'Pero, tama naman na magligtas ng tao, di ba?' Tila nakahanap ng mabuting dahilan si Cathy para sa sarili niya, kaya naisipan niyang umalis na lang. Subalit, nang tumayo siya, biglang napako ang atensyon niya sa kanang kamay ni Felipe. Hindi niya napigilang abutin at hawakan ang braso ni Felipe. Tiningnan niya ang pulang tali sa braso ni Felipe, at bigla siyang naluha at nakita niya ang isang gwapong batang lalaki sa may baybayin ng dagat. “Amy.”Bigla niyang narinig ang boses ni Adam, at biglang pinigilan ni Cathy ang mga nasa isipan niya. Nakita ni Adam si Felipe na natutulog sa recliner. Noong nakita niya ang nagkalat na dugo sa sahig, naglakad siya palapit kay Cathy. "Anong nangyayari? Paano siya nagkaganito?" "Hindi ko alam kung anong nangyari. Ang alam ko lang, may mga lalaking humahabol sa kanya at nawalan siya ng malay sa tapat ng bahay natin, kaya dinala ko siya sa loob." Nagpaliwanag si Cathy. Nang makita niyang nakasimangot si Adam, humingi siya agad ng tawad.
Tumingin si Jeremy sa nagtatakang mga mata ni Madeline ng may ngiti sa kanyang mga mata. "Ms. Quinn, ano sa tingin mo ang pinakamahalagang bagay sa isang relasyon o kasal?" Ito ang kanyang katanungan. Medyo napaisip si Madeline, ngunit hindi siya natulala ng matagal. "Sa tingin ko ang pinakamahalagang bagay sa isang relasyon ay ang katapatan. Bakit mo natanong yan sakin, Mr. Whitman?" “Kung ganun, sa tingin mo ba maituturing akong tapat sa kasal namin ng asawa ko, Ms. Quinn?” Ang tanong ni Jeremy.Muling natameme si Madeline. Agad niyang naalala ang nangyari sa kanila ni Jeremy sa study ilang araw na ang nakakaraan at kung paano siya sinubukang gawing personal secretary ni Jeremy.Katapatan ba yun?Sinabi niya na gusto niyang mapalapit sa kanya dahil sa nararamdaman niya.Dagdag pa dito, ang nararamdaman niyang ito ay nag-ugat sa katotohanan na siya si Eveline.Dahil dito, hindi niya binigo si Madeline sa isip at tila hindi rin niya siya binigo sa gawa.Biglang nakaramdam
Nagmadaling pumunta sa kwarto si Madeline at nakita niya na bukas ang pinto ng kwarto. Sumilip siya sa loob ng kwarto at nagulat siya sa kanyang nakita, at napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha.Hindi siya nagdalawang-isip na tumakbo papasok ng kwarto. Nagtungo siya sa dulo ng kama at dinampot niya si Pudding na nakadapa habang mag-isang naglalaro sa sahig.“Pudding, bakit ka mag-isa dito?” Kinarga ni Madeline ang bata at pakiramdam niya ay matagal na panahon na ang lumipas mula noong huli niyang naalagaan ang anak niya.Kumurap ang inosente at malaking mga mata ni Pudding. Pagkatapos, nginitian niya si Madeline habang pinagmamasdan niya siya.“M-Mommy.” Tinawag ng bata si Madeline.Pakiramdam ni Madeline na umiinit ang kanyang puso. Hinaplos niya ang buhok ng bata.“Good boy, Pudding.” Pinuri ni Madeline ang bata. Noong sinubukan niyang halikan si Pudding, naalala niya na nakasuot siya ng maskara, kaya hindi na niya ito tinuloy. “Pudding, sabihin mo sakin, bakit mag-isa ka lang
Nagulat si Madeline noong narinig niya ang sinabi ni Jeremy. Nanlaki ang mga mata ni Madeline sa gulat habang nakatingin siya sa lalaki na dahan-dahang tumatayo. Sa kabila ng pinagkaiba ng taas nila, laging nagtatagpo sa isang deretsong linya ang mga mata nila. Magulo ang tibok ng puso ni Madeline, at ganun din ang kanyang isipan. Subalit, malinaw niyang nakita ang mapaglarong tingin ni Jeremy kanina. Ngunit, sa mga sandaling ito, unti-unti itong naging mapagmahal at malambing. "Hindi mo naman nakalimutan ang sinabi ko, di ba, Linnie?" Kasing lambing ng hangin ang boses ni Jeremy habang dumadaan ito sa mga tainga ni Madeline."Noong araw na yun, pagkatapos ng candlelight dinner natin at habang pinapanood natin ang mga paputok sa daan, sinabi ko na kahit na gaano pa magbagobang panahon o kahit na maglaho ang kagandahan mo, ikaw pa rin ang pinakaperpekto at pinakamagandang babae sa puso ko. "Kahit na maging ano ka pa, ikaw lang ang tanging mamahalin ko sa buong buhay ko." Mu
