Nang makita niyang nagmamadali si Madeline, hindi niya ito pinigilan at sa halip ay tumalikod para tumayo sa harapan ng bintana para tignan ang pinto ng manor. Tapos binuksan niya ang kanyang Bluetooth earphones para pakinggan ang nangyayari sa pinto. Lumabas si Madeline ng pinto makalipas ang isang saglit. Nagpanggap siyang hindi niya nakita si Jeremy ngunit hininto ni Jeremy ang kanyang kotse sa tabi niya. Tinignan niya ito habang nagpapanggap na nagulat. “Mr. Whitman? Bakit ka nandito?” Hindi nagsalita si Jeremy. Sa halip, bumaba siya ng kotse at binuksana ng pampasaherong upusan para kay Madeline. “Pumasok ka.” “...” Nagdalawang-isip saglit si Madeline at hindi alam ang kanyang gagawin. Tinignan niya ang bintana kung nasaan siya kanina mula sa sulok ng kanyang mata bago pumasok ng kotse. Kung gaano siya kapamilyar dati sa upuang ito, lalo siyang naantig ngayon. Tumingin siya nang nag-iingat sa rear-view mirror. Nang masiguro niyang walang nakasunod sa kanya, palihim siy
’Ano? ‘Pruweba?’ Napahinto sa loob ng dalawang segundo si Naomi, tapos nakita niya si Madeline na nilalabas ang kanyang phone para buksan ang isang app. “Mrs. Whitman, sabi mo maraming tao ang kinukuhanan ako sa mga oras na iyon. Nagkataong may nakakuha ng sandaling inalis mo ang maskara ko. Aaminin mo lang ba ito kapag pinakita ko sa lahat ang video?” Nang mainig niya ito, lalong naging magulo ang mukha ni Naomi. Gusto niyang umakyat para tignan ito ngunit kinuha ni Jeremy ang phone ni Madeline at binuksan ang video. Nang marinig niya ang tunog mula sa video, sigurado si Naomi na ito ang video mula sa parke noong araw na iyon. Naririnig niya ang maraming taong nagsasabing nakakatakot ang mukha ni Madeline. Nagsimulang mahiya si Naomi. Akala niya walang nakakita sa kanya nang alisin niya ang maskara ni Madeline. Hindi niya inakalang may makakakuha sa eksenang ito sa video. Habang kinakabahan siya, nakita niya si Jeremy na nakatingin sa kanya. Lalong kinabahan dito si
Kakarating lang ni Madeline sa pinto ng kwarto. Sa sulok ng kanyang mata, naaninag niya si Jeremy na nakasunod sa kanya. Kaya huminto siya at lumingon. Ngumiti nang bahagya si Jeremy nang makita niya si Madeline na lumilingon. Lumapit siya dito nang elegante. Tapos nag-isip siya saglit bago sabihin, “Pasensya na at naagrabyado ka.” “...” Medyo nabigla si Madeline. Naisip niya na ang tono at titig ni Jeremy ay kakaiba nang sabihin niya ito sa kanya. “Mr. Whitman, di mo ba ako sisisihin sa panloloko ko kay Mrs. Whitman kanina?” Tanong ni Madeline. “Tingin ko walang nanloloko sa asawa ko,” Sumagot nang nakangiti si Jeremy. Maganda ang timpla niya. Lalong naguluhan dito si Madeline at napaisip din siya. Nang magsasalita na siya, nakita niya si Naomi na palapit sa likod ni Jeremy. Kaya binuksan ni Madeline ang pinto sa harapan niya. “Nandito nas i Mrs. Whitman, kaya damayan mo muna siya Mr. Whitman.” Pagkatapos magsalita ni Madeline, pumasok siya ng kwarto at isinara ang p
Kahit na sinabi sa kanya ni Adam na wag siyang mag-alala, nababahala pa rin si Madeline.Naghilamos siya sa banyo ngunit hindi siya naglakas-loob na itaas ang kanyang tingin para tignan ang kanyang sarili sa salamin. Ngunit habang naghihilamos siya, nararamdaman niyang mas makinis na ang balat niya. Kahit na hindi pa sobrang umigi ang kalagayan ng mukha niya sa 30 araw na paggagamot, ang balat niya ay hindi ganito kakinis noon. Nagalak si Madeline pero marahan pa rin siyang naghilamos. Sa huli, ginamit niya ang isang tuwalya para punasan ang mga patak ng tubig sa kanyang mukha. Makalipas ang isang saglit, nagkaroon na siya ng lakas ng loob para itaas ang kanyang tingin. Ang salamin sa harapan niya ay malawak at ang ilaw sa taas niya ay maliwanag. Malinaw na nakikita ni Madeline ang kalagayan ng mukha niya ngayon. Tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin at itinaas ang kanyang kamay para hawakan ang kanyang mukha habang nagtataka. Sa sandaling ito, lumitaw si Adam sa lik
