”Bride? Isa kang bride?” Tinginan ng batang lalaki si Madeline at nagtaka. Tumango at ngumiti si Madeline. “Hello, bata.”Ngunit matapos siyang batiin ni Madeline, nagpakita ng mapanghamak na mukha ang batang lalaki. “Ang pangit ng boses ng bride!”Nang marinig ito ng mga bisita sa tabi nito, nagbago ang mga mukha nila. Ngunit naramdaman nila na magaspang ang boses ni Madeline. Subalit nasasabik naman ang puso ni Ada, at hindi niya napansin ang mga pagbabago sa mukha ni Carter. Tapos tinulak niya ulit ang kamay ng bata. Natanggap ng batang lalaki ang mensahe ni Ada at tumingala para tingnan si Madeline. “Gusto kong makita ang bride,” Nakangusong sinabi ng batang lalaki. “Sabi nila ang ganda daw ng bride, kaya gusto kong makita ang magandang bride. Gusto kong makita!”Pilit na ngumiti si Carter. “Kung gusto mo talagang makakita ng isang bride, magtingin ka sa mga bridal shop. Marami doon.”Pagkatapos niyang sabihin ito, hinawakan niya ang kamay ni Madeline at nagpakita ng ma
Hindi inasahan ni Madeline na ganito kasama ang batang ito. Mukhang hindi lahat ng bata ay inosente, malinis at nakakabilib tulad ni Jack at Lily. “Wow!” Napasigaw ang batang lalaki nang makita nito ang mukha ni Madeline. Nagsimulang magulat ang lahat ng mga tao sa paligid niya. Nasa di kalayuan ni Madeline si Ada at ang nanay nito. Nang makita nilang hawak ng batang lalaki ang face mask ni Madeline, nagtinginan sila at ngumiti nang masaya. Sa wakas nagawa na nila ang pakay nila! Naalis na nila ang maskara ni Madeline sa mukha nito! Maipapakita na nila sa lahat ang mukha ni Madeline na puno ng peklat. Nang makita ni Ada at ng nanay niya ang mga gulat na mukha ng mga bisita, kaagad silang lumapit kung nasaan ito. Hindi sila makapaghintay na makita ang nakakagimbal na mukha ni Madeline at kung paano niyang ipapahiya ang kanyang sarili sa harapan ng marami! Nagmadali ring lumapit ang nanay ni Carter para makita ang mukha ni Madeline. Nang makita ito ni Carter, kumunot an
Paano siya gumaling nang ganito sa loob lang ng isang buwan?Atsaka, sobrang kinis at ganda ni Eveline! Ayaw niya itong aminin, pero sa tingin niya daig siya ni Madeline sa kagandahan. Wala nang mga boses ang nangmamaliit kay Madeline sa pagiging pangit. Ngayon puro na lamang papuri. Simula pa lang ng party madilim na ang mukha ni Camille. Ngunit halatang iba na ngayon. Walang pakialam si Madeline kahit ano pang tingin ng mga tao sa kanya. Ngayon nag-aalala na lang siya kung paano niya lulusutan ito. Hindi siya nagsalita pero naramdaman niya ang magulong titig ni Carter sa kanya. Tinignan ni Carter ang mukha ni Madeline na kasingganda ng isang larawan, at nagdilim ang mata niya. Tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ni Madeline. “Bumalik na tayo sa kwarto natin.”Walang kakaiba sa tono niya pero nararamdaman ni Madeline na sumisikip ang hawak nito sa kamay niya. Hindi na makawala si Madeline sa pagkakahawak ni Carter kaya ang magagawa lang niya ay sundan ito pabalik
Sa kabila ng pagiging nakakasakal ng aura ni Carter, hindi nagpakita ng kahinaan si Madeline. Malakas siya, pero hindi rin mahina si Madeline. Ngunit dahil sa kaibahan ng lakas nila, talong-talo ni Carter si Madeline sa aspetong ito. Nakita ni Madeline ang hindi pa niya noon nakikitang mapanlinlang na ngisi sa mukha ni Carter na mukhang isang yelo. “Alam ko na kung anong mukha ang mayroon ang isang babaeng may ganyan kagandang mata at kalmadong pag-uugali. Parang nagdadalamhati si Carter nang sabihin niya ang kasunod na dalawang salita nang nakakapagtaka, “Eveline Montgomery.”“...”Naramdaman ni Madeline na parang may nakumpirma si Carter. Tinikom niya ang kanyang kamao at nang papalag na siya, may kumatok sa pinto. Tok, tok, tok. “Carter, ako ito.” Narinig mula sa labas ang boses ni Camille. Inalis ni Carter ang kanyang kamay na umiipit kay Madeline at itinaas ang kanyang mata nang walang bahala. “Hindi nakakandado ang pinto.”Klik. Tinulak ni Camille pabukas ang
