SA isang pribado ngunit maliit na silid sa isang sikat na ospital sa Maynila, ang St. James Hospital ay lumabas mula sa banyo ang isang babae habang nagsusuklay ng buhok. Sa isang kamay ay bitbit ang supot ng damit na pinaghubaran. Nang makita ang dalawang tao sa silid ay napabuntonghininga ito nang malalim at napahinto sa paglalakad. Inihagis niya ang dalang supot patungo sa nakabukas na itim na bag sa paanan ng higaan.
"Pupunta muna ko sa opisina. May meeting ako ngayong umaga. Ikaw muna ang magbantay dito tutal mukhang hindi ka naman kailangan sa trabaho." Naalimpungatan sa pagkakahimbing si Lorenzo Villaverde at napatingala sa asawang si Princess. Nakaupo siya sa sa isang pulang upuan sa tabi ng kama ng kanilang dalawang taong gulang na anak. Noong makatulog ang anak ay idinantay niya ang sariling pisngi sa maliit na kamang nababalutan ng puting kumot habang hawak ang maliit at maputlang kamay ng bata. Nang makita na napairap ang misis ay tumayo kaagad si Lorenzo. Hinawi ang itim at mahabang buhok na nagulo na dahil sa pwesto ilang segundo ang nakalipas. Kung may makakita sa ginawa niya ay aakalaing nasa shampoo commercial siya. Bukod sa mukha siyang artista at modelo sa angking kagwapuhan ay malambot, unat at makintab din ang buhok niya.
"Aalis ka? Pero pupunta ang doktor ngayon para kausapin tayo tungkol sa operasyon--" Ilang hakbang lang ay narating kaagad niya ang asawa. Pagkapit ni Lorenzo sa makinis na braso ng misis ay pinalis ito ng babae at saka kinuha ang hand bag na nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama. Noon napansin ni Lorenzo na nagpalit ng damit si Princess. Mula sa suot nitong puting t-shirt, hapit na pantalong maong at tsinelas ay nakablusang pula na ito at itim na paldang nakahubog simula sa makipot na beywang hanggang tuhod. Suot din ang pares ng itim na sapatos na pudpod na ang swelas at takong.
"Anong silbi ba na hintayin ko ang doktor kung wala naman tayong pera pampaopera kay Lorena?! Kung bakit kasi dito pilit na dinala sa ospital na ito, wala naman tayong pera---" Napapadyak pa si Princess matapos umatras at umiwas muli sa paglapit ni Lorenzo.
"Anong gusto mo? Saan natin dadalhin ang anak natin? Dito ang pinakamalapit at pinakamgandang ospital! Punuan ang mga public hospitals at delikado para sa kalagayan ng bata. Ipagpapawalang bahala mo ba ang kaligtasan niya dahil lang sa mahal ang bayad dito?" Napanganga ang kausap dahil sa sagot niya. Alam ng lalaki na kada araw sa silid na iyon ay papatak na dalawang libo ang bayad sa kwarto pa lamang. Bukod pa ang presyo ng mga gamit sa ospital at mga gamot. Ayaw na lang muna niyang isipin ang gastusin sa operasyon. Sigurado naman siyang paguusapan nila iyon kapag dumating na ang doktor ni Lorena.
"Ang tapang mong magsalita, wala ka namang maitulong! Ilang buwan nang hindi ibinibigay sa 'yo ang sahod mo dahil sa mga cash advance mo sa pinagtatrabahuhan mo tapos ngayon absent ka pa dahil nandito tayo sa ospital! Kung sinusunod mo na lang ang sinabi ko kagabi na humingi ng tawad at magmakaawa kina Mama at Papa para pahiramin tayo ng pera…" Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Princess ay nilapitan siya ni Lorenzo at saka binulungan. Kahit pabulong ay gigil ang boses nito. Bawat salita ay may diin sa dulo.
"Hindi! Maghahanap ako ng tutulong sa'tin kahit na magpunta pa ko sa PCSO o manawagan sa radyo! Kahit mamalimos pa 'ko sa kalsada! Hinding-hindi ako magmamakaawa sa mga magulang mo. Bakit ako hihingi ng tawad?! Noong una galit sila sa'tin nang magpakasal tayo. Akala ko magbabago ang lahat nang mag-asawa na tayo pero pinalayas nila tayo sa bahay kahit na manganganak ka na?! Dahil ano? Dahil hindi nila matanggap na isa na tayong pamilya at hindi mo na ko mahihiwalayan!? Sige, sabihin mo kung dapat akong magmakaawa!"
Itinulak ng babae ang mister at saka tiningnan mula ulo hanggang paa. Nakataas ang kilay nito at tiningnan siyang tila nanunuri. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa tingin ng asawa. Napayuko rin si Lorenzo para tingnan ang suot na itim na muscle shirt na may tastas ang laylayan at ang pantalon na sa kalumaan ay puro himulmol na ang tela. Nakatsinelas din siya na manipis na ang tapakan sa bandang sakong. Hindi man niya gustong manliit sa sarili ngunit iyon ang naramdaman niya lalo na sa mga sumunod na sinabi ng asawa.
"Sana lang mailigtas niyang pride mo ang anak ko. Makaalis na nga at baka malasin pa 'ko lalo kakadikit ko sa'yo!" Mariin ang pagkakasabi nito ng 'lalo'. Tumama ang bag ni Princess sa braso niya nang tumalikod ito para pumunta ng pintuan ng silid. Alam ni Lorenzo na sinadya iyon ng asawa. Nilingon muna ni Lorenzo ang anak. Nang masigurong natutulog pa ay mabibilis ang hakbang na humabol sa misis.
