Sa totoo lang, siya naman talaga si Eveline. Nakaramdam ng kirot si Madeline sa kanyang puso. Hindi niya alam kung may naramdaman rin si Eloise. Dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ni Eloise at hinawakan ang kanyang kamay. Nang maramdaman niya ang init ng kanyang palad, hindi niya mapigilang sabihin ang kanyang mga hinanakit kay Eloise. "Mom, ako si Eveline," mahina niyang sabi. Pakiramdam niya ay pwede lang siyang maging totoo sa harapan ni Eloise. Hindi pa tuluyang magaling si Eloise kaya hindi niya malalaman kung anong sinasabi ni Madeline. Kung kaya't may pagkakataon si Madeline na pagaanin ang bigat sa kanyang puso sa ganitong paraan. Nang marinig ito ni Eloise, mayroong kinang sa kanyang mga mata. Para bang puno ito ng pagmamahal, kamalumanayan, at kabaitan na bumugso mula sa loob niya at binalot si Madeline. Naramdaman ni Madeline ang init at hindi siya nagdalawang-isip bago ibuhos ang lahat ng kanyang mga hinanakit at katotohanan sa puso niya. "Mom, ang taong ka
Nang makita ni Madeline ang mapagbalak na ngiti ni Naomi, naramdaman niyang parang may kakaiba. Sa katotohanan, madali siyang napipigilan ni Naomi dahil masyado siyang maraming kailangang isaalang-alang. Ang kasintahan niya at pamilyang mahal na mahal niya ay ang mga kahinaan niya. Kaya ginamit ito ni Naomi para atakihin siya. Nagtingin si Naomi sa paligid at itinaas ang kanyang binti para sipain ang likod ng wheelchair ni Eloise. Nakakandado ang gulong ng wheelchair, ngunit siguro sobrang lakas ni Naomi kaya dumulas ang gulong at nagsimulang humarurot ang wheelchair. “Mom!” Tumakbo si Madeline nang walang alinlangan para pigilan ang pag-andar ng wheelchair. Tumutungo sa lawa ang wheelchair. Kapag nalaglag si Eloise, di maisip ni Madeline kung anong mangyayari. Sumugod siya at hinawakan ang hawakan ng wheelchair para hilahin ito pabalik. Mabuti na lang at hindi nahulog sa lawa si Eloise. Ngunit biglang nakaramdam si Madeline ng isang anino sa likod niya. Kasunod nit
”Baka patay na siya.” “Tsk, ang lungkot.” Nagsimulang malungkot ang napadaan para kay Madeline. Ngunit nang marinig ito ni Naomi, natuwa siya nang sobra. ‘Eveline, mabuti kung patay ka na!‘Yan ang napapala mo sa pagpatay kay Rye!’ Nagmura siya sa loob niya para ibuhos ang kanyang galit. Ngunit nang natutuwa na siya sa sarili niya, nakita niya ang ilang alon sa gitna ng lawa. Tapos biglang isang tao ang umangat mula sa lawa. Basang-basa si Madeline at itinaas niya ang kanyang kamay para ilayo ang kanyang maikling buhok sa harap ng kanyang noo. Maraming tao ang naisip na sobrang nakakaakit siya nang ginawa niya iyon. Lumingon siya habang dumidikit ang maskara niya sa kanyang balat. Walang nakakakita ng mukha ni Madeline ngunit ang malinaw at matalas niyang mata ay mukhang nakakatakot. Natulala ang mga tao sa kanyang matalas na mata. Hindi pinansin ni Madeline ang mga taong nanonood sa kanya. Tumagos sa madla ang titig niya at dumapo sa mukha ni Naomi. Tapos lumangoy siy
Nang marinig ito ni Madeline, naaasahan na niya kung anong susunod na gagawin ni Naomi. Ngunit isa sa mga kamay niya ay nakahawak sa kamay ni Eloise at ayaw niyang itulak palayo si Eloise. Nang lilingon na siya palayo kay Naomi, kaagad na nagpanggap si Naomi na lumalapit para bulungan siya kahit na ang too ay ginawa niya ito para punitin ang maskara mula sa mukha niya. Basa ng tubig sa lawa ang mukha niya. Bukod sa sigla at ganda ng mga mata niya, ang mga pangit na peklat na naiwan sa kanyang mukha matapos siyang masunog ay nakita ng lahat. “Damn! Anong nangyari sa mukha niya?” “Kaya pala nakamaskara siya.” “My gosh, ang lungkot. Anong nangyari sa mukha niya? Mukhang nasunog siya.” “Tsk, tsk, nakakatakot. Wag mong tignan.” Napasigaw ang mga tao sa gulat. Ang ilan pa ay lumingon para maiwasang tignan ang mukha ni Madeline. Kanina pa nag-rerecord ang iba kaya nakuhanan nila ang eksenang ito at inupload ito online. Nang marinig ni Naomi ang reaksyon ng mga tao sa paligi
