”Bukas ulit, Amy.” Kumaway si Madeline at tumalikod. Ngunit pagkatapos niyang humakbang, narinig niya si Cathy na tinatawag siya mula sa likod, “Eveline.” Tinawag siya nitong Eveline. Napalingon si Madeline sa gulat at tinignan ang babae sa harapan niya nang nagagalak. “Lagi kang tinatawag ni Adam na Ms. Montgomery, pero naaalala ko na ang pangalan mo ay Eveline,” Kumunot an noo ni Cathy at sinabi niya nang nagtataka. “Lagi kong nararamdaman na kilala na kita noon, at di ko tinutukoy na nitong nakaraan pero matagal na.” Sinabi niya at sinabi niya ang tungkol sa nangyari noon. “Mayroong isang lalaki na ang pangalan ay Felipe Whitman na laging lumilitaw sa harapan ko. Paulit-ulit niya akong tinatawag na Cathy pero sigurado akong hindi ako si Cathy. Pero lagi pa rin syang nagpapakita sa akin hanggang sa sinabi kong ayaw ko sa kanya at sinabi kong wag na niya akong guluhin. Doon lang siya tumigil na magpakita.” Nang sabihin niya ito, nakikita ni Madeline ang lungkot sa mga
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Madeline at pamilyar na pamilyar sa kanya ang bilis nito. Ito ang lalaking minahal niya at ang lallaking minahal siya, kaya dapat natural lang na magkasundo sila. Ngunit sa sandaling ito, kinakabahan nang sobra si Madeline. Ngunit mas nag-aalala siya na baka ang pulang marka matapos mawala ng scab niya ay muling lumitaw. Wala siyang sapat na tapang para harapin ang lalaking ito. Pero ang boses niya...Habang kabado siyang nag-iisip, hinawakan ni Jeremy ang balikat niya at naglakad sa harap niya. Dapit-hapon na at sumikat ang liwanag sa mukha ni Madeline at nagkaroon ng isang korona ng liwanag. Tinignan ni Jeremy si Madeline at mayroong isang nagagalak na kislap sa kanyang malalalim na mata. Ngunit naglaho ito nang kasinbilis ng pagdating nito. Makalipas ang ilang segundo, ngumiti si Jeremy at binuksan niya ang kanyang bibig. “Linnie, bakit ka nandito?” Maamo ang tono niya at parang ang simoy ng hangin sa Abril o Mayo nang dumaan
Itinaas ni Madeline ang wine glass. Gusto niyang idaan sa inom ang lahat ng problema at lungkot na naranasan niya nitong nakaraan. Ngunit biglang may sinabi si Jeremy. “Linnie, tingin ko ang tagal na mula noong umupo tayo at nagkaroon ng isang candlelight dinner na tayong dalawa lang.” Nabigla si Madeline nang marinig niya ito. Ang malinaw at maliwanag niyang mata ay nakatingin sa mata ni Jeremy. Talagang ang tagal na. Tahimik na nagdalamhati si Madeline. Ngunit naisip niya ito makalipas ang isang sandali. Kung sinabi ito ni Jeremy, ibig-sabihin ba nito na hindi pa siya kumain kasama ni Naomi hanggang ngayon? Natuwa si Madeline. Ngumiti siya at itinaas ang wine glass kay Jeremy. Kahit na hindi nagsalita si Madeline, naunawaan ni Jeremy ang ibig-sabihin niya. Itinaas din niya ang kanyang wine glass at ibinangga ito sa braso ni Madeline. Nang makita niya ang mga dimple sa mukha ni Madeline, ngumiti din siya. Ang ilaw sa labas ay kumikislap na parang mga bituin at napakaro
Pagkatapos niyang marinig ito, hindi na nalungkot si Madeline. Ang lahat ng sakit na naramdaman niya ay naibsan ng lalaking ito sa sandaling ito. Nang iiyak na siya, inunat ni Jeremy ang kanyang braso at niyakap siya. “Linnie, wag kang masyadong mag-alala. Ikaw lang ang nag-iisa sa buhay ko at ang tanging babaeng mahal ko.” Ang malambing na pangako niya ay narinig sa tabi ng tainga niya. Tumango si Madeline habang may luha sa kanyang mga mata. Nanginig ang boses niya nang sabihin niya, “Alam ko.” Alam niya. Noon pa niya alam na mahal siya nito, mula pa noong umpisa hanggang ngayon. Pagkatapos ng yakap, yumuko si Jeremy at hinalikan sa labi si Madeline. Ngunit pagkatapos ng halik na ito, naramdaman ni Madeline na para siyang si Cinderella nang sumapit ang alas dose. Oras na para umalis. Nagkataong tumunog ang phone ni Jeremy. Sinagot niya ang tawag at sinabi pagkatapos makinig saglit, “Sabihin mo kay Lily pauwi na ako. Sabihin mo sa kanya wag na siyang umiyak.” ‘Umii
