Pagkatapos niyang dumaan sa sunod-sunod na hindi pamilyar na daan, dinala si Madeline sa isang abandonadong daungan. Mayroong isang luma at maliit na bahay sa dulo ng daungan. Tinali ng dalawang lalaki ang mga kamay ni Madeline, kinulong sa maliit na bahay, at umalis. Sinubukan ni Madeline na tanggalin ang tali at sumigaw ng tulong, pero wala itong nagawa. Maraming oras ang lumipas, at halos lulubog na ang araw bago makarinig si Madeline ng mga yabag na papalapit mula sa labas ng bahay. Pagkatapos ng ilang sandali, bumukas ang lumang kahoy na pinto sa harapan niya. Nang makita niya ang mga taong pumasok, mas naging kalmado si Madeline. "Sa totoo lang, nahulaan ko na ikaw ang may gawa nito." Tinignan ni Madeline ang babae na pumasok. "Naomi, matagal ko nang sinabi sa'yo na hindi mo maloloko si Jeremy. Kilala niya kung sino ba talaga ang asawa niya. Tinitigan ni Naomi si Madeline nang may pandidiri sa kanyang pagiging kalmado. Mayroong matinding inis sa loob niya na gusto niy
Biglang nilakasan ni Naomi ang lakas ng kanyang pagsakal at pakiramdam ni Madeline ay mawawalan na siya ng paghinga sa sandaling iyon. Namatay na siya ng isang beses noon, kaya paano niya hahayaang may manakit ulit sa kanya? Tinaas ni Madeline ang kanyang binti at biglang sinipa ang sikmura ni Naomi. "Ah!"Nabigla si Naomi. Napasigaw siya at nasipa siya pabagsak ni Madeline. "Ahem, ahem, ahem." Patuloy na umubo si Madeline nang malakas. Kahit na hindi siya komportable at nakatali ang mga kamay niya, tumakbo siya papunta sa pinto nang hindi humihinto. Kumilos si Naomi na para bang sinasapian siya ng demonyo. Nabaliw siya at papatay ng tao, pero hindi hahayaan ni Madeline na maupo roon at maghintay ng kamatayan. Tumakbo siya palabas ng lumang bahay at bumugso ang simoy ng dagat kasabay ng basang ulan ng taglamig. Nararamdaman niya ang lamig sa kanyang buto. Hindi nanatili si Madeline sa paligid at nagpatuloy na tumakbo. Umihip ang malamig na hangin. Nakasuot ng mask si
Ngumiti nang malamig at malagim si Naomi habang gamit ang maganda mukha ni Madeline. Gumamit siya ng lakas at tinulak si Madeline papunta sa ilog. Pinapanood ito ni Ada mula sa malayo, at syempre, hindi siya lalapit para pigilan sila. Pagkatapos makita ng dalawang mata ni Ada si Naomi na tinulak si Madeline sa ilog, isang kuntentong ngisi ang lumitaw sa kanyang mga labi. Kahit na sumosobra kung sasabihin na pumatay siya ng tao, gumamit siya ng ibang tao para burahin ang isang taong kanyang kinamumuhian. Pinanood ni Naomi ang ibabaw ng ilog habang dahan-dahan itong kumalma muli. Nang tumalikod siya para bumalik, hindi na niya nakita si Ada. Patay na si Madeline at gumaan na ang loob ni Naomi. Inisip niya na naipaghiganti na niya si Ryan, at mula ngayon, siya na ang magiging totoong Eveline Montgomery dahil siya ang natatanging taong may ganitong mukha ngayon. Bumalik si Naomi sa Whitman Manor habang umuulan. Pagkatapos niyang siguruhin na wala si Jeremy, matapang siyang n
Nang marinig ito ni Naomi, nanigas ang kamay niya na nakahawak sa doorknob. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwalang tinignan ang nakasarang pinto. Sinadya siyang dalhin ni Karen sa kwartong ito? Nabisto na siya ni Karen? Imposible! Napakatanga ni Karen! Palagi niya siyang pinagtatanggol noon! Paano siyang magiging sobrang talino na mabibisto niya siya sa pagkakataong ito?"Mom, anong sinasabi mo? Ako si Eveline." Sinadya ni Naomi na gawing malumanay ang kanyang tono para umarte bilang si Eveline. Subalit, kaagad na narinig ang malamig na tawa ni Karen mula sa labas ng pinto. "Tama na ang pagpapanggap mo. Sa tingin mo ba magiging tanga pa rin ako at hindi ko matutukoy na isa kang impostor?" “...”Kaagad na nanlumo ang mukha ni Naomi. Hindi niya inaasahan na mahuhuli siya ni Karen. Tinaas niya ang kanyang paa at sinipa nang malakas ang pinto sa galit. "Buksan mo ang pinto! Kung hindi, sisirain ko lahat ng gamit sa kwarto mo!" Pagkatapos itong marinig ni
