SI Princess ay nakaupo sa may dulo ng lamesa at ang nakatokang magpe-present ng investment project sa kanila.
Alam ni Lorenzo na nabanggit ni Vic sa mga ka-meeting na isasama niya ang magiging bagong CEO ng LV Corporation kaya't kinabahan siya ng husto nang makita ang asawa sa loob ng Board Room.
Itinuro ni Vic ang bakanteng pwesto sa pagitan ng dalawang body guard na kasama nila. Hindi nawawala sa loob ng mga meeting room ang mga bodyguards lalo na kung may ibang tao. Tumango si Lorenzo at naintindihan kung anong excuse niya sa pagpunta niya sa lugar na iyon.
"Body guard? Si Lorena?" tanong ni Princess sa kanya. Wala mang tunog ay nabasa ni Lorenzo ang bibig ng misis. Hindi niya ito pinansin. Tumayo siya kagaya ng tayo ng dalawang guwardiyang katabi. Mabuti na lamang at kakulay ng suot niyang suit ang uniporme ng mga body guards ni Vic. Mas mukha lang mamahalin ang tela ng suot niya kahit magkaparehas naman ng kulay.
"As I was saying. The incoming CEO had an important appointment to attend to. I'll be meeting you instead. I want to know what happened to the list of names submitted to me? I think there were few changes?"
Ang tinutukoy ni Vic ay ang pangalan ni Princess na hindi niya nabasa. Kung may pangalang Princess Cruz Villaverde sa listahan ay hindi na dapat pinapunta ni Vic si Lorenzo roon.
"One of the presenters called in sick late and we barely had time to prepare. I'm very sorry if this caused some inconvenience to you and to your party," magalang at mapagkumababang sagot ni Rupert na isang manager sa Investment firm na iyon.
Natuloy ang meeting. Nakinig si Lorenzo habang nakatayo lang sa gilid ng silid. Gusto niyang unti-unting magamay ang mga ginagawang trabaho ni Vic para hindi siya mahirapan kapag mag-isa na lang siya. Kahit sinabi nito na gagabayan siya ng isang taon matapos ang paglipat ng kapangyarihan ay hindi pa rin niya gustong magpakampante. Hindi niya na hahayaang masira pa muli ang tsansang ibinigay sa kanya para pagandahin ang buhay nila ng kanyang pamilya.
Matapos ang meeting ay nagpaalam na sila sa mga taga Escalante. Naunang umalis si Princess dahil mayroon pa raw itong next appointment at isiningit lang niya ang meeting na iyon as reliever. Nabanggit din na tatawagan ang ospital para sa anak. Gustong sumagot ni Lorenzo na hindi na kailangan dahil maraming nagbabantay sa anak nila ngunit nanahimik na lang siya.
Nag-usap pa saglit sina Vic at Rupert bago tuluyan na silang lumabas ng Board Room. Pagdaan nila sa may elevator ay nakita ni Lorenzong kasasakay lang ni Princess doon at iba na ang damit nito.
Magkahalong init at lamig ng katawan ang naramdaman ni Lorenzo nang makita ang damit ng asawa. Isang plunging neckline at hapit na silver sequined sleeveless dress ang suot nito. May slit na hanggang kalahati ng hita. Nakapulang lipstick at mataas na takong ng sapatos. Mabilisan itong nagpalit ng damit matapos ang meeting. Sumara na ang elevator. Hindi nakita ni Princess si Lorenzo dahil nagtitipa ito ng mensahe sa hawak na cellphone.
Bumulong si Vic sa kanya, "Use one of the guard's cars. Sundan mo na kung saan pupunta for your peace of mind."
Napapikit at napabuntonghininga si Lorenzo. Nakita rin ni Vic si Princess. Tumango na lang siya at hindi na umimik pa. Gaya ng instruction, ipinagmaneho siya ng isa sa mga guwardiya para sundan ang taxing sinakyan ni Princess.
Sa Hilton Hotel pumunta ang taxi. Hindi sila nahirapang sundan ang taxi dahil wala namang buhol-buhol na trapiko nang araw na iyon. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ni Lorenzo.
"Hello," sagot niya pagtapat ng cellphone sa tainga. Nakita na niyang bumaba si Princess at pumasok sa Lobby ng hotel. Pinauna niya ng ilang metro ang asawa bago siya bumaba at sinundan ito. Nagpapasalamat siyang maayos ang suot niya kaya't walang atensiyong nakuha sa ibang parokyano ng Hilton.
