“Dan!”Sumigaw si Madeline, at mabilis na tumakbo si Jeremy para suportahan si Daniel. Tumulong din ang mga doktor at nars sa tabi nang makita nila ito. Kaagad na dinala sina Ava at Daniel sa emergency room habang naghintay sina Jeremy at Madeline sa pintuan. Tinawagan rin ni Madeline sina Raegan at Neil para ipaalam ito sa kanila sa sandaling ito. Puno ng kaba sina Raegan at Neil na sumugod sa ospital pagkatapos malaman ang tungkol sa sitwasyon. Nang nalaman nila na si Esther na naman ang nasa likod nito, napuno ng galit ang mga mata nila. Gayunpaman, sa sandaling ito, mas nag-aalala sila. Sa sandaling ito, walang mas importante kaysa sa kaligtasan ni Ava. Gustong maghintay ni Neil ng balita tungkol kay Ava kasama ni Raegan, ngunit nakatanggap siya ng tawag mula sa emergency room sa kabilang kwarto. Bilang doktor, tungkulin niyang magligtas ng tao, kung kaya't pumunta roon si Neil nang hindi masyadong nag-iisip. Ngunit, nalaman niya na ang sugatang tao na kailangan ng p
Pagkatapos sabihin iyon ni Madeline, para bang malalim ang iniisip ni Raegan. Pumasok sa isipan ni Raegan ang mga salitang iyon, at pagkatapos mag-isip nang malalim, bigla siyang nakahinga nang maluwag. Sa sandaling iyon, sa wakas ay bumukas na rin ang pinto ng emergency room. Kaagad na tumayo sina Madeline at Raegan at lumapit para magtanong tungkol sa sitwasyon. "Dok, kumusta ng anak ko? Ang mga sugat niya…" "Madam, kumalma po muna kayo." Magalang na pinagaan ng doktor ang loob ni Raegan. "Nagamot na namin ang mga sugat ng pasyente. Pagkatapos ng maingat na eksaminasyon, karamihan ng sugat niya ay nasa laman lang at hindi ito nakakabahala. Pero sobra siyang nanghihina ngayon. Malamang ay hindi siya nakakain at nakainom nang maraming araw. Pwede muna kayong maghanda ng mainit na pagkain. Pakainin niyo siya paggising niya." Wala sa peligro ang buhay ni Ava kaya nakahinga nang maluwag sina Madeline at Raegan. Pagkatapos pasalamatan ng dalawa ang doktor, nag-ayos sila
Hindi naniwala ang mga magulang ni Daniel sa sinabi nina Madeline at Jeremy kaya nagpasya silang tawagan si Esther. Gayunpaman, walang sumagot sa phone ni Esther. Biglang nagtaka ang dalawa. Kaagad nilang tinawag ang kaibigan nila na may koneksyon sa ganitong bagay. Nang tinanong siya, talagang nasa presinto ngayon si Esther. Hindi rin siya tumutulong sa imbestigasyon. Talagang inaresto siya. Pagkatapos marinig ang balitang ito, nagbago ang mukha ng mga magulang ni Daniel. "Paanong nangyari to?" Hindi pa rin makapaniwala si Gina. Tinanong niya ang isa pang taong kilala niyang may koneksyon at ganoon pa rin ang resulta. Tumingin ang mga magulang ni Daniel kina Madeline at Jeremy. Hindi na sila nagsalita. Mas lalo lang silang mapapahiya kung magsasalita pa sila ng kahit na ano. Kung kaya't payapang umupo sa tabi ang dalawa at naghintay na matapos ang operasyon. Pagkatapos ng higit isang oras, natapos na rin ang operasyon. Si Neil ang naunang lumabas mula sa emergency room
Hindi nilang dalawa inakala na magkakaroon ng ganitong pagkakataon. Umuwi sina Madeline at Jeremy sa Old Whitman Manor. Pagkatapos maligo para tanggalin ang dumi at pagod sa kanilang katawan, komportableng umupo ang dalawa sa sofa. Kinuha ni Jeremy ang hairdryer at maingat na pinatuyo ang buhok ni Madeline. Sa huli, malambing niya siyang hinila papunta sa kanyang yakap. Nang maramdaman niya ang init ng kanyang katawan at maamoy ang kanyang bango, sa wakas ay nakahinga na nang maluwag si Jeremy. "Linnie, gusto ko talagang hawakan ang kamay mo at dalhin ka sa iba't-ibang parte ng mundo araw-araw. Sa ganoong paraan, hindi tayo mahahanap ng mga problemang yun." Tinaas ni Madeline ang kamay niya at tinapik ang gilid ng mukha ni Jeremy. "Balak mo nang magretiro? Sa tingin mo nakaipon ka na ng sapat na pera para sa gatas ni Pudding at sa pag-aaral nina Jack at Lily? Basta't nandiyan ang mga bata, tayong mga magulang ay hindi pwedeng mag-isip tungkol sa pagreretiro." "Lalaki rin an