Hinawakan ni Naomi ang kanyang mukha. Nang makita niya ang matalim at malamig na kislap sa mga mata ni Madeline, nagulat siya. Pagkatapos siyang pagbantaan ni Madeline, tinulak niya si Naomi para bumaba ng hagdan. Naiinis si Naomi sa mga pagbabantang ito. Habang di nakatingin si Madeline, bigla niyang iniunat ang kanyang paa para tisurin si Madeline. Ngunit para bang handa si Madeline. Nang iunat ni Naomi ang kanyang paa, inatras niya ang kanyang paa at kasabay nito, hinila niya si Naomi. Hindi inasahan ni Naomi na ganito kabilis kikibo si Madeline. Nabigla siya matapos siyang mahila at nawalan siya ng balanse bago mahulog sa hagdan. Nang may malakas na kalabog, gumulong siya pababa ng hagdan. “Ah!” Tapos gumulong si Naomi hanggang sa unang palapag habang sinasamahan ng mga sigaw niya. Nang makita ito ni Jeremy nang pumasok siya ng pinto, tumayo siya doon nang hindi kumikibo sa gulat. Ngunit hindi siya lumapit para tulungan si Naomi kahit ang tagal na ng nakalipas. Nasa
Tinawag ulit si Madeline na mommy ng munting prinsesa. Di makipaliwanag ni Madeline ang galak na nararamdaman niya ngayon. Ngunit makikita sa mga mata niya ang umaapaw na ligaya.Tinignan ni Jeremy ang kumikislap na mata ni Madeline at lumapit siya kay Madeline habang nasa braso niya si Lilian. “Tingin ko gusto ka ng anak ko. Pwede mo ba akong tulungang hawakan ang batang ito para patahanin siya?” Hindi inakala ni Madeline na sasabihin ito ni Jeremy. Syempre gustong-gusto ito ni Madeline. Tumango siya kaagad at inabot niya ang kanyang kamay para hawakan si Lilian. Nang makita ito ni Naomi mula sa sala, nainis at kinabahan siya. Dahil ba ito sa lukso ng dugo at dugo’t laman niya si Lilian? Ito ba ang dahilan kung bakit nararamdaman ng batang ito na ang nakahawak sa kanya ngayon ay ang tunay niyang nanay? Tahimik na tinikom ni Madeline ang kanyang kamao nang makita niyang dinadala ni Madeline paakyat si Lilian. Atsaka nagngitngitan din ang kanyang ngipin. Di niya ito h
”Jack, maging good boy ka at bantayan mo ang kapatid mo.” Ngumiti siya at sinuyo ito bago maglakad papunta sa pinto. Kumakain ng prutas nang mag-isa sa sala si Naomi. Nagpaplano siya kung paano siya makakabawi kay Madeline nang makita niyang naglalakad pababa si Madeline. Nabigla siya, at habang nagtataka siya kung anong gagawin ni Madeline, sumugod na si Madeline sa harapan niya na parang isang malakas na hangin. Hinawakan ni Madeline ang kwelyo ni Naomi at di siya nag-alinlangan bago sampalin ito nang malakas sa mukha. Pak! “Ah!” Sumigaw sa sakit si Naomi. Kasabay nito, naalarma ng boses niya si Karen at Jeremy na kakaakyat lang. Lumabas sila ng mga kwarto nila at kasabay nito bumaba sila. Tapos nakita nila si Madeline na hawak si Naomi sa kwelyo. Namutla sa gulat ang mukha ni Karen. Hindi niya alam kung anong nangyayari kaya kaagad siyang lumapit. Natulala din si Naomi sa biglang sampal. Nang mahimasmasan siya, tinitigan niya nang masama si Madeline at nagbanta n
Nanggigigil si Madeline at di na niya matiis ang inaasal ni Naomi. Itinaas niya ang kanyang kamay para hilahin pababa ang kanyang maskara para labanan nang harapan si Naomi. Nang makita ni Naomi na gustong alisin ni Madeline ang kanyang maskara, nagulat siya. Pero hindi siya nag-aalala. Alam niya na sobrang lala ng mukha ni Madeline na hindi ito matignan nang diretso. Kaya walang maniniwala na ang taong may ganitong mukha ay ang tunay na Madeline. Sa sandaling ito, lumitaw si Jeremy sa likod ni Madeline. “Quinny,” Tinawag nito nang marahan si Madeline. Biglang huminto si Madeline matapos ihubad ang isa sa mga strap ng kanyang maskara. “Quinny, di mo kailangang umalis. Bumalik ka muna sa kwarto mo.” Lumapit sa tabi ni Madeline si Jeremy at tinignan siya sa mata gamit ng malalim nitong mata. Ang titig nito ay napakamaamo. “Paano nating magagawa yan Jeremy? Sinampal niya si Eveline! Sinampal niya ang asawa mo!” Idiniin ni Karen. Sa loob ni Naomi, gusto niyang gamitin si Ka