Nagdududang tinignan Madeline ang nakasarang pinto at nahuhulaan niya kung bakit hinahanap siya ni Camille. Tok, tok. Kumatok ulit si Camille sa pinto at nagsalita kasabay nito. "Eveline, alam kong nariyan ka. Buksan mo ang pinto." Nang hindi masyadong nag-iisip, lumapit si Madeline at binuksan ang pinto. Nang makita ni Camille na bukas na ang pinto, tinignan niya si Madeline na nakatayo sa harapan niya. Tahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita. "Gusto kong humingi ng tawad sa nangyari kanina at salamat sa pagpigil mo sa'kin na higupin soup." Nang marinig ni Madeline ang mga pagpapasalamat ni Camille, hindi siya gaanong nagulat. Nang maalala niya kung paano niya pinagalitan sina Ada at ang nanay niya pagkatapos makita ang kanilang mga patibong nang may malinaw na isipan, alam ni Madeline na si Camille ay isang taong alam ang tama sa mali. Iyon ang dahilan kung bakit niya siya inasahan na darating. Ang kanyang kakayahan na humingi ng tawad ay sapat na para ipaliw
Nabigla si Cathy. Mabilis na tinaas ni Felipe ang kanyang kamay at tinakpan ang bibig ni Cathy. Ngunit, malamang naapektuhan ng kanyang biglaan at malaking pagkilos ang kanyang sugat. Kumunot ang noo ni Felipe pero ngumiti pa rin siya nang malumanay kay Cathy. "Wag kang matakot. Ako lang to." Sabi niya, medyo mahina ang kanyang tono. Tinulak ni Cathy ang kamay ni Felipe palayo at umatras nang dalawang hakbang. Nang makita ni Felipe kung gaano siya katakot, medyo nadurog ang kanyang puso. Nang maalala niya kung anong itsura niya noong nasa mga bisig niya siya at namamatay nang tumutulo ang dugo mula sa kanyang katawan, hindi niya mapigilang maluha. Nakita ni Cathy ang kalungkutan sa mukha ni Felipe. Nagtataka siya at bahagya niyang naramdaman na para bang hinahawakan nang mahigpit ang kanyang puso. "Bakit ka umiiyak?" Hindi mapigilan ni Cathy na magtanong. Tinikom ni Felipe ang kanyang maninipis na labi at ngumiti. "Masaya ako." Ngumiti siya at tumitig nang malalim
Nang marinig niya ang sinabi niya, para bang may mabigat na tumama sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mga mata Cathy at naramdaman niyang hinila siya pabalik ng kanyang isipan. Natulala siya nang ilang sandali. ‘Cathy.’Sabi ni Adam ay hindi niya hahayaang bumalik si Cathy sa lalaking iyon. 'Ako ba talaga ang Cathy na binanggit nito Adam? 'Ako ba talaga si Cathy?' Natulala si Cathy at napahinto sa kanyang kinatatayuan. Kusang napunta sa katawan ni Felipe ang lahat ng kanyang atensyon. Nakita niya ang elegante at inosenteng gwapong mukha ni Felipe na nagpakita ng isang nagsisising ngiti "Wag kang mag-alala, hindi ko na pipilitin si Cathy na gumawa ng kahit na ano. Nakita ko na mismo na mas nararapat sa kanya na manatili sa tabi mo ngayon," sabi ni Felipe nang may malungkot na ngiti, "Alam ko na hindi ko maibibigay sa kanya ang kasiyahang nararapat para sa kanya. Hindi ko lang mapigilan na mangulila sa kanya." "Mangulila?" Sarkastikong tumawa si Adam. "Kung talagang nangung
Nang hindi namamalayan, kanina pa naglalakad si Felipe bago siya huminto at tumingala. Nang tumingala siya, napansin niya na lahat ng nasa kanyang harapan ay kulay abo. Hinihiling niya talaga na makabalik siya sa nakaraan, pero huli na ang lahat. Hindi na maibabalik sa dati ang ilang bagay pagkatapos nitong mangyari. Pinikit niya ang kanyang mga mata at napuno ng walang katapusang pagsisisi ang kanyang puso. "Felipe!"Bigla na lang, isang mabangis na boses ang umistorbo sa kanyang isipan. Idinilat ni Felipe ang kanyang mga mata. Lumabas na mayroong ilang taong naghahanap ng gulo. Naalala niya pa noong akala niya ay patay na si Cathy, determinado siyang pumunta sa tamang landas para kay Cathy. Dahil dito, sinukuan niya ang negosyo na kinasangkutan niya noon. Subalit, nagrebelde ang mga tao na dating nasa ilalim niya. Kahit na mahabang panahon na ang nakalipas simula nang nangyari iyon, hindi sila tumigil na habulin siya. Alam niya rin na ang mga taong tinawag niyang mga
