Nang maramdaman niya ang tingin sa kanya ni Madeline, nataranta si Ada at nakonsensya siya.Agad niyang nilihis ang tingin niya at tumingin siya sa nanay niya na nasa tabi niya. Agad na naintindihan ng nanay ni Ada ang tingin niya at agad niyang pinuntirya si Madeline. "Eveline, ikaw ang naghanda ng mga pagkain. Balak mo bang iwasan ang responsibilidad mo? Alam mo ba kung anong mangyayari kapag natikman ni Camille ang soup na yan?" Hinarap ni Madeline ang mapanising mga mata ni Ada. "Hindi ko alam kung anong mangyayari, pero malamang alam niyong dalawa ang tungkol dun." "..." Napahiya ang nanay ni Ada. "Ms. Montgomedy, anong ibig mong sabihin?" Nagtanong si Ada, nagpanggap siya na nasaktan siya at naguguluhan. Ngumiti si Madeline. "Anong ibig kong sabihin? Siguradong alam niyo kung anong ibig kong sabihin." "Ikaw… Eveline, magsalita ka na lang!" Galit na galit ang nanay ni Ada. "Camille, tingnan mo ang babaeng ito. Napakawalang hiya niya! Ayos lang kung ayaw niyang aminin
Agad na lumapit ang nanay ni Ada at sinimulan niyang haluin ang soup. Pagkatapos, ginamit niya ang tinidor upang buksan ang tiyan ng manok. Nagsimulang kumalat ang malakas na amoy ng mani sa hangin. Nakita ng lahat ang mga mani na nakatago sa tiyan ng manok. Noong nakita ito ni Camille, namutla ang kanyang mukha. Umatras siya, diring-diri ar takot na takot siya sa mani. "Eveline, napakasama mo. Sinabi mismo ni Carter sayo na bawal ako sa mani, pero naglagay ka pa rin ng napakaraming mani sa soup. Itinago mo pa ngang maigi ang mga ito. Halatang balak mo akong patayin!" Noong nakita ito ni Carter, naging malamig ang ekspresyon niya. "Napakapabaya mo." Puno ng paninisi at pagkadismaya ang kanyang boses. "Hindi ito kapabayaan, sinadya niya 'to! Malamang masama ang loob niya kay Camille dahil sa sinermonan niya siya noong nakaraan. Napakasama niya!" Hindi pinalampas ng nanay ni Ada ang bawat pagkakataon upang idiin sa kasalanan si Madeline. Masayang-masaya si Ada sa nangyaya
Pagkatapos iyon sabihin ni Madeline, napatingin silang lahat kay Madeline. Sinundan nila ang tingin ni Madeline at napako ang tingin nila sa kutsarang hawak ni Madeline.Subalit, noong nakita nila kung ano ang nasa kutsara, nanlumo ang mukha ni Ada. Inangat niya ang kanyang kamay upang hawakan ang kanyang tainga at napansin niya na nalaglag ang hikaw sa kaliwang tainga niya ng hindi niya namamalayan. Nahulog ito sa kaserola na ginamit sa pagluluto ng soup! Bumilis ang tibok ng puso ni Ada. Nagmadali siyang tanggalin ang hikaw sa kanang tainga niya noong tumingin sa kanya si Madeline."Oh, mukhang kapareho 'to ng hikaw na suot mo ngayon, Ms. Ada." “...”Tumigil si Ada sa pagtatanggal sa kanyang hikaw. Sabay na tumingin sa kanya sila Carter at Camille. Pagkatapos, nabaling ang atensyon ng mga tiyahin ni Carter sa kanya. Pinagpawisan ng malamig ang noo ni Ada. Nagsimula ring lumigid ang ang kanyang mga mata. "Hindi yan hikaw ni Ada!" Agad na sinubukang ipagtanggol si Ada
Seryosong tumango si Camille. "Yung totoo, madali lang naman kung gusto nating malaman kung pumunta ba siya sa kusina o hindi. May CCTV sa hallway papunta sa kusina. Kailangan lang nating tingnan ang CCTV footage para malaman natin kung nagpunta ba sa kusina si Ada." "..."Noong sinabi iyon ni Camille, agad na nanigas ang mga mukha ni Ada at ng kanyang ina. Unti-unting namutla ang mga mata nila. Noong napansin ni Camille ang pagbabago sa ekspresyon nila, nagkaroon ng pagkadismaya sa kanyang mga mata. "Ada, hindi ko inakala na magagawa mo ang ganun klaseng bagay." "..." Natataranta na si Ada. Hindi niya alam na may mga surveillance camera sa labas ng kusina, at hindi niya maipaliwanag kung bakit nasa kaserola ang hikaw niya. Sa mga sandaling iyon, wala siyang magagawa kundi aminin ito. "Aunty Cammy, alam kong mali ang ginawa ko!" Noong narinig ng nanay ni Ada ang sinabi niya, agad siyang napalingon. "Nababaliw ka na ba, Ada? Bakit mo inamin yun ng ganun-ganun na lang? Ikaw—"
