Ni hindi alam ni Naomi kung sino ang babae sa loob ng kotse, ngunit alam niya na napagkamalan siya ng babaeng ito na siya si Eveline at sinabi ng babae na kailangan niyang makipagtulungan sa kanya. Nang marinig niya ang tunog ng mga yabag na humahabol sa kanya, binuksan ni Naomi ang pinto ng kotse at nagmadali siyang sumakay. "Paandarin mo na!" Hindi alam ni Ada kung bakit nagmamadali si Naomi, ngunit hindi siya nagdalawang-isip at tinapakan niya ang accelerator. Noong sandaling umandar ang kotse, nakita ni Ada na tumatakbo si Jeremy mula sa gilid ng kanyang mga mata. Kahit na hindi masyadong maliwanag ang ilaw ng mga streetlamp, natulala sandali si Ada sa kagwapuhan ni Jeremy. Si Jeremy ang lalaking ito. Mas gwapo siya sa personal kaysa sa mga larawang nakita niya. Tahimik na napaisip si Ada at tumingin siya kay Naomi na nakaupo sa back seat. Totoo nga, kamukha nga ng Eveline na 'to ang babaeng yun! 'Hmph, talagang advanced na ang technology ng plastic surgery ngayon
"Wala akong pakialam kung sino yung lalaki. Gusto ko lang malaman kung bakit ngayon mo lang ako pinuntahan?" Ang malamig na sinabi ni Naomi. Pagkatapos magsalita ni Naomi, biglang tinapakan ni Ada ang preno at inihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada. Lumingon siya at tumingin siya kay Naomi na may kaunting galit. "Ayaw mo bang turuan ng leksyon yung taong yun na nagpapanggap na ikaw? Ikaw ang asawa ni Jeremy at isa kang kilalang socialite sa Glendale, tama ba ako?" "..." Nagulat si Naomi, pagkatapos ay sinabi niya ang kanyang saloobin, "Syempre, tuturuan ko ng leksyon ang taong yun. Ang lakas naman ng loob niya na magpanggap na ako? Gagawin kong impyerno ang buhay niya." "Tama yan." Masaya si Ada sa naging reaksyon ni Naomi. "Pareho tayo, gusto ko ring turuan ng leksyon ang babaeng yun. Kaya, magtulungan tayo."Noong una pa lang ay gusto nang pahirapan ni Naomi si Madeline. Ngayong bistado na siya ni Jeremy, biglang may sumulpot na tao na gustong makipagtulungan sa kanya
“Ah!”Napasigaw si Cathy sa sobrang pagkagulat. Kasunod ng duguang palad, nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Nawalan ng malay si Felipe sa gitna ng ulan nang bumagsak siya sa lupa, at nakahawak sa pantalon ni Cathy ang madugo at nanghihina niyang mga daliri. “Ca-Cathy…”“Cathy...”Inulit ni Cathy ang sinabi ni Felipe, at pagkatapos ng huling kataga, lumuwag ang hawak ni Felipe sa pantalon ni Cathy. Nang makita niyang biglang nawalan ng malay si Felipe sa harap niya, hindi alam ni Cathy kung bakit biglang kumirot ng husto ang puso niya.Dumampi sa balat niya ang tubig ulan, at lumitaw ang isang ala-ala sa kanyang isipan. Tila magulo din noon at umuulan din ng malakas. Gabi din noong may taong bumagsak sa isang lawa ng dugo. Naglakad siya palapit sa sugatang lalaki ng may dalang payong. Hindi niya maalala ang mga sumunod na nangyari dahil dito na natapos ang mga pangyayari.“Nakita ko siyang tumatakbo kanina lang!”“Malamang nasa malapit lang siya! Hanapin niyo siya
'Pero, tama naman na magligtas ng tao, di ba?' Tila nakahanap ng mabuting dahilan si Cathy para sa sarili niya, kaya naisipan niyang umalis na lang. Subalit, nang tumayo siya, biglang napako ang atensyon niya sa kanang kamay ni Felipe. Hindi niya napigilang abutin at hawakan ang braso ni Felipe. Tiningnan niya ang pulang tali sa braso ni Felipe, at bigla siyang naluha at nakita niya ang isang gwapong batang lalaki sa may baybayin ng dagat. “Amy.”Bigla niyang narinig ang boses ni Adam, at biglang pinigilan ni Cathy ang mga nasa isipan niya. Nakita ni Adam si Felipe na natutulog sa recliner. Noong nakita niya ang nagkalat na dugo sa sahig, naglakad siya palapit kay Cathy. "Anong nangyayari? Paano siya nagkaganito?" "Hindi ko alam kung anong nangyari. Ang alam ko lang, may mga lalaking humahabol sa kanya at nawalan siya ng malay sa tapat ng bahay natin, kaya dinala ko siya sa loob." Nagpaliwanag si Cathy. Nang makita niyang nakasimangot si Adam, humingi siya agad ng tawad.