"Hon, sandali," usal ni Lorenzo nang kapitan ang siko ng babaeng nasa may pintuan na ng silid. Huminto ito at nagpumiglas sa pagkakapit sa kanya. Kahit alam niyang walang epekto ang pagtawag niya ng Hon ay ginawa pa rin niya.
"Alam mo, Renzo, kung alam ko lang na magkakaganito ang buhay ko, hindi na sana ko pumatol sa'yo! Lahat ng pangako mo sa'kin nauwi sa wala! Habang tumatagal, nagiging isang bangungot ang dating masaya sana nating pagsasama. Dito ka na lang. Ako na ang gagawa ng paraan para sa pambayad sa ospital." Aminado naman si Lorenzo na walang magandang nangyari sa buhay nila simula nang magpakasal sila. Hindi man planado at tila aksidente lang ang pagkakaroon nila ng anak, ang akala ni Lorenzo ay si Lorena na ang magdadala ng swerte sa mag-asawa, ngunit ngayon, nagkasakit pa ito.
"Hon---"
"Loloadan kita mamaya pagdating ng opisina. Sabihan mo 'ko kung anong final plan ng doktor para sa sakit ng anak ko."
Hindi na nakasagot si Lorenzo sa masungit na bilin ng asawa. Pinagmasdan na lang niya ang likuran nito habang papalayo ito sa kanya. Malalim ang buntonghiningang isinara niya ang pintuan at saka bumalik sa upuan sa tabi ng anak. Tulog pa rin si Lorena. Ang sabi ng nurse na nagbigay ng gamot na pampakalma ay mahimbing na pagtulog daw ang epekto ng gamot. Nang dinala nila ang anak sa doktor isang araw na ang nakalipas ay hindi inakala ni Lorenzo na malubha pala ang karamdaman nito. May tumor sa utak ang bata at kailangang matanggal iyon sa lalong madaling panahon. Iyon pala ang dahilan ng laging pag-iyak at pagsabi na masakit ang ulo ng kanyang anak. Nang mapansin nilang hindi na makalakad ang bata ay saka lang sila nagpasiyang dalhin na sa emergency room ng ospital.
Ala-una na ng hapon nang dumaan ang doktor sa silid ni Lorena. Hindi na nakakain si Lorenzo dahil sa kakahintay sa doktor at hindi niya rin maiwanan ang anak na hindi pa rin nagigising. Dahil tulog pa ang bata, vital signs check lang ang ginawa ng doktor. Matapos iyon ay magkasunod na lumabas ang doktor at si Lorenzo para mag-usap na hindi magagambala ang pasyente.
"Mr. Villaverde, nakapagpasiya na po ba kayo kung gagawin na natin ang operasyon?"
Nabanggit na ng doktor noong nasa emergency room sila at matapos ang MRI scan ni Lorena na kailangan itong maoperahan kaagad. Ngunit nang araw na iyon lang ipinaliwanag sa kanya na malaki na ang tumor at namamaga ang utak ng bata. Delikado kung hindi ito maaalis kaagad. Kailangan din gumawa ng biopsy para malaman kung benign ba o cancerous ang tumor. Marami pang paliwanag ang sinabi ng doktor ngunit ang naitanong lang niya ay ang pinakaimportante sa lahat.
"Doc Rivera, magagamot po ba talaga ng operasyon ang anak ko at magkano po ang magagastos?" Nauutal pa niyang tanong.
Napatitig muna ang doktor sa mukha ni Lorenzo bago ito sumagot. Para bang binabasa ang iniisip niya at ibinabase doon ang sunod na sasabihin.
"Tatapatin ko ho kayo. Kulang-kulang na isang milyon. Walang kasiguruhan sa magiging resulta ng operasyon ngunit ang masasabi ko lang ay hindi na tatagal ng dalawang buwan ang bata kung hindi ito maaagapan."
Napahugot ng malalim na hininga si Lorenzo at napakapit ang kanang kamay sa sentido. Pakiramdam niya ay nanghina lalo ang mga tuhod niya at gusto nang bumigay. Nakita ng doktor iyon kaya't lumapit ito at kumapit sa balikat niya. Marahil para bigyan siya ng kaunti man lang na lakas.
"Wala ho kaming ganoong kalaking pera," mahinang sagot ni Lorenzo.
"Isekreto na lang ho natin ito pero bababaan ko ang professional fee ko at sasabihan ko rin ang anesthesiologist kong kapartner. Ang sa ospital na charge na lang ang sisingilin namin. Maghanda ka na lang siguro ng mga five to six hundred thousand sa ngayon. Kapag nakapag-decide na kayo kung papaoperahan natin si Lorena, pakisabihan ang mga nurse para mapa-schedule na natin ang mga tests at makapagpa-schedule na ng operating room."
"Maraming salamat po, Dok."
Naiwan si Lorenzo sa labas ng silid ng anak. Nakasandal sa puting pader. Naramdaman niya ang lamig nito na tumatagos sa likuran niya. Napasabunot sa ulo nang maalala muli ang sinabi ng doktor. Dalawang buwan lang ang itatagal ni Lorena kung hindi ito maooperahan. Walang ibang paraan, iyon lang.
Nasa ganoon siyang posisyon nang marinig ang boses na hindi niya inaasahan.
"Renzo! Tol, kumusta nasaan ang inaanak ko?"
"Peter," walang gana niyang bati sa dati niyang matalik na kaibigan. Kung pwede lang ipasauli ang kandila ay ginawa na niya noong malamang may gusto pala itong lihim kay Princess. Nahuli niyang palihim na tinatawagan ni Peter ang asawa. Nang sitahin niya iyon ay walang kahiya-hiya itong umamin. Alam ni Lorenzo na sadyang lapitin ng lalaki ang asawa dahil sa mala-anghel nitong mukha at perpektong hubog ng katawan ngunit hindi niya matanggap na sarili pa niyang kaibigan ang nagtangkang manira sa relasyon nilang mag-asawa.
