“Ang ibig mong sabihin ay hindi ako pwedeng magturo sa panghapon na klase?”Napakunot ang noo ni Samantha nang magtanong siya.Sa kasalukuyan ay nasa loob siya ng faculty office at nakikipag-usap kay Mrs. Aika Villaruel, ang headteacher ng university. Sa kasamaang-palad ay ipinaalam sa kanya ni Mrs. Villaruel ang pagbabago kaya ganoon na lang ang pagkadismaya ni Samantha. “Yes, Ms. Madrigal. I know you're surprised with this sudden change and I totally understand that, but this is the order from above. I was hoping that you can accept it instead,” sagot sa kanya ni Mrs. Villaruel sa mapagkumbabang ekspresyon. Biglang nag-isip si Samantha. Hindi siya makapaniwala na ang kanyang regular afternoon class kung saan siya na-assign na magturo ay bigla na lamang napalitan ng isang non-regular evening class.Hindi ito ang gusto niya. Hindi lang sa challenging talaga ang evening class, nag-aalala rin siya sa kakayahan niya. Ang isang non-regular na class ay puno ng mga estudyante na may i
Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, pabirong natawa si Samantha.“Ikaw humingi ng tulong kay Arthur?” ani Samantha kay Justine at nagpatuloy, “Mas maniniwala pa ako na pinilit ka ni Arthur na magtrabaho.”Dahil sa kanyang biro, ang kaninang nagtataka na si Justine ay sinabayan siya ng tawa.Dagdag pa ni Samantha, “Pagod lang ako at iyan ang totoo.”“Salamat naman kung gano'n at maski ako ay pagod din. Matagal natapos ang engagement party kagabi,” sambit ni Justine bilang panimula sa paksa na pilit iniiwasan ni Samantha. “Oo nga pala, bakit ka umalis ng maaga kagabi?”Nang marinig iyon ni Samantha, bigla na lang sumikip ang kanyang dibdib. Hindi niya pwedeng aminin dito na ang dahilan sa pag-alis niya ay dahil sumasakit ang puso niya na makitang ang matalik na kaibigan ay engaged na kaya siya nagdesisyon na mag-hire ng isang gigolo.“Pagod lang talaga ako kaya umalis ako nang maaga at pagpasensyahan mo na,” sagot niya at sinubukang maging kalmado lamang ngunit bakas ang tila
Natameme na lamang si Samantha nang tumama ang kanyang mga titig sa madilim na mga mata ni Jared.At tama, si Jared Aguillar nga ang lalaking iyon. Kahit pa man ilang ulit na kumurap si Samantha, ang pigura na nakaupo sa couch ay hindi maaaring isang pagkakamali lang at siya nga iyon. Hindi ito nag-transform sa isang pusa, sa isang kakaibang nilalang, o kahit mawala na parang bula. Nang mapagtanto ni Samantha iyon, napasigaw na lamang siya sa kanyang isipan. ‘Papaanong nandito ang lalaking ito?!’Nagtataka si Samantha kung bakit nasa opisina ng dean ang lalaki. Naisip niya na baka alam na nito ang pagkakilanlan niya. Nangako sa kanya ang mama niya at higit sa lahat, maayos na nagbayad si Samantha para lang mapanatiling pribado ang kanyang seguridad at kaligtasan.Napatakip na lamang si Samantha sa kanyang bibig.‘Hindi kaya professor din si Jared dito? Anong klaseng pagkakataon ba ito?’ aniya sa isip. Samantala, si Mrs. Margaret naman na ino-obserbahan ang mga titig ni Samant
