Sa kabila ng lahat ng nangyayari, hindi nakatiis si Helen na makita ang pagkahulog ng pamilyang Kinsey. Wala na siyang ibang pag-asa ngayon, maliban na lang kay Ari... … Lumabas si Arianne ng shopping mall, bitbit ang iba`t ibang mga bag, naghihintay para sa kanyang kotse nitong hapon. Hindi niya mapigilan ang panginginig mula sa patuloy na pagdaloy ng malamig na hangin. Una siyang bumili ng underwear dahil bigla niyang napagtanto na ang kanyang lumang underwear ay naging masikip para sa kanya, at hindi niya na ito maisusuot. Hindi niya masusuot ang dati niyang underwear sa susunod, kaya't sinamantala niya ang kanyang day-off at bumili ng ilan. Biglang huminto sa harapan niya ang isang pulang sasakyan. Umikot ang bintana upang ibunyag ang nakangiting mukha ni Helen. Agad na umiinit ang kanyang dugo sa kanyang puso. Lumabas ang isang masamang itsura sa kanyang mukha at tumalikod para umalis nang walang pag-aalangan. “Ari! Meron akong sasabihin sayo. Pwede ko bang makuha ang
"Nagtataka ako," pangasar na sinabi ni Arianne, "Sa akin ka umaasa sa halip na kay Aery?" Tiyak na naalala niya kung paano pinayagan ng kanyang kamangha-manghang ina si Aery na manatili bilang kasintahan ni Mark, kahit na alam niyang asawa niya ito. Sinubukan pa niya itong akitin na iwan siya. Nakakadiri! Nahiya naman si Helen. “Ari, alam ko na galit ka sa akin. Wala akong ideya na kasal kayo ni Mark noong kasama ni Aery si Mark. Maaaring nag-advise ako ng walang kwentang bagay, pero pinahinto ko si Aery na makipag-usap pa kay Mark. Hindi na nila masyadong nakakontak ang bawat isa nitong mga nagdaang araw. Siguro na-realize mo ito, tama? Tulungan mo ako, isang beses lang ito at sisiguraduhin ko na hindi na guguluhin ni Aery ang buhay mo. Sisiguraduhin ko rin na... hindi na ulit ako magpapakita sa harap mo!" Tumawa si Arianne sa kabila ng kanyang galit. “Nakikipag-ayos ka ba sa akin? Hangga't tutulungan kita, tutulungan mo akong ilayo ang kabit ng aking asawa at hindi mo na ulit i
Si Arianne ay nakatayo sa harap ng mga French Window sa kanyang kwarto habang nakatingin sa gabi. Magulo ang puso niya. Sa isang saglit, nagsimulang umambon. Nang makita niya ang maliwanag na ilaw ng kotse mula sa malayo, hinawakan niya ang kanyang kwelyo gamit ang kanyang mahaba at payat na mga daliri, lumingon, at lumakad pababa. Makalipas ang ilang minuto, naglakad papasok si Mark na medyo basa. Kumuha siya ng twalya at lumapit sa kanya. "Malamig at umuulan. 'Wag kang magkasakit, magmadali at maligo ka na." Hindi kinuha ni Mark ang twalya. Ni hindi siya tumingin sa kanya. Sa halip, diretso siyang naglakad sa itaas. Hindi rin siya nahiya dito. Naupo siya at isinabit ang twalya sa sofa. Makalipas ang ilang sandali, dumating muli si Mark sa hagdan at bagong shower ito. Ang kanyang jet-black na buhok ay kumikinang na may mala-kristal na mga patak ng tubig. Pagdaan niya sa sofa, kinuha niya ang tuwalya at pinatuyo ang buhok. Ang maliit na kilos na ito mula sa kanya ang nagbiga
Tahimik na ibinaba ni Arianne ang kanyang ulo. Lihim siyang nakapagpasya ng desisyon — simula bukas, hihilingin niya kay Mary na magdagdag ng dalawa pang pagkain sa mesa para maiwasan ang mga hindi magagandang sitwasyon na kawalan ng pagkain… Si Mark ay pumasok at nag-aral pagkatapos kumain. Isinara naman ni Arianne ang sarili niya sa kanyang kwarto at sinuri ang sulat ni “Mr. Sloane." Maraming beses na niyang binasa ang sulat, ngunit wala itong ibang layunin bukod sa pagpukaw ng kanyang emosyon. Habanh siya ay sinalanta ng napakaraming mga emosyon, bigla siyang nakatanggap ng isang mensahe mula kay Tiffany. Binuksan niya ito at mapangasar na tumawa. "Nabalitaan ko na ang mga buntis na may inaasahan anak na babae ay may kamangha-manghang mga kutis, pero ang mga epekto ay kabaligtaran kung ito ay isang lalaki. Ang pagbubuntis ay nagdudulot din ng pagtaas ng timbang. Gaano ka kataba? Masasabi mo ba kung lalaki o babae ito?" Sa totoo lang, ang mga bagay na ito ay hindi sumagi sa k
