Sa kabila ng pagiging nakakasakal ng aura ni Carter, hindi nagpakita ng kahinaan si Madeline. Malakas siya, pero hindi rin mahina si Madeline. Ngunit dahil sa kaibahan ng lakas nila, talong-talo ni Carter si Madeline sa aspetong ito. Nakita ni Madeline ang hindi pa niya noon nakikitang mapanlinlang na ngisi sa mukha ni Carter na mukhang isang yelo. “Alam ko na kung anong mukha ang mayroon ang isang babaeng may ganyan kagandang mata at kalmadong pag-uugali. Parang nagdadalamhati si Carter nang sabihin niya ang kasunod na dalawang salita nang nakakapagtaka, “Eveline Montgomery.”“...”Naramdaman ni Madeline na parang may nakumpirma si Carter. Tinikom niya ang kanyang kamao at nang papalag na siya, may kumatok sa pinto. Tok, tok, tok. “Carter, ako ito.” Narinig mula sa labas ang boses ni Camille. Inalis ni Carter ang kanyang kamay na umiipit kay Madeline at itinaas ang kanyang mata nang walang bahala. “Hindi nakakandado ang pinto.”Klik. Tinulak ni Camille pabukas ang
”Anong problema? Bakit nagmamadali ka?”“Aunty Cammy, tingnan mo ito. Tingnan mo ito!” Inabot ni Ada ang kanyang phone at tinuro ang mga tao sa screen. Yumuko si Camille para tingnan ito. Sa screen, nakita niya ang mga wedding pitcure ni Madeline na kasama si Jeremy. Atsaka, may ilan ding larawan nila na magkasamang dumadalo sa mga pagsasalo. “Mukhang kasal si Eveline sa number one young master sa Glendale, si Jeremy Whitman!” Halos sumisigaw na si Ada nang sabihin niya ito. Sobrang lakas ng boses niya na pati si Madeline at Carter ay naririnig siya sa study. “Ano? Si Jeremy Whitman?” Nang marinig ito ni Camille, tinitigan niya ang mga larawan sa screen habang ang mata niya ay nanlalaki at parang malalaglag na. “Si Eveline ay isang pamilyadong tao! Sumosobra na ito!”Umikot si Camille at pumasok sa study. “Eveline, ikaw…”“Alam ko ang lahat tungkol kay Eveline. Wala akong pake kung sinong kasama niya noon. Wala akong pake kung kasal na siya o may anak na siya. Fiancee ko n
Ayaw ni Madeline na hindi kumibo. Tumalikod siya at tumingin nang kalmado sa mga mata ni Carter. “Mr. Carter, salamat sa pagtulong sa akin kanina. Kung di mo ako tinulungan kanina, tingin ko i na maniniwala ang nanay mo sa kahit anong sabihin ko.”Tinignan siya nang malalim ni Carter. “Sinasabi ko lang ang totoo. Nagkataong lang ang pangalan mo at ang mukha mo ay retokado diba?”“...”Walang masabi dito si Madeline. Naniwala ba si Carter sa sinabi niya? Nagdududa si Madeline, ngunit nang tingnan niya ang mukha ni Carter, parang hindi naman siya pinagdududahan nito. “Di ka pa pwedeng umalis. Makakaalis ka lang kapag nakaalis na ang mga bisita.” Pinaalalahanan ni Carter si Madeline at muling dumapo sa mukha niya ang titig nito. Ang mukhang ito ay makinis at walang kupas. Atsaka, maputi at maliwanag ito. Walang palatandaan na nasunog ito. Siguro may pambihirang galing ang doktor na gumamot kay Madeline. “Paanong gumaling nang ganito ang mukha mo sa napakaikling panahon?”
Sinara ni Madeline ang pinto ng study bago ito ikandado. Tapos bumalik siya sa lamesa. Matapos maghalughog nang higit sa sampung minuto, nahanap na niya sa wakas ang isang kumpol ng impormasyon tungkol kay Jeremy sa isang aparador. Sobrang detalyado ang impormasyon. Ang mga bagay na nangyari kay Jeremy noong nag-aaral pa siya ay nakatala din doon. Ánong binabalak ni Carter?’Habang mas binabasa ni Madeline ang nakakumpol na impormasyon, lalo siyang nabahala. Siguro naman di alam ni Jeremy na iniimbestigahan siya ng misteryosong lalaking ito diba? Matapos basahin ni Madeline ang kumpol ng dokumento, sinubukan niyang tignan kung mabubuksan niya ang computer ni Carter. Akala niya nakasara ang computer, pero aksidente niyang nakita na pwede niya itong buksan nang direkta. Nakita ni Madeline ang ilang mga folder sa desktop nang buksan niya ang isa dito. Ngunit hindi niya inasahang lilitaw sa screen ang larawan niya kasama ni Jeremy. Sa sandaling makita niya ang larawan at imp
Noon, pakiramdam ni Madeline na parang nakikita ng mga mata ni Jeremy ang lahat ng tungkol sa kanya, ngunit sa sandaling ito, ganito rin ang naramdaman niya sa titig ni Carter. Älam mo ba kung anong naisip ko Mr. Carter?” Tanong ni Madeline habang may ngiting naguguluhan. Ngumiti si Carter nang hindi nagsasalita. Ang titig niya ay lumapit kay Madeline, at ang maliit na ngiti sa labi niya ay mukhang nakakapagtaka. “Gusto mong sabihin sa akin na nalaman mo na ito at ayaw mo nang mahulog pa kay Jeremy na parang isang tanga. Ayaw mo na ring bumalik sa Whitman Manor at gusto mo nang manatili sa tabi ko diba?”“...”Natulala si Madeline. Talagang gusto niyang sabihin ang kasinungalingang ito pero hindi niya inakalang mahahalata ito ni Carter sa isang tingin lamang. Nang makita si Madeline na nakatulalang nakatingin sa kanya, lalong lumalim ang ngiti sa labi ni Carter. “Nagkataon. Ganoon din ang nasa isip ko. Kung ayaw mo nang bumalik, pwede kang manatili sa tabi ko sa hinaharap.”
