Mabagal na naglakad si Carter mula sa pinto. Nakasuot siya ng itim na suit at mukhang kababalik lang niya mula sa trabaho. Noong makarating siya sa tabi ni Camille Abbot, huminto siya sa paglalakad. Nagkaroon na ng ngiti sa mukha niyang walang emosyon. Mukhang kontento si Camille noong nakita niya ang kanyang anak. "Carter." Tinawag niya si Carter at inunat niya ang kanyang mga braso upang yakapin siya. Pinaglapit pa nga nila ang mga mukha nila sa isa't isa. Pang-European ang paraan nila ng pagbati. Pagbitaw ni Carter, nagsalita siya, "Bakit hindi mo sinabi sakin na pupunta ka?" Tumingin si Camille kay Madeline. "Bakit? Nag-aalala ka ba na baka matakot sakin girlfriend mo dahil sa pagpunta ko dito ng walang pasabi?" Tumingin si Carter kay Madeline pagkatapos niyang marinig iyon. Lalong lumaki ang ngiti sa kanyang mukha. "Matibay si Eveline, kaya hindi siya magugulat sa ganito lang." "Oh? Talaga? Kilalang-kilala mo pala talaga yung girlfriend mo." Ang makahulugang sinabi
Alam ni Camille kung ano ang sinusubukang gawin ng babaeng ito dahil kumakampi siya kay Ada at sa kanyang ina. "Carter, tutal girlfriend mo si Ms. Montgomery, hindi ba dapat makita ko kung anong itsura niya? Medyo nakakawalang-galang kasi na suot niya pa rin ang maskara hanggang ngayon, hindi ba?" Tumingin si Carter kay Madeline nang marinig niya iyon. Bigla niyang hinawakan ang kamay ni Madeline. Hindi makatakas si Madeline sa kanya, at nasasaktan na ang kamay ni Madeline sa pagkakahawak ni Carter. "Nasugatan ang mukha ni Eveline dahil sa isang aksidente at hindi pa siya magaling. Sana maintindihan mo, Mom." "Hindi pa siya magaling? Gaano na ba katagal mula noong naaksidente siya? Hindi na ba siya gagaling?" Sunud-sunod na nagtanong si Camille, at biglang naging seryoso ang ekspresyon niya. "Carter, dapat alam mo na ang unang rule ng bawat daughter-in-law ng Louis family ay dapat may maganda at marangal silang itsura." Yung totoo, walang pakialam si Madeline sa standard nila
Pagkatapos niyang marinig ang mga tanong ni Madeline, nakangiting tumingin si Carter sa mga mata ni Madeline. "Interesado ka ba sa pagkatao ko?" Natulala ng ilang sandali si Madeline bago siya umiling. "Gusto ko lang malaman kung sino ang katrabaho ko." Nagpanggap siya na walang nangyari at iniwasan niya ang tingin ni Carter. "Bago ka bumalik, sinasabi sakin ng nanay ni Ada na hindi ako karapat dapat na magkaroon ng relasyon sayo, kayo nagtataka ako kung sino ka ba talaga, Mr. Carter." Sinubukang gawing makatwiran ni Madeline ang pag-iimbestiga niya kay Carter. Samantala, hindi naghinala si Carter. Tumango siya bago siya nagsalita, "Hindi mahalaga ang pagkatao ko. Gaya lang ako ng mga batang may mayayaman na magulang na pinanganak na may gintong kutsara sa bibig." Batang may mayamang magulang? Nilalarawan niya ang sarili niya ng ganito. Subalit, hindi naniwala si Madeline. Alam niya na ang lalaking ito wy hindi lang isang tao na may mayamang magulang. Tsaka, narinig n
Nang makita niya na sumara ang pinto, nilabas ni Carter ang phone niya at tiningnan niya ang impormasyong natanggap niya. Habang tinitingnan niya ang nilalaman ng screen, napangiti siya. “Jeremy.”…Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Nakatanggap ng tawag si Madeline mula kay Carter kagabi, pinapupunta niya siya sa mansyon ng mas maaga. Upang matapos niya ng maayos ang pinagagawa ni Carter, humingi ng leave si Madeline. Buti na lang, nasa isang business trip si Jeremy sa loob ng dalawang araw, kaya mas makakakilos siya. Dumating si Madeline sa mansyon ayon sa oras na napag-usapan nila. Subalit, tahimik pa rin ang mansyon sa mga oras na ito at walang kahit isang bisita dito. Samantala, maganda ang dekorasyon ng hardin para sa gaganaping engagement ceremony. Walang oras si Madeline na pagmasdan ito, kaya dumeretso siya papasok ng bahay. Subalit, pagpasok niya sa pinto, narinig niya na nanggagalaiti si Ada. "Nababaliw na si Carty! Nababaliw na siya! Talagang maeengage si
Gulat na tinignan ni Madeline ang lalaki na biglang lumitaw sa kanyang likuran. Mabilis siyang lumingon at diniin ang kwelyo ng gown sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Tinignan niya ang lalaki na nakasuot ng isang custom-made suit at ang kanyang itsura ay perpektong bumagay sa suit. Matipuno si Carter. Napakapambihira niya, mula sa kanyang pambihirang pag-uugali hanggang sa kanyang itsura. Subalit, hindi komportable si Madeline sa bigla niyang paglitaw. "Bakit ka nandito?" "Kanina pa ko nandito. Hindi mo lang ako napansin." Natural ang sagot ni Carter. "..." Binuka ni Madeline ang kanyang mga labi at wala siyang masabi sa sandaling iyon. Kanina pa nandito si Carter! Ibig sabihin ba nito ay nakita niya siyang nagbibihis ngayon lang? Para bang naramdaman niya ang pagkailang ni Madeline pero kalmado ang mga mata ni Carter. "Hindi ko hilig ang manood sa ibang taong nagbibihis. Kanina pa ko nakaupo roon, at wala akong ideya kung anong nangyayari dito.
