Nanggigigil si Madeline at di na niya matiis ang inaasal ni Naomi. Itinaas niya ang kanyang kamay para hilahin pababa ang kanyang maskara para labanan nang harapan si Naomi. Nang makita ni Naomi na gustong alisin ni Madeline ang kanyang maskara, nagulat siya. Pero hindi siya nag-aalala. Alam niya na sobrang lala ng mukha ni Madeline na hindi ito matignan nang diretso. Kaya walang maniniwala na ang taong may ganitong mukha ay ang tunay na Madeline. Sa sandaling ito, lumitaw si Jeremy sa likod ni Madeline. “Quinny,” Tinawag nito nang marahan si Madeline. Biglang huminto si Madeline matapos ihubad ang isa sa mga strap ng kanyang maskara. “Quinny, di mo kailangang umalis. Bumalik ka muna sa kwarto mo.” Lumapit sa tabi ni Madeline si Jeremy at tinignan siya sa mata gamit ng malalim nitong mata. Ang titig nito ay napakamaamo. “Paano nating magagawa yan Jeremy? Sinampal niya si Eveline! Sinampal niya ang asawa mo!” Idiniin ni Karen. Sa loob ni Naomi, gusto niyang gamitin si Ka
Hinawakan ni Naomi ang kanyang pisngi na masakit parin dahil sa sampal. Pakiramdam niya na hindi na niya ito maipapagpatuloy pa. Halos harapan nang lumalaban si Madeline sa kanya. Ang nagpabagabag sa kanya at ang nakakapagtaka ay ang ugali ni Jerekmy. Malinaw na mas pinapaboran na niya si Madeline ngayon. ‘May naramdaman ba siya?’ Nagsimulang mataranta si Naomi. … Bumalik si Madeline sa kwarto ng mga bata. Pagkatapos niyang alisin ang lahat ng kanyang inis, ngumiti siya at sinamahan si Lilian at Jackson nang may lambing sa kanyang mata. Sa wakas, nakaalis siya sa mga kwarto nila at inilapag sila sa kama. Hinanap niya si Eloise. Pagkatapos makitang mahimbing na natutulog si Eloise, bumalik siyasa kanyang kwarto nang panatag ang loob. Pagkatapos niyang maligo, inalis ni Madeline ang makeup sa kanyang mukha. Muling lumitaw ang mga pulang marka sa salamin. Talagang tulad ito ng sinabi ni Adam. Ang mga pulang marka ay di madaling mawawala. Ang epekto ng gel ay parang isa
Nasa isip ni Madeline na napakahinhin niya pero bigla pa ring nagising si Jeremy. Ayaw niyang guluhin ang pahinga nito pero talagang gising na si Jeremy. Naguguluhan si Madeline kaya sinubukan niyang humanap ng dahilan. “Mr. Whit—”“Linnie.” “...” Biglang tinawag ni Jeremy si Madeline gamit ng pangalang ito. Natulala si Madeline at binaba ang kanyang tingin para tignan ang mata ni Jeremy. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang malalim niyang mata na kamukha ng langit sa gabi ay mukhang medyo tuliro. “Linnie, buti at nandito ka,” Nagdalamhati si Jeremy. Ang manipis at kaakit-akit niyang labi ay ngumiti. Habang nakangiti siya, inunat niya ang kanyang braso para hawakan sa balikat si Madeline. Tapos inilapag niya ang kanyang ulo nang marahan sa katawan nito. Nabigla si Madeline. Nananaginip ba siya? Antok ba siya? Hindi niya ito maintindihan. Ngunit ayaw niyang malaman ito sa sandaling ito. Hinawakan nang marahin ni Madeline ang ulo ni Jeremy at ang daliri niya ay dumaan
Kaagad na nagkaroon ng maraming tanong si Madeline sa kanyang isipan. Ngunit wala siyang sagot sa kahit alin dito.Pagkatapos umupo saglit nang tahimik sa kama, nagpalit na siya at naligo. Habang naliligo siya, nakita niya ang tunay niyang mukha sa salamin. Ang liwanag sa kanyang mukha ay naging medyo mapanglaw. Sinuot niya ang kanyang maskara at lumabas ng kwarto para hanapin si Eloise. Sakto nang maglakad siya palagpas ng pasilyo, nakita niya si Jeremy na naglalakad palabas ng study, Ang matangkad at payat na katawan ng lalaki ay eleganteng lumalapit. Ang bukod-tangi nitong aura at tindig ay umantig sa puso ni Madeline. Sa sandaling ito, nakatinginan ni Madeline si Jeremy. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Madeline matapos maalala ang nangyari sa study kagabi. Ngunit pagkatapos tumingin sa mata ni Jeremy, di na alam ni Madeline kung paano ilayo ang tingin niya. Nagwawala ang tibok ng kanyang puso pero mukhang hindi natitinag ang lalaki. Ang masigla nitong mata