“The two of us don't know each other.”Nang marinig ito ni Samantha, isang maluwang na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at nagpapasalamat siya kay Jared dahil may konsensya pa rin ito na itago ang kanilang sikreto. Magiging magulo ang sitwasyon nila kung malalaman ang nangyari kagabi. Ngunit ilang sandali lang, muli pang nagsalita si Jared.“It seems like she was still an amateur,” ani Jared.Nang dahil sa sinabi nito, napataas ang kilay ni Samantha. Tila ba ang lalaking ito ay binibiro siya katulad ng ginawa niya nang gabing iyon. “Sa tingin ko ay wala kang karapatan na i-judge ako nang ganiyan. Una sa lahat, hindi mo naman siguro ako kilala, hindi ba? Sa paanong paraan at anong patunay mo para sabihing isa lamang akong baguhan?” Tanong ni Samantha na ayaw rin magpaawat.“Nasaktan ka ba sa sinabi ko, Ms. Madrigal?” Tanong naman ni Jared sa kanya.‘Ano sa tingin mo?’ ani Samantha sa kanyang isip.Si Mrs. Margaret naman ay tila napansin ang tensyon sa pagitan nilang da
“Don't forget to breathe, Samantha.”Nang mapansin ni Jared na nanigas si Samantha dahil sa gulat, inilapit niya ang bibig sa tainga nito at biniro ito sa pamamagitan ng kanyang malalim na boses. Nang mapagtanto naman ni Samantha na pinipigilan niya ang paghinga, agad siyang lumanghap nang maraming hangin. Nang bumalik na sa normal ang kanyang paghinga at medyo kalmado na, tinanggal ni Samantha ang kamay ni Jared mula sa kanyang bibig. “Bakit mo ako hinila rito? Ano ba ang gusto mo?” Tanong niya sa lalaki at kita sa kanya ang pagka-alarma.Bigla namang sumingkit ang mga mata ni Jared na tila nagpapakita ng awtoridad at saka sinabi, “Hindi mo ba naaalala ang pagkakamaling nagawa mo sa akin?”“Hindi ko alam kung anong gusto mong sabihin,” tugon naman ni Samantha na tila nagtataka pa sa tanong ni Jared sa kanya.Nagtaas naman ng kilay si Jared dahil sa sagot niya. “Hindi mo ba naiintindihan?” Tanong nito at ibinagsak pa ang kamay sa pader sa gilid ng ulo ni Samantha, inilapit an
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Justine bago siya magsalita.“Pareho tayong bagong lecturer dito, kaya mas mabuti kung magtulungan tayo. Isipin na lang natin ito bilang karagdagang karanasan,” ani Justine sa kanya.Nanatiling tahimik si Samantha at hindi agad makasagot sa hiling ni Justine sa kanya.Sa totoo lang ay sanay na si Samantha sa mga ganitong gawain dahil madalas na niyang ginagawa ang mga ito bago pa man siya maging lecturer. Naging teaching assistant pa nga siya noon, kaya’t sanay na siya sa ganitong mga tasks. Malamang, ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya ang pinag-assign ni Mrs. Irish at iniwan na lamang kay Justine ang trabaho.Ngunit ngayon, bigla na lamang ganito ang mungkahi ni Justine.“Ano ‘yang itsura mo, Sam? Wala ka namang problema dito, hindi ba?” tanong ni Justine, na siyang nagpabalik sa huwisyon ni Samantha.“Wala naman, Tine,” sagot niya kay Justine.Matapos pag-isipan ito nang ilang sandali, napagpasyahan ni Samantha na hindi patas kun
Nang makita ni Samantha ang matinding ekspresyon ni Jared, agad siyang umatras nang walang pag-alinlangan. Bawat hakbang ni Jared na palapit, siya naman ay umaatras hanggang sa sumandal ang kanyang likod sa pader.“M-Mr. Aguillar…” nanginginig na sambit ni Samantha, kitang-kita ang takot sa kanyang boses. “P-Pasensya na po, Sir.”“Pasensya? Para saan?” malamig ang boses ni Jared at bakas ang galit sa kanyang mukha.“Hindi ko po sinasadyang hindi tuparin ang aking pangako o tumakas, Sir. K-kasi po…” kumagat siya sa labi, nahihiya pero wala nang magawa kun hindi aminin. “Nakalimutan ko….”“Nakalimutan?” Lalong lumamig ang tono ni Jared, nagpapadala ng kakaibang takot sa katawan ni Samantha.“Humingi po ng tulong ang isang ka-trabaho ko kaya napa-late ako, Sir! Hindi ko po gustong tumakas—please po, patawarin niyo ako!” Sunod-sunod na tugon ni Samantha habang nakapikit dahil sa kaba.Matapos humingi ng taos-pusong tawad, napansin ni Samantha ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Wala siyang
