"Sayang naman kung hindi kita kukunin na secretary ko." Ang sabi ni Jeremy na para bang nanghihinayang siya. Pagkatapos ay bigla siyang naglakad palapit kay Madeline at sinabing, "Gusto mo bang maging secretary ko? Yung lagi kang nasa tabi ko anumang oras at kahit saan?" “...”Pakiramdam ni Madeline ay hindi pa niya nakitang ganito si Jeremy noon. Seryoso siyang magsalita ngunit may mapaglarong ngiti sa kanyang gwapong mukha. Hindi dapat ito ang ekspresyon na mayroon siya. Walang masabi si Madeline. Subalit, lalong lumapit sa kanya si Jeremy. Higit na mas malaki siya kaysa sa kanya, at parang isang anino ang aura niya na bumalot kay Madeline. Napansin ni Madeline na parang may kakaiba kay Jeremy. Umatras siya, ngunit biglang hinawakan ni Jeremy ang kamay niya. "Tinatanggihan mo ba ako?" May ngiti sa kanyang mga labi, at mayroong kakaibang pakiramdam ng pagmamahal sa kabila ng malalim niyang mga mata. Sinubukang kontrolin ni Madeline ang kanyang sarili at sinubukan niyang
'Ano?' Nanlaki ang mga mata ni Madeline, at sa loob ng ilang sandali, hindi niya maintindihan kung ano ang sinabi ni Jeremy. Subalit, habang naguguluhan siya, biglang inangat ni Jeremy ang kanyang mukha. Sa kabila ng manipis na maskara ni Madeline, yumuko siya at hinalikan niya ang mga labi ni Madeline. “...”Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Madeline. Walang salita na makakapaglarawan sa nararamdaman niya ngayon. 'Jeremy, anong problema mo?' Iniisip ni Madeline na matalino siya, pero sa mga sandaling ito, hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip ni Jeremy ngayon. Noong matauhan siya at sinubukan niyang itulak si Jeremy, naramdaman niya ang nga daliri ni Jeremy sa tainga niya. Balak niyang tanggalin ang maskara ni Madeline. Biglang inangat ni Madeline ang kanyang kamay at hinawakan niya ang kamay ni Jeremy. “Jeremy Whitman.”Tinawag niya siya sa buong pangalan niya. Tumingin si Jeremy sa mga naiinis na mata ni Madeline. "Mr. Whitman, huwag mong kalimutan na may
"Ginagawa mo lang ba 'to kasi pareho kami ng mata ng asawa mo, Mr. Whitman?" "Sinabi ko na sayo, dahil 'to sa nararamdaman ko." Seryosong nagsalita si Jeremy. Yumuko siya at nilapit niya ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ni Madeline. Habang abala si Madeline, hinalikan ni Jeremy ang kanyang leeg.Nakaramdam ng malakas na kuryente sa kanyang puso si Madeline, at alam niya na nagtagumpay si Jeremy sa pang-aakit sa kanya. "Hindi mo ba naisip na sinasaktan mo ang asawa mo na si Eveline sa ginagawa mo, Mr. Whitman?" "Sa tingin ko hindi." “...”Nagulat si Madeline sa sagot ni Jeremy. 'Jeremy, g*go ka. Ang lakas ng loob mo na sabihing hindi kahit na hindi ka man lang huminto para pag-isipan ang tungkol dito."Bang!Binagsak ni Madeline ang tasa ng kape at tumakas siya mula sa yakap ni Jeremy. "Hindi kita pagsisilbihan at ipagtitimpla ng kape. Hindi rin kita sasamahan buong gabi para tulungan kang ayusin ang mga dokumento mo!" Pagkatapos magsisigaw ni Madeline,
Ano pa bang hindi kayang harapin ni Madeline pagkatapos ng mga pinagdaanan niya?Naisip din niya kung ano ang sinabi ni Ada sa nanay ni Carter. Totoo nga, biglang nagtanong ang nanay ni Carter, “Ikaw ba ang kabit na tinatago ni Carter sa mundo na pinili niya mismo?”Nagulat si Madeline noong narinig niya ito. Gusto niya sanang sabihin na wala siyang kinalaman sa pagiging kabit ng kung sino o sa pagpili na binanggit ng babae.Subalit, pagkatapos niyang mag-isip ng maigi tungkol sa paninira sa kanya ni Ada, ngumiti lamang si Madeline at tumango.“Oo, Aunty. Sinabi ni Carter na girlfriend niya ako.”“Sinong tinatawag mong ‘Aunty’? Huwag mo na lang basta tawagin ng kung anu-ano ang mga tao!” Ang sabi ng nanay ni Carter. Kahit na mukha siyang galit na galit, makikita pa rin na may pinag-aralan siya sa bawat kilos niya.Kahit na galit siya, mahinahon pa rin siyang tingnan.“Miss, wala akong pakialam kung anong relasyon mo kay Carter, pero bilang nanay niya, hindi ako papayag na pakasa
