Napansin ni Jeremy na mayroong mali. Nang narinig niya ang malamig na mga salita ng lalaki ay lumingon siya.Malakas ang ulan at napakahina ng ilaw mula sa poste pero nakikita pa rin niya ang tubig sa lapag na nahahaluan ng dugo. Tinaas niya ang kanyang mga mata mula sa dugo at nakita niya ang isang maputlang lalaki na nakahiga sa may damuhan. Nang papalapit na sana siya para tignan kung anong nangyayari, mabilis na umandar papalayo ang kotse sa kanyang likuran. Pagkatapos niyang lumingon sa paligid, napansin niya na siya na lang ang naroon. Lumapit si Jeremy sa lalaking nakahiga sa lapag nang walang pag-aalinlangan. Tinignan niya ito nang malapitan at nalaman niya na ang lalaking ito ay ang pulis na umaresto sa kanya noon. Nakasuot siya ng sibilyang damit at maputla ang kanyang mukha. Maliban roon, may ilang hiwa siya sa kanyang katawan at nagdurugo pa rin siya. Kinapa ni Jeremy ang kanyang ugat sa leeg gamit ng kanyang mga daliri at nalaman niya na tumitibok pa rin ito
Biglang gumawa ng ingay ang pulis na hindi pa namamatay. Tinaas niya ang kanyang nanginginig na mga kamay at itinuro ito kay Ryan. Galit siyang nagsabi, "Ikaw pala ang totoong pumatay kay Lana! Pi-pinagbintangan mo si Mr. Whitman…" Hindi inaasahan ni Ryan na hindi pa patay ang pulis pero hindi siya nabahala. Sa halip ay mas lumaki ang kanyang ngiti. "Oo, ako nga. Pinatay ko ang babaeng nagngangalang Lana, pagkatapos ay pinagbintangan ko si Jeremy Whitman para roon. Eh ano ngayon? Nalaman ba ng kahit na sino sa inyo ang katotohanan?" "Ikaw…" Galit na nanlaki ang mga mata ng pulis at tinuro ang hindi nababahalang mukha ni Ryan. Iniunat niya ang kamay na para bang ilalabas ang kanyang phone para tawagan ang kanyang mga kasamahan. Nang makita ito ni Ryan, tinutok niya ang baril sa puso ng pulis nang walang pag-aalinlangan at kinalabit ang gatilyo… Bang! Biglang nakarinig si Madeline ng putok ng baril habang hinahanap ang lokasyon ni Ryan. Bigla siyang huminto habang bumilis ang
Nagulat si Madeline pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Jeremy. Habang nakatingin sa kanyang mga mata na kasing lalim ng gabi at kasing lamig ng tubig, sa ilang sandali, hindi niya matukoy kung nagsasabi siya ng totoo o sinasadya niya siyang inisin para umalis siya. "Umalis ka na." Tinignan ni Jeremy si Madeline na nakatulala at inulit ito. “Jeremy?”"Maraming nagawang masasamang pagkakamali si Ryan, pero tama siya sa isang bagay." Huminga nang malalim si Jeremy at tiniis ang hapdi sa kanyang braso. Pagkatapos, tinawanan niya ang kanyang sarili at nagsabing, "Ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko ay ang pahalagahan ka masyado. Eveline, mahal kita, pero kung babagsak ang buong Whitman family nang dahil sa pag-ibig ko sa'yo, masyado itong malaki bilang kapalit." Hindi makapaniwala si Madeline sa kanyang naririnig sa sandaling ito. Pakiramdam niya ay nagsisimula nang humiwalay ang kanyang malay. "Eveline, napapagod na rin ako." Bigla niyang sinabi ang isang pagod na
Naglakad si Ryan papunta sa living room. Pagkatapos, nakarinig siya ng isang malakas na kalabog na para bang mayroong nabasag. Kumunot ang noo sa pagtataka at mabilis siyang pumasok. Ngunit, nagulat siya sa nakita niya sa kanyang harapan. "Eveline!"Mabilis siyang tumakbo papunta sa lasing na si Madeline na nakaluhod sa lapag at tinulungan siyang tumayo. Tinulak siya ni Madeline palayo. "Iwan mo ko!" Kinuha niya ang bote ng red wine at direkta itong tinungga. Suot pa rin niya ang damit niya kanina at basa ang kanyang katawan. Ang kanyang buhok at mga mata ay basa rin. "Bakit niya sinabi sa'kin yun? Bakit?" Umiyak si Madeline at nagreklamo, "Kaya kong tiisin ang lahat basta't maging maayos lang siya. Bakit niya biglang sinabi na napapagod na siya ngayon?" Mapait na tinawanan ni Madeline ang kanyang sarili. "Ilang taon na ba? Ilang taon ko na bang minahal ang lalaking to?" tanong niya sa kanyang sarili habang tinaas niya ang kanyang mapupulang mga mata para tignan si Ryan