Ano? Natulala si Madeline. Ang laman ng puso niya ngayon ay si Jeremy. Nang mapansin ang katahimikan ni Madeline, dahan-dahang sinara ni Carter ang libro at hinarap ang bukod-tanging kumikislap na mata ni Madeline. "Jeremy Whitman. Namimiss mo pa rin ang taong ito diba?" "..." 'Mabuti yan.' ' Sadyang ayaw tumingin ni Madeline sa mga mata ni Carter. Pakiramdam niya parang nahahalata nito ang lahat sa isang tingin lang. "Nabalitaan ko na nasa Y Country si Jeremy para sa isang negosyo nitong nakaraang dalawang araw. Darating siya sa Glendale mamayang alas otse ng gabi. Dadalhin kita para makita siya ngayon na.”Gusto ni Madeline na magpanggap na walang pakialam, pero hindi siya makakalma sa sinabi ni Carter. Sa totoo lang alam niya talaga kung nasaan si Jeremy, at alam din niya na nagpunta ng Y Country si Jeremy. “Mahirap na mahirap na kalimutan ang isang tao, kaya nauunawaan ko na gusto mo pa rin siyang makita.”Dagdag ni Carter. Ngumiti si Madeline. Ang ngiti niya sa
Nang marinig ang malambing at matamis niyang boses, dahan-dahang itinaas ni Jeremy ang kanyang tingin. Tiningnan niya ang babaeng naglalakad sa harap niya, at ang natuklasan niya sa Y Country ay lumitaw sa kanyang isipan. Nakita ni Naomi na nakatitig sa kanya nang maigi si Jeremy. Kaya nagpanggap siyang nahihiya ay nagsalita nang malambing ang tono. "Jeremy, namiss talaga kita nitong dalawang araw na wala ka. Hindi pa tayo nagkakaroon ng oras para kumain sa isang candlelight dinner. Wala ang mga anak at magulang natin ngayong gabi, kaya sulitin natin ang oras na tayo dalawa lang olay?" Naisip ni Jeremy ang gabi noong nakaraan. Kumain sila sa isang candlelight dinner sa isang restaurant. Pagkatapos nito, naglakad sila nang magkahawak ang kamay sa labas. Hinalikan niya pa ito habang pumuputok ang fireworks. "Anong nasa isip mo Jeremy?" Nagtatakang lumapit si Naomi, sinusubukang hawakan ang kamay ni Jeremy, pero hinubad lang ni Jeremy ang kanyang jacket. Hindi niya nailagay an
”Para magising ka.”“…”“Iniisip mo ba talaga na maloloko mo ako, si Jeremy Whitman, ng ganun kadali? Sa tingin mo ba hindi ko makikilala kung sino ang asawa ko?”“…”Biglang namutla ang mukha ni Naomi. Ngayon, ngayon kasing putla na siya ng papel.Alam niya?‘Matagal na ba niyang alam?’Paulit-ulit na tinanong ni Naomi ang kanyang sarili habang natataranta siya. Mula sa mga malamig na mata ni Jeremy na seryosong nakatingin sa kanya noong mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay nakita na niya ang sagot. Matagal na nga niyang alam ang tungkol dito! Sa mga panahong ito, walang intensyon si Jeremy na lapitan siya! Subalit, hindi nagpatinag si Naomi. Sinubukan niyang ipaglaban ang kanyang sarili at nagkunwari siya na nasasaktan siya. "Jeremy, hindi ko alam ang sinasabi mo. Paano mo…" "Sasabihin ko sayo ngayon na walang magaganap na handaan ngayong gabi. Ako ang gumulo sa lahat para matigil na ang palabas mo ngayong gabi." "..." Hindi makapaniwala si Naomi sa mga sinabi ni J