"Sa Hotel's restaurant ang meeting ng asawa mo sa isang VIP room doon. Sa ground floor lang 'yon so hindi mahirap hanapin. Natanong ko si Rupert kanina. Lorenz, don't ever cause a scene. Handle it with tact and grace dahil hindi mo alam kung sinong mga makakasalamuha mo diyan. Use your head and don't let your emotion cloud your judgment. Maaayos natin 'yan ng tahimik kagaya dati basta sabihan mo lang ako. The guard will be staying with you. I sent over his number and your number is already saved on his phone. Oo nga pala, naiwan mo ang isang phone mo sa kotse. Sabi ko sa 'yo kasi bumili ka ng dual sim na cellphone para ang naka-postpaid line hindi mo naiwawaglit!"
Napailing si Lorenzo dahil tama naman ang pangaral ni Vic sa lahat ng aspeto kasama ang cellphone niya. Dahil wala siya laging load ay hindi naman talaga useful ang cellphone niyang luma. Binigyan siya ng bagong phone na may postpaid line ngunit hindi niya iyon laging nadadala.
"Sige, bukas bibili na 'kong bago. Dapat kasi ganoon na ang ibinigay mo para hindi na 'ko maghahanap. Ilipat mo na rin ang sim card."
"Oo nga naman. Sige sandali padadalhan kita ngayon na at ipapalipat ko rin ang sim card."
Natawa si Lorenzo at saka ibinaba ang tawag. Siguradong ilang minuto lang ay may bago na naman siyang cellphone.
Habang naglalakad ay nabangga siya ng isang babae. Hindi niya napansin kahit na naka-red dress ito.
Sa napakaelegante at engrandeng lobby na sa sobrang kintab ng sahig ay pwede kang manalamin at sa ilalim ng grand crystal chandelier na kumikinang na parang mga brilyanteng nahuhulog sa lupa, hindi niya inasahang makikita ang mga taong iyon.
"Oh my God, look who's here Mama!"
Napapikit si Lorenzo at naghugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Ang nakabangga niya ay ang hipag na si Frances. Ito ang bunsong kapatid ni Princess. Maya-maya pa ay lumapit na rin ang ama at ina ng babae. Sa makatuwid, ang mga in-laws niya ang nakasalubong niya.
"Wow. Saan ka pupunta. Narito ba ang amo mo? Mukhang maayos ang pa-uniform sa 'yo ngayon hindi na kagaya ng dati para ka talagang delivery boy!" nakangising sabi ni Frances. Apat na beses na siyang nakikita ni Frances na nakauniporme as Delivery Boy ng RV Retails noon dahil sinadya nitong mag-oder sa online site nila para lang laitin siya.
"Balita ko nasisante ka sa trabaho. Ano namang mahirap sa paghahatid ng damit at sapatos? Hindi naman kailangan ng talino at diskarte roon? Mga bagay na walang-wala ka!" Malakas ang boses ng biyenan niyang babae.
"Mama Portia, may trabaho na ako ngayon. Excuse me."
"Wow. Trabaho? Anong trabaho mo ngayon? Hosto ka ba? 'Wag mo kong tawaging Mama at baka isipin ng mga tao na magkakilala tayo! Kadiri! Eew! I don't even want to be associated with you or your filthy name! Tanga lang talaga ang anak ko anong nakita ba sa'yo para hindi ka pa rin hinihiwalayan hanggang ngayon. Kaawa-awang Princess ko." Simula nang palayasin sila ng bahay ay hindi pa ulit nakipagkita si Princess sa mga magulang. Ang kondisyon ng mga iyon ay kailangang magkahiwalay na sila bago sila muling magkita. Ang mga kapatid lang na kambal na sina Francis at Francess ang laging nakakausap ni Princess.
"Natawa si Frances sa panunuya ng ina kay Lorenzo. Hindi pa nakuntento ang pamilya Cruz. Nakisali pa ang ama.
"Ikaw bastardo ka! Nalugi ang unang negosyo na itinayo at nabaon sa utang. Tapos naging delivery boy na nga sa mismong kumpanyang iyon tapos nasisante pa rin?! Ano namang katangahan na naman ang ginawa mo? Hindi ka na naawa sa anak ko at pinapahirapan mo kakatrabaho habang ikaw walang pakinabang!"