Nagdududang tinignan Madeline ang nakasarang pinto at nahuhulaan niya kung bakit hinahanap siya ni Camille. Tok, tok. Kumatok ulit si Camille sa pinto at nagsalita kasabay nito. "Eveline, alam kong nariyan ka. Buksan mo ang pinto." Nang hindi masyadong nag-iisip, lumapit si Madeline at binuksan ang pinto. Nang makita ni Camille na bukas na ang pinto, tinignan niya si Madeline na nakatayo sa harapan niya. Tahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita. "Gusto kong humingi ng tawad sa nangyari kanina at salamat sa pagpigil mo sa'kin na higupin soup." Nang marinig ni Madeline ang mga pagpapasalamat ni Camille, hindi siya gaanong nagulat. Nang maalala niya kung paano niya pinagalitan sina Ada at ang nanay niya pagkatapos makita ang kanilang mga patibong nang may malinaw na isipan, alam ni Madeline na si Camille ay isang taong alam ang tama sa mali. Iyon ang dahilan kung bakit niya siya inasahan na darating. Ang kanyang kakayahan na humingi ng tawad ay sapat na para ipaliw
Nabigla si Cathy. Mabilis na tinaas ni Felipe ang kanyang kamay at tinakpan ang bibig ni Cathy. Ngunit, malamang naapektuhan ng kanyang biglaan at malaking pagkilos ang kanyang sugat. Kumunot ang noo ni Felipe pero ngumiti pa rin siya nang malumanay kay Cathy. "Wag kang matakot. Ako lang to." Sabi niya, medyo mahina ang kanyang tono. Tinulak ni Cathy ang kamay ni Felipe palayo at umatras nang dalawang hakbang. Nang makita ni Felipe kung gaano siya katakot, medyo nadurog ang kanyang puso. Nang maalala niya kung anong itsura niya noong nasa mga bisig niya siya at namamatay nang tumutulo ang dugo mula sa kanyang katawan, hindi niya mapigilang maluha. Nakita ni Cathy ang kalungkutan sa mukha ni Felipe. Nagtataka siya at bahagya niyang naramdaman na para bang hinahawakan nang mahigpit ang kanyang puso. "Bakit ka umiiyak?" Hindi mapigilan ni Cathy na magtanong. Tinikom ni Felipe ang kanyang maninipis na labi at ngumiti. "Masaya ako." Ngumiti siya at tumitig nang malalim
Nang marinig niya ang sinabi niya, para bang may mabigat na tumama sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mga mata Cathy at naramdaman niyang hinila siya pabalik ng kanyang isipan. Natulala siya nang ilang sandali. ‘Cathy.’Sabi ni Adam ay hindi niya hahayaang bumalik si Cathy sa lalaking iyon. 'Ako ba talaga ang Cathy na binanggit nito Adam? 'Ako ba talaga si Cathy?' Natulala si Cathy at napahinto sa kanyang kinatatayuan. Kusang napunta sa katawan ni Felipe ang lahat ng kanyang atensyon. Nakita niya ang elegante at inosenteng gwapong mukha ni Felipe na nagpakita ng isang nagsisising ngiti "Wag kang mag-alala, hindi ko na pipilitin si Cathy na gumawa ng kahit na ano. Nakita ko na mismo na mas nararapat sa kanya na manatili sa tabi mo ngayon," sabi ni Felipe nang may malungkot na ngiti, "Alam ko na hindi ko maibibigay sa kanya ang kasiyahang nararapat para sa kanya. Hindi ko lang mapigilan na mangulila sa kanya." "Mangulila?" Sarkastikong tumawa si Adam. "Kung talagang nangung
Nang hindi namamalayan, kanina pa naglalakad si Felipe bago siya huminto at tumingala. Nang tumingala siya, napansin niya na lahat ng nasa kanyang harapan ay kulay abo. Hinihiling niya talaga na makabalik siya sa nakaraan, pero huli na ang lahat. Hindi na maibabalik sa dati ang ilang bagay pagkatapos nitong mangyari. Pinikit niya ang kanyang mga mata at napuno ng walang katapusang pagsisisi ang kanyang puso. "Felipe!"Bigla na lang, isang mabangis na boses ang umistorbo sa kanyang isipan. Idinilat ni Felipe ang kanyang mga mata. Lumabas na mayroong ilang taong naghahanap ng gulo. Naalala niya pa noong akala niya ay patay na si Cathy, determinado siyang pumunta sa tamang landas para kay Cathy. Dahil dito, sinukuan niya ang negosyo na kinasangkutan niya noon. Subalit, nagrebelde ang mga tao na dating nasa ilalim niya. Kahit na mahabang panahon na ang nakalipas simula nang nangyari iyon, hindi sila tumigil na habulin siya. Alam niya rin na ang mga taong tinawag niyang mga