Sa nakaraang hapon…Pagkagaling sa university at pabalik sa opisina, hindi maalis ni Jared sa isipan ang mga sinabi ni Samantha, na nagkamali ng akala sa kanya bilang isang gigolo. Sa hindi na mabilang na pagkakataon, napakunot ang noo ni Jared, nagpapakita ng inis.Bago pa man makarating sa lobby, biglang tumigil siya at humarap sa kanyang personal assistant, si Calix, na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa kanya.“Sir, ayos lang po ba kayo?” tanong ni Calix, halatang nagtataka sa ikinikilos ni Jared.Tumango si Jared ngunit ilang sandali ang nakalipas, tiningnan ulit siya ni Jared.“Sa tingin mo, base sa hitsura ko, what type of person I am?” Puno ng pangangambang tanong ni Jared sa kanyang assistant.Bahagyang natigilan si Calix sa tanong, nakakunot ang kilay nito dahil sa random question ng amo. Pinagmasdan niya si Jared. Nakapormal ito ng suot, white long sleeve na tila sampung beses plinansya, itim na trouser, kulay brown na belt at may mamahaling silver watch.“Mr. Jared, isa po
Pagkatapos makuha ang mga gamot, bumalik si Jared, at nalamang hindi nawala si Samantha kaya napahinga siya nang maluwang. “Tapos ka na ba, Jared?” Tanong ni Samantha sa kanya. “This is the medicine,” sagot ni Jared at ibinigay ang gamot na nakalagay sa isang plastic bag na naglalaman ng mga gamot na kailangan inumin ni Samantha. “If you still feel the itching, wipe it with the ointment, Samantha.”Sinigurado ni Jared na makuha ni Samantha ang instructions nang tama. Kinuha naman ni Samantha ang bag ng gamot at sinabi, “B-Bayaran na lang kita—”“Mukha ba akong walang pera para bayaran mo ako, Samantha?” ani Jared sa kanyang matalas na titig at halos tusukin na siya nito ng kanyang maitim at matalas na mga mata. Nahawakan ng mga salita ni Samantha ang pride ni Jared kaya tinitigan siya nito nang masama na siyang dahilan para hindi mapakali si Samantha. “A-Ayaw ko lang magkautang nang kahit ano,” sagot naman ni Samantha sa kanya sa katotohanan. “Hindi na kailangan para makara
Tagumpay na nahawakan ni Jared ang kamay ni Samantha at agad niya itong dinala sa kanyang itim na sasakyan. Ito lang ang tanging lugar na siguradong ligtas at ito ay ang sasakyan, malayo sa tensyon at ka-dramahan sa loob ng opisina ng dean. Tahimik naman na sumunod si Samantha, at walang anong salitang lumabas sa kanyang bibig. Pakiramdam niya, naubos lahat ng kanyang lakas tungkol sa komprontasyon na nangyari kanina lang. Pagpasok sa sasakyan, pinindot agad ni Jared ang button na naghihiwalay sa upuan ng driver mula sa passenger seat. “Pupunta tayo sa malapit na ospital,” ani Jared sa kanyang mahinahong boses.Napakurap naman si Samantha at nakuha nito ang kanyang atensyon. “Bakit tayo pupunta doon?”Napaungol si Jared sa tanong ni Samantha at halata sa mukha ang frustration nito. Parang dinadala siya ng babae sa tuktok ng kanyang galit. “Tignan mo ang kamay mo, Samantha. Anong nangyari?” Tanong ni Jared sa kanya habang tinuturo ang pulang marka sa kamay nito. Napansin nito