"Nasa loob pero natutulog pa. Anong ginagawa mo rito?" Alam ni Lorenzo na kahit na galit siya sa taong iyon ay hindi siya dapat gumawa ng eksena sa ospital lalo na at maselan ang kalagayan ng kanyang anak.
Dumukot sa dalang leather na bag si Peter. Noon din napansin ni Lorenzo ang kumikinang nitong relong ginto. Bagay sa suot na black suit ensemble at makintab na itim na sapatos na akma sa posisyong CEO sa isang investment firm. Mas lalong nanliit sa sarili si Lorenzo. Hindi niya inakalang sa mga susunod na minuto ay mas bababa pa ang tingin niya sa sarili.
"Dumaan lang ako kasi nabanggit ni Cess na kailangan ng pera ni Lorena. Heto, five hundred thousand muna. Medyo kakainvest ko lang sa bonds and stocks last week kaya kalahating milyon lang ang mapapahiram ko. Kahit hindi ninyo na muna bayaran. Nagkasundo naman kami ni Cess na siya na ang bahalang magbayad kapag nakaluwag-luwag kayo," nakangiting sabi ni Peter na para bang isang libong piso lang ang pinaguusapan at hindi kalahating milyon. Para ring wala lang rito na muntikan niya itong masakal noong inamin nito sa kanyang may gusto siya kay Princess. Isang makapal na brown envelope ang inilabas mula sa bag at iniabot kay Lorenzo. Tumitig lang siya sa envelope habang nararamdaman ang buong katawan na binabalot ng magkahalong galit at pagkainis sa lalaki at sa sarili.
"Hindi ko matatanggap 'yan. Umalis ka na." Dahil nakasandal pa rin ng dingding sa labas ng silid si Lorenzo ay tumayo ito ng diretso at saka humakbang palayo kay Peter. Tinaasan siya ng kilay ng kaharap. Magsasalita na sana ito nang may humablot ng envelope mula sa kamay niya.
"Renzo! Anong ginagawa mo?!" Narinig ni Lorenzo ang malakas na tinig ni Princess. Hindi nila napansin ang pagdating ng misis. Hawak na nito ang envelope na iniaabot ni Peter.
"Ibalik mo 'yan! Hindi ko matatanggap 'yan dahil baka ikaw pa ang maging kapalit! Hahanap ako ng pera! Dito ka lang. Umalis ka na, Peter, habang may kaunti pa 'kong respeto sa 'yo!"
"Tangina, ikaw pa itong mayabang ikaw na lang nangungutang!" umiiling na nakangising sabi ni Peter.
"Hindi ako nangutang sa'yo. Princess, kapag tinanggap mo ang perang 'yan 'wag ka nang magpapakita sa 'kin at sa anak ko." Napanganga si Princess sa sinabi ni Lorenzo. Unti-unti ring namula ang mukha nito na tanda na pasabog na ito ng galit. Walang pakialam si Lorenzo. Tumalikod siya at mabilis na lumakad palayo. Narinig pa niya ang malakas na sigaw ng asawa. Walang pakialam ang babae kung nasa ospital sila na maraming pasyenteng nagpapahinga kasama na rin ang sariling anak.
Mabilis ang mga hakbang na tinahak ni Lorenzo ang labas ng ospital. Sumakay ng tricycle para puntahan ang isang kaibigan na sa tingin niya ay makakatulong sa kanya. Kinse minutos lang ay nasa tapat na siya ng isang bungalow na walang gate. Kabisado niya ang bahay na iyon dahil tinatahak niya iyon kapag nagigipit siya. Nang kumatok siya ng pintuan ng bahay, hindi niya inaasahang iba ang sasalubong sa kanya.
"Wala si Arnold. May binili. Anong kailangan mo?" Nakaismid at nakapameywang na tanong ni Janet, ang girlfriend at live-in partner ni Arnold.
"Nasa ospital kasi si Lorena, manghihiram sana 'ko ng," Hindi pa natatapos ni Lorenzo ang sasabihin ay akmang isasara na ni Janet ang pintuan.
"Sandali! Pwede ko bang hintayin na lang si Arnold?" Kinabig ni Lorenzo ang doorknob para hindi tuluyang maisara ni Janet ang pinto. Alam niya na wala na siyang ibang malalapitan.
"Walang pera si Arnold. Kakautang nga lang din niya sa'kin kanina pambili ng grocery namin. Sa haba ng listahan ng utang mo, kahit sino pa ang magkasakit, huwag ka nang lalapit pa rito. Magkaroon ka naman ng kahit kaunting hiya! Napakaabusado mo na!" Inis at gigil na sagot ni Janet. Kitang-kita sa pagtaas ng kilay nito at galit na pananalita na wala siyang magagawa kung hindi umalis na lang.
"Pasensya na. Kung hindi lang talaga emergency," bulong ni Lorenzo.
"Lahat naman ng tao may emergency. Ikaw nga lang sobrang dami mong utang. Umalis ka na bago pa dumating si Arnold. Ayoko na ako pa ang maglabas ng pera para lang ipautang niya sa'yo. Mahiya ka naman, please lang." Pairap nitong sabi. Hindi na napigilan ni Lorenzo ang pagsara ng pintuan. Napaatras siya sa lakas ng tunog ng pagbagsak ng pintuan. Pakiramdam ni Lorenzo ay kasinliit na lang siya ng singko na may butas pa sa gitna dahil sa mga kaganapan sa araw na iyon.
