Nagpantasya siya na babalik si Madeline mula sa tubig. Lalo na't dalawang oras na ang nakalipas, kung nasa ilog pa rin siya, ibig sabihin ay… Hindi. Pinigilan ni Jeremy ang pag-iisip niya. Ngunit, nang tinignan niya ang walang hanggang ilog na konektado sa dagat, hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin. Nakatayo siya sa gitna ng ulan sa gitna ng taglamig at tinignan ang ilog sa kanyang harapan habang tinatawag ang pangalan ni Madeline sa kanyang puso. Naghihintay si Karen ng balita sa bahay. Ang bagay na pinakahinihiling niya ngayon ay ang umuwi si Jeremy na kasama si Madeline, pero dumidilim na at wala pa rin sa bahay si Jeremy. Naghintay nang naghintay si Karen, at hindi niya namamalayan ay kinabukasan na. Nang hahanapin na niya si Jeremy para magtanong tungkol sa sitwasyon ni Madeline, nakatanggap siya ng isang kakaibang tawag. Nag-aalala siya na baka malagpasan niya ang kahit na anong balita tungkol kay Madeline kaya sinagot niya ang phone. Ngunit, sabi ng tao s
Sa ilang sandali ay wala siyang masabi. Nagtataka niyang tinignan ang gwapong mukha na may natatanging itsura sa kanyang harapan. "Sino ka? Bakit ka nakatayo sa harapan ng pinto ko?" Tanong ni Naomi. Nang marinig ito ni Carter, isang seryosong kinang ang lumitaw sa kanyang mga mata. Tamad niyang binuka ang kanyang mga labi. "Ikaw ang young madam ng Whitman family at nasa isang hotel ka. Siguro nagkagulo na nga ang relasyon mo kay Mr. Whitman." Nang marinig ito ni Naomi, isang namumuhing ngisi ang lumitaw sa kanyang mukha. "Oo, magulo na ang relasyon ko sa asawa ko. Halos mag-divorce na kami dahil isa akong babaeng alam ang lugar ko at hindi ako mabuting asawa o ina kagaya ng iniisip ng publiko. Isa lang akong malanding p*ta." Malamig na tinignan ni Carter si Naomi. "Nakakagulat ang sinabi mo, Mrs. Whitman. Hindi pa ko nakakakita ng isang babae na nilarawan ang sarili niya nang ganito." "Oh talaga? Nakita mo na ngayon, ano?" Suminghal si Naomi. Pagkatapos nagpautooy siya n
"Tatanungin kita ngayon, anong pangalan mo?" “Naomi Lionel.”Sumagot si Naomi nang hindi niya makontrol ang kanyang sarili. Gusto niyang sabihin na siya si Eveline Montgomery, pero sa halip ay lumabas ang katotohan mula sa kanyang bibig. Mukhang nakuntento si Carter nang makuha niya ang sagot na ito. Nagtanong niyang muli, "Bakit kamukha mo si Eveline?" "Nagpa-plastic surgery ako." "Bakit gusto mong maging kamukha ni Eveline?" "Inayos to ng lalaking gusto ko. Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong maging kamukha niya. Sumusunod lang ako sa mga utos niya." "Sino ang boyfriend mo?" "Ang pangalan niya ay Ryan Jones." Ryan Jones.Mabilis na naalala ni Carter ang lalaki na namatay sa pagsabog ng yate. Lumapag ang kanyang tingin sa mukha ni Naomi na isang kopya. Nakatulala ang mga mata niya ngayon at malinaw na nahulog siya sa kanyang hypnosis. Sinubukan niya ring kontrolin si Madeline noon pero hindi siya nagtagumpay. Matibay ang loob ni Madeline, hindi kagaya ng
Nakasuot si Jeremy ng isang malinis at plantsadong limited edition suit. Elegante siyang nakaupo sa harapan nang may dakilang postura. Nang makita niya si Naomi na lumitaw sa kanyang harapan, bahagya siyang ngumiti nang walang bakas. Tinaas ni Naomi ang kilay niya kay Jeremy habang natutuwa sa kanyang posisyon. Sabi niya sa mga reporter na nasa harapan niya, "Dahil nandito ang lahat ngayon, may gusto rin akong ianunsyo." May iaanunsyo siya? Nagkatinginan ang lahat sa isa't-isa bago tinutok ang kanilang mga camera at mikropono kay Naomi. "Mrs. Whitman, may mga problema ba sa relasyon mo kay Mr. Whitman?" "Namamataan ka na pumapasok sa lahat ng klase ng bar at club kasama ng iba't-ibang lalaki. Inaamin mo ba ito?" "Hihiwalayan mo na ba si Mr. Whitman?" Aroganteng tinignan ni Naomi si Jeremy na walang sinabi habang kaharap ang patuloy na mga tanong ng mga reporter. Seryoso siyang nagsabi ng kasinungalingan sa live stream, "Totoo na nakita nila akong sumasama sa maraming lala