Pagkatapos magpaalala ni Karen, may naalala na sa wakas si Madeline. Sa sobrang dami ng nangyayari nitong nakaraan muntik na niyang makalimutan ang taong ito. Ang mas kaduda-duda doon ay ang babaeng iyon ay umalis mismo nang mag-isa. “Sinabi ba niya kung bakit siya aalis?” nagtatakang tanong ni Madeline, habang maingat na binubuhos ang sabaw sa thermos. “Gusto ng babaeng ito na may mangyari sa kanilang dalawa ni Jeremy noong una pa lang, kaya paano niya magugustuhang manuluyan sa bahay natin bilang isang katulong? Kahit na mukha siyang kawawa, nagpapanggap lang siya para makuha ang simpatiya mo. Gusto lang niyang manatili dito para makahanap ng pagkakataong gambalain ulit si Jeremy,” sinuri ni Karen kung anong nasa isip ni Hannah noong mga oras na iyon.Sa katotohanan, alam ni Madeline sa loob niya na nagpapanggap lang si Hannah noong sinabi nitong gusto niyang manuluyan dito bilang isang katulong at noong sinabi nitong wala itong maalala. Isa lamang ang layunin at hangarin ni
“Maddie, alam mo naman eh. Mula noong bata ako wala na akong nanay. Binigyan lang ako ng katawan ng taong nagluwal sa akin at wala nang iba pa.” Sa mga sinabi ni Ava ay parang may sama ito ng loob, ngunit masunurin pa rin nitong hinigop ang sabaw na ginawa ni Madeline. Tumango si Madeline at umupo sa tabi. Pagkatapos, seryoso siyang tumingin kay Ava. “Pero Ava, kung titingnan mo nang maigi, sa tingin mo anong klaseng tao ba ang mga magulang mo?”Huminto si Ava habang humihigop ng sabaw. Kahit na mukhang nag-aalinlangan siya, nagsalita pa rin siya nang seryoso. “Kung titingnan mo ito mula sa labas, ang isa sa kanila ay isang matagumpay na babaeng matalino, elegante, mapagkumbaba at mapagbigay. Ang isa naman ay isang maimpluwensyang doktor na may husay sa medisina at moralidad. Pareho silang magagaling at kilalang mga tao.” “‘Yun lang?” tanong ni Madeline. “Kung titingnan mo ito sa ibang pananaw, sa tingin mo paano ka nila itatrato?” “Ako? Ang galing nila.” ngumiti ulit si Ava
Nang marinig niya ito, ngumiti nang marahan si Madeline. Alam niya na kahit nagmamatigas pa rin si Ava, sa loob niya, handa na si Ava na maniwalang ito ang totoo. “Ava, baka kaunti na lang ang oras, lalo na ang daming nangyayari nitong nakaraan. Mahirap nang hulaan kung anong mangyayari sa hinaharap. Kaya dapat pahalagahan natin ang lahat ng nasa harap natin, lalo na ang mga taong tunay na nagmamahal sa atin.” Nauunawaan ni Ava ang gustong ipahiwatig ni Madeline, ngunit sa sandaling ito, gusto lang niyang tumakas. “Maddie, kumusta na ang kalagayan ni Danny? Nabalitaan ko kay… Nabalitaan ko sa taong ‘yun kanina lang na dumugo daw si Dan dahil gusto niya akong iligtas. Malala ba ang kalagayan niya?” “Maya-maya dadalawin ko si Dan, kaya ‘wag kang mag-alala. Kung may masamang nangyari kay Dan, sinabi na sana kaagad sa’yo ng taong binanggit mo ngayon lang.” “...”Alam ni Ava na sinasadya ni Madeline na asarin siya at tinawag niyang ganito si Raegan. Subalit, kung sigurado si Ra
“...”Masyadong halata ang gustong ipahiwatig ni Madeline. Hindi tanga si Ava. Syempre naunawaan niya. Habang nananahimik si Ava, may kumatok nang mahina sa pinto ng ward.Sabay na napatingin si Madeline at Ava at nakita si Neil na nakasuot ng puti habang nakatayo sa tapat ng pinto nang nag-aalinlangan. Mukhang naguguluhan ito. Nag-aalala ito ng sobra sa magiging reaksyon nI Ava sa paglitaw niya, ngunit kasabay nito, umaasa siyang papapasukin siya ni Ava. Tinignan ni Madeline ang dalawang taong hindi nagsasalita, nakangiti at sinabi, “Hello, Dr. Long. Nagkataong pinag-uusapan ka namin ni Ava.” Nang marinig niya ito, lalong gumaan ang mukha ni Neil, at nagkaroon ng ngiti sa kanyang mukha. “Talaga? Anong pinag-uusapan niyo?” pumasok siya habang nagtatanong, habang bumabaling kay Ava ang kanyang titig paminsan-minsan. Nang makita niya ang mga sugat sa mukha ni Ava, sumakit ang puso niya, ngunit wala siyang masabi upang pagaanin ang loob ni Ava. Para bang wala na siyang karapatan
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si