Nanlulumo at hinang-hina ang loob na naglakad siya palayo sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang naglalakad. Hindi niya alintana ang pagbabago ng paligid habang naglalakad siya. Mula sa maliliit na bahay ay sa isang ekslusibong subdibisyon siya napadpad at dinala ng mga paa. Sa tapag ng isang malaking bahay na gawa sa granite at salamin ay napahinto si Lorenzo. Tiningala ang bahay. Naramdaman niya ang pagtunog ng cellphone niya sa bulsa. Kinuha niya iyon at nakita ang load na ipinadala ng asawa. Late marahil ang pagdating ng load dahil noon lang nag-notify sa kanya. Napabuntonghininga si Lorenzo bago nagtipa ng numero. Kabisado niya ang numerong iyon. Naka-apat na ring pa bago sumagot ang isang lalaki.
"Vicente speaking." Hindi makasagot si Lorenzo nang marinig ang boses na iyon.
"Hello? Sino ito?" tanong ng lalaki sa kabilang linya nang hindi pa rin siya sumagot.
"Hello? Sino ito? Ibaba ko na---"
"Si Lorenz po ito," mahinang sagot ni Lorenzo. May iba't ibang tawag sa kanya ngunit ang Lorenz ang pinakamatagal niyang palayaw, simula pa pagkabata.
Ilang segundong katahimikan bago muling sumagot si Vicente.
"Senyorito? Ikaw nga po ba iyan? Nasaan kayo? Pupuntahan ko kayo ngayon," batid ang pagkasabik sa boses ng lalaki. Napailing siya nang marinig ang salitang senyorito dahil hindi na iyon akma sa panahon at pagkakataon.
Alam ni Lorenzo na wala ng atrasan kapag sinabi niya kung nasaan siya. Hindi na siya muling makakawala pa.
"Nasa tapat ng bahay. Nandito po ako sa," hindi na naituloy ni Lorenzo dahil ibinaba na ng lalaki ang tawag. Tatalikod na sana siya para umuwi nang biglang bumukas ang gate ng bahay.
"Senyorito!" Hindi na nakagalaw si Lorenzo nang lumapit ang lalaking nasa mga singkwentang taong gulang at hinila siya sa isang mahigpit na yakap. Matangkad din ito at 6 feet ang height kagaya niya.
"Vic, long time no see," nakangiti ngunit naiilang niyang bati. Nang humarap ang lalaki sa kanya ay may luha pa ito sa mga mata. Hindi nagpapatawag sa kanya ng Sir o Mr. ang tagapagalaga ng pamilya niya. Sa iba maaring tawagin siyang kasambahay o housekeeper, pero sa kanila isa siyang overall assistant ng pamilya.
"Buksan ang pintuan! Narito ang tunay na may-ari ng bahay!" pasigaw na utos ni Vicente sa dalawang guwardiyang sumilip nang bigla itong lumabas para yakapin siya. Ang lalaking iyon ang katulong ng Lolo niya na magpalaki sa kanya. Maagang naulila si Lorenzo at naiwan siya sa pangangalaga ng Lolong si Don Leandro Villaverde, ang pinakamayaman sa buong Pilipinas at Asya at pangalawa sa buong mundo.
"Hindi ako magtatagal. May ipapakiusap lang sana 'ko sa'yo."
"Kahit na. Sa loob tayo mag-usap."
Wala nang nagawa si Lorenzo nang hilahin na siya ni Vicente papasok ng bahay. Hindi niya mapigilang mapangiti nang maalala kung sino si Vicente sa buhay niya.
"Parang masyadong modern na itong bahay," bati niya. Noon ay mukhang mga antigo ang gamit sa loob ngunit nang makita niya ay halos lahat ay nagbago. Mas maaliwalas at presko tingnan. Minimalist ang dating ng mga dekorasyon at kagamitan.
"Bored ako, eh. Nang mawala ang Lolo mo at umalis ka, wala na 'kong ibang pagkaabalahan bukod sa negosyo at ang mga bahay. Nabalitaan ko pala ang nangyari sa negosyo mo. Kundangan naman kasi, hindi mo tinanggap ang offer ko noon."
Napabuntonghininga si Lorenzo. Naalala pa niya ang pag-uusap nilang dalawa apat na taon ang nakalipas. Iyon din ang taon na namatay ang kanyang Lolo at ipinama sa kanya ang lahat ng ari-arian ng pamilya Villaverde.
"Senyorito, hindi pwedeng iwanan mo ang LV Corporation. Ang Lolo Leandro mo at ang mga ninuno ninyo ay dugo at pawis ang puhunan para mapalago ang kumpanya! Sa initials pa lang, sayong-sayo ang kumpanya! Kung tutuusin, nasa top two billionaire ka sa buong mundo. You own seventy percent of the world's riches!"
"OA sa pagkaka-describe pero medyo totoo naman. Hindi ko kailangan ng buong estate. Kukuha lang ako ng sapat na pera para sa sarili kong negosyo. Nakalagay naman sa Last Will na ikaw muna ang executor hanggang hindi pa ako ready hindi ba? Ikaw na 'yan. Kaya mo na 'yan."
Ang pag-uusap na iyon ay nasundan noong sumunod na taon, nang mabalitaan ni Vicente na nalulugi ang business ni Lorenzo.
"Let me help. Kung ayaw mong mag-take over ng negosyo ninyo, i-merge natin sa LV Corp ang RV Retail."
"Hindi na. Kaya ko pa naman."