Ngunit, ang nagpagulat sa kanila ay kung paanong hindi ito tinanggi o hindi nagsabi ng kahit na ano si Jeremy para pigilan siya mula sa umpisa. Ibig sabihin ba nito ay sumasang-ayon siya? Hindi na makatiis ang isa sa mga reporter kaya tinanong niya si Jeremy, "Mr. Whitman, hindi mo ba pipigilan o hindi ka ba magpapaliwanag kung bakit nagkakaganito si Mrs. Whitman?" Pagkatapos itanong ng reporter ito, hindi binigyan ni Naomi si Jeremy ng pagkakataon na magsalita. Kaagad siyang sumagot, "Wag kayong gumawa ng problema para sa asawa ko. Sinabi ko na, kaya ano pa bang magagawa niya? Wala akong magagawa kung naapektuhan ko ang stocks ng Whitman Corporation at Montgomery Enterprise. Wala akong magagawa kung ganito akong tao." Habang nagsasalita siya, nang-iinis niyang tinignan si Jeremy. "Tama ba ako, dear?" Kalmadong tinignan ni Jeremy ang magandang mukha at sa wakas ay nagsabing, "Sa tingin mo kwalipikado kang tawagin akong dear?" "..." Bahagyang nabigla si Naomi. Ngunit mabil
"Diyos ko! Meron pa talagang ganito?" Patuloy na narinig ang tunog ng gulat mula sa madla. "Hindi ko alam na mayroong ganitong plastic surgery!" "Iisa sila ng mukha!" "Wala man lang pinagkaiba sa mga mata nila!" Nang makita ng lahat si Madeline na naglakad papalapit, lahat sila ay nagulat. Nang marinig ni Naomi ang sigaw ng mga tao, naramdaman niyang bumilis ang kanyang paghinga. Lumingon siya para tumingin nang hindi makapaniwala. Nang nasalamin sa kanyang mga mata ang pamilyar na mukhang iyon, para bang huminto ang puso ni Naomi sa sandaling iyon. 'Paanong nangyari to?'Paanong naging posible to? 'Hindi patay si Eveline!' Subalit, malinaw na tinulak siya ni Naomi sa ilog. Nang mangyari iyon, wala pa ring malay si Eveline. Paanong mangyayaring buhay pa siya? At saka anong nangyari sa mukha niya? Napakapangit niya pagkatapos niyang masunog. Ang kanyang mukha ay nababalot ng sugat pero ngayon, sobrang ganda at hamis nito. Higit pa roon, mukha pa siyang elegante
Nang marinig ng lahat na sabihin iyon ni Naomi, naisip nila na may punto siya. Hindi nga iyon ang boses ni Eveline. Pagkatapos nilang pakinggan nang maigi, napansin nila na ang boses ni Naomi ay mas kapareho ng narinig nila noon. Nang mapansin ni Naomi na kumakampi sa kanya ang mga tao sa paligid niya, natuwa siya sa sarili niya. Tinuro niya si Madeline at tinaas ang kanyang mga mata. "Impostor ka, nasa ganito kang kalagayan at gusto mo pa rin akong kopyahin. Nandito ka lang para ipahiya ang sarili mo!" Hindi nabahala si Madeline sa buong pangyayari habang kaharap ang pang-iinis ni Naomi. "Malalaman natin kung sino dito ang mapapahiya mamaya." “...”Kinabahan si Naomi pagkatapos niyang makita ang pagkakalmado ni Madeline. Nagtataka siya kung paano papatunayan ni Madeline ang kanyang sarili na siya si Eveline nang makita niya si Madeline na lumapit sa isang babaeng reporter. "May dala ka bang pabango?" Tinignan ng reporter si Madeline at walang masabi habang nalilito. Pag
Diretsong tinignan ni Naomi ang mga dokumento na nilagay ni Ken sa kamay ni Madeline. Kahit na wala siyang ideya kung ano ang mga iyon, nararamdaman niya na nga ebidensya ito na makakasama sa kanya. Kalmadong binuksan ni Madeline ang mga dokumento at pinakita ang nilalaman nito sa harapan ni Naomi pati na rin sa lahat ng camera. "Naomi, ito ang impormasyon tungkol sa plastic surgery mo sa Y Country, ang dokumentadong larawan dito ay malinaw na nagsasabing ikaw ang impostor mula ulo hanggang paa." "..." Nanlaki ang mga mata ni Naomi, at sa sandaling iyon ay wala talaga siyang masabi. "Wow…" Napahinga nang malalim ang lahat a gulat. Naiintindihan na nila ngayon kung bakit nawalan ng kahihiyan si Eveline nitong mga nakaraang araw. Naintindihan na rin nila kung bakit ang lakas ng loob niyang magsabi ng mga nakakahiyang bagay sa harapan ng publiko. Lumabas na hindi talaga si Madeline ang babaeng ito! Ang dahilan kung bakit niya sinabi at ginawa ang mga bagay na iyon ay para sira