Tumingin si Jeremy sa nagtatakang mga mata ni Madeline ng may ngiti sa kanyang mga mata. "Ms. Quinn, ano sa tingin mo ang pinakamahalagang bagay sa isang relasyon o kasal?" Ito ang kanyang katanungan. Medyo napaisip si Madeline, ngunit hindi siya natulala ng matagal. "Sa tingin ko ang pinakamahalagang bagay sa isang relasyon ay ang katapatan. Bakit mo natanong yan sakin, Mr. Whitman?" “Kung ganun, sa tingin mo ba maituturing akong tapat sa kasal namin ng asawa ko, Ms. Quinn?” Ang tanong ni Jeremy.Muling natameme si Madeline. Agad niyang naalala ang nangyari sa kanila ni Jeremy sa study ilang araw na ang nakakaraan at kung paano siya sinubukang gawing personal secretary ni Jeremy.Katapatan ba yun?Sinabi niya na gusto niyang mapalapit sa kanya dahil sa nararamdaman niya.Dagdag pa dito, ang nararamdaman niyang ito ay nag-ugat sa katotohanan na siya si Eveline.Dahil dito, hindi niya binigo si Madeline sa isip at tila hindi rin niya siya binigo sa gawa.Biglang nakaramdam
Nagmadaling pumunta sa kwarto si Madeline at nakita niya na bukas ang pinto ng kwarto. Sumilip siya sa loob ng kwarto at nagulat siya sa kanyang nakita, at napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha.Hindi siya nagdalawang-isip na tumakbo papasok ng kwarto. Nagtungo siya sa dulo ng kama at dinampot niya si Pudding na nakadapa habang mag-isang naglalaro sa sahig.“Pudding, bakit ka mag-isa dito?” Kinarga ni Madeline ang bata at pakiramdam niya ay matagal na panahon na ang lumipas mula noong huli niyang naalagaan ang anak niya.Kumurap ang inosente at malaking mga mata ni Pudding. Pagkatapos, nginitian niya si Madeline habang pinagmamasdan niya siya.“M-Mommy.” Tinawag ng bata si Madeline.Pakiramdam ni Madeline na umiinit ang kanyang puso. Hinaplos niya ang buhok ng bata.“Good boy, Pudding.” Pinuri ni Madeline ang bata. Noong sinubukan niyang halikan si Pudding, naalala niya na nakasuot siya ng maskara, kaya hindi na niya ito tinuloy. “Pudding, sabihin mo sakin, bakit mag-isa ka lang
Nagulat si Madeline noong narinig niya ang sinabi ni Jeremy. Nanlaki ang mga mata ni Madeline sa gulat habang nakatingin siya sa lalaki na dahan-dahang tumatayo. Sa kabila ng pinagkaiba ng taas nila, laging nagtatagpo sa isang deretsong linya ang mga mata nila. Magulo ang tibok ng puso ni Madeline, at ganun din ang kanyang isipan. Subalit, malinaw niyang nakita ang mapaglarong tingin ni Jeremy kanina. Ngunit, sa mga sandaling ito, unti-unti itong naging mapagmahal at malambing. "Hindi mo naman nakalimutan ang sinabi ko, di ba, Linnie?" Kasing lambing ng hangin ang boses ni Jeremy habang dumadaan ito sa mga tainga ni Madeline."Noong araw na yun, pagkatapos ng candlelight dinner natin at habang pinapanood natin ang mga paputok sa daan, sinabi ko na kahit na gaano pa magbagobang panahon o kahit na maglaho ang kagandahan mo, ikaw pa rin ang pinakaperpekto at pinakamagandang babae sa puso ko. "Kahit na maging ano ka pa, ikaw lang ang tanging mamahalin ko sa buong buhay ko." Mu
"Ibig sabihin ba nito, alam mo nang peke ang nasa tabi mo noong umpisa pa lang?" "Oo naman," walang alinlangang sumagot si Jeremy. "Walang ibang babae na makakapagbigay sakin ng pakiramdam na binibigay mo sakin, kahit na kamukhang-kamukha mo pa ang babaeng yun, Linnie." Pakiramdam ni Madeline ay napuno ng honey ang puso niya. Noong bumitaw siya at sinubukan niyang magtanong, hinalikan ni Jeremy ang mga labi niya. Nagulat si Madeline. Noong ipipikit na niya ang mga mata niya upang halikan pabalik si Jeremy, naramdaman niya na may humihila sa pantalon niya. “Mommy.”“...”Agad na namula ng husto ang mga pisngi ni Madeline. Muntik na niyang makalimutan na may bata sa tabi niya. Narinig rin ni Jeremy na tinatawag ni Pudding ang nanay niya, kaya wala siyang magawa kundi bitawan ang yakap niya kay Madeline. Namula si Madeline at dinampot niya ang bata na busog na ngayon. Dahan-dahan niyang pinunasan ang bibig ng bata. "Wala ba dito ang mga magulang natin dahil pinalabas m