Tahimik na ibinaba ni Arianne ang kanyang ulo. Lihim siyang nakapagpasya ng desisyon — simula bukas, hihilingin niya kay Mary na magdagdag ng dalawa pang pagkain sa mesa para maiwasan ang mga hindi magagandang sitwasyon na kawalan ng pagkain… Si Mark ay pumasok at nag-aral pagkatapos kumain. Isinara naman ni Arianne ang sarili niya sa kanyang kwarto at sinuri ang sulat ni “Mr. Sloane." Maraming beses na niyang binasa ang sulat, ngunit wala itong ibang layunin bukod sa pagpukaw ng kanyang emosyon. Habanh siya ay sinalanta ng napakaraming mga emosyon, bigla siyang nakatanggap ng isang mensahe mula kay Tiffany. Binuksan niya ito at mapangasar na tumawa. "Nabalitaan ko na ang mga buntis na may inaasahan anak na babae ay may kamangha-manghang mga kutis, pero ang mga epekto ay kabaligtaran kung ito ay isang lalaki. Ang pagbubuntis ay nagdudulot din ng pagtaas ng timbang. Gaano ka kataba? Masasabi mo ba kung lalaki o babae ito?" Sa totoo lang, ang mga bagay na ito ay hindi sumagi sa k
Pilit na nagpanggap na hindi narinig ni Mark ang kanyang mga sinasabi habang pinepwersa niya ang kanyang sarili sa kay Arianne. Nararamdaman ni Arianne na parang isang nag-iisang bangka na nagbabantang tumaob anumang oras sa umuugong na dagat. Wala siyang ideya kung gaano katagal ang bagyo bago ang lahat ay huminahon. Bumangon si Mark at pumasok sa banyo ng hindi man lang lumingon. Si Arianne ay nakahiga sa kama nang hindi gumagalaw na parang sirang papet habang pinapakinggan ang tunog ng mga pumpapatak na shower. Parang sasabog ang puso niya. Nakaramdam siya ng sakit at pighati... Di-nagtagal pagkatapos nito, umalis si Mark sa Tremont Estate. Narining ni Arianne ang tunog ang makina ng kanyang kotse hanggang sa mawala ito sa malayo. Ang parehong eksena ay nag-replay ng hindi mabilang na beses noong nakaraan at sa tuwing maiiwan siya, nararamdaman niya na ang kanyang mundo ay muling gumigiba.Gayunpaman, ang pangyayari sa oras na ito ay higit na mas masahol kaysa dati. Kinabuk
Bahagyang nag-alangan si Arianne. Kung sabagay, kasal na siya at may iskandalo tungkol sa kanila sa nakaraan. Pinakamainam na panatilihin ang kanilang distansya. "Um... May kailangan ba tayong pag-usapan na mahalaga? May trabaho pa ako... Sabihin mo sa akin dito.” Ibinaba ng bahagya ni Will ang kanyang ulo, hindi maitago ang pagkabigo sa kanyang mga mata. Tiningnan ni Arianne ang korte ng kanyang mukha sa ilalim ng sikat ng araw, nakikita niya ang kanyang malungkot na emosyon na umaagos. "Hindi ko inaasahan na darating ang isang araw kung kailan tayo mag-aalala tungkol sa pag-upo lamang at pakikipag-usap sa bawat isa." Kinagat ni Arianne ang labi saka binuksan ang pinto ng kotse at sumakay. "Hindi naman sa ganon. Ayoko... Ayoko lang mag-skip out sa trabaho ng masyadong mahaba." Hindi tinuloy ni Will ang usapan. Inandar na niya ang sasakyan at nagpatakbo ng diretso. Bigla na lang niya binago ang paksa. "Ari, mahal mo ba si Mark Tremont?" Bahagyang napaatras si Arianne. Hindi
Nakahinga ng maluwag si Arianne. Ang lahat ng tao ay may mga sandali kung kailan kailangan nilang aliwin ang kanilang sarili sa panahon ng isang emotional breakdown. Nahulaan niya na pinagdadaanan ito ngayon ni Will at umaasa siya na makakuha ng suportang pang-emosyonal. Babalik sa dati ang lahat, ang mga panahon na hindi masyadong magulo ang isipan ni Will. Wala siyang masyadong alalahanin. Sa oras na ito sa Kinsey Estate, nakikipag-komprontasyon si Aery kay Helen. "Hindi ko iiwan si Mark dear! 'Wag mong isipin na tulungan ang b*tch iyon na si Ari na gawin ang gusto niya. Ikaw ang pumayag na manatili ako kasama si Mark dear dati. Pero ngayon, ituturing mo siyang anak mo pero hindi ako?" Naubusan na ng pasensya si Helen sa puntong ito. Sinampal niya sa mukha si Aery. "Tama na yan! May kakayahan ka bang tanungin si Mark Tremont na i-save ang pamilyang Kinsey? Kung hindi mo iyon magawa, lumayo ka sa kanya! Hindi ko hahayaan ang isang idiot na tulad mo na sirain ang lahat ng dati kong