”Walang hiya?” Suminghal si Madeline at nagtanong siya, “Sa tingin ko yung pagsugod mo dito at pagtawag mo sa sarili mo na matriarch ng pamilya ng may makapal na mukha kahit na alam naman niya na hindi siya mahal ng lalaki ay mas walang hiya, hindi ba?”“...”“...”Nagdilim ang mukha ni Ada nang marinig niya ang sinabi ni Madeline.Syempre, alam niya na iniinsulto siya ni Madeline!Agad siyang tumingin sa nanay niya.Agad na naintindihan ng nanay ni Ada ang tingin sa kanya ng anak niya at galit na galit siyang sumagot kay Madeline, “Hayop ka! Wala ka ngang karapatan na tumayo dito tapos may lakas ka ng loob na magmalaki sakin? Sino ka ba? Kilala mo ba kung sino kami?“Hmph! Ang lakas ng loob ng isang pangit na babaeng katulad mo na mag-ilusyon na magkakatuluyan kayo ni Carter? Hindi makatotohanan ang pangarap mo!”Pumutak ng pumutak ang nanay ni Ada, at masakit sa tainga ang lahat ng sinabi niya.Napansin ni Madeline na sumisimangot ang nanay ni Carter. Tila hindi rin niya mat
Mabagal na naglakad si Carter mula sa pinto. Nakasuot siya ng itim na suit at mukhang kababalik lang niya mula sa trabaho. Noong makarating siya sa tabi ni Camille Abbot, huminto siya sa paglalakad. Nagkaroon na ng ngiti sa mukha niyang walang emosyon. Mukhang kontento si Camille noong nakita niya ang kanyang anak. "Carter." Tinawag niya si Carter at inunat niya ang kanyang mga braso upang yakapin siya. Pinaglapit pa nga nila ang mga mukha nila sa isa't isa. Pang-European ang paraan nila ng pagbati. Pagbitaw ni Carter, nagsalita siya, "Bakit hindi mo sinabi sakin na pupunta ka?" Tumingin si Camille kay Madeline. "Bakit? Nag-aalala ka ba na baka matakot sakin girlfriend mo dahil sa pagpunta ko dito ng walang pasabi?" Tumingin si Carter kay Madeline pagkatapos niyang marinig iyon. Lalong lumaki ang ngiti sa kanyang mukha. "Matibay si Eveline, kaya hindi siya magugulat sa ganito lang." "Oh? Talaga? Kilalang-kilala mo pala talaga yung girlfriend mo." Ang makahulugang sinabi
Alam ni Camille kung ano ang sinusubukang gawin ng babaeng ito dahil kumakampi siya kay Ada at sa kanyang ina. "Carter, tutal girlfriend mo si Ms. Montgomery, hindi ba dapat makita ko kung anong itsura niya? Medyo nakakawalang-galang kasi na suot niya pa rin ang maskara hanggang ngayon, hindi ba?" Tumingin si Carter kay Madeline nang marinig niya iyon. Bigla niyang hinawakan ang kamay ni Madeline. Hindi makatakas si Madeline sa kanya, at nasasaktan na ang kamay ni Madeline sa pagkakahawak ni Carter. "Nasugatan ang mukha ni Eveline dahil sa isang aksidente at hindi pa siya magaling. Sana maintindihan mo, Mom." "Hindi pa siya magaling? Gaano na ba katagal mula noong naaksidente siya? Hindi na ba siya gagaling?" Sunud-sunod na nagtanong si Camille, at biglang naging seryoso ang ekspresyon niya. "Carter, dapat alam mo na ang unang rule ng bawat daughter-in-law ng Louis family ay dapat may maganda at marangal silang itsura." Yung totoo, walang pakialam si Madeline sa standard nila
Pagkatapos niyang marinig ang mga tanong ni Madeline, nakangiting tumingin si Carter sa mga mata ni Madeline. "Interesado ka ba sa pagkatao ko?" Natulala ng ilang sandali si Madeline bago siya umiling. "Gusto ko lang malaman kung sino ang katrabaho ko." Nagpanggap siya na walang nangyari at iniwasan niya ang tingin ni Carter. "Bago ka bumalik, sinasabi sakin ng nanay ni Ada na hindi ako karapat dapat na magkaroon ng relasyon sayo, kayo nagtataka ako kung sino ka ba talaga, Mr. Carter." Sinubukang gawing makatwiran ni Madeline ang pag-iimbestiga niya kay Carter. Samantala, hindi naghinala si Carter. Tumango siya bago siya nagsalita, "Hindi mahalaga ang pagkatao ko. Gaya lang ako ng mga batang may mayayaman na magulang na pinanganak na may gintong kutsara sa bibig." Batang may mayamang magulang? Nilalarawan niya ang sarili niya ng ganito. Subalit, hindi naniwala si Madeline. Alam niya na ang lalaking ito wy hindi lang isang tao na may mayamang magulang. Tsaka, narinig n