Naglakad si Madeline papunta sa pinto ng opisina. Noong kakatok na sana siya, nakita niya na walang tao sa loob sa kabila ng pintong gawa sa salamin. Binuksan niya ang pinto. Pagpasok niya, nilapag niya ang dokumento sa mesa. Nagtataka siya kung saan nagpunta si Jeremy nang biglang tumunog ang teleponong nasa mesa. Sinagot ni Madeline ang tawag. Pagkatapos, narinig niya ang boses ng isang lalaki mula sa kabilang linya ng telepono. "Mr. Whitman, nasa inbox mo na ang final proposal para sa ZS kaninang umaga. Pinagmamadali tayo ng customer, kaya please sumagot ka sa lalong madaling panahon. Hihintayin ko ang sagot mo." Sumagot si Madeline nang marinig niya ito. "Sasabihin ko kay Mr. Whitman ang tungkol dito. Please maghintay ka." Nagulat ang lalaki sa kabilang linya nang marinig niya ang boses ng isang babae. Pagkalipas ng ilang sandali, sumagot ang lalaki, "Salamat." "Walang anuman." Pagkatapos iyong sabihin ni Madeline, binaba niya ang telepono. Gusto sana niyang tawagan s
"Sayang naman kung hindi kita kukunin na secretary ko." Ang sabi ni Jeremy na para bang nanghihinayang siya. Pagkatapos ay bigla siyang naglakad palapit kay Madeline at sinabing, "Gusto mo bang maging secretary ko? Yung lagi kang nasa tabi ko anumang oras at kahit saan?" “...”Pakiramdam ni Madeline ay hindi pa niya nakitang ganito si Jeremy noon. Seryoso siyang magsalita ngunit may mapaglarong ngiti sa kanyang gwapong mukha. Hindi dapat ito ang ekspresyon na mayroon siya. Walang masabi si Madeline. Subalit, lalong lumapit sa kanya si Jeremy. Higit na mas malaki siya kaysa sa kanya, at parang isang anino ang aura niya na bumalot kay Madeline. Napansin ni Madeline na parang may kakaiba kay Jeremy. Umatras siya, ngunit biglang hinawakan ni Jeremy ang kamay niya. "Tinatanggihan mo ba ako?" May ngiti sa kanyang mga labi, at mayroong kakaibang pakiramdam ng pagmamahal sa kabila ng malalim niyang mga mata. Sinubukang kontrolin ni Madeline ang kanyang sarili at sinubukan niyang
'Ano?' Nanlaki ang mga mata ni Madeline, at sa loob ng ilang sandali, hindi niya maintindihan kung ano ang sinabi ni Jeremy. Subalit, habang naguguluhan siya, biglang inangat ni Jeremy ang kanyang mukha. Sa kabila ng manipis na maskara ni Madeline, yumuko siya at hinalikan niya ang mga labi ni Madeline. “...”Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Madeline. Walang salita na makakapaglarawan sa nararamdaman niya ngayon. 'Jeremy, anong problema mo?' Iniisip ni Madeline na matalino siya, pero sa mga sandaling ito, hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip ni Jeremy ngayon. Noong matauhan siya at sinubukan niyang itulak si Jeremy, naramdaman niya ang nga daliri ni Jeremy sa tainga niya. Balak niyang tanggalin ang maskara ni Madeline. Biglang inangat ni Madeline ang kanyang kamay at hinawakan niya ang kamay ni Jeremy. “Jeremy Whitman.”Tinawag niya siya sa buong pangalan niya. Tumingin si Jeremy sa mga naiinis na mata ni Madeline. "Mr. Whitman, huwag mong kalimutan na may
"Ginagawa mo lang ba 'to kasi pareho kami ng mata ng asawa mo, Mr. Whitman?" "Sinabi ko na sayo, dahil 'to sa nararamdaman ko." Seryosong nagsalita si Jeremy. Yumuko siya at nilapit niya ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ni Madeline. Habang abala si Madeline, hinalikan ni Jeremy ang kanyang leeg.Nakaramdam ng malakas na kuryente sa kanyang puso si Madeline, at alam niya na nagtagumpay si Jeremy sa pang-aakit sa kanya. "Hindi mo ba naisip na sinasaktan mo ang asawa mo na si Eveline sa ginagawa mo, Mr. Whitman?" "Sa tingin ko hindi." “...”Nagulat si Madeline sa sagot ni Jeremy. 'Jeremy, g*go ka. Ang lakas ng loob mo na sabihing hindi kahit na hindi ka man lang huminto para pag-isipan ang tungkol dito."Bang!Binagsak ni Madeline ang tasa ng kape at tumakas siya mula sa yakap ni Jeremy. "Hindi kita pagsisilbihan at ipagtitimpla ng kape. Hindi rin kita sasamahan buong gabi para tulungan kang ayusin ang mga dokumento mo!" Pagkatapos magsisigaw ni Madeline,