Nang marinig niya ito, ngumiti nang marahan si Madeline. Alam niya na kahit nagmamatigas pa rin si Ava, sa loob niya, handa na si Ava na maniwalang ito ang totoo. “Ava, baka kaunti na lang ang oras, lalo na ang daming nangyayari nitong nakaraan. Mahirap nang hulaan kung anong mangyayari sa hinaharap. Kaya dapat pahalagahan natin ang lahat ng nasa harap natin, lalo na ang mga taong tunay na nagmamahal sa atin.” Nauunawaan ni Ava ang gustong ipahiwatig ni Madeline, ngunit sa sandaling ito, gusto lang niyang tumakas. “Maddie, kumusta na ang kalagayan ni Danny? Nabalitaan ko kay… Nabalitaan ko sa taong ‘yun kanina lang na dumugo daw si Dan dahil gusto niya akong iligtas. Malala ba ang kalagayan niya?” “Maya-maya dadalawin ko si Dan, kaya ‘wag kang mag-alala. Kung may masamang nangyari kay Dan, sinabi na sana kaagad sa’yo ng taong binanggit mo ngayon lang.” “...”Alam ni Ava na sinasadya ni Madeline na asarin siya at tinawag niyang ganito si Raegan. Subalit, kung sigurado si Ra
“...”Masyadong halata ang gustong ipahiwatig ni Madeline. Hindi tanga si Ava. Syempre naunawaan niya. Habang nananahimik si Ava, may kumatok nang mahina sa pinto ng ward.Sabay na napatingin si Madeline at Ava at nakita si Neil na nakasuot ng puti habang nakatayo sa tapat ng pinto nang nag-aalinlangan. Mukhang naguguluhan ito. Nag-aalala ito ng sobra sa magiging reaksyon nI Ava sa paglitaw niya, ngunit kasabay nito, umaasa siyang papapasukin siya ni Ava. Tinignan ni Madeline ang dalawang taong hindi nagsasalita, nakangiti at sinabi, “Hello, Dr. Long. Nagkataong pinag-uusapan ka namin ni Ava.” Nang marinig niya ito, lalong gumaan ang mukha ni Neil, at nagkaroon ng ngiti sa kanyang mukha. “Talaga? Anong pinag-uusapan niyo?” pumasok siya habang nagtatanong, habang bumabaling kay Ava ang kanyang titig paminsan-minsan. Nang makita niya ang mga sugat sa mukha ni Ava, sumakit ang puso niya, ngunit wala siyang masabi upang pagaanin ang loob ni Ava. Para bang wala na siyang karapatan
Kalmado si Madeline. Hindi siya nagpapakita ng kahit anong bakas ng takot o pag-iwas. “Nabalitaan kong umalis ka na. Bakit bigla kang bumalik? Sinusundan mo pa ako ngayon. May gusto ka bang sabihin sa akin?” direktang nagtanong si Madeline nang nakangiti. Tumingin si Hannah sa kalmadong ngiti sa mukha ni Madeline, at nanlumo ang kanyang mga mata. Subalit, kasunod nito, ngumiti rin siya. “Oo, tulad ng sinabi mo, talagang matigas ang ulo ko. Kahit na gusto kong bumalik ng St. Piaf, kailangan ko munang magpaalam sa mabait kong ‘ate’ bago umalis.” Malinaw na may gustong iparating si Hannah. Nang banggitin niya ang salitang ‘ate’, sobrang mapang-uyam ang tono nito. Kahit puno ng inis at pagmamatigas ang mga mata at salita ni Hannah, at siguro gusto niya pa ring maghiganti kay Madeline, sobrang kalmado ang puso ni Madeline sa sandaling ito. Wala man lang pagkabahala dito. Ngumiti lang si Madeline at tumango. “Kung ganoon, gusto mo bang magpunta sa malapit na cafe para umupo at m
“Kaya, Eveline, salamat. Hindi na ulit ako magpapakahangal sa mga susunod na araw.”Pagkatapos niyang sabihin ito, biglang nagpakita ng isang nakakaintrigang ngiti si Hannah bago lumingon paalis. Pagkatapos niyang lumingon at humakbang ng dalawang beses, muli niyang nilingon si Madeline na nakatayo lang doon. “May isa pang bagay akong nakalimutan sabihin. Sana naman maging masaya kayong dalawa ni Mr. Whitman.” Pagkatapos niyang ibigay ang huli niyang basbas, naglakad si Hannah at hindi na lumingon pa. Tiningnan ni Madeline ang likod ni Hannah, na unti-unting naglaho. Hindi niya nakalimutan na sumagot, “Salamat.” Ng pabalik na siya, kakaiba pa din ito para kay Madeline. Paano nagkaroon bigla ng epipanya si Hannah?Marahil ay may nangyari. Isang tao na sagad hanggang buto ang galit sa kanya ay bigla na lang naginhawaan at hindi na naapektuhan. Marahil ay naliwanagan na siya. Ngunit, hindi maisip ni Madeline kung ano ang dahilan hanggang sa nakauwi na siya at narinig ka