Nang makita niya ang seryosong itsura ni Madeline, binaba ni Ryan ang tasa ng kape at malambing na tinignan si Madeline. "Anong gusto mong pag-usapan natin?" Bahagyang yumuko si Madeline bago tumalikod at maglakad papunta sa bintana. "Kagabi, bigong-bigo ako at mahirap para sa'kin na tanggapin ang kalamigan niya. Baka tama ka at kailangan ko nang bumitaw. Baka sa umpisa pa lang, hindi talaga tugma ang kasal namin ni Jeremy."Nag-aalalang tumingin si Ryan sa likod ni Madeline. "Kung ganon, ang balak mong pag-usapan natin ay…" "Hindi ko alam kung ano ang susunod na haharapin niyang parusa. Umaasa lang ako kung talagang kailangan niyang mamatay, sana kahit papaano ay hindi siya magdusa sa sakit ilang araw bago ang bitay." Unti-unting naintindihan ni Ryan ang ibig sabihin ni Madeline. "Gusto kong ibigay ko kay Jeremy ang anti-toxoid reagent?" "Oo. Kahit ano pa ang maging hatol, umaasa ako na ibibigay mo sa kanya ang reagent." Tumalikod si Madeline. Mukhang may kapangyarihan an
"Eveline, anong ginagawa mo?" Mukhang naguguluhan si Jeremy. "Mag-asawa tayo. Ayaw kitang mamatay nang nasa katawan mo pa ang lason na to." Diretsong tinignan ni Madeline ang lalaki at tinurok ang gamot sa braso ni Jeremy nang walang pag-aalinlangan. Tinignan niya ang lalaki na hindi tumanggi. Namula ang gilid ng kanyang mga mata. "Pupunta ka sa korte bukas at umaasa ako na hindi ito ang huling pagkikita natin." Mukhang natulala si Jeremy nang marinig niya ang sinabi ni Madeline. Nasalamin sa kanyang mga mata ang malungkot na mukha ni Madeline. Bago siya makapagsalita ay umalis na siya. Sa sandaling makalabas ng pinto si Madeline, nakita niya si Ryan na naghihintay sa kanya. Lumapit siya sa kanya, nagpasalamat, at sumakay sa kotse. Alam ni Ryan na nalulungkot ngayon si Madeline kaya hindi niya siya ginulo. Pagkatapos niyang ihatid si Madeline pauwi, maalaga siyang nagtimpla ng isang tasang kape para sa kanya. "Wag mo tong masyadong isipin. Sasamahan kita sa hearing buk
Bahagyang ngumiti ang mapupulang labi ni Madeline. Ang matangkad at gwapong anyo na iyon ay malinaw na nasalamin sa kanyang magagandang mga mata. Nakasuot si Jeremy ng isang pinasadyang suit, itim na polo, at pulang kurbata. Nakatayo siya sa panig ng nasasakdal na mukhang kalmado at elegante. Kumpara sa kung gaano siya kapagod at kasakiting tignan nitong nakaraang dalawang araw, maganda na ang kanyang kalagayan pati ang kanyang timpla. Elegante ang kanyang tindig at ang buo niyang katawan ay nagpapakita ng isang kalmadong karisma. Parang hindi siya isang kriminal na naghihintay ng sentensya, sa halip ay isang dominanteng husgado na gustong manubok ng iba. Walang pakialam na tinignan ni Ryan si Jeremy. Hindi importante kung gaano kaganda ang imahe ni Jeremy o kung gaano kalakas ang kanyang aura ngayon. Hindi siya makakatakas sa bintang sa kanya na pagpatay ngayong mayroong silang matibay na ebidensya. Nginitian ni Ryan ang hindi natitinag na tingin ni Jeremy. Mukhang pin
Tahimik niya siyang tinignan ng kanyang malalalim na mga mata bago nagsabing, "Wala akong masasabi." Lumitaw ang napakaraming spekulasyon mula sa sagot ni Jeremy. "Walang masabi si Jeremy. Pag-amin ba yun?" "May mga testigo at pisikal na ebidensya rin tayo. Hindi talaga siya makakalaban sa simula pa lang." "Hindi ko talaga inaasahan na makakapatay siya ng tao." "Aw, hinahangaan ko pa naman siya dati!" Kinumpirma ng mga bulung-bulungan ng mga tao sa korte ang mga bintang kay Jeremy. Ganoon rin ang mga diskusyon sa internet. Tinignan ni Madeline sina Karen at Winston sa kabilang panig. Nakakunot ang kanilang mga noo habang mukhang sobrang nag-aalala. "Bakit hindi ipinagtatanggol ni Jeremy ang sarili niya? Paano siya makakapatay ng tao? Hindi siya papatay!" Bulong ni Karen. Kumunot rin ang noo ni Winston. "Wag kang masyadong mataranta. Kapag hindi to ginawa ni Jeremy, hindi niya hahayaan ang sarili niya na mapagbintangan ng ganitong krimen." "Manahimik." Pinukpok ng hu
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si