”Bukas ulit, Amy.” Kumaway si Madeline at tumalikod. Ngunit pagkatapos niyang humakbang, narinig niya si Cathy na tinatawag siya mula sa likod, “Eveline.” Tinawag siya nitong Eveline. Napalingon si Madeline sa gulat at tinignan ang babae sa harapan niya nang nagagalak. “Lagi kang tinatawag ni Adam na Ms. Montgomery, pero naaalala ko na ang pangalan mo ay Eveline,” Kumunot an noo ni Cathy at sinabi niya nang nagtataka. “Lagi kong nararamdaman na kilala na kita noon, at di ko tinutukoy na nitong nakaraan pero matagal na.” Sinabi niya at sinabi niya ang tungkol sa nangyari noon. “Mayroong isang lalaki na ang pangalan ay Felipe Whitman na laging lumilitaw sa harapan ko. Paulit-ulit niya akong tinatawag na Cathy pero sigurado akong hindi ako si Cathy. Pero lagi pa rin syang nagpapakita sa akin hanggang sa sinabi kong ayaw ko sa kanya at sinabi kong wag na niya akong guluhin. Doon lang siya tumigil na magpakita.” Nang sabihin niya ito, nakikita ni Madeline ang lungkot sa mga
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Madeline at pamilyar na pamilyar sa kanya ang bilis nito. Ito ang lalaking minahal niya at ang lallaking minahal siya, kaya dapat natural lang na magkasundo sila. Ngunit sa sandaling ito, kinakabahan nang sobra si Madeline. Ngunit mas nag-aalala siya na baka ang pulang marka matapos mawala ng scab niya ay muling lumitaw. Wala siyang sapat na tapang para harapin ang lalaking ito. Pero ang boses niya...Habang kabado siyang nag-iisip, hinawakan ni Jeremy ang balikat niya at naglakad sa harap niya. Dapit-hapon na at sumikat ang liwanag sa mukha ni Madeline at nagkaroon ng isang korona ng liwanag. Tinignan ni Jeremy si Madeline at mayroong isang nagagalak na kislap sa kanyang malalalim na mata. Ngunit naglaho ito nang kasinbilis ng pagdating nito. Makalipas ang ilang segundo, ngumiti si Jeremy at binuksan niya ang kanyang bibig. “Linnie, bakit ka nandito?” Maamo ang tono niya at parang ang simoy ng hangin sa Abril o Mayo nang dumaan
Itinaas ni Madeline ang wine glass. Gusto niyang idaan sa inom ang lahat ng problema at lungkot na naranasan niya nitong nakaraan. Ngunit biglang may sinabi si Jeremy. “Linnie, tingin ko ang tagal na mula noong umupo tayo at nagkaroon ng isang candlelight dinner na tayong dalawa lang.” Nabigla si Madeline nang marinig niya ito. Ang malinaw at maliwanag niyang mata ay nakatingin sa mata ni Jeremy. Talagang ang tagal na. Tahimik na nagdalamhati si Madeline. Ngunit naisip niya ito makalipas ang isang sandali. Kung sinabi ito ni Jeremy, ibig-sabihin ba nito na hindi pa siya kumain kasama ni Naomi hanggang ngayon? Natuwa si Madeline. Ngumiti siya at itinaas ang wine glass kay Jeremy. Kahit na hindi nagsalita si Madeline, naunawaan ni Jeremy ang ibig-sabihin niya. Itinaas din niya ang kanyang wine glass at ibinangga ito sa braso ni Madeline. Nang makita niya ang mga dimple sa mukha ni Madeline, ngumiti din siya. Ang ilaw sa labas ay kumikislap na parang mga bituin at napakaro
Pagkatapos niyang marinig ito, hindi na nalungkot si Madeline. Ang lahat ng sakit na naramdaman niya ay naibsan ng lalaking ito sa sandaling ito. Nang iiyak na siya, inunat ni Jeremy ang kanyang braso at niyakap siya. “Linnie, wag kang masyadong mag-alala. Ikaw lang ang nag-iisa sa buhay ko at ang tanging babaeng mahal ko.” Ang malambing na pangako niya ay narinig sa tabi ng tainga niya. Tumango si Madeline habang may luha sa kanyang mga mata. Nanginig ang boses niya nang sabihin niya, “Alam ko.” Alam niya. Noon pa niya alam na mahal siya nito, mula pa noong umpisa hanggang ngayon. Pagkatapos ng yakap, yumuko si Jeremy at hinalikan sa labi si Madeline. Ngunit pagkatapos ng halik na ito, naramdaman ni Madeline na para siyang si Cinderella nang sumapit ang alas dose. Oras na para umalis. Nagkataong tumunog ang phone ni Jeremy. Sinagot niya ang tawag at sinabi pagkatapos makinig saglit, “Sabihin mo kay Lily pauwi na ako. Sabihin mo sa kanya wag na siyang umiyak.” ‘Umii