Sa sandaling hinubad niya ang maskara niya, nagpakita ng gulat na ekspresyon si Adam at Amy nang sabay. Nagtaka si Adam. “Anong nangyari sa mukha at boses mo? Hindi, pero sa nangyari sa parke malapit sa bahay mo nitong umaga ang mukha mo ay…” Pagkatapos itong marinig ni Madeline kaagad niyang naunawaan. Siguro may nag-post ng video ng nangyari online at siguro nasa video din si Naomi. Kasalukuyang ginagamit ni Naomi ang pagkatao niya. Nakuhanan nang perpekto ang mukha niya sa video. Nang tignan ang nagtatakang mukha ni Adam, hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Madeline. “Hindi ako yun. Ang Eveline na nakita mo ay si Naomi.” “Naomi?” Kaagad na naunawaan ni Adam. Naalala niya kung paanong sinundan din ni Naomi si Ryan papunta ng Y Country noong nandoon siya at pagkatapos niyan, palihim na inutusan ni Ryan si Naomi na gawin ang isang bagay. Lumalabas na ang pinagawa niya kay Naomi ay ang sumailalim sa plastic surgery. Ngunit gulat pa rin si Adam. Tinignan niya ang mukha ni
”Hindi niyo anak ni Cathy ang kambal diba?” Pagkatapos itong marinig ni Adam, itinaas niya ang kanyang magkasalubong na kilay. Tinignan niya si Cathy na nakikipaglaro sa mga bata bago bumangon. “Amy, dadalhin ko ang pasyente sa opisina ko. Kapag nababagot ka, pwede mo munang ilabas ang mga bata. Nakapag-reserve na ako ng isang restaurant.” Nang marinig ito ni Amy. tumalikod siya at tinignan si Madeline bago tumango. “Ituloy mo lang yang ginagawa mo. Hihintayin kita.” “Okay.” Ngumiti nang malambing si Adam at itinuro ang opisina. “Sumama ka sa akin.” Tumango si Madeline at sinundan ito. Naalala niya ang huling beses na pumunta siya dito ay para sa paggamot kay Jeremy. Hindi niya inakalang darating ang araw na siya naman. Hindi sinagot ni Adam ang mga tanong tungkol sa dalawang bata. Sa kabilang banda, tinulungan niya si Madeline na suriin ang mga sugat sa kanyang mukha nang maigi at maingat. Pagkatapos ng pagsusuri, tinignan niya nang seryoso ang dalawang report. “Adam
Pirmi siyang sinagot ni Adam. Kahit na hindi nito sinabi sa kanya kung sino ang lalaki, alam ni Madeline kung sino ito sa loob niya. “Kami ni Cathy ay mula sa parehong university,” Sinabi ni Adam. Nang marinig niya ito, nakita ni Madeline ang isang siklab ng kabataan sa mata nito.“Nasa iisang faculty kami. Masigla at maganda siya, kaya siya ang pinaksikat na babae sa buong faculty habang ako ay ang senior niya. Lagi kaming magkasamang gumagawa ng experiment at nagpupunta pa sa library para magbasa nang magkasama. Alam kong ang taong mahal niya ay si Felipe, pero di siya minahal ng lalaking ito.” Kalmadong sinabi ni Adam. Walang pagkamuhi o pandidiri kay Felipe sa mga salita niya. Sa kabilang banda, may maliit na ngiti sa kanyang mukha. “Nagulat ako nang bigla akong pinuntahan ni Cathy sa Glendale noong oras na iyon. Di ko alam na magkakilala kayo. Natuwa ako na makita siyang muli dahil umalis siya bago pa siya maka-graduate sa university. Wala akong contact niya, kaya nagkaroon
”OMG!” Napasigaw si Ada. Umasta siya na parang nahawakan niya ang Diyos ng Kamalasan at ibinato ang maskarang hawak niya sa sahig nang mapanghamak. “Akala ko isa kang napakagandang babae kaya hindi ako pinapansin ni Carty. Di ko inakalang ganito ang itsura mo! Kaya pala lagi kang nakamaskara. Oh gosh, napakapangit mo! Hindi, hindi ka pangit, nakakatakot ka!” Hindi man lang nag-ingat si Ada sa sinasabi niya. Paulit-ulit niyang hinawi ang kanyang kamay. “Pumunta kayo dito, kahit sino! Ikuha niyo ako ng disinfectant! Nahawakan ko ang maskara ng taong ito at di ko alam kung mahahawa ba ako!” “Tingin ko nga,” Sinabi ni Madeline ang tatlong salitang ito nang dahan-dahan mula sa kanyang labi. Nabigla si Ada nang marinig niya ito. “Anong sinabi mo?” “Sinasagot ko ang tanong mo,” Seryosong sumagot si Madeline, “Sirang-sira na ang mukha ko at baka may bacteria pa dito. Inalis mo ang maskara ko ngayon lang, kaya tingin ko nahawakan mo rin ang bacteria sa maskara ko. Mag-iingat ka.”
