Iniangat niya ang handbreak ng sasakyan matapos maiayos ang pagparada. Masikip ang pagrking spaces sa bakanteng lote na malapit sa bar na iyon. Mabuti na lamang at dalawa pa ang bakante nang pumasok siya. May usapan silang tatlong magkakaibigan ngunit nahuli siya ng dating. Alas-onse y media ng gabi na nang matapos siya sa inaasikaso sa RV Retails."Langyang 'yan, ang tagal mo! Lasing na si Arnold. Alam mo namang tayong dalawa lang ang malakas uminom!" reklamong sagot ni Peter. Silang tatlo ay matalik na magkaibigan simula nang magkakiklala sila noong final year
"Senyorito, aalis na po ba tayo?" bulong ng bodyguard na kasama ni Lorenzo. Nagulat siya at nanlaki ang mga mata. Noong una ay Sir lamang ang tawag sa kanya ngunit ngayon ay naging Senyorito na. Nang hindi nagbago ang magalang na ekspresiyon ng bodyguard ay tumango si Lorenzo. Marahil ay utos ni Vic na ito ang itawag sa kanya kapag walang nakakarinig na ibang tao. Sinipat muna ng kasama niyang guwardiya ang hallway at nang masigurong nasa loob na muli ng kabilang silid si Princess at nakaalis na ang mga staff ng hotel ay saka naman siya iginiya ng guwardiya papalabas ng hotel na iyon. Habang naglalakad ay pilit pa ring ipinapaintindi ni Lorenzo sa sarili kung bakit ganoon na ang inaasal ni Princess. Sa lalim ng iniisip ay hindi nito nabigyang pansin ang nilalakaran. Napatid si Lorenzo at nang kukuha na ng balanse ay nakabangga ang isang lalaki. "Oh, shit! What the hell?!!!" umaalingawngaw ang boses na sigaw ng lalaki. Nang makarecover na si Lorenzo ay saka niya napansin na pamilyar
"Lorenz, dumapa ka muna sa sahig ng sasakyan kahit na bulletproof pa 'yan para siguradong ligtas ka! May papunta nang backup. Shit! I don't even know why this is happening! I'll drop the call. Please stay safe, Lorenz. Baka bumangon sa hukay ang Lolo mo at multuhin ako kapag may masamang nangyari sa'yo." Agad niyang sinunod ang bilin sa kanyang dumapa sa sahig na may rubber matting. Batid ang magkahalong panic at galit sa boses ni Vic sa kabilang linya. Itatatanong pa sana ni Lorenzo kung paano nakatawag ng backup gayong hindi naman naputol ang usapan nilang dalawa nang maputol na ang tawag.Ang kotseng sinasakyan ni Lorenzo ay mas pinabilis pa ang takbo. Kahit hindi naiintindihan niya ang nangyayari ay alam niyang marahil may kinalaman sa kanya ang barilang iyon. Napagtanto ni Lorenzo na marami pa ring may gustong manakit sa kanya dahil sa pangyayaring iyon. Maraming kamag-anak na ganid ang pamilya Villaverde. Mga pinsan at kaanak ng kanyang Ama at Lolo na hindi naambunan ng sipag a
ALAS-OTSO na ng gabi nang makabalik ng ospital si Lorenzo. Naabutan niyang nasa labas ng silid si Princess at may kausap sa cellphone sa tahimik at walang ibang taong corridor ng ospital. Nakatalikod ito sa kanya kaya't hindi siya napansin kaagad nito. Pabulong ang boses nito kaya't narinig niya lang ang panghuling sinabi sa kausap sa telepono. Nakakapit ang dalawang kamay sa hawak na cellphone. Nakapantalon na itong maong na asul, itim na t-shirt at tsinelas na de sipit. Malayo sa suot nito sa trabaho. "Sa opisina na lang tayo magkita--" "Sinong kausap mo?" tanong niya sa asawa. Tumayo ng maayos si Princess at iniba ang pwesto ng kamay. Imbis na magkabilang kamay ang nakakapit sa cellphone, napunta sa beywang ang kaliwang kamay nito. Senyales iyon na kinabahan si Princess sa biglaan niyang pagsulpot. "Oo, sige bukas na lang ng umaga sa opisina. Pakidala ang approved presentation para diretso na tayo sa briefing," malakas ang boses nitong sabi sa kausap sa kabilang linya, "okay, sig