Maulan rin ang gabing iyon kagaya ngayon. Binugbog siya ng isang grupo ng mga masasamang-loob at malala ang pagkakabugbog sa kanya. Nagpunta siya sa kanya dala ang isang payong at iniligtas siya. Habang yakap si Felipe, napahinto si Cathy sa gitna ng ulan. Ang eksena na lumitaw sa kanyang harapan ngayon lang ay saglit na nagpalito sa kanya. Hindi niya matukoy kung talaga bang nangyari iyon o parte lang iyon ng kanyang imahinasyon. Tumakbo palabas si Adam na narinig ang ingay. Nakita niya ang eksena sa malayo at nagmadaling lumapit. "Cathy!"Biglang nahimasmasan si Cathy at nakita niya si Felipe na nababalot ng dugo. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat habang kusang tumulo ang kanyang luha. "Wag kang mamatay, Felipe!" sigaw niya. Nasasawi and tunog ng kanyang boses. Nang sumigaw si Cathy, sumunod sa sigaw niya ang puso ni Adam habang bigla itong nanikip. Tumakbo siya sa tabi ni Cathy. Nang makita niya si Felipe na walang malay, kaagad siyang tumawag ng ambulansya. B
Gusto niya sanang maghanap ng dahilan para makaalis, pero nang makababa siya, nakita niya sina Carter at ang kanyang ina na si Camille na nakaupo sa hapag-kainan. Nang makita ni Camille si Madeline na bumaba ng hagdan, kusa niya siyang inimbitahan. "Halika at kumain ka ng agahan kasama namin." Dumagdag si Carter, "Halika rito, mayroon rin akong itatanong sa'yo." Walang nagasa si Madeline kundi maglakad papunta sa hapag at umupo. Kahit na hindi niya alam kung anong nangyayari, malinaw niyang nakikita na nag-iba ang pagtingin sa kanya ni Camille. Habang iniisip ito ni Madeline ay narinig niyang nagsalita si Camille. "Sobra kong nagustuhan ang dinner na niluto mo kahapon. Ako mismo ang nagluto ng agahan ngayon kaya dapat tikman mo to." "..."'Pinagluto niya talaga ako ng agahan?' Sobrang nagulat si Madeline at mas lalo siyang nakasiguro sa tindi ng allergy ni Camille sa mani. "Mag-agahan ka muna. Sasabihin ko to sa'yo pagkatapos." Lumingon si Carter kay Madeline nang ma
Walang oras si Madeline na sagutin si Camille. Malakas niyang hinila ang kamay ni Camille papunta sa isang mataong lugar. "Takbo!" "Bakit tayo tumatakbo?!" Si Camille ay palaging may imahe ng isang dakila at eleganteng babae. Hindi siya kumikilos nang malaki. Nang biglang hinila siya ni Madeline para tumakbo sa sandaling iyon, natural na hindi siya natuwa. "Eveline, bakit ka tumatakbo at bakit mo ko hinihila?!" Sinubukang kumawala ni Camille sa hawak ni Madeline, pero pagkatapos niyang sabihin iyon, nakita niya ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim at naka-maskara na biglang dumaan. Mukhang may masamang balak ang dalawang lalaki at biglang naintindihan ni Camille kung bakit sinusubukan siyang hilahin papalayo ni Madeline. "Sino kayo? Bakit niyo hinaharangan ang dinadaanan namin?" Tinanong ni Camille ang dalawang lalaki sa kanyang harapan. Hindi pinansin ng dalawang lalaki si Camille. Pagkatapos nilang tumingin sa isa't-isa, tinuro ng isa sa kanila si Camille at binalaan s
Pagkatapos niyang dumaan sa sunod-sunod na hindi pamilyar na daan, dinala si Madeline sa isang abandonadong daungan. Mayroong isang luma at maliit na bahay sa dulo ng daungan. Tinali ng dalawang lalaki ang mga kamay ni Madeline, kinulong sa maliit na bahay, at umalis. Sinubukan ni Madeline na tanggalin ang tali at sumigaw ng tulong, pero wala itong nagawa. Maraming oras ang lumipas, at halos lulubog na ang araw bago makarinig si Madeline ng mga yabag na papalapit mula sa labas ng bahay. Pagkatapos ng ilang sandali, bumukas ang lumang kahoy na pinto sa harapan niya. Nang makita niya ang mga taong pumasok, mas naging kalmado si Madeline. "Sa totoo lang, nahulaan ko na ikaw ang may gawa nito." Tinignan ni Madeline ang babae na pumasok. "Naomi, matagal ko nang sinabi sa'yo na hindi mo maloloko si Jeremy. Kilala niya kung sino ba talaga ang asawa niya. Tinitigan ni Naomi si Madeline nang may pandidiri sa kanyang pagiging kalmado. Mayroong matinding inis sa loob niya na gusto niy