"Ngayon, tatanggapin ko ang rejection mo, pero sa susunod na kailangan mo ng tulong. Huwag na huwag na hindi ka lalapit sa 'kin. After all, you're my boss. Ipinagkatiwala ka sa 'kin ng lolo mo."
Ang pag-uusap nilang iyon ay sariwa pa sa ala-ala ni Lorenzo dahil pinagsisihan niya ang pagtanggi noon kay Vicente.
"Enough pleasantries. Mukhang urgent ang pagpunta mo pero teka, magmerienda ka muna." Pumitik si Vicente at may lumapit na isang kasambahay na nakauniporme. May dala itong juice at slice ng mango cake. Kahit hindi pa nagumagahan at tanghalian si Lorenzo ay hindi niya magawang kumain. S******p lang siya ng kaunting fresh orange juice.
Nang tapos na siya at nakitang nakatitig lang sa mukha niya si Vicente ay napapikit siya at saka nagbuga ng malalim na hininga.
"Vic, napadalaw ako kasi may sakit ang anak ko. Malaking halaga ang kailangan."
"Say no more. I'm here to help. Mali. I'm here to give you back your riches. Iyon ang kundisyon ko sa pagbigay ng pera sa 'yo. Please naman, kunin mo na ang business ninyo para makapag-around the world trip naman ako. Gusto ko na sanang mag-settle down at humanap ng boyfriend! Tumanda na 'kong dalaga!" Itinaas pa nito ang dalawang kamay na para bang suko na siya sa hinaing sa buhay.
Hindi naiwasang mapangiti ni Lorenzo. Noon pa man ay aminadong more on the feminine side si Vic. Pero kahit ganoon ay lagi lang itong sinasabi ni Vic. Ni minsan ay hindi ito nagdala ng lalaki o nagpakilala ng boyfriend sa kanila. Sabi nga niya, more on preference lang daw sekswalidad niya.
"Hindi ba pwedeng pautangin mo lang ako?" Alaka ni Lorenzo ay uubra kung magpapacharming siya sa dating tagapag-alaga. Ngunit tinaasan lang siya nito ng kilay at saka umiling.
"No can do! Seriously. Twenty four ka na. Malapit na rin naman ang pag-turn over ko sa 'yo ng lahat lahat. Agahan na natin para makapamasyal na 'ko. Iyon ang kundisyon ko, Lorenz. Take over! Accept your inheritance! Tutal, ikaw naman talaga ang may-ari ng lahat lahat na ito. Look at yourself. Malayong-malayo sa Lorenz na kilala ko. I won't take no for an answer. What do you say?"
Seryoso ang mukha ni Vic habang si Lorenzo ay napapikit. Sumagi sa isip niya lahat ng hirap niya ng mga nakaraang taon at ang mukha ng pinakamamahal na anak na nasa bingit ng kamatayan. Alam niyang isa lang ang maari niyang isagot.
KINABUKASAN, nagtungo si Lorenzo sa building ng opisina ni Vic gaya ng napagusapan nila. Galing siya sa ospital at ang damit lang na nadala ng misis niya na pamalit ay ang uniporme niyang pang-delivery man kaya't iyon lang ang naisuot niya."Good morning. May appointment ako kay Mr. Vicente Santiago."Nagulat si Lorenzo nang taasan siya ng kilay ng babae sa reception area ng LV Corporation."Ano namang mapapala ng Chairman namin kung makikipag-appointment sa delivery man?" Sarkastikong sagot ng babae."Miss, pakitawagan mo na lang. Alam niyang pupunta ako." Sinubukan ni Lorenzo na maging mahinahon ngunit sadyang sinusubukan ng mga tao ang pasensiya niya."Wala si Chairman. I bet kung nandito 'yon hindi ka rin kakausapin. Kung may idinideliver ka diyan na mga parcels at sulat, sabihin mo na para makaalis ka na. 'Wag ka na magpanggap na may appointment ka sa Chairman baka kung anu-ano lang ideliver mo."Napanganga si Lorenzo at saka nakaisip ng paraan para maging maayos ang lahat."Mana
NOON naalala ni Lorenzo ang nakasukbit na bag sa balikat. Sa sobrang galit nang makita ang dating kaibigan at ang asawa ay nalimutan na niya ang nakuhang pera mula kay Vicente. Ngayon lang niya naalala ang perang resulta ng kasunduan nilang pag-ako ng responsibilidad sa negosyo ng mga Villaverde."Heto na ang perang ipinautang mo!" Mahina man ang boses para hindi magising si Lorena ay siniguro ni Lorenzong may diin at anghang ang pagkakabanggit ng bawat kataga. Ihinagis niya ang maliit na bag sa mukha ni Peter. Nasalo naman agad iyon ng lalaki."Nagnakaw ka?! Saan galing ang pera?" Hinablot ni Princess ang bag na hawak ni Peter at sinilip ang laman."Sabi ko naman sa 'yo, pwedeng ako na ang magpahiram. Baka kung kanino mo na naman inutang itong pera at mabaon pa kayo lalo--" Sadyang kinapalan ni Peter ang mukha niya para malumanay na sabihin ang mga salitang iyon. Seryoso ang ekspresiyon at nagpapanggap na mabait para mas mahumaling sa kanya ang inaakit na si Princess. Alam niyang kau