Sinundan ni Madeline si Carter at nagsimula siyang kabahan. Isa pa ring misteryo para sa kanya ang lalaking ito. Higit pa rito, hindi niya alam kung bakit gusto nitong imbestigahan si Jeremy. Ngayon sinabi nito ang isang nakakapagtakang bagay at hindi alam ni Madeline kung anong nangyayari. Pagkatapos maglakad saglit, sinundan siya ni Madeline papunta sa isang bintana sa ikalawang palapag. Malaki ang bintana, kaya makikita ang magandang tanawin mula dito. Nang tumingin sa labas si Madeline, nakita niya ang isang pamilyar na kotseng nakaparadan sa labas ng pinto ng manor. ‘Jeremy!’ Sinigaw ni Madeline ang pangalan nito sa loob niya. Ngunit ang magagawa lang niya ay magpanggap na nagtataka. “Mr. Carter, sabi mo dadalhin mo ako para makita ang isang pangyayari, ano pala ang nangyayari?” Tinignan ni Carter ang nagtatakang mukha ni Madeline at itinaas ang kanyang madilim na mata. Tapos dumapo ang titig niya sa kotse ni Jeremy. “Di mo ba nakikita ang kotseng nakaparada sa
Nang makita niyang nagmamadali si Madeline, hindi niya ito pinigilan at sa halip ay tumalikod para tumayo sa harapan ng bintana para tignan ang pinto ng manor. Tapos binuksan niya ang kanyang Bluetooth earphones para pakinggan ang nangyayari sa pinto. Lumabas si Madeline ng pinto makalipas ang isang saglit. Nagpanggap siyang hindi niya nakita si Jeremy ngunit hininto ni Jeremy ang kanyang kotse sa tabi niya. Tinignan niya ito habang nagpapanggap na nagulat. “Mr. Whitman? Bakit ka nandito?” Hindi nagsalita si Jeremy. Sa halip, bumaba siya ng kotse at binuksana ng pampasaherong upusan para kay Madeline. “Pumasok ka.” “...” Nagdalawang-isip saglit si Madeline at hindi alam ang kanyang gagawin. Tinignan niya ang bintana kung nasaan siya kanina mula sa sulok ng kanyang mata bago pumasok ng kotse. Kung gaano siya kapamilyar dati sa upuang ito, lalo siyang naantig ngayon. Tumingin siya nang nag-iingat sa rear-view mirror. Nang masiguro niyang walang nakasunod sa kanya, palihim siy
’Ano? ‘Pruweba?’ Napahinto sa loob ng dalawang segundo si Naomi, tapos nakita niya si Madeline na nilalabas ang kanyang phone para buksan ang isang app. “Mrs. Whitman, sabi mo maraming tao ang kinukuhanan ako sa mga oras na iyon. Nagkataong may nakakuha ng sandaling inalis mo ang maskara ko. Aaminin mo lang ba ito kapag pinakita ko sa lahat ang video?” Nang mainig niya ito, lalong naging magulo ang mukha ni Naomi. Gusto niyang umakyat para tignan ito ngunit kinuha ni Jeremy ang phone ni Madeline at binuksan ang video. Nang marinig niya ang tunog mula sa video, sigurado si Naomi na ito ang video mula sa parke noong araw na iyon. Naririnig niya ang maraming taong nagsasabing nakakatakot ang mukha ni Madeline. Nagsimulang mahiya si Naomi. Akala niya walang nakakita sa kanya nang alisin niya ang maskara ni Madeline. Hindi niya inakalang may makakakuha sa eksenang ito sa video. Habang kinakabahan siya, nakita niya si Jeremy na nakatingin sa kanya. Lalong kinabahan dito si
Kakarating lang ni Madeline sa pinto ng kwarto. Sa sulok ng kanyang mata, naaninag niya si Jeremy na nakasunod sa kanya. Kaya huminto siya at lumingon. Ngumiti nang bahagya si Jeremy nang makita niya si Madeline na lumilingon. Lumapit siya dito nang elegante. Tapos nag-isip siya saglit bago sabihin, “Pasensya na at naagrabyado ka.” “...” Medyo nabigla si Madeline. Naisip niya na ang tono at titig ni Jeremy ay kakaiba nang sabihin niya ito sa kanya. “Mr. Whitman, di mo ba ako sisisihin sa panloloko ko kay Mrs. Whitman kanina?” Tanong ni Madeline. “Tingin ko walang nanloloko sa asawa ko,” Sumagot nang nakangiti si Jeremy. Maganda ang timpla niya. Lalong naguluhan dito si Madeline at napaisip din siya. Nang magsasalita na siya, nakita niya si Naomi na palapit sa likod ni Jeremy. Kaya binuksan ni Madeline ang pinto sa harapan niya. “Nandito nas i Mrs. Whitman, kaya damayan mo muna siya Mr. Whitman.” Pagkatapos magsalita ni Madeline, pumasok siya ng kwarto at isinara ang p