Hindi naniwala ang mga magulang ni Daniel sa sinabi nina Madeline at Jeremy kaya nagpasya silang tawagan si Esther. Gayunpaman, walang sumagot sa phone ni Esther. Biglang nagtaka ang dalawa. Kaagad nilang tinawag ang kaibigan nila na may koneksyon sa ganitong bagay. Nang tinanong siya, talagang nasa presinto ngayon si Esther. Hindi rin siya tumutulong sa imbestigasyon. Talagang inaresto siya. Pagkatapos marinig ang balitang ito, nagbago ang mukha ng mga magulang ni Daniel. "Paanong nangyari to?" Hindi pa rin makapaniwala si Gina. Tinanong niya ang isa pang taong kilala niyang may koneksyon at ganoon pa rin ang resulta. Tumingin ang mga magulang ni Daniel kina Madeline at Jeremy. Hindi na sila nagsalita. Mas lalo lang silang mapapahiya kung magsasalita pa sila ng kahit na ano. Kung kaya't payapang umupo sa tabi ang dalawa at naghintay na matapos ang operasyon. Pagkatapos ng higit isang oras, natapos na rin ang operasyon. Si Neil ang naunang lumabas mula sa emergency room
Hindi nilang dalawa inakala na magkakaroon ng ganitong pagkakataon. Umuwi sina Madeline at Jeremy sa Old Whitman Manor. Pagkatapos maligo para tanggalin ang dumi at pagod sa kanilang katawan, komportableng umupo ang dalawa sa sofa. Kinuha ni Jeremy ang hairdryer at maingat na pinatuyo ang buhok ni Madeline. Sa huli, malambing niya siyang hinila papunta sa kanyang yakap. Nang maramdaman niya ang init ng kanyang katawan at maamoy ang kanyang bango, sa wakas ay nakahinga na nang maluwag si Jeremy. "Linnie, gusto ko talagang hawakan ang kamay mo at dalhin ka sa iba't-ibang parte ng mundo araw-araw. Sa ganoong paraan, hindi tayo mahahanap ng mga problemang yun." Tinaas ni Madeline ang kamay niya at tinapik ang gilid ng mukha ni Jeremy. "Balak mo nang magretiro? Sa tingin mo nakaipon ka na ng sapat na pera para sa gatas ni Pudding at sa pag-aaral nina Jack at Lily? Basta't nandiyan ang mga bata, tayong mga magulang ay hindi pwedeng mag-isip tungkol sa pagreretiro." "Lalaki rin an
Pagkatapos magpaalala ni Karen, may naalala na sa wakas si Madeline. Sa sobrang dami ng nangyayari nitong nakaraan muntik na niyang makalimutan ang taong ito. Ang mas kaduda-duda doon ay ang babaeng iyon ay umalis mismo nang mag-isa. “Sinabi ba niya kung bakit siya aalis?” nagtatakang tanong ni Madeline, habang maingat na binubuhos ang sabaw sa thermos. “Gusto ng babaeng ito na may mangyari sa kanilang dalawa ni Jeremy noong una pa lang, kaya paano niya magugustuhang manuluyan sa bahay natin bilang isang katulong? Kahit na mukha siyang kawawa, nagpapanggap lang siya para makuha ang simpatiya mo. Gusto lang niyang manatili dito para makahanap ng pagkakataong gambalain ulit si Jeremy,” sinuri ni Karen kung anong nasa isip ni Hannah noong mga oras na iyon.Sa katotohanan, alam ni Madeline sa loob niya na nagpapanggap lang si Hannah noong sinabi nitong gusto niyang manuluyan dito bilang isang katulong at noong sinabi nitong wala itong maalala. Isa lamang ang layunin at hangarin ni
“Maddie, alam mo naman eh. Mula noong bata ako wala na akong nanay. Binigyan lang ako ng katawan ng taong nagluwal sa akin at wala nang iba pa.” Sa mga sinabi ni Ava ay parang may sama ito ng loob, ngunit masunurin pa rin nitong hinigop ang sabaw na ginawa ni Madeline. Tumango si Madeline at umupo sa tabi. Pagkatapos, seryoso siyang tumingin kay Ava. “Pero Ava, kung titingnan mo nang maigi, sa tingin mo anong klaseng tao ba ang mga magulang mo?”Huminto si Ava habang humihigop ng sabaw. Kahit na mukhang nag-aalinlangan siya, nagsalita pa rin siya nang seryoso. “Kung titingnan mo ito mula sa labas, ang isa sa kanila ay isang matagumpay na babaeng matalino, elegante, mapagkumbaba at mapagbigay. Ang isa naman ay isang maimpluwensyang doktor na may husay sa medisina at moralidad. Pareho silang magagaling at kilalang mga tao.” “‘Yun lang?” tanong ni Madeline. “Kung titingnan mo ito sa ibang pananaw, sa tingin mo paano ka nila itatrato?” “Ako? Ang galing nila.” ngumiti ulit si Ava