TUMAYO si Lorenzo at sasagot na sana nang may dumating pang isang lalaki."Sabi mo nag-resign na, bakit nandito pa 'yan?" tanong ni Renandro kay Chester. Si Renandro ang dating kaklase ni Lorenzo na pinagbentahan niya ng negosyong iyon. Noong ibinenta niya ang RV Retail ay imbis na tulungan siya ng dating kaklase ay lalo pa siyang nasadlak sa putik. May lihim na galit pala ang taong iyon sa kanya kaya't imbis na bigyan siya ng mgandang posisyon ay sa pinakamababang level ng organizational chart siya inilagay."Ewan ko nga ba, Boss. Bakit dikit nang dikit pa rito wala naman siyang silbi.""Lorenzo, umalis na ka. Nakakaabala ka na masyado," dagdag na pangungutya ni Renandro."Tama. Dapat sa 'yo naliligo ng asin para mawala ang malas. Umalis ka na."Napapikit si Lorenzo at napabuntonghininga nang malalim. Hanggang kailan siya kailangang magtiis sa mga salitang ganoon?"Mr. Lorenz Villaverde is the official new but old owner of RV Retail," malakas ang boses ni Vic sa may likuran niya. Nap
SI Princess ay nakaupo sa may dulo ng lamesa at ang nakatokang magpe-present ng investment project sa kanila.Alam ni Lorenzo na nabanggit ni Vic sa mga ka-meeting na isasama niya ang magiging bagong CEO ng LV Corporation kaya't kinabahan siya ng husto nang makita ang asawa sa loob ng Board Room.Itinuro ni Vic ang bakanteng pwesto sa pagitan ng dalawang body guard na kasama nila. Hindi nawawala sa loob ng mga meeting room ang mga bodyguards lalo na kung may ibang tao. Tumango si Lorenzo at naintindihan kung anong excuse niya sa pagpunta niya sa lugar na iyon."Body guard? Si Lorena?" tanong ni Princess sa kanya. Wala mang tunog ay nabasa ni Lorenzo ang bibig ng misis. Hindi niya ito pinansin. Tumayo siya kagaya ng tayo ng dalawang guwardiyang katabi. Mabuti na lamang at kakulay ng suot niyang suit ang uniporme ng mga body guards ni Vic. Mas mukha lang mamahalin ang tela ng suot niya kahit magkaparehas naman ng kulay."As I was saying. The incoming CEO had an important appointment to
SA mga sandaling iyon, tinatanong ni Lorenzo ang sarili kung bakit at paano nagbago ang ugali ng asawa. Sa tatlong taon nilang pagsasama ay marami silang naging away at hindi pagkakaunawaan, ngunit pinakamatindi ang mga kaganapan nitong mga nakaraang araw.Naalala ni Lorenzo ang unang pagkikita nila ni Princess."Tol, nasa parking na 'ko. Saang banda kayo nakapwesto?" Kadarating lang ni Lorenzo sa isang bar sa Malate, Manila. Iniangat niya ang handbreak ng sasakyan matapos maiayos ang pagparada. Masikip ang pagrking spaces sa bakanteng lote na malapit sa bar na iyon. Mabuti na lamang at dalawa pa ang bakante nang pumasok siya. May usapan silang tatlong magkakaibigan ngunit nahuli siya ng dating. Alas-onse y media ng gabi na nang matapos siya sa inaasikaso sa RV Retails."Langyang 'yan, ang tagal mo! Lasing na si Arnold. Alam mo namang tayong dalawa lang ang malakas uminom!" reklamong sagot ni Peter. Silang tatlo ay matalik na magkaibigan simula nang magkakiklala sila noong final year
"Senyorito, aalis na po ba tayo?" bulong ng bodyguard na kasama ni Lorenzo. Nagulat siya at nanlaki ang mga mata. Noong una ay Sir lamang ang tawag sa kanya ngunit ngayon ay naging Senyorito na. Nang hindi nagbago ang magalang na ekspresiyon ng bodyguard ay tumango si Lorenzo. Marahil ay utos ni Vic na ito ang itawag sa kanya kapag walang nakakarinig na ibang tao. Sinipat muna ng kasama niyang guwardiya ang hallway at nang masigurong nasa loob na muli ng kabilang silid si Princess at nakaalis na ang mga staff ng hotel ay saka naman siya iginiya ng guwardiya papalabas ng hotel na iyon. Habang naglalakad ay pilit pa ring ipinapaintindi ni Lorenzo sa sarili kung bakit ganoon na ang inaasal ni Princess. Sa lalim ng iniisip ay hindi nito nabigyang pansin ang nilalakaran. Napatid si Lorenzo at nang kukuha na ng balanse ay nakabangga ang isang lalaki. "Oh, shit! What the hell?!!!" umaalingawngaw ang boses na sigaw ng lalaki. Nang makarecover na si Lorenzo ay saka niya napansin na pamilyar
"Lorenz, dumapa ka muna sa sahig ng sasakyan kahit na bulletproof pa 'yan para siguradong ligtas ka! May papunta nang backup. Shit! I don't even know why this is happening! I'll drop the call. Please stay safe, Lorenz. Baka bumangon sa hukay ang Lolo mo at multuhin ako kapag may masamang nangyari sa'yo." Agad niyang sinunod ang bilin sa kanyang dumapa sa sahig na may rubber matting. Batid ang magkahalong panic at galit sa boses ni Vic sa kabilang linya. Itatatanong pa sana ni Lorenzo kung paano nakatawag ng backup gayong hindi naman naputol ang usapan nilang dalawa nang maputol na ang tawag.Ang kotseng sinasakyan ni Lorenzo ay mas pinabilis pa ang takbo. Kahit hindi naiintindihan niya ang nangyayari ay alam niyang marahil may kinalaman sa kanya ang barilang iyon. Napagtanto ni Lorenzo na marami pa ring may gustong manakit sa kanya dahil sa pangyayaring iyon. Maraming kamag-anak na ganid ang pamilya Villaverde. Mga pinsan at kaanak ng kanyang Ama at Lolo na hindi naambunan ng sipag a