"Sabihin n’yo na ho ang gusto nyong sabihin at isipin na ang gusto ninyong isipin pero wala akong pakialam. Nagmamadali ho ako, excuse me."
Hindi na pinansin ni Lorenzo ang mga pahaging pang isinigaw ng tatlo. Pinagtiningan sila ng mga tao dahil sa inasal. Kung tutuusin, kahit mukhang mayaman ang pamilya ay hindi sila kilos edukado. Mapangmata at matatalas ang dila ng mga iyon.
Hindi nagpatinag si Lorenzo. Naglakad siya at tinungo ang daang tinahak ni Princess bago ito nawala sa paningin niya. Mabuti na rin na hindi si Princess ang nasalubong ng pamilya niya dahil baka kung ano pang sabihin nito para lang tanggapin sila muli ng mga kamag-anak.
"Nasaan kaya ang VIP room dito?" bulong niya sa sarili. Hindi siya nagpahalata habang marahang sinisipat ang paligid. May mga kumakain na naka-cocktail dress at mayroon din namang nakapambahay lang. Marahil ang mga iyon ay doon sa hotel naka-check in at gusto lang kumain. Ang iba naman ay siguradong dumayo pa para sa hotel ambiance at high end first class na cuisine.
Napansin ni Lorenzo ang isang babaeng lumabas mula sa isang silid. Nakakubli ang pintuan nito at hindi kita mula sa hall ng restaurant kung hindi ito sasadyaing hanapin. Naningkit ang mata ni Lorenzo para sipatin ang name tag. Concierge-VIP ang nakalgay sa tag. Posibleng doon ang VIP section. Tinahak niya ang lugar at nang masigurong malayo na ang babae ay marahan siyang sumilip sa pintuan. Narinig niya ang boses ni Princess. Kagaya ng presentation sa kanila ni Vic ang ginagawa ni Princess. Ang pinagkaiba lang ay ang malaswang tingin ng nakapukol sa kanya mula sa matabang lalaking nakasuot ng grey na suit at nakaupo sa tapat ni Princess. Kitang-kita ni Lorenzo kung paano kumakagat sa labi ang lalaking iyon habang malagkit ang tingin sa cleavage ng asawa. Napatikom ang kamao niya sa galit lalo na noong tumayo ang lalaki at lumapit sa babae.
"You'll have to explain more slowly. Slow is good too even though I prefer my women fast and wild."
Nakita ni Lorenzo na nanginig ang katawan ni Princess dala ng takot. Susugod na sana siya nang mag-vibrate ang phone niya. Iniangat niya ang phone at tiningnan ang mensahe.
Tama ang hinala niya. Alam niyang paraan iyon ni Vic para warningan siya. Siguradong nakamasid ang body guard na kasama niya.
Record the thing and send it over using the guard's phone. I'll take care of the rest, whatever it is.
Napamura si Lorenzo sa isip. Wala siyang choice kung hindi isara ng marahan ang pintuan at pakinggan lang ang nangyayari sa loob. Patuloy pa ring nagpaliwanag si Princess. Noon niya narinig ang dalawa pang boses sa loob. Puro lalaki ang ka-meeting nito.
"Germs, sit down and let the girl do her job."
"Yeah, man. You're being such a menace."
"I like her and I want to bed her after this presentation if she will agree. Her tits and legs drives me wild. She should have dressed more appropriately if she wanted to do her presentation without any interruptions from men who find her utterly desirable. I really want you now, Miss. Do me after you do your job."
Hindi nagpatinag si Princess. Nagpatuloy pa rin ito sa pagpapaliwanag kahit na binabastos na siya ng lalaki.
Ni-record ni Lorenzo ang sinabi ng lalaki. Lumapit ang guwardiya na naroon din sa area at kinuha ang phone. Nag-transfer ng data patungo sa among si Vic.
"Sir, magtago po muna tayo." Itinuro ng bodyguard ang isa pang VIP room na katapat lang ng silid na iyon. Hindi nila inilapat ang pintuan para marinig pa rin at masilip ang kaganapan sa labas.
Maya-maya pa ay may pumasok na tatlong hotel staff at binitbit ang lalaking manyakis palabas. Si Princess naman ay kinausap ng concierge.
"Are you alright ma'am? We received an anonymous tip that someone was sexually harassing you inside our hotel. We're very strict with our anti sexual harassment campaign and that is non-negotiable. If you want to leave now, we'll have one of our hotel cars drive you home--"
"Hindi na. Si Mr. Fereira lang naman ang manyakis. The other two looked okay. Isa pa, worth $1 million dollars ang deal na 'to."