PAGPASOK ni Lorenzo ng silid ni Lorena ay nagulat siya sa dami ng gamit na nakita sa may tabi ng pintuan. Eksakto namang nag-ring ang phone niya as if on cue."Hello?" Alam naman ni Lorenzo kung sino ang tumawag dahil iyon lang naman ang madalas tumawag sa kanya."Lorenz, I forgot to tell you I sent some stuff sa hospital kanina. Masyado tayo naging preoccupied dahil sa ganap kanina kaya hindi ko pala nabanggit."Napailing si Lorenzo habang nakatingin sa hilera ng pitong malalaking paper bags na nang silipin niya ay puro damit ang laman. Mayroon ding limang kahon ng sapatos sa isang malaking eco-bag na nakapatas sideways para magkasya sa isang lagayan lamang. May dalawang pares ng tsinelas na kung titingnan ay magkiaba pa ng size. Isang teddy bear na puti na mayroong malaking ribbon. Magkasinlaki sina Lorena at ang stuffed toy kung nakaupo. May isang kahon din ng laptop na pambata. Sinipat ni Lorenzo kung ano iyon. Nakita niya ang listahan ng mga fairy tales at children's stories kasa
NAKABABA na siya ng elevator at naglalakad sa ground floor hallway papuntang cafeteria ng ospital nang may biglang tumapik sa balikat niya."Have you thought about it?"Napalingon siyang bigla. Sa gulat niya nang makita ang nasa likuran ay napaatras siya at muntikan nang matumba. Nasalo siya ng taong kausap. Nakakapit ang kamay sa beywang habang ang kabilang kamay ay sa braso. Kung may makakakita sa kanila ay para silang nagsasayaw ng tango at nag-dip ang kaparehang babae pahiga."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang marahang tumatayo at inaayos ang sarili. Nag-iwas siya ng tingin at dumistansya habang palinga-linga sa paligid. Alam naman niyang wala roon ang taong kinatatakutang makita."I came to see you."Pinigilan niya ang sariling lumapit sa kausap. Pumikit muna bago nagsalita. Sinusubkang pakalmahin ang sarili dahil sa sitwasyon."Hindi ba kakasabi ko lang kanina, bukas na tayo magkita at mag-usap sa opisina." Hindi niya alam kung tama ba ang tono ng pananalita niya na tu
SA mga panahong iyon naisip ni Princess na sana ay nakinig siya sa mga payo sa kanya noon na huwag gagawa ng desisyon kapag nasasaktan o kaya ay galit. She made a big one that day and it changed her life completely."Hello?" alas-siete ng gabi nang makatanggap siya ng tawag. Hindi na niya nasilip ang caller id dahil galing siya ng banyo, nakatapis lamang ng tuwalya at nagtutuyo ng buhok matapos mag-shower. "Hello? Princess?"Tiningnan ni Princess ang numero sa phone ngunit hindi niya iyon kilala. Hindi nakaregister ang number ng kausap."Yes, sino 'to?" "Si Charisse, classmate mo nung college. Buti pala ito pa rin ang number mo. Ano kasi--" Napairap si Princess dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ng kausap. Mangungutang ba itoJ? Hindi naman sila gaanong close ni Charisse. Kaklase nga niya ito noong college at nagkapalitan lang sila ng number dahil sa isang school project. Marahil hindi nagpalit ng cellphone simula noon ang kausap niya kaya't alam pa rin nito ang phone number n