Naguguluhan ang mga katulong. Samantala, masaya si Naomi sa mga reaksyon nila. Mabilis siyang tumakbo papunta sa foyer na para bang may langis ang talampakan niya. Wala siyang pakialam kung gaano kalakas ang ulan habang diretso siyang tumakbo sa ulan at papunta sa gate. Ngunit bago siya makatakbo nang malayo, may naramdaman siyang tumama sa kanyang bukung-bukong. Napaluhod siya sa sakit bago bumagsak sa basang lapag. Nang tatayo na siya para magpatuloy sa pagtakbo, nakatayo na sa kanyang harapan ang nakakatakot na anyo ni Jeremy. Napatalon ang puso ni Naomi sa takot. Nang masalubong ng kanyang mga mata ang malalim at walang hangganang mga mata ni Jeremy, sobra siyang nataranta. "Magaling, Jack." Narinig mula sa malayo ang papuri ni Karen para kay Jackson. Tinignan ni Naomi ang laruang boomerang sa kanyang paanan at napagtanto niya na si Jackson ang nagbato nito sa bukung-bukong niya kaya siya natumba. Nagngitngit ang ngipin niya sa galit. Nang tumalikod siya para tumayo,
"Ano?" Namutla sa takot si Karen habang sumugod siya kay Naomi para hablutin ang kanyang kwelyo. "Anong sabi mo? Ulitin mo ang sinabi mo! Anong ginawa mo kay Eveline?" Nagmamadaling tanong ni Karen. Tumingala si Naomi para tignan si Jeremy na sobrang nagbago ang ekspresyon. Pagkatapos, mas lalong tumindi ang ngiti sa kanyang mukha. Ano ngayon kung nabisto nila siya? Ano naman kung natalo siya? Nanalo na siya sa sandaling tinulak niya si Madeline sa ilog! "Jeremy, natataranta at nag-aalala ka na siguro ngayon, ano?" Ngumiti si Naomi at nagtanong. "Dalawang oras na ang nakalipas, kaya imposibleng buhay pa ang babaeng mahal mo. Nang tinulak ko siya sa ilog, wala siyang malay." "Talaga bang tinulak mo si Eveline sa ilog?" sigaw ni Karen. "Bakit ang sama-sama mo?" Tinaas ni Karen ang kanyang kamay para sampalin nang malakas ang mukha ni Naomi. Humiyaw sa sakit si Naomi at lumingon para titigan nang masama ang mukha ni Karen. "Heh, sinampal mo ko? Kahit na bugbugin niyo
Nagpantasya siya na babalik si Madeline mula sa tubig. Lalo na't dalawang oras na ang nakalipas, kung nasa ilog pa rin siya, ibig sabihin ay… Hindi. Pinigilan ni Jeremy ang pag-iisip niya. Ngunit, nang tinignan niya ang walang hanggang ilog na konektado sa dagat, hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin. Nakatayo siya sa gitna ng ulan sa gitna ng taglamig at tinignan ang ilog sa kanyang harapan habang tinatawag ang pangalan ni Madeline sa kanyang puso. Naghihintay si Karen ng balita sa bahay. Ang bagay na pinakahinihiling niya ngayon ay ang umuwi si Jeremy na kasama si Madeline, pero dumidilim na at wala pa rin sa bahay si Jeremy. Naghintay nang naghintay si Karen, at hindi niya namamalayan ay kinabukasan na. Nang hahanapin na niya si Jeremy para magtanong tungkol sa sitwasyon ni Madeline, nakatanggap siya ng isang kakaibang tawag. Nag-aalala siya na baka malagpasan niya ang kahit na anong balita tungkol kay Madeline kaya sinagot niya ang phone. Ngunit, sabi ng tao s
Sa ilang sandali ay wala siyang masabi. Nagtataka niyang tinignan ang gwapong mukha na may natatanging itsura sa kanyang harapan. "Sino ka? Bakit ka nakatayo sa harapan ng pinto ko?" Tanong ni Naomi. Nang marinig ito ni Carter, isang seryosong kinang ang lumitaw sa kanyang mga mata. Tamad niyang binuka ang kanyang mga labi. "Ikaw ang young madam ng Whitman family at nasa isang hotel ka. Siguro nagkagulo na nga ang relasyon mo kay Mr. Whitman." Nang marinig ito ni Naomi, isang namumuhing ngisi ang lumitaw sa kanyang mukha. "Oo, magulo na ang relasyon ko sa asawa ko. Halos mag-divorce na kami dahil isa akong babaeng alam ang lugar ko at hindi ako mabuting asawa o ina kagaya ng iniisip ng publiko. Isa lang akong malanding p*ta." Malamig na tinignan ni Carter si Naomi. "Nakakagulat ang sinabi mo, Mrs. Whitman. Hindi pa ko nakakakita ng isang babae na nilarawan ang sarili niya nang ganito." "Oh talaga? Nakita mo na ngayon, ano?" Suminghal si Naomi. Pagkatapos nagpautooy siya n