Napabuntonghininga si Lorenzo at napatikom ang mga kamao sa narinig. Dahil sa pera, nasisikmura ni Princess ang mga ganoong klaseng tao. Nabulagan na bang tunay ng pera ang asawa niya na wala na lang halaga ang iniingatan nitong dangal?
SA mga sandaling iyon, tinatanong ni Lorenzo ang sarili kung bakit at paano nagbago ang ugali ng asawa. Sa tatlong taon nilang pagsasama ay marami silang naging away at hindi pagkakaunawaan, ngunit pinakamatindi ang mga kaganapan nitong mga nakaraang araw.Naalala ni Lorenzo ang unang pagkikita nila ni Princess."Tol, nasa parking na 'ko. Saang banda kayo nakapwesto?" Kadarating lang ni Lorenzo sa isang bar sa Malate, Manila. Iniangat niya ang handbreak ng sasakyan matapos maiayos ang pagparada. Masikip ang pagrking spaces sa bakanteng lote na malapit sa bar na iyon. Mabuti na lamang at dalawa pa ang bakante nang pumasok siya. May usapan silang tatlong magkakaibigan ngunit nahuli siya ng dating. Alas-onse y media ng gabi na nang matapos siya sa inaasikaso sa RV Retails."Langyang 'yan, ang tagal mo! Lasing na si Arnold. Alam mo namang tayong dalawa lang ang malakas uminom!" reklamong sagot ni Peter. Silang tatlo ay matalik na magkaibigan simula nang magkakiklala sila noong final year
"Senyorito, aalis na po ba tayo?" bulong ng bodyguard na kasama ni Lorenzo. Nagulat siya at nanlaki ang mga mata. Noong una ay Sir lamang ang tawag sa kanya ngunit ngayon ay naging Senyorito na. Nang hindi nagbago ang magalang na ekspresiyon ng bodyguard ay tumango si Lorenzo. Marahil ay utos ni Vic na ito ang itawag sa kanya kapag walang nakakarinig na ibang tao. Sinipat muna ng kasama niyang guwardiya ang hallway at nang masigurong nasa loob na muli ng kabilang silid si Princess at nakaalis na ang mga staff ng hotel ay saka naman siya iginiya ng guwardiya papalabas ng hotel na iyon. Habang naglalakad ay pilit pa ring ipinapaintindi ni Lorenzo sa sarili kung bakit ganoon na ang inaasal ni Princess. Sa lalim ng iniisip ay hindi nito nabigyang pansin ang nilalakaran. Napatid si Lorenzo at nang kukuha na ng balanse ay nakabangga ang isang lalaki. "Oh, shit! What the hell?!!!" umaalingawngaw ang boses na sigaw ng lalaki. Nang makarecover na si Lorenzo ay saka niya napansin na pamilyar
"Lorenz, dumapa ka muna sa sahig ng sasakyan kahit na bulletproof pa 'yan para siguradong ligtas ka! May papunta nang backup. Shit! I don't even know why this is happening! I'll drop the call. Please stay safe, Lorenz. Baka bumangon sa hukay ang Lolo mo at multuhin ako kapag may masamang nangyari sa'yo." Agad niyang sinunod ang bilin sa kanyang dumapa sa sahig na may rubber matting. Batid ang magkahalong panic at galit sa boses ni Vic sa kabilang linya. Itatatanong pa sana ni Lorenzo kung paano nakatawag ng backup gayong hindi naman naputol ang usapan nilang dalawa nang maputol na ang tawag.Ang kotseng sinasakyan ni Lorenzo ay mas pinabilis pa ang takbo. Kahit hindi naiintindihan niya ang nangyayari ay alam niyang marahil may kinalaman sa kanya ang barilang iyon. Napagtanto ni Lorenzo na marami pa ring may gustong manakit sa kanya dahil sa pangyayaring iyon. Maraming kamag-anak na ganid ang pamilya Villaverde. Mga pinsan at kaanak ng kanyang Ama at Lolo na hindi naambunan ng sipag a