Pilit na nagpanggap na hindi narinig ni Mark ang kanyang mga sinasabi habang pinepwersa niya ang kanyang sarili sa kay Arianne. Nararamdaman ni Arianne na parang isang nag-iisang bangka na nagbabantang tumaob anumang oras sa umuugong na dagat. Wala siyang ideya kung gaano katagal ang bagyo bago ang lahat ay huminahon. Bumangon si Mark at pumasok sa banyo ng hindi man lang lumingon. Si Arianne ay nakahiga sa kama nang hindi gumagalaw na parang sirang papet habang pinapakinggan ang tunog ng mga pumpapatak na shower. Parang sasabog ang puso niya. Nakaramdam siya ng sakit at pighati... Di-nagtagal pagkatapos nito, umalis si Mark sa Tremont Estate. Narining ni Arianne ang tunog ang makina ng kanyang kotse hanggang sa mawala ito sa malayo. Ang parehong eksena ay nag-replay ng hindi mabilang na beses noong nakaraan at sa tuwing maiiwan siya, nararamdaman niya na ang kanyang mundo ay muling gumigiba.Gayunpaman, ang pangyayari sa oras na ito ay higit na mas masahol kaysa dati. Kinabuk
Bahagyang nag-alangan si Arianne. Kung sabagay, kasal na siya at may iskandalo tungkol sa kanila sa nakaraan. Pinakamainam na panatilihin ang kanilang distansya. "Um... May kailangan ba tayong pag-usapan na mahalaga? May trabaho pa ako... Sabihin mo sa akin dito.” Ibinaba ng bahagya ni Will ang kanyang ulo, hindi maitago ang pagkabigo sa kanyang mga mata. Tiningnan ni Arianne ang korte ng kanyang mukha sa ilalim ng sikat ng araw, nakikita niya ang kanyang malungkot na emosyon na umaagos. "Hindi ko inaasahan na darating ang isang araw kung kailan tayo mag-aalala tungkol sa pag-upo lamang at pakikipag-usap sa bawat isa." Kinagat ni Arianne ang labi saka binuksan ang pinto ng kotse at sumakay. "Hindi naman sa ganon. Ayoko... Ayoko lang mag-skip out sa trabaho ng masyadong mahaba." Hindi tinuloy ni Will ang usapan. Inandar na niya ang sasakyan at nagpatakbo ng diretso. Bigla na lang niya binago ang paksa. "Ari, mahal mo ba si Mark Tremont?" Bahagyang napaatras si Arianne. Hindi
Nakahinga ng maluwag si Arianne. Ang lahat ng tao ay may mga sandali kung kailan kailangan nilang aliwin ang kanilang sarili sa panahon ng isang emotional breakdown. Nahulaan niya na pinagdadaanan ito ngayon ni Will at umaasa siya na makakuha ng suportang pang-emosyonal. Babalik sa dati ang lahat, ang mga panahon na hindi masyadong magulo ang isipan ni Will. Wala siyang masyadong alalahanin. Sa oras na ito sa Kinsey Estate, nakikipag-komprontasyon si Aery kay Helen. "Hindi ko iiwan si Mark dear! 'Wag mong isipin na tulungan ang b*tch iyon na si Ari na gawin ang gusto niya. Ikaw ang pumayag na manatili ako kasama si Mark dear dati. Pero ngayon, ituturing mo siyang anak mo pero hindi ako?" Naubusan na ng pasensya si Helen sa puntong ito. Sinampal niya sa mukha si Aery. "Tama na yan! May kakayahan ka bang tanungin si Mark Tremont na i-save ang pamilyang Kinsey? Kung hindi mo iyon magawa, lumayo ka sa kanya! Hindi ko hahayaan ang isang idiot na tulad mo na sirain ang lahat ng dati kong
Nang magising si Arianne, nasa ospital na siya. Madilim ang kalangitan sa labas at ang hangin ay amoy disinfectant. Nakita niya ang puting kisame at ang IV drip na nakabitin sa itaas niya... Blangko ang kanyang isipan hanggang sa bumalik ang kanyang mga alaala. Si Aery Kinsey ang sumagasa sa kanya. Malinaw na pasadya niya itong gawin! Nasa sasakyan din si Will noon. Sinubukan niyang galawin ang kanyang katawan habang nagpupumilit na alalahanin ang ibang nangyari. Gayunpaman, ang sakit mula sa kanyang katawan, lalo na mula sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan, ay naging sanhi ng agarang pagbagsak niya at basang-basa siya ng pawis. Madiin niyang hinawakan ang kanyang tiyan at pipindutin na sana ang call button para kumuha ng isang nurse nang biglang bumukas ang pinto sa kanyang ward. Si Will pala iyon. Maliban sa ilang mga hiwa sa noo niya na nakabalot ng bandage, maayos pa rin ang itsura niya. Nang mapansin ni Will na siya ay gising, makikita ang kagalakan sa kanyang mukha bago