"Ibig sabihin ba nito, alam mo nang peke ang nasa tabi mo noong umpisa pa lang?" "Oo naman," walang alinlangang sumagot si Jeremy. "Walang ibang babae na makakapagbigay sakin ng pakiramdam na binibigay mo sakin, kahit na kamukhang-kamukha mo pa ang babaeng yun, Linnie." Pakiramdam ni Madeline ay napuno ng honey ang puso niya. Noong bumitaw siya at sinubukan niyang magtanong, hinalikan ni Jeremy ang mga labi niya. Nagulat si Madeline. Noong ipipikit na niya ang mga mata niya upang halikan pabalik si Jeremy, naramdaman niya na may humihila sa pantalon niya. “Mommy.”“...”Agad na namula ng husto ang mga pisngi ni Madeline. Muntik na niyang makalimutan na may bata sa tabi niya. Narinig rin ni Jeremy na tinatawag ni Pudding ang nanay niya, kaya wala siyang magawa kundi bitawan ang yakap niya kay Madeline. Namula si Madeline at dinampot niya ang bata na busog na ngayon. Dahan-dahan niyang pinunasan ang bibig ng bata. "Wala ba dito ang mga magulang natin dahil pinalabas m
“Jeremy Whitman.”Nagkunwari si Madeline na galit at pinigilan niya siya sa pagsasalita. Nakatitig siyang maigi kay Jeremy. "Sa buhay nating 'to, ako lang ang mamahalin mo, at ganun din ako sayo." Naglaho ang kalungkutan sa mga mata ni Jeremy. "Nagpanggap lang ako na nagseselos ako para lang marinig ko na sabihin mo yan, Linnie." "Uh-huh, talaga ba?" Tinaas ni Madeline ang mga kilay niya. "Kung ganun, may isang bagay pa akong gustong sabihin sayo." "Ano yun?" "Engaged ako sa kanya." "Ano?" Nagulat si Jeremy, at nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Anong ibig mong sabihin?" "Di ba sabi mo hindi ka nagseselos?" Mapang-asar ang ngiti sa mukha ni Madeline. Hindi na mapakali si Jeremy ngayon. "Linnie, sabihin mo sakin kung anong nangyayari." Nang makita niyang naiinis na si Jeremy, pinaliwanag ni Madeline ang sitwasyon, "Para hindi ako magkaroon ng utang na loob sa kanya, nakipagtulungan ako sa kanya para sa isang palabas." Pagkatapos pakinggan ni Jeremy ang paliwa
Napanatag ang kalooban ni Madeline dahil naintindihan siya ni Jeremy. Lumapit siya at hinalikan niya ang pisngi ni Jeremy. "Jeremy, hintayin mo akong makauwi." "Sige." Nginitian siya ni Jeremy. Pagkatapos niyang iabot si Pudding sa mga kasambahay nila, hinatid ni Jeremy si Madeline sa mansyon ni Carter. Hindi na malakas ang ulan ngayon, at mag-isang pumasok sa mansyon si Madeline dala ang isang payong. Nakaupo sa sofa sa sala si Carter habang nagbabasa ng libro. Nakita niya na nakabalik na si Madeline at hindi na siya nakasuot ng maskara. Napako ang mga mata niya sa mukha ni Madeline ng ilang sandali bago siya nagsalita. "Di ba sinabi mo sakin na sasamahan mo ako kagabi at ayaw mong bumalik sa Whitman Manor? Bakit ka nagpunta dun kaninang umaga?" "Naiwan ko ang ilang gamit ko doon, kaya pumunta ako para kunin yung mga yun." Tumango si Carter. "Nakuha mo na ba?" "Nakuha?" “Ibig sabihin hindi mo na kailangang bumalik dun, hindi ba?”“...” Pakiramdam ni Madeline ay na
”Kailan ka pumasok? Muntik mo na akong patayin sa takot!” Nagreklamo si Ada habang naiinis siya sa nanay niya.Tumingin ang nanay ni Ada sa manok na pinakialaman ni Ada. “Masyado kang pabaya. Dapat sinara mo ang pinto noong ginagawa mo yun. Patay ka kapag may ibang nakakita sayo.”Tumawa si Ada. “Kahit na may ibang tao pang pumasok dito, may naisip na agad akong paliwanag para sa sarili ko.” Makikita ang galit sa kanyang mukha. “Hmph, gusto kong pagmukhaing tanga yung plastic freak na yun ngayong gabi! Sa oras na humigop si Camille ng sabaw na may peanuts, siguradong magkakaroon ng allergic reaction ang buong katawan niya, at kapag nangyari yun, siguradong mapaparusahan ang plastic freak na yun!”“Sa tingin mo ba gagana ‘to?” Nag-aalala pa rin ang nanay ni Ada. “Baka depensahan pa rin siya ni Carter.”“Hayaan mo siyang depensahan yung babaeng yun, pagkatapos, kapag hindi gumana ang plano ko, may isa pa akong hinandang plano para sa kanya.” Tumalim ang mga mata ni Ada at makikita an