ALAS-OTSO na ng gabi nang makabalik ng ospital si Lorenzo. Naabutan niyang nasa labas ng silid si Princess at may kausap sa cellphone sa tahimik at walang ibang taong corridor ng ospital. Nakatalikod ito sa kanya kaya't hindi siya napansin kaagad nito. Pabulong ang boses nito kaya't narinig niya lang ang panghuling sinabi sa kausap sa telepono. Nakakapit ang dalawang kamay sa hawak na cellphone. Nakapantalon na itong maong na asul, itim na t-shirt at tsinelas na de sipit. Malayo sa suot nito sa trabaho. "Sa opisina na lang tayo magkita--" "Sinong kausap mo?" tanong niya sa asawa. Tumayo ng maayos si Princess at iniba ang pwesto ng kamay. Imbis na magkabilang kamay ang nakakapit sa cellphone, napunta sa beywang ang kaliwang kamay nito. Senyales iyon na kinabahan si Princess sa biglaan niyang pagsulpot. "Oo, sige bukas na lang ng umaga sa opisina. Pakidala ang approved presentation para diretso na tayo sa briefing," malakas ang boses nitong sabi sa kausap sa kabilang linya, "okay, sig
PAGPASOK ni Lorenzo ng silid ni Lorena ay nagulat siya sa dami ng gamit na nakita sa may tabi ng pintuan. Eksakto namang nag-ring ang phone niya as if on cue."Hello?" Alam naman ni Lorenzo kung sino ang tumawag dahil iyon lang naman ang madalas tumawag sa kanya."Lorenz, I forgot to tell you I sent some stuff sa hospital kanina. Masyado tayo naging preoccupied dahil sa ganap kanina kaya hindi ko pala nabanggit."Napailing si Lorenzo habang nakatingin sa hilera ng pitong malalaking paper bags na nang silipin niya ay puro damit ang laman. Mayroon ding limang kahon ng sapatos sa isang malaking eco-bag na nakapatas sideways para magkasya sa isang lagayan lamang. May dalawang pares ng tsinelas na kung titingnan ay magkiaba pa ng size. Isang teddy bear na puti na mayroong malaking ribbon. Magkasinlaki sina Lorena at ang stuffed toy kung nakaupo. May isang kahon din ng laptop na pambata. Sinipat ni Lorenzo kung ano iyon. Nakita niya ang listahan ng mga fairy tales at children's stories kasa
NAKABABA na siya ng elevator at naglalakad sa ground floor hallway papuntang cafeteria ng ospital nang may biglang tumapik sa balikat niya."Have you thought about it?"Napalingon siyang bigla. Sa gulat niya nang makita ang nasa likuran ay napaatras siya at muntikan nang matumba. Nasalo siya ng taong kausap. Nakakapit ang kamay sa beywang habang ang kabilang kamay ay sa braso. Kung may makakakita sa kanila ay para silang nagsasayaw ng tango at nag-dip ang kaparehang babae pahiga."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang marahang tumatayo at inaayos ang sarili. Nag-iwas siya ng tingin at dumistansya habang palinga-linga sa paligid. Alam naman niyang wala roon ang taong kinatatakutang makita."I came to see you."Pinigilan niya ang sariling lumapit sa kausap. Pumikit muna bago nagsalita. Sinusubkang pakalmahin ang sarili dahil sa sitwasyon."Hindi ba kakasabi ko lang kanina, bukas na tayo magkita at mag-usap sa opisina." Hindi niya alam kung tama ba ang tono ng pananalita niya na tu
SA mga panahong iyon naisip ni Princess na sana ay nakinig siya sa mga payo sa kanya noon na huwag gagawa ng desisyon kapag nasasaktan o kaya ay galit. She made a big one that day and it changed her life completely."Hello?" alas-siete ng gabi nang makatanggap siya ng tawag. Hindi na niya nasilip ang caller id dahil galing siya ng banyo, nakatapis lamang ng tuwalya at nagtutuyo ng buhok matapos mag-shower. "Hello? Princess?"Tiningnan ni Princess ang numero sa phone ngunit hindi niya iyon kilala. Hindi nakaregister ang number ng kausap."Yes, sino 'to?" "Si Charisse, classmate mo nung college. Buti pala ito pa rin ang number mo. Ano kasi--" Napairap si Princess dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ng kausap. Mangungutang ba itoJ? Hindi naman sila gaanong close ni Charisse. Kaklase nga niya ito noong college at nagkapalitan lang sila ng number dahil sa isang school project. Marahil hindi nagpalit ng cellphone simula noon ang kausap niya kaya't alam pa rin nito ang phone number n