”Anong problema? Bakit nagmamadali ka?”“Aunty Cammy, tingnan mo ito. Tingnan mo ito!” Inabot ni Ada ang kanyang phone at tinuro ang mga tao sa screen. Yumuko si Camille para tingnan ito. Sa screen, nakita niya ang mga wedding pitcure ni Madeline na kasama si Jeremy. Atsaka, may ilan ding larawan nila na magkasamang dumadalo sa mga pagsasalo. “Mukhang kasal si Eveline sa number one young master sa Glendale, si Jeremy Whitman!” Halos sumisigaw na si Ada nang sabihin niya ito. Sobrang lakas ng boses niya na pati si Madeline at Carter ay naririnig siya sa study. “Ano? Si Jeremy Whitman?” Nang marinig ito ni Camille, tinitigan niya ang mga larawan sa screen habang ang mata niya ay nanlalaki at parang malalaglag na. “Si Eveline ay isang pamilyadong tao! Sumosobra na ito!”Umikot si Camille at pumasok sa study. “Eveline, ikaw…”“Alam ko ang lahat tungkol kay Eveline. Wala akong pake kung sinong kasama niya noon. Wala akong pake kung kasal na siya o may anak na siya. Fiancee ko n
Ayaw ni Madeline na hindi kumibo. Tumalikod siya at tumingin nang kalmado sa mga mata ni Carter. “Mr. Carter, salamat sa pagtulong sa akin kanina. Kung di mo ako tinulungan kanina, tingin ko i na maniniwala ang nanay mo sa kahit anong sabihin ko.”Tinignan siya nang malalim ni Carter. “Sinasabi ko lang ang totoo. Nagkataong lang ang pangalan mo at ang mukha mo ay retokado diba?”“...”Walang masabi dito si Madeline. Naniwala ba si Carter sa sinabi niya? Nagdududa si Madeline, ngunit nang tingnan niya ang mukha ni Carter, parang hindi naman siya pinagdududahan nito. “Di ka pa pwedeng umalis. Makakaalis ka lang kapag nakaalis na ang mga bisita.” Pinaalalahanan ni Carter si Madeline at muling dumapo sa mukha niya ang titig nito. Ang mukhang ito ay makinis at walang kupas. Atsaka, maputi at maliwanag ito. Walang palatandaan na nasunog ito. Siguro may pambihirang galing ang doktor na gumamot kay Madeline. “Paanong gumaling nang ganito ang mukha mo sa napakaikling panahon?”
Sinara ni Madeline ang pinto ng study bago ito ikandado. Tapos bumalik siya sa lamesa. Matapos maghalughog nang higit sa sampung minuto, nahanap na niya sa wakas ang isang kumpol ng impormasyon tungkol kay Jeremy sa isang aparador. Sobrang detalyado ang impormasyon. Ang mga bagay na nangyari kay Jeremy noong nag-aaral pa siya ay nakatala din doon. Ánong binabalak ni Carter?’Habang mas binabasa ni Madeline ang nakakumpol na impormasyon, lalo siyang nabahala. Siguro naman di alam ni Jeremy na iniimbestigahan siya ng misteryosong lalaking ito diba? Matapos basahin ni Madeline ang kumpol ng dokumento, sinubukan niyang tignan kung mabubuksan niya ang computer ni Carter. Akala niya nakasara ang computer, pero aksidente niyang nakita na pwede niya itong buksan nang direkta. Nakita ni Madeline ang ilang mga folder sa desktop nang buksan niya ang isa dito. Ngunit hindi niya inasahang lilitaw sa screen ang larawan niya kasama ni Jeremy. Sa sandaling makita niya ang larawan at imp
Noon, pakiramdam ni Madeline na parang nakikita ng mga mata ni Jeremy ang lahat ng tungkol sa kanya, ngunit sa sandaling ito, ganito rin ang naramdaman niya sa titig ni Carter. Älam mo ba kung anong naisip ko Mr. Carter?” Tanong ni Madeline habang may ngiting naguguluhan. Ngumiti si Carter nang hindi nagsasalita. Ang titig niya ay lumapit kay Madeline, at ang maliit na ngiti sa labi niya ay mukhang nakakapagtaka. “Gusto mong sabihin sa akin na nalaman mo na ito at ayaw mo nang mahulog pa kay Jeremy na parang isang tanga. Ayaw mo na ring bumalik sa Whitman Manor at gusto mo nang manatili sa tabi ko diba?”“...”Natulala si Madeline. Talagang gusto niyang sabihin ang kasinungalingang ito pero hindi niya inakalang mahahalata ito ni Carter sa isang tingin lamang. Nang makita si Madeline na nakatulalang nakatingin sa kanya, lalong lumalim ang ngiti sa labi ni Carter. “Nagkataon. Ganoon din ang nasa isip ko. Kung ayaw mo nang bumalik, pwede kang manatili sa tabi ko sa hinaharap.”