Malalakas na yabag ng paa ang parating sa kanilang direksyon. Si Mrs. Margaret na nakita ang pigura ng taong iyon ay agad na tumayo mula sa kanyang upuan. “Mr. Jared Aguillar,” aniya sa lalaking dumating. Nang marinig ni Samantha ang pangalan na 'yon, bigla siyang napasinghap lalo na nang maramdaman niya ang kamay na marahang hinawakan ang braso niya, at inaalok siyang tumayo sa kanyang upuan. Napatingin naman si Jared sa direksyon ni Samantha na ngayon ay nakayuko, at tinitignan ang mga tao sa loob. “Kung hindi si Samantha ang magiging chair, huwag na kayong umasa na mangyayari ang art exhibition na ito,” ani Jared sa lahat. Sino ba ang mag-aakala na magpapakita si Jared dito?Si Justine naman ay nagulat din. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, hindi niya alam kung dahil ba sa pagkagulat o dahil sa ibang bagay. “Mr. Arthur, this is Mr. Jared, the CEO of Aguillar Company, and he's the one I mentioned earlier,” paliwanag ni Margaret sa kapatid ni Justine na si Arthur Flor
Ipinanganak sa isang kilalang pamilya, na-engaged sa isang lalaking gusto ng lahat, at ang pagkakaroon ng kapatid na sinusuportahan ka, tila si Justine na ang pinakaswerteng tao sa buong mundo. Kahit masaktan lang nang kaonti ang babae, alam ni Samantha na marami ang lalapit upang protektahan si Justine Flores.“Pumapayag ka ba, Samantha?” Tanong ni Mrs. Margaret upang kompirmahin ulit ito. Sa isang sulok ng mata ni Samantha, tinignan niya si Justine na ngayon ay suot pa rin ang ngiti nito sa labi. Ang isang ngiti na maaaring tunawin ang puso nang kahit na sino. Ngunit ngayon, wala na 'yong epekto kay Samantha. “Kung tatanggi ako, maaari ba 'yon?” Tanong ni Samantha at kinuha lahat ng tapang niya para masabi iyon. Samantala, ang kamay naman ni Justine na nakahawak kay Samantha ay dahan-dahang lumuwag. Bigla namang nalungkot ang mukha ni Justine. “Bakit, Sam?” bulong na tanong niya kay Samantha. At heto si Arthur na ngayon ay masamang nakatitig ang kanyang kulay brown na mg
Nanatiling naghihintay si Justine sa sagot ni Samantha at ngayon ay mukhang hindi na ito okay. “A-Ayos lang ako,” sagot ni Samantha sa kanya.Nagdesisyon siyang umupo sa kanyang upuan at nagsimulang nakaramdam ng kaba. Ilang sandali pa, muli na namang bumahing si Samantha habang ang kanyang mga kamay ay nagsimula na mangati. “Samantha?” Ang pagtawag sa kanya ay siyang dahilan para kumurap siya. Na sa tabi niya na ngayon si Justine at hinila pa ang upuan para lapitan siya. “B-Bakit?” Tanong ni Samantha na hindi tumutingin kay Justine. Sa mga sandaling ito, nagpanggap si Samantha na kalmado lamang siya. “Ako dapat ang nagtatanong niyan. Ano ang problema, Sam? Galit ka ba talaga sa 'kin dahil sa nangyari kahapon?” Tanong ni Justine sa kanya. Nagbuntong-hininga si Justine at hinawakan ang kamay ni Samantha. Mabilis namang hinila ni Samantha ang kanyang kamay palayo kay Justine. Kahapon pa niya sinasabi sa kanyang sarili na ang friendship niya kay Justine ay kailanman hindi
Kung ikukumpara noong mga nakaraang araw, maagang umalis si Justine ngayon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng excitement. Hindi siya masyadong nakatulog at hindi na makapaghintay na mag-umaga. Nang maglakad siya sa corridor, wala siyang nakasalubong na kahit sino. Kahit ang opisina ng mga professors ay walang laman. Ang matataas na mga binti ni Justine ay dinala siya sa kanyang lamesa ngunit bumagal ang kanyang mga hakbang nang may makita ang mga mata niya na isang magandang kumpol ng bulaklak na nakapatong sa isang lamesa katabi sa kanya. Oo, ang bulaklak na iyon ay nasa lamesa ni Samantha. “Sino ang nagpadala ng bulaklak kay Samantha?” Tanong niya na bahagya pang natawa pagkatapos. Ngunit, may biglang nalimutan na isang importanteng detalye si Justine. Para masiguro, hindi muna dumiretso si Justine sa kanyang lamesa, kung hindi pumunta muna siya kay Samantha. “Hindi kaya, sa kanya ito?” bulong ni Justine nang kuhanin niya ang maliit na note na nakalagay