THE door opened even before she could reach the third count. Sa kabila ng pinto ay may bumalandrang babaeng mahaba ang buhok, manipis ang kilay, hindi katangusan ang ilong at makapal ang namumulang mga labi. Kung titingnan ang katawan ay hindi rin proportion. Mas malaki ng mga dalawang beses ang dibdib ng babae kaysa sa balakang niya. Mukha siyang donut na nakatusok sa barbecue stick. "Darling, sino ba 'yan? Ang ingay, nakakahiya sa ibang kwarto." Naka-lingerie na pula ang babae na kasingpula ng lipstick ng labi. Hindi naman sa nanghahamak siya ngunit mukhang pokpok ang babae. "Ex-fiancee niya 'ko. Ikaw sino ka?" Nakangising sabi ni Princess. "Hon--" "Fiancee?" Magkasabay pa nasalita ang bab
ALAM ni Lorenzo na parang suntok sa buwan ang gusto niya. Umaasa siyang pipiliin siya ni Princess kahit na hindi nito sinasabi ang tunay niyang estado sa buhay sa kasalukuyan. Simple lang naman ang gusto niya. Gusto niyang maging tanggap ni Princess na siya pa rin ang Padre de Pamilya at sundin nito ang sinasabi niya lalo na pagdating sa relasyon nito kay Peter. Nawalan na ng gana si Lorenzo kumain. Sumubo lang siya ng ilang beses bago uminom ng isang basong tubig. Kinuha ni Lorenzo sa bulsa ang bagong biling cellphone at nagtipa ng numero. Kahit na gabing-gabi na ay sumagot pa rin ang nasa kabilang linya. "Namiss mo agad akong kausap?" tanong ni Vic sa kabilang linya. "Vic, I want to acquire PI Investment as soon as possible. Do everything para makuha ko ang kumpanyang 'yon. Gusto kong ma-kontrol si Peter pati na rin . . .""Si Princess?" Napabuntonghininga si Lorenzo bago sumagot, "Oo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong nakatulay sa lubid na malapit nang mapigtas." "I'
NAPABUNTONGHININGA si Princess. Nang malugi ang negosyo ng asawa ay siya ang unang-unang nanghirap. Higit sa kanino man, si Princess ang nagmakaawa sa mga magulang upang tanggapin sila sa bahay ng mga iyon nang mailit ng bangko ang bahay at kotse nila ni Lorenzo. Si Princess din ang nakutya at naapi ng mga kapatid dahil sa pagkasadlak sa kahirapan ng asawa. Ang pinakamasama pa sa lahat, tinanggap ni Lorenzo na maging parte ng staff ng naluging kumpanya sa kagustuhang magkaroon pa rin ng trabaho. Lahat ng ipinangakong magandang buhay ni Lorenzo kay Princess ay naging isang pangako na lamang.Alam ni Princess noon na hindi naman niya tunay na minahal si Lorenzo. Napilitan lang siya dahil nagkasubuan na silang dalawa.His words seemed comforting sa panahong iyon na bagong tuklas ni Princess ang pagtataksil ni Rayver pero higit sa lahat, ang nangyari noong gabing iyon ang nagpabago ng lahat sa buhay nilang dalawa."Princess . . . lasing na lasing ka. Are you sure you don't want me to driv
NAPABUNTONGHININGA si Princess habang inaalala ang mga sumunod na nangyari.Princess felt heartbroken and humiliated. Ang masakit pa, wala siyang mapagsabihan ng mga suliranin niya. Wala siyang makaramay na kahit na sino man lang ngayong puno ng pighati at galit ang buhay niya dahil sa tagpong nasaksihan. Hindi naman niya pwedeng tawagan si Charisse at sabihin na tama nga siya at lunukin niya ang pride niya para magpasalamat sa impormasyong nanakit sa kanya ng husto. Akala ni Princess, makukuha niya ang sagot sa mga katanungan kung papaandarin lang niya ang kotse na walang patutunguhan ngunit hindi pala. She went to a place where she thought she could forget about everything. Sa isang bakanteng lote ang parking lot ng isang sikat na bar sa Malate, Manila. Malayo pa lang siya ay nakita na niya ang dalawang parking space na bakante. May kotseng naka-hazard na pumasok sa isa sa mga bakanteng slot.Papasok na siya ng parking slot na natitirang bakante nang mag-ring ang phone niya. She s