Nakita ni Madeline na parating ang mga bisita mula sa pinto nang umupo siya sa tapat ng bintana. Ang lahat ng dumating ay nakasuot ng mamahaling damit at may mga suot na alahas. Ang mga kaibigan ni Carter ay talagang mayayaman at respetado. Napansin niya na malapit na ang oras ng party kaya binalak ni Madeline na ayusin ang kanyang sarili bago lumabas. Ngunit sa sandaling ito, bumukas ang pintuan ng dressing room. Akala niya nandito si Carter para kunin siya, pero nakita niya si Ada na nakangisi nang galit sa kanya at mayabang na naglalakad palapit sa kanya. Tinignan nito ang suot ni Madeline at suminghal. “Hmph Eveline, wag kang mag-ilusyon na magkakaroon ka ng isang kwentong parang Cinderella na mangyayari sa’yo. Ayaw ni Madeline na magsayang ng oras kay Ada. Kaya ngumiti siya nang kalmado at nagtanong, “Sino ka para isiping kailangan ko ng isang kwentong parang Cinderella?”“Tsk.” Umirap si Ada. “Sinasabi mo ba sa akin na ipinanganak ka nang parang isang swan? Pero ma
Pagkatapos itong marinig ni Ada, tumingin siya kung saan nakatingin ang nanay niya at nakita niya ang isang bata. Kilala niya ang batang ito. Siya ang anak ng isa sa mga bisitang dumalo sa party. Ang pangalan niya ay Luke at masyado siyang tuso. Ayaw ni Ada sa batang ito dahil nawala nito ang isa sa mga limited edition na hikaw niya dati. Di niya maintindihan ang gustong sabihin ng nanay niya, pero di nagtagal narinig niya ang nanay niyang bumubulong sa kanya. Matapos ang ilang pangungusap, isang masamang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Ada. “Mom, ikaw lang ang makakapag-isip nang ganitong plano.”“Syempre naman!” Natuwa ang nanay ni Ada sa sarili niya. “Makipagkasundo ka dapat sa kanya gamit ng pagkakataong ito.”Noong una ayaw ni Ada na kausapin ang batang ito, pero ngayon, masaya siyang lumapit dito. Gusto kaagad ni Madeline na umuwi pagkatapos ng party, pero biglang nagsimulang magtipon ang mga tao sa paligid niya nang di niya namamalayan.Ang mga taong ito ay bumabati
”Bride? Isa kang bride?” Tinginan ng batang lalaki si Madeline at nagtaka. Tumango at ngumiti si Madeline. “Hello, bata.”Ngunit matapos siyang batiin ni Madeline, nagpakita ng mapanghamak na mukha ang batang lalaki. “Ang pangit ng boses ng bride!”Nang marinig ito ng mga bisita sa tabi nito, nagbago ang mga mukha nila. Ngunit naramdaman nila na magaspang ang boses ni Madeline. Subalit nasasabik naman ang puso ni Ada, at hindi niya napansin ang mga pagbabago sa mukha ni Carter. Tapos tinulak niya ulit ang kamay ng bata. Natanggap ng batang lalaki ang mensahe ni Ada at tumingala para tingnan si Madeline. “Gusto kong makita ang bride,” Nakangusong sinabi ng batang lalaki. “Sabi nila ang ganda daw ng bride, kaya gusto kong makita ang magandang bride. Gusto kong makita!”Pilit na ngumiti si Carter. “Kung gusto mo talagang makakita ng isang bride, magtingin ka sa mga bridal shop. Marami doon.”Pagkatapos niyang sabihin ito, hinawakan niya ang kamay ni Madeline at nagpakita ng ma