Share

Kabanata 1236

Walang magawa si Madeline. Baka si Jeremy na lang ang makakapagpagaling sa anak nila ngayon.

Pagkatapos niyang ihatid si Lilian pabalik sa Whitman Manor, kaagad siyang bumalik sa bahay ni Ryan.

Wala roon si Ryan kaya nagpunta si Madeline sa kwarto dahil gusto niyang kunin ang suit mula sa aparador.

Iyon ang pinakamalaking ebidensya para patunayan na si Ryan ang pumatay kay Lana.

Binuksan ni Madeline ang pinto ng aparador, pero wala na itong laman.

Kinuha kaya ni Ryan ang mga damit niya bago pa niya ito magawa?

Hindi natuwa si Madeline, sabay mabilis siyang nagsimulang hanapin ito.

Pagkatapos niyang magtingin sa paligid ay wala siyang mahanap.

Gusto niyang bumalik sa cloakroom, pero sa sandaling makahakbang siya palabas ng kwarto, nakabungguan niya si Ryan na bilang umakyat.

Nang makita niya ang nagmamadaling ekspresyon ni Madeline, sumilip si Ryan sa kwarto. "Anong problema? Parang may hinahanap ka?"

"Nawawala ang rose badge na ginawa para sa'kin ng anak ko," kalmad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status