ALAS-OTSO na ng gabi nang makabalik ng ospital si Lorenzo. Naabutan niyang nasa labas ng silid si Princess at may kausap sa cellphone sa tahimik at walang ibang taong corridor ng ospital. Nakatalikod ito sa kanya kaya't hindi siya napansin kaagad nito. Pabulong ang boses nito kaya't narinig niya lang ang panghuling sinabi sa kausap sa telepono. Nakakapit ang dalawang kamay sa hawak na cellphone. Nakapantalon na itong maong na asul, itim na t-shirt at tsinelas na de sipit. Malayo sa suot nito sa trabaho. "Sa opisina na lang tayo magkita--" "Sinong kausap mo?" tanong niya sa asawa. Tumayo ng maayos si Princess at iniba ang pwesto ng kamay. Imbis na magkabilang kamay ang nakakapit sa cellphone, napunta sa beywang ang kaliwang kamay nito. Senyales iyon na kinabahan si Princess sa biglaan niyang pagsulpot. "Oo, sige bukas na lang ng umaga sa opisina. Pakidala ang approved presentation para diretso na tayo sa briefing," malakas ang boses nitong sabi sa kausap sa kabilang linya, "okay, sig
ALAM ni Lorenzo na parang suntok sa buwan ang gusto niya. Umaasa siyang pipiliin siya ni Princess kahit na hindi nito sinasabi ang tunay niyang estado sa buhay sa kasalukuyan. Simple lang naman ang gusto niya. Gusto niyang maging tanggap ni Princess na siya pa rin ang Padre de Pamilya at sundin nito ang sinasabi niya lalo na pagdating sa relasyon nito kay Peter. Nawalan na ng gana si Lorenzo kumain. Sumubo lang siya ng ilang beses bago uminom ng isang basong tubig. Kinuha ni Lorenzo sa bulsa ang bagong biling cellphone at nagtipa ng numero. Kahit na gabing-gabi na ay sumagot pa rin ang nasa kabilang linya. "Namiss mo agad akong kausap?" tanong ni Vic sa kabilang linya. "Vic, I want to acquire PI Investment as soon as possible. Do everything para makuha ko ang kumpanyang 'yon. Gusto kong ma-kontrol si Peter pati na rin . . .""Si Princess?" Napabuntonghininga si Lorenzo bago sumagot, "Oo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong nakatulay sa lubid na malapit nang mapigtas." "I'
NAPABUNTONGHININGA si Princess. Nang malugi ang negosyo ng asawa ay siya ang unang-unang nanghirap. Higit sa kanino man, si Princess ang nagmakaawa sa mga magulang upang tanggapin sila sa bahay ng mga iyon nang mailit ng bangko ang bahay at kotse nila ni Lorenzo. Si Princess din ang nakutya at naapi ng mga kapatid dahil sa pagkasadlak sa kahirapan ng asawa. Ang pinakamasama pa sa lahat, tinanggap ni Lorenzo na maging parte ng staff ng naluging kumpanya sa kagustuhang magkaroon pa rin ng trabaho. Lahat ng ipinangakong magandang buhay ni Lorenzo kay Princess ay naging isang pangako na lamang.Alam ni Princess noon na hindi naman niya tunay na minahal si Lorenzo. Napilitan lang siya dahil nagkasubuan na silang dalawa.His words seemed comforting sa panahong iyon na bagong tuklas ni Princess ang pagtataksil ni Rayver pero higit sa lahat, ang nangyari noong gabing iyon ang nagpabago ng lahat sa buhay nilang dalawa."Princess . . . lasing na lasing ka. Are you sure you don't want me to driv
NAPABUNTONGHININGA si Princess habang inaalala ang mga sumunod na nangyari.Princess felt heartbroken and humiliated. Ang masakit pa, wala siyang mapagsabihan ng mga suliranin niya. Wala siyang makaramay na kahit na sino man lang ngayong puno ng pighati at galit ang buhay niya dahil sa tagpong nasaksihan. Hindi naman niya pwedeng tawagan si Charisse at sabihin na tama nga siya at lunukin niya ang pride niya para magpasalamat sa impormasyong nanakit sa kanya ng husto. Akala ni Princess, makukuha niya ang sagot sa mga katanungan kung papaandarin lang niya ang kotse na walang patutunguhan ngunit hindi pala. She went to a place where she thought she could forget about everything. Sa isang bakanteng lote ang parking lot ng isang sikat na bar sa Malate, Manila. Malayo pa lang siya ay nakita na niya ang dalawang parking space na bakante. May kotseng naka-hazard na pumasok sa isa sa mga bakanteng slot.Papasok na siya ng parking slot na natitirang bakante nang mag-ring ang phone niya. She s
THE door opened even before she could reach the third count. Sa kabila ng pinto ay may bumalandrang babaeng mahaba ang buhok, manipis ang kilay, hindi katangusan ang ilong at makapal ang namumulang mga labi. Kung titingnan ang katawan ay hindi rin proportion. Mas malaki ng mga dalawang beses ang dibdib ng babae kaysa sa balakang niya. Mukha siyang donut na nakatusok sa barbecue stick. "Darling, sino ba 'yan? Ang ingay, nakakahiya sa ibang kwarto." Naka-lingerie na pula ang babae na kasingpula ng lipstick ng labi. Hindi naman sa nanghahamak siya ngunit mukhang pokpok ang babae. "Ex-fiancee niya 'ko. Ikaw sino ka?" Nakangising sabi ni Princess. "Hon--" "Fiancee?" Magkasabay pa nasalita ang bab