Nang marinig niya ito, ngumiti nang marahan si Madeline. Alam niya na kahit nagmamatigas pa rin si Ava, sa loob niya, handa na si Ava na maniwalang ito ang totoo. “Ava, baka kaunti na lang ang oras, lalo na ang daming nangyayari nitong nakaraan. Mahirap nang hulaan kung anong mangyayari sa hinaharap. Kaya dapat pahalagahan natin ang lahat ng nasa harap natin, lalo na ang mga taong tunay na nagmamahal sa atin.” Nauunawaan ni Ava ang gustong ipahiwatig ni Madeline, ngunit sa sandaling ito, gusto lang niyang tumakas. “Maddie, kumusta na ang kalagayan ni Danny? Nabalitaan ko kay… Nabalitaan ko sa taong ‘yun kanina lang na dumugo daw si Dan dahil gusto niya akong iligtas. Malala ba ang kalagayan niya?” “Maya-maya dadalawin ko si Dan, kaya ‘wag kang mag-alala. Kung may masamang nangyari kay Dan, sinabi na sana kaagad sa’yo ng taong binanggit mo ngayon lang.” “...”Alam ni Ava na sinasadya ni Madeline na asarin siya at tinawag niyang ganito si Raegan. Subalit, kung sigurado si Ra
“...”Masyadong halata ang gustong ipahiwatig ni Madeline. Hindi tanga si Ava. Syempre naunawaan niya. Habang nananahimik si Ava, may kumatok nang mahina sa pinto ng ward.Sabay na napatingin si Madeline at Ava at nakita si Neil na nakasuot ng puti habang nakatayo sa tapat ng pinto nang nag-aalinlangan. Mukhang naguguluhan ito. Nag-aalala ito ng sobra sa magiging reaksyon nI Ava sa paglitaw niya, ngunit kasabay nito, umaasa siyang papapasukin siya ni Ava. Tinignan ni Madeline ang dalawang taong hindi nagsasalita, nakangiti at sinabi, “Hello, Dr. Long. Nagkataong pinag-uusapan ka namin ni Ava.” Nang marinig niya ito, lalong gumaan ang mukha ni Neil, at nagkaroon ng ngiti sa kanyang mukha. “Talaga? Anong pinag-uusapan niyo?” pumasok siya habang nagtatanong, habang bumabaling kay Ava ang kanyang titig paminsan-minsan. Nang makita niya ang mga sugat sa mukha ni Ava, sumakit ang puso niya, ngunit wala siyang masabi upang pagaanin ang loob ni Ava. Para bang wala na siyang karapatan
Kalmado si Madeline. Hindi siya nagpapakita ng kahit anong bakas ng takot o pag-iwas. “Nabalitaan kong umalis ka na. Bakit bigla kang bumalik? Sinusundan mo pa ako ngayon. May gusto ka bang sabihin sa akin?” direktang nagtanong si Madeline nang nakangiti. Tumingin si Hannah sa kalmadong ngiti sa mukha ni Madeline, at nanlumo ang kanyang mga mata. Subalit, kasunod nito, ngumiti rin siya. “Oo, tulad ng sinabi mo, talagang matigas ang ulo ko. Kahit na gusto kong bumalik ng St. Piaf, kailangan ko munang magpaalam sa mabait kong ‘ate’ bago umalis.” Malinaw na may gustong iparating si Hannah. Nang banggitin niya ang salitang ‘ate’, sobrang mapang-uyam ang tono nito. Kahit puno ng inis at pagmamatigas ang mga mata at salita ni Hannah, at siguro gusto niya pa ring maghiganti kay Madeline, sobrang kalmado ang puso ni Madeline sa sandaling ito. Wala man lang pagkabahala dito. Ngumiti lang si Madeline at tumango. “Kung ganoon, gusto mo bang magpunta sa malapit na cafe para umupo at m
“Kaya, Eveline, salamat. Hindi na ulit ako magpapakahangal sa mga susunod na araw.”Pagkatapos niyang sabihin ito, biglang nagpakita ng isang nakakaintrigang ngiti si Hannah bago lumingon paalis. Pagkatapos niyang lumingon at humakbang ng dalawang beses, muli niyang nilingon si Madeline na nakatayo lang doon. “May isa pang bagay akong nakalimutan sabihin. Sana naman maging masaya kayong dalawa ni Mr. Whitman.” Pagkatapos niyang ibigay ang huli niyang basbas, naglakad si Hannah at hindi na lumingon pa. Tiningnan ni Madeline ang likod ni Hannah, na unti-unting naglaho. Hindi niya nakalimutan na sumagot, “Salamat.” Ng pabalik na siya, kakaiba pa din ito para kay Madeline. Paano nagkaroon bigla ng epipanya si Hannah?Marahil ay may nangyari. Isang tao na sagad hanggang buto ang galit sa kanya ay bigla na lang naginhawaan at hindi na naapektuhan. Marahil ay naliwanagan na siya. Ngunit, hindi maisip ni Madeline kung ano ang dahilan hanggang sa nakauwi na siya at narinig ka