Sa gabi rin na 'yon, napagpasyahan nina Samantha at Kyle ang pumunta sa isang fried chicken restaurant na matatagpuan sa mall, tatlumpung minuto ang pagitan ng oras mula sa kanilang tahanan.“Hayaan mo akong ilibre ka,” sambit ni Samantha habang pumapasok sa nasabing lugar at pinasadahan namg tingin ang menu.Kahit kaonti na lamang ang natitirang pera ni Samantha, gusto pa rin niyang ilibre si Kyle dahil sobrang bait ng batang lalaki sa kanya.“Ano 'yan? Hindi. Ako ang magbabayad,” tanggi ni Kyle, hindi tinatanggap ang alok ng babae. Ang pride nito bilang isang lalaki ay masusugatan kapag hahayaan niyang ang babae ang magbabayad para sa kakainin nila.“Hindi na kailangan, talaga—”“Please, gusto ko lang talagang kumain ng manok kasama ka, hindi ko sinabi na ikaw ang magbabayad!” putol ni Kyle sa sinasabi ni Samantha, may namumuong lamig sa kanyang ekspresyon.“Sige, sige na nga. Ang sama mo,” Suminghap si Samantha, hindi gaanong makapaniwala sa lalaki. Bandang huli, napagpasiyahan
Bago tuluyang umalis, napagpasiyahan muna ni Patrick na suriin ang kondisyon ni Kyle. Habang pumapasok sa kuwarto ni Kyle, bumungad sa kanya ang tingin ng nakababatang pinsan, na mukhang nagulat sa pagdating niya.“Kuya Pat?!” naibulalas ni Kyle, ang tinig nito'y may bahid ng pagkalito.“Sinabi ni Sam na may sakit ka. Bakit naglalaro ka pa rin diyan sa cellphone mo?” Umangat ang kilay ni Patrick.Tama, hawak nga ni Kyle ang cellphone niya noong pumasok si Patrick, pero mabilis niya itong itinabi sa gilid ng kama, parang nahihiya.“Umalis ka na nga,” mariing sambit ni Kyle, ang madilim na mga mata nito'y bumaling sa pintuan. “Nasaan si Samantha?”Imposibleng hindi man lang nakita ni Patrick si Samantha. Bigla siyang nakaramdam nang matinding pag-aalala para sa damdamin ng babae, iniisip niya na baka may nangyaring hindi maganda.“Mmm, nandiyan lang siya,” sabi ni Patrick, tumango sa pintuan kung saan saktong pumasok si Samantha, may hawak na tray.“Pwede ka bang tumabi, Pat?” tan
“Missing Ivory, huh?”Tinutusok-tusok ni Samantha ang braso ni Kyle habang tinutukso ito. Nakahiga naman si Kyle sa kama, hindi gaanong maayos ang pakiramdam.“Tingnan mo nga oh, nilalagnat ka na dahil doon. Lovesick 'yan!” dagdag na sabi ni Samantha habang humahalakhak.“Anong ibig mong sabihin?” Iniangat ni Kyle ang kanyang ulo at tinapunan niya ito nang masamang tingin gamit ang matalim at itim niyang mga mata. “Why are we talking about Ivory?”Muling bumalik sa paghiga si Kyle, inayos nito ang cold compress at ibinalik sa kanyang noo. Tinanggal niya ang tingin kay Samantha at muling ipinikit ang mga mata habang sinusubukan magpahinga.“Well... 'di ba girlfriend mo si Ivory?” diin ni Samantha.Tumalim ang kanyang tingin sa lalaki. “Kyle, 'wag mo sabihin sa akin na mayroon kang ibang babae?” tanong nito, ang boses ay punong-puno ng pag-usisa at pagdududa.“No way!” Depensa kaagad ni Kyle.“Okay, sabi mo, e,” pagsuko niya bago bumuntong-hininga. Na-realize niya kung gaano ka