Napanatag ang kalooban ni Madeline dahil naintindihan siya ni Jeremy. Lumapit siya at hinalikan niya ang pisngi ni Jeremy. "Jeremy, hintayin mo akong makauwi." "Sige." Nginitian siya ni Jeremy. Pagkatapos niyang iabot si Pudding sa mga kasambahay nila, hinatid ni Jeremy si Madeline sa mansyon ni Carter. Hindi na malakas ang ulan ngayon, at mag-isang pumasok sa mansyon si Madeline dala ang isang payong. Nakaupo sa sofa sa sala si Carter habang nagbabasa ng libro. Nakita niya na nakabalik na si Madeline at hindi na siya nakasuot ng maskara. Napako ang mga mata niya sa mukha ni Madeline ng ilang sandali bago siya nagsalita. "Di ba sinabi mo sakin na sasamahan mo ako kagabi at ayaw mong bumalik sa Whitman Manor? Bakit ka nagpunta dun kaninang umaga?" "Naiwan ko ang ilang gamit ko doon, kaya pumunta ako para kunin yung mga yun." Tumango si Carter. "Nakuha mo na ba?" "Nakuha?" “Ibig sabihin hindi mo na kailangang bumalik dun, hindi ba?”“...” Pakiramdam ni Madeline ay na
”Kailan ka pumasok? Muntik mo na akong patayin sa takot!” Nagreklamo si Ada habang naiinis siya sa nanay niya.Tumingin ang nanay ni Ada sa manok na pinakialaman ni Ada. “Masyado kang pabaya. Dapat sinara mo ang pinto noong ginagawa mo yun. Patay ka kapag may ibang nakakita sayo.”Tumawa si Ada. “Kahit na may ibang tao pang pumasok dito, may naisip na agad akong paliwanag para sa sarili ko.” Makikita ang galit sa kanyang mukha. “Hmph, gusto kong pagmukhaing tanga yung plastic freak na yun ngayong gabi! Sa oras na humigop si Camille ng sabaw na may peanuts, siguradong magkakaroon ng allergic reaction ang buong katawan niya, at kapag nangyari yun, siguradong mapaparusahan ang plastic freak na yun!”“Sa tingin mo ba gagana ‘to?” Nag-aalala pa rin ang nanay ni Ada. “Baka depensahan pa rin siya ni Carter.”“Hayaan mo siyang depensahan yung babaeng yun, pagkatapos, kapag hindi gumana ang plano ko, may isa pa akong hinandang plano para sa kanya.” Tumalim ang mga mata ni Ada at makikita an
Malambing na tumingin si Carter kay Madeline. “Eveline, maupo ka.”Tumango si Madeline ng may ngiti sa kanyang mga labi at umupo siya sa bangko na tinuro ni Carter.Pagkatapos, umupo si Carter sa tabi niya.Pinanood ito ni Ada, at halos dumugo na ang mga mata niya sa sobrang galit.Tahimik na tinapik ng nanay ni Ada ang kanyang kamay at sumenyas siya gamit ng kanyang mga mata.Mabilis na nagpalitan ng tingin ang mag-ina.“Malalaman ng plastic freak na ‘to kung anong mangyayari sa kanya mamaya. Huwag mong sirain ang reputasyon mo sa harap ng maraming tao.”“Naintindihan ko. Hindi na siya makakatawa mamaya!”Tumingin ng masama si Ada kay Madeline na may ngiti sa kanyang mukha. Huminga siya ng malalim bago siya nagpakita ng isang marangal at disenteng ngiti. Nagpanggap siyang isang mabuting tao.“Ilang taon kaming naging childhood sweethearts ni Carty. Masaya din ako para kay Carty ngayong nakahanap na siya ng isang fiancee na pinakamamahal niya.”“Carty, Ms. Montgomery, hangad
Matindi ang allergy ni Camille sa mani. Kahit na madikit lang siya sa mga ito, nagsisimula nang mangati ang buong katawan niya at nagkakaroon ng mapulang mga galis ang kanyang balat pagkalipas ng ilang sandali. Ano oa kaya ang mangyayari kapag nakakain siya ng mani? Siguradong malala ang magiging allergic reaction niya. Marami na siyang pinuntahang doktor, ngunit sinabi nilang lahat na dahil ito sa espesyal na pangangatawan ni Camille. Kapag hinigop ni Camille ang soup na ito na nilagyan niya ng mani, siguradong katapusan na ni Madeline. Alam ng lahat na si Madeline ang responsable sa pagluluto ng pagkain ngayong gabi. Siguradong si Madeline ang masisisi kapag may nangyaring masama kay Camille. Habang iniisip ito ni Ada, lalo siyang natutuwa. Hindi niya mapigilang ngumiti sa sobrang saya. Noong titikman na ni Camille ang soup, bigla niyang nilapag ang kutsara niya. "Ikaw din ba ang nagluto ng soup na ito?" Biglang tinanong ni Camille si Madeline na para bang hindi siya na