Binigyan sila ng isang napakadesididong sagot ni Fabian, at ang kanyang tono ay hindi palakaibigan. Subalit, sina Madeline at Jeremy ay sanay na ngayon sa ugali ni Fabian. Syempre, nauunawaan din naman nila Madeline at Jeremy na wala naman problema si Fabian sa kanila, ngunit sa halip, ay lumaki na siya. Ang young master na dating mapangutya ay naging mahinahon at matatag ngayon. Iyon ang dahilan kung bakit sina Madeline at Jeremy ay komportable na hayaan si Lillian na manatili kasam ni Fabian. “Fabian, kamusta naman ang kalusugan ni Lillian nitong mga nakaraan?” Tanong ni Jeremy. Ang bagay na pinakainaalala niya ay ang tungkol sa kalusugan ng pinakamamahal niyang prinsesa. Inikot ni Fabian ang kamera ng phone. Ang cute na parang sanggol na mukha ni Liliian ang lumitaw sa may screen. Sa silid na may maraming palamuti, ang banayad na init ng papalubog na araw ay tahimik na nakakalat sa maliit na mukha ni Lillian. Maliliit na dimples ang nagpatingkad sa magkabilang gilid n
Nang maramdaman niya ang init ng mga kamay ni Lillian, nakaramdam ng isang maganda at mainit na pakiramdam si Fabian na dumaloy papunta sa kanyang puso. Tiningnan niya ang iginuhit na larawan ni Lily. Ang matangkad at payat na lalake sa larawan ay siya. Sa larawan, hawak niya ang kamay ni Lily at nakatayo sila sa harapan ng isang gusali na mukhang isang kindergarten. Kaagad naunawaan ni Fabian kung ano ang ibig sabihin ni Lillian. Gusto niyang pumasok ng eskwelahan. Totoo na mababagot lang siya kapag araw-araw siyang nakakulong dito sa bahay o sa ospital. Ang mga bata na nasa ganitong edad ay kailangan na maglaro kasama ng kapwa nila bata. Nagdesisyon si Fabian na ipadala si Lily sa kindergarten, ngunit nag-aalala pa din siya. Hindi pa tuluyang magaling ang katawan ni Lily. isa pa, hindi siya makapagsalita, kaya natatakot siya na baka itaboy siya at apihin sa kindergarten. Ganunpaman, nakikita din niya na gusto na talagang umasok sa eskwelahan ni Lily. Pagkatapos n
Simple at desidido itong itinanggi ni Fabian na may hindi nasisiyahan na ekspresyon sa kanyang makisig na mukha. Natigilan sandali ang guro, pero mabilis din naman siya kaagad na nakabawi at nagpatuloy na nagpakita ng isang matamis at palakaibigan na ngiti. “Paumanhin, akala ko kayo ang—-”“Ako ang tagapangalaga ni Lillian. Kapag may nangyari kay Lillian sa eskwelahan, ipaalam niyo sa akin kaagad.” Sabi ni Fabian at inabot ang kanyang business card. Kinuha ng guro ang business card at tiningnan ito ng maigi. Lumingon si Fabian at hinimas ang maliit na ulo ni Lillian. “Lily, pumasok ka na kasama ng iyong guro. Susunduin kita pagkatapos ng klase.” Tiningala ni Lillian ang kanyang malasanggol na mukha at kumurap kay Fabian. Malumanay na ngumiti si Fabian. Pagkatapos nito, naglagay siya ng isang pirasong kendi sa kamya ni Lillian. Pagkatapos, seryoso niyang tinignan ang guro. “Miss Charles, kayo na muna ang bahala kay Lillian.” Mabilis na tinabi ng guro ang business card a
Medyo nahiya si Miss Charles, ngunit kinuha pa din niya ang keyk at nagpaalam kay Lillian. Ngumiti si Lillian at nagpaalam sa kanyang guro. Pagkatapos nilang sumakay sa kotses, sinilip ni Fabian ang rearview mirror paminsan-minsan. “Lily, masaya ka ba dahil nakapasok ka na uli ng eskwelahan?” Tumango si Lillian. Nagtanong uli si Fabian, “Inapi ka ba ng mga kaklase mo?”Umiling si Lillian, at may masiglang ngiti sa kanyang maliit na mukha. Nakahinga ng maluwag si Fabian. Sa sumunod na mga araw, hatid-sundo ni Fabian si Lillian sa tamang oras araw-araw. Sa natitirang mga oras, kung hindi man siya nasa kumpanya ay hinahatid niya si Lillian sa ospital para sa regular nitong check-up. Ito lang ang mga lokasyon na pinupuntahan niya. Bihira siyang pumunta sa mga salo-salo o kaya naman ay maglibang. Pinagtatawanan na siya ng matalik niyang kaibigan, at sinasabi na wala naman siyang girlfriend pero parang meron na siya. Iyon naman ang totoo, ngunit masaya si Fabian dito.