SA mga panahong iyon naisip ni Princess na sana ay nakinig siya sa mga payo sa kanya noon na huwag gagawa ng desisyon kapag nasasaktan o kaya ay galit. She made a big one that day and it changed her life completely."Hello?" alas-siete ng gabi nang makatanggap siya ng tawag. Hindi na niya nasilip ang caller id dahil galing siya ng banyo, nakatapis lamang ng tuwalya at nagtutuyo ng buhok matapos mag-shower. "Hello? Princess?"Tiningnan ni Princess ang numero sa phone ngunit hindi niya iyon kilala. Hindi nakaregister ang number ng kausap."Yes, sino 'to?" "Si Charisse, classmate mo nung college. Buti pala ito pa rin ang number mo. Ano kasi--" Napairap si Princess dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ng kausap. Mangungutang ba itoJ? Hindi naman sila gaanong close ni Charisse. Kaklase nga niya ito noong college at nagkapalitan lang sila ng number dahil sa isang school project. Marahil hindi nagpalit ng cellphone simula noon ang kausap niya kaya't alam pa rin nito ang phone number n
NAKABABA na siya ng elevator at naglalakad sa ground floor hallway papuntang cafeteria ng ospital nang may biglang tumapik sa balikat niya."Have you thought about it?"Napalingon siyang bigla. Sa gulat niya nang makita ang nasa likuran ay napaatras siya at muntikan nang matumba. Nasalo siya ng taong kausap. Nakakapit ang kamay sa beywang habang ang kabilang kamay ay sa braso. Kung may makakakita sa kanila ay para silang nagsasayaw ng tango at nag-dip ang kaparehang babae pahiga."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang marahang tumatayo at inaayos ang sarili. Nag-iwas siya ng tingin at dumistansya habang palinga-linga sa paligid. Alam naman niyang wala roon ang taong kinatatakutang makita."I came to see you."Pinigilan niya ang sariling lumapit sa kausap. Pumikit muna bago nagsalita. Sinusubkang pakalmahin ang sarili dahil sa sitwasyon."Hindi ba kakasabi ko lang kanina, bukas na tayo magkita at mag-usap sa opisina." Hindi niya alam kung tama ba ang tono ng pananalita niya na tu
PAGPASOK ni Lorenzo ng silid ni Lorena ay nagulat siya sa dami ng gamit na nakita sa may tabi ng pintuan. Eksakto namang nag-ring ang phone niya as if on cue."Hello?" Alam naman ni Lorenzo kung sino ang tumawag dahil iyon lang naman ang madalas tumawag sa kanya."Lorenz, I forgot to tell you I sent some stuff sa hospital kanina. Masyado tayo naging preoccupied dahil sa ganap kanina kaya hindi ko pala nabanggit."Napailing si Lorenzo habang nakatingin sa hilera ng pitong malalaking paper bags na nang silipin niya ay puro damit ang laman. Mayroon ding limang kahon ng sapatos sa isang malaking eco-bag na nakapatas sideways para magkasya sa isang lagayan lamang. May dalawang pares ng tsinelas na kung titingnan ay magkiaba pa ng size. Isang teddy bear na puti na mayroong malaking ribbon. Magkasinlaki sina Lorena at ang stuffed toy kung nakaupo. May isang kahon din ng laptop na pambata. Sinipat ni Lorenzo kung ano iyon. Nakita niya ang listahan ng mga fairy tales at children's stories kasa
ALAS-OTSO na ng gabi nang makabalik ng ospital si Lorenzo. Naabutan niyang nasa labas ng silid si Princess at may kausap sa cellphone sa tahimik at walang ibang taong corridor ng ospital. Nakatalikod ito sa kanya kaya't hindi siya napansin kaagad nito. Pabulong ang boses nito kaya't narinig niya lang ang panghuling sinabi sa kausap sa telepono. Nakakapit ang dalawang kamay sa hawak na cellphone. Nakapantalon na itong maong na asul, itim na t-shirt at tsinelas na de sipit. Malayo sa suot nito sa trabaho. "Sa opisina na lang tayo magkita--" "Sinong kausap mo?" tanong niya sa asawa. Tumayo ng maayos si Princess at iniba ang pwesto ng kamay. Imbis na magkabilang kamay ang nakakapit sa cellphone, napunta sa beywang ang kaliwang kamay nito. Senyales iyon na kinabahan si Princess sa biglaan niyang pagsulpot. "Oo, sige bukas na lang ng umaga sa opisina. Pakidala ang approved presentation para diretso na tayo sa briefing," malakas ang boses nitong sabi sa kausap sa kabilang linya, "okay, sig
"Lorenz, dumapa ka muna sa sahig ng sasakyan kahit na bulletproof pa 'yan para siguradong ligtas ka! May papunta nang backup. Shit! I don't even know why this is happening! I'll drop the call. Please stay safe, Lorenz. Baka bumangon sa hukay ang Lolo mo at multuhin ako kapag may masamang nangyari sa'yo." Agad niyang sinunod ang bilin sa kanyang dumapa sa sahig na may rubber matting. Batid ang magkahalong panic at galit sa boses ni Vic sa kabilang linya. Itatatanong pa sana ni Lorenzo kung paano nakatawag ng backup gayong hindi naman naputol ang usapan nilang dalawa nang maputol na ang tawag.Ang kotseng sinasakyan ni Lorenzo ay mas pinabilis pa ang takbo. Kahit hindi naiintindihan niya ang nangyayari ay alam niyang marahil may kinalaman sa kanya ang barilang iyon. Napagtanto ni Lorenzo na marami pa ring may gustong manakit sa kanya dahil sa pangyayaring iyon. Maraming kamag-anak na ganid ang pamilya Villaverde. Mga pinsan at kaanak ng kanyang Ama at Lolo na hindi naambunan ng sipag a