Nang magising si Arianne, nasa ospital na siya. Madilim ang kalangitan sa labas at ang hangin ay amoy disinfectant. Nakita niya ang puting kisame at ang IV drip na nakabitin sa itaas niya... Blangko ang kanyang isipan hanggang sa bumalik ang kanyang mga alaala. Si Aery Kinsey ang sumagasa sa kanya. Malinaw na pasadya niya itong gawin! Nasa sasakyan din si Will noon. Sinubukan niyang galawin ang kanyang katawan habang nagpupumilit na alalahanin ang ibang nangyari. Gayunpaman, ang sakit mula sa kanyang katawan, lalo na mula sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan, ay naging sanhi ng agarang pagbagsak niya at basang-basa siya ng pawis. Madiin niyang hinawakan ang kanyang tiyan at pipindutin na sana ang call button para kumuha ng isang nurse nang biglang bumukas ang pinto sa kanyang ward. Si Will pala iyon. Maliban sa ilang mga hiwa sa noo niya na nakabalot ng bandage, maayos pa rin ang itsura niya. Nang mapansin ni Will na siya ay gising, makikita ang kagalakan sa kanyang mukha bago
Pinagpapawisan si Arianne. Sinubukan niyang bumangon ng ilang beses ngunit nabigo siya. Nang makita ni Brian ang eksenang ito, hindi niya maiwasang mapaalalahanan si Mark. "Sir… Si Madam ay…" Ibinaling ni Mark ang tingin niya kay Arianne saka mapang-asar na binitawan si Will habang nakatingin sa kanya. "Utang mo sa akin ang isang paliwanag!" Ang unang reaksyon ni Will ay pumunta at tulungan si Arianne na bumangon, ngunit dali-dali siyang pinigilan ni Brian. "Mr. Sivan, umalis ka na ngayon. Ang problemang ito ay para sa pamilyang Tremont na, hindi ito mahalaga sayo." Naintindihan ni Will ang sinusubukang sabihin sa kanya ni Brian. Nag-aalala siya nang tingnan si Arianne saka nag-atubiling lumabas ng kwarto. May gusto pa siyang sabihin pero hindi niya alam kung dapat niya itong sabihin. Ang anumang maling galaw niya ang magpapahirap kay Arianne. Lumabas din si Brian sa kwarto at isinara ang pinto, naiwan lamang sina Arianne at Mark ang nasa likuran. Matapos ang isang maik
Nagulat si Tiffany. "Ano? Bakit? Bakit nasa hospital ka? Anong nangyari?" Medyo mahina ang boses ni Arianne. "Sasabihin ko sayo kapag nandito ka na..." Pagkatapos ibaba ang tawag, inilapag ni Tiffany ang spatula sa kanyang kamay at nagmadaling pumunta sa pintuan. "Saan ka pupunta?" Mabilis na tanong ni Lillian nang makitang paalis na siya. Hindi mapakali si Tiffany na ipaliwanag nang detalyado ang nangyayari. “Kailangan kong pumunta sa ospital. Hindi ako babalik ngayong gabi. Naghanda ako ng dalawang ulam, pagtiyagaan mo na lang. Iwanan ang mga pinggan pagkatapos mong kumain. Huhugasan ko ito pagbalik ko!" Tumingin si Lillian sa kusina at sumimangot dahil hindi siya nasisiyahan. “Dalawang maliit na plato lamang ng gulay? Hindi mahalaga kung gaano ka nagmamadali, dapat mong siguraduhin kung papaano mabubusog ang iyong nanay." Huminto ang mga kamay ni Tiffany habang nasa kalagitnaan siya ng pagpapalit ng sapatos. Medyo nadismaya siya. "Ma, pagod na ako... kailangan kong magtrab
Pinigilan ni Tiffany na sumabad. “Salamat sa paalala mo, boss. Aayusin ko iyon.” Si Jackson ay hindi masyadong mas matanda kaysa sa kanya, ngunit mayabang pa rin si Jackson sa harap niya. Hindi lang talaga niya nagustuhan ang pagiging mabait ni Jackson sa kanya. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Tiffany nang makarating sila sa ospital. Hawak niya ang huling bakas ng kanyang katinuan para ngumiti at magpaalam kay Jackson. Nang makapasok siya sa ward ni Arianne, laking gulat niya nang makita kung gaano kahina si Arianne. Ang mukha niya ay kakaibang maputla, at maging ang kanyang karaniwang pulang labi ay kasing putla ng kanyang mukha. "Ari, anong nangyari?" Inalalayan ni Arianne ang sarili niya at pilit na ngumiti. "Umupo ka muna... Hayaan akong ayusin ang sarili ko..." Tinulungan ni Tiffany si Arianne na makaupo. Nag-aalab siya sa oras na nalaman niya ang buong kuwento. "Ang Aery Kinsey na iyon ay isang b*tch talaga! Sinusubukan ka niyang patayin! Inaasahan kon