Tapos biglang naging negatibo ang kanyang isipan, lalo na matapos niyang makita ang mayabang, kampante at masayang mukha ni Naomi nang sigurado si Naomi na wala siyang tapang na harapin si Jeremy. Hindi ito matanggap ni Madeline. Itinikom niya ang kanyang kamao at huminga nang malalim. Paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili na kumalma. Ngunit nang tignan niya ang kanyang sarili sa salamin, di niya magawang manatiling kalmado. Tumalikod siya at pinilit na tignan ang kanyang sarili sa salamin. Tumayo siya habang nakatalikod sa salamin nang matagal. Pinigilan niya ang sakit sa kanyang mukha nang bigla siyangmay naalala at nagkaroon ng kislap sa kanyang mapanglaw at matamlay na mata. Siguro dapat subukan niya ito. Naisip ito ni Madeline at isinuot niya ang kanyang damit at maskara. Nang lalabas na siya, nakarinig siya ng katok sa pinto. Lumapit si Madeline para buksan ang pinto. Sa gulat niya, nakita niya si Jeremy nang buksan ang pinto. Nagkatitigan sila at medyo
Sa sandaling hinubad niya ang maskara niya, nagpakita ng gulat na ekspresyon si Adam at Amy nang sabay. Nagtaka si Adam. “Anong nangyari sa mukha at boses mo? Hindi, pero sa nangyari sa parke malapit sa bahay mo nitong umaga ang mukha mo ay…” Pagkatapos itong marinig ni Madeline kaagad niyang naunawaan. Siguro may nag-post ng video ng nangyari online at siguro nasa video din si Naomi. Kasalukuyang ginagamit ni Naomi ang pagkatao niya. Nakuhanan nang perpekto ang mukha niya sa video. Nang tignan ang nagtatakang mukha ni Adam, hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Madeline. “Hindi ako yun. Ang Eveline na nakita mo ay si Naomi.” “Naomi?” Kaagad na naunawaan ni Adam. Naalala niya kung paanong sinundan din ni Naomi si Ryan papunta ng Y Country noong nandoon siya at pagkatapos niyan, palihim na inutusan ni Ryan si Naomi na gawin ang isang bagay. Lumalabas na ang pinagawa niya kay Naomi ay ang sumailalim sa plastic surgery. Ngunit gulat pa rin si Adam. Tinignan niya ang mukha ni
”Hindi niyo anak ni Cathy ang kambal diba?” Pagkatapos itong marinig ni Adam, itinaas niya ang kanyang magkasalubong na kilay. Tinignan niya si Cathy na nakikipaglaro sa mga bata bago bumangon. “Amy, dadalhin ko ang pasyente sa opisina ko. Kapag nababagot ka, pwede mo munang ilabas ang mga bata. Nakapag-reserve na ako ng isang restaurant.” Nang marinig ito ni Amy. tumalikod siya at tinignan si Madeline bago tumango. “Ituloy mo lang yang ginagawa mo. Hihintayin kita.” “Okay.” Ngumiti nang malambing si Adam at itinuro ang opisina. “Sumama ka sa akin.” Tumango si Madeline at sinundan ito. Naalala niya ang huling beses na pumunta siya dito ay para sa paggamot kay Jeremy. Hindi niya inakalang darating ang araw na siya naman. Hindi sinagot ni Adam ang mga tanong tungkol sa dalawang bata. Sa kabilang banda, tinulungan niya si Madeline na suriin ang mga sugat sa kanyang mukha nang maigi at maingat. Pagkatapos ng pagsusuri, tinignan niya nang seryoso ang dalawang report. “Adam
Pirmi siyang sinagot ni Adam. Kahit na hindi nito sinabi sa kanya kung sino ang lalaki, alam ni Madeline kung sino ito sa loob niya. “Kami ni Cathy ay mula sa parehong university,” Sinabi ni Adam. Nang marinig niya ito, nakita ni Madeline ang isang siklab ng kabataan sa mata nito.“Nasa iisang faculty kami. Masigla at maganda siya, kaya siya ang pinaksikat na babae sa buong faculty habang ako ay ang senior niya. Lagi kaming magkasamang gumagawa ng experiment at nagpupunta pa sa library para magbasa nang magkasama. Alam kong ang taong mahal niya ay si Felipe, pero di siya minahal ng lalaking ito.” Kalmadong sinabi ni Adam. Walang pagkamuhi o pandidiri kay Felipe sa mga salita niya. Sa kabilang banda, may maliit na ngiti sa kanyang mukha. “Nagulat ako nang bigla akong pinuntahan ni Cathy sa Glendale noong oras na iyon. Di ko alam na magkakilala kayo. Natuwa ako na makita siyang muli dahil umalis siya bago pa siya maka-graduate sa university. Wala akong contact niya, kaya nagkaroon