ALAM ni Lorenzo na parang suntok sa buwan ang gusto niya. Umaasa siyang pipiliin siya ni Princess kahit na hindi nito sinasabi ang tunay niyang estado sa buhay sa kasalukuyan. Simple lang naman ang gusto niya. Gusto niyang maging tanggap ni Princess na siya pa rin ang Padre de Pamilya at sundin nito ang sinasabi niya lalo na pagdating sa relasyon nito kay Peter. Nawalan na ng gana si Lorenzo kumain. Sumubo lang siya ng ilang beses bago uminom ng isang basong tubig. Kinuha ni Lorenzo sa bulsa ang bagong biling cellphone at nagtipa ng numero. Kahit na gabing-gabi na ay sumagot pa rin ang nasa kabilang linya. "Namiss mo agad akong kausap?" tanong ni Vic sa kabilang linya. "Vic, I want to acquire PI Investment as soon as possible. Do everything para makuha ko ang kumpanyang 'yon. Gusto kong ma-kontrol si Peter pati na rin . . .""Si Princess?" Napabuntonghininga si Lorenzo bago sumagot, "Oo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong nakatulay sa lubid na malapit nang mapigtas." "I'
NAPABUNTONGHININGA si Princess. Nang malugi ang negosyo ng asawa ay siya ang unang-unang nanghirap. Higit sa kanino man, si Princess ang nagmakaawa sa mga magulang upang tanggapin sila sa bahay ng mga iyon nang mailit ng bangko ang bahay at kotse nila ni Lorenzo. Si Princess din ang nakutya at naapi ng mga kapatid dahil sa pagkasadlak sa kahirapan ng asawa. Ang pinakamasama pa sa lahat, tinanggap ni Lorenzo na maging parte ng staff ng naluging kumpanya sa kagustuhang magkaroon pa rin ng trabaho. Lahat ng ipinangakong magandang buhay ni Lorenzo kay Princess ay naging isang pangako na lamang.Alam ni Princess noon na hindi naman niya tunay na minahal si Lorenzo. Napilitan lang siya dahil nagkasubuan na silang dalawa.His words seemed comforting sa panahong iyon na bagong tuklas ni Princess ang pagtataksil ni Rayver pero higit sa lahat, ang nangyari noong gabing iyon ang nagpabago ng lahat sa buhay nilang dalawa."Princess . . . lasing na lasing ka. Are you sure you don't want me to driv
NAPABUNTONGHININGA si Princess habang inaalala ang mga sumunod na nangyari.Princess felt heartbroken and humiliated. Ang masakit pa, wala siyang mapagsabihan ng mga suliranin niya. Wala siyang makaramay na kahit na sino man lang ngayong puno ng pighati at galit ang buhay niya dahil sa tagpong nasaksihan. Hindi naman niya pwedeng tawagan si Charisse at sabihin na tama nga siya at lunukin niya ang pride niya para magpasalamat sa impormasyong nanakit sa kanya ng husto. Akala ni Princess, makukuha niya ang sagot sa mga katanungan kung papaandarin lang niya ang kotse na walang patutunguhan ngunit hindi pala. She went to a place where she thought she could forget about everything. Sa isang bakanteng lote ang parking lot ng isang sikat na bar sa Malate, Manila. Malayo pa lang siya ay nakita na niya ang dalawang parking space na bakante. May kotseng naka-hazard na pumasok sa isa sa mga bakanteng slot.Papasok na siya ng parking slot na natitirang bakante nang mag-ring ang phone niya. She s
THE door opened even before she could reach the third count. Sa kabila ng pinto ay may bumalandrang babaeng mahaba ang buhok, manipis ang kilay, hindi katangusan ang ilong at makapal ang namumulang mga labi. Kung titingnan ang katawan ay hindi rin proportion. Mas malaki ng mga dalawang beses ang dibdib ng babae kaysa sa balakang niya. Mukha siyang donut na nakatusok sa barbecue stick. "Darling, sino ba 'yan? Ang ingay, nakakahiya sa ibang kwarto." Naka-lingerie na pula ang babae na kasingpula ng lipstick ng labi. Hindi naman sa nanghahamak siya ngunit mukhang pokpok ang babae. "Ex-fiancee niya 'ko. Ikaw sino ka?" Nakangising sabi ni Princess. "Hon--" "Fiancee?" Magkasabay pa nasalita ang bab