Mas sigurado na ngayon si Madeline na may mali sa soup. Sa kabilang banda, pakiramdam ni Camille ay nagpapanggap na misteryoso si Madeline. Hinawakan niya ang mangkok at muli niyang inangat ang kanyang kutsara para tikman ito. Nang makita ito ni Ada at ng kanyang ina, nagkaroon ng masamang ngiti sa kanilang mga mukha at pinanood nila si Camille na higupin ang soup. Noong hihigupin na ni Camille ang soup, biglang tumayo si Madeline at tinabig niya ang mangkok na hawak ni Camille palayo sa kanya. Agad na dumulas sa mga kamay ni Camille ang mangkok at bumagsak ito sa sahig. "Ah!" Napasigaw si Camille. Iniwasan niya ang mga piraso ng mangkok at ang nagkalat na soup. Galit na galit siyang tumingin kay Madeline, "Eveline Montgomery, anong ginagawa mo? Ayaw mo ba akong makakain ng maayos? Kinakalaban mo ba ako?" Nagulat ang lahat sa ginawa ni Madeline. Agad na nagdilim ang mukha ni Carter. Halatang sumama ang loob niya, "Anong ginagawa mo?" Nagulat din si Ada at ang kanyang in
Nang maramdaman niya ang tingin sa kanya ni Madeline, nataranta si Ada at nakonsensya siya.Agad niyang nilihis ang tingin niya at tumingin siya sa nanay niya na nasa tabi niya. Agad na naintindihan ng nanay ni Ada ang tingin niya at agad niyang pinuntirya si Madeline. "Eveline, ikaw ang naghanda ng mga pagkain. Balak mo bang iwasan ang responsibilidad mo? Alam mo ba kung anong mangyayari kapag natikman ni Camille ang soup na yan?" Hinarap ni Madeline ang mapanising mga mata ni Ada. "Hindi ko alam kung anong mangyayari, pero malamang alam niyong dalawa ang tungkol dun." "..." Napahiya ang nanay ni Ada. "Ms. Montgomedy, anong ibig mong sabihin?" Nagtanong si Ada, nagpanggap siya na nasaktan siya at naguguluhan. Ngumiti si Madeline. "Anong ibig kong sabihin? Siguradong alam niyo kung anong ibig kong sabihin." "Ikaw… Eveline, magsalita ka na lang!" Galit na galit ang nanay ni Ada. "Camille, tingnan mo ang babaeng ito. Napakawalang hiya niya! Ayos lang kung ayaw niyang aminin
Agad na lumapit ang nanay ni Ada at sinimulan niyang haluin ang soup. Pagkatapos, ginamit niya ang tinidor upang buksan ang tiyan ng manok. Nagsimulang kumalat ang malakas na amoy ng mani sa hangin. Nakita ng lahat ang mga mani na nakatago sa tiyan ng manok. Noong nakita ito ni Camille, namutla ang kanyang mukha. Umatras siya, diring-diri ar takot na takot siya sa mani. "Eveline, napakasama mo. Sinabi mismo ni Carter sayo na bawal ako sa mani, pero naglagay ka pa rin ng napakaraming mani sa soup. Itinago mo pa ngang maigi ang mga ito. Halatang balak mo akong patayin!" Noong nakita ito ni Carter, naging malamig ang ekspresyon niya. "Napakapabaya mo." Puno ng paninisi at pagkadismaya ang kanyang boses. "Hindi ito kapabayaan, sinadya niya 'to! Malamang masama ang loob niya kay Camille dahil sa sinermonan niya siya noong nakaraan. Napakasama niya!" Hindi pinalampas ng nanay ni Ada ang bawat pagkakataon upang idiin sa kasalanan si Madeline. Masayang-masaya si Ada sa nangyaya
Pagkatapos iyon sabihin ni Madeline, napatingin silang lahat kay Madeline. Sinundan nila ang tingin ni Madeline at napako ang tingin nila sa kutsarang hawak ni Madeline.Subalit, noong nakita nila kung ano ang nasa kutsara, nanlumo ang mukha ni Ada. Inangat niya ang kanyang kamay upang hawakan ang kanyang tainga at napansin niya na nalaglag ang hikaw sa kaliwang tainga niya ng hindi niya namamalayan. Nahulog ito sa kaserola na ginamit sa pagluluto ng soup! Bumilis ang tibok ng puso ni Ada. Nagmadali siyang tanggalin ang hikaw sa kanang tainga niya noong tumingin sa kanya si Madeline."Oh, mukhang kapareho 'to ng hikaw na suot mo ngayon, Ms. Ada." “...”Tumigil si Ada sa pagtatanggal sa kanyang hikaw. Sabay na tumingin sa kanya sila Carter at Camille. Pagkatapos, nabaling ang atensyon ng mga tiyahin ni Carter sa kanya. Pinagpawisan ng malamig ang noo ni Ada. Nagsimula ring lumigid ang ang kanyang mga mata. "Hindi yan hikaw ni Ada!" Agad na sinubukang ipagtanggol si Ada