Nanigas ang ngiti sa mukha ni Ryan nang biglang magsabi ng ganito si Madeline. Lumingon siya para tingnan si Madeline na nakangiti at kalmado. Pagkatapos, nagsimulang mabuo ang pagdududa sa kanyang puso. 'Bagong ebidensya? 'Anong bagong ebidensya ang ibibigay niya?' Maingat na tinignan ng hukom si Madeline. "Sino ka?" Magalang na yumuko si Madeline. "Ako ang asawa ni Jeremy Whitman, at ang pangalan ko ay Eveline Montgomery." Kumunot ang noo ni Ryan nang marinig niya ang pagpapakilala ni Madeline. Kakaiba ang tingin ng mga taong nanonood sa live broadcast at ng mga nasa korte kay Madeline habang sinasabihan siya ng mga masasamang komento. Baliw ba ang babaeng ito? Noong una, sinabi niya na si Jeremy ang asawa niya. Sa sumunod na segundo, nakita siya kasama ni Ryan. Ngayon, sinasabi niya na siya ang asawa ni Jeremy sa korte? Anong nangyayari?Kaagad na nagsalita ang abogado, "Your Honor, hindi pwedeng ipakita sa korte ang mga hindi pa nasusuring ebidensya. Hindi ito m
Parehong nagulat sina Karen at Winston. Pagkatapos, tinginan nila si Madeline na kalmado pa rin habang naguguluhan sila. "Eveline, wag mo nang ulitin ang pagkakamali mo. Nasa korte tayo." Mukhang pinapakiusapan siya ni Ryan sa isang mahinahon at mabuting paraan. Makahulugang ngumiti si Madeline. "Ryan, hindi ko na kayang ituloy ang pagpapanggap ko at hindi mo na rin kailangang ituloy to." "..." Nabigla si Ryan. Habang nakatingin kay Madeline na arogante at mapagmataas ngayon, hindi niya maisip na siya rin ang babaeng naglasing sa kasawian kagabi. Pagpapanggap lang ang lahat ng iyon? Ang kanyang kahinaan, kalungkutan, at kasawian sa gabing iyon ay isa lamang pagpapanggap? "Ryan, alam ko na sasabihin mo na gumawa ako ng pekeng ebidensya para kay Jeremy, pero ang kasinungalingan ay isa pa ring kasinungalingan. Hindi magtatagal ang kasinungalingan sa harap ng katotohanan." Nanlulumong tinignan ni Ryan si Madeline na nakatayo hindi malayo sa kanya. Pagkatapos, nakita niya siya
Nakabalot ng tuwalya ang babae sa video at nakatayo sa harapan ng isang eleganteng lalaki. Hindi alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Pagkatapos, biglang naglabas ang lalaki ng isang baril na may silencer at binaril ang babae sa kanyang binti. Kaagad na natumba sa lapag ang babae sa sakit habang nakasandal sa pader. Pagkatapos nito, binaril ng lalaki ang babae sa balikat. Sa huli, direkta niyang binaril ang babae sa kanyang puso. Napakalinaw ng eksena ng pagbaril na ito. Dahil sa distansya sa pagitan ng dalawang building, medyo malabo ang mukha ng lalaki at babae, pero base sa anyo at damit nila, masasabing ang lalaking naka-itim na suit ay si Ryan habang ang babae naman ay si Lana."Diyos ko!" " Si Ryan yun!" "Hindi ko inaasahan na si Ryan ang tunay na mamamatay tao!" "Talagang pumatay siya ng tao at pinagbintangan pa si Jeremy?" "Napakasama niya!". Nagulat ang mga tao sa korte habang nagwala naman ang mga komento online. Pagkatapos, nagbigay si Madeline ng isa
Paanong magkakaroon ng testigo? Nang nagsuspetya pa lang siya na sinusubukan lang maging misteryoso ni Madeline, nakita niya ang isang tao na biglang pumasok mula sa pinto sa gilid. Naka-wheelchair ang lalaki, at kahit na hindi masyadong maayos ang kanyang kalagayan, isa nga talaga siyang buhay na tao! Tinignan ni Ryan ang pulis na kanyang personal na binaril at pinatay pero lumabas na ligtas at buhay. "Ryan, hindi mo to inasahan, tama? Hindi ako patay." Kahit na nanghihina ang pulis, puno siya ng sigla nang sinabi niya ito. "Totoo ang recording na pinarinig ni Ms. Montgomery kanina, dahil ako ang nag-record nito gamit ng isang recording pen," tinitigan nang masama ng pulis si Ryan at nagsabi. "Your Honor at sa lahat ng tao rito, nanunumpa ako sa pangalan ng People's Police na si Ryan Jones ang tunay na salarin sa likod ng pagkamatay ni Lana Johnson. Sa gabing iyon, sinubukan niya akong patayin at muling sinisi si Jeremy Whitman. Si Ryan Jones ang nasa likod ng lahat ng ito
Habang nakatingin kay Jeremy na puno nang pag-aalala ang mga mata, tumawa si Ryan at nagtanong, "Sa tingin mo ba kaya ko siyang bitawan ngayon?" Kumpara sa kaba ni Jeremy, mas kalmado si Madeline. "Ryan, isa ka ring agent ng Interpol, kaya alam mo dapat na mapaparusahan ka ng batas kapag gumawa ka ng krimen." Nagpakita nang kaunting pagpapahalaga ang mga mata ni Ryan bang makita niya na hindi natatakot si Madeline. "Alam ko, kaya hindi kita pwedeng bitawan ngayon." Ngumisi siya, pero wala na ang ngiti sa kanyang elegante at gwapong mukha na kasing malumanay ng hangin sa tagsibol. Sa sandaling ito, ang natitira na lang ay isang masamang ngisi. Hindi na kailangan ng pagtatanong dahil mula sa kinikilos ni Ryan, malinaw na nakikita ng lahat ang katotohanan ngayon. Pumatay siya ng tao at binalak na pagbintangan si Jeremy, pero sa huli, hindi mananalo ang kasamaan laban sa hustisya. Tuluyang nabasag ni Madeline ang kanyang malumanay at eleganteng maskara at ngayon ay nababalot siya
Pagkatapos marinig ang paliwanag ni Madeline, hindi mapigilang tumawa ni Ryan. "Eveline, nagkamali ako ng tingin sa'yo." Mukhang umaamin siya ng pagkatalo, pero parang may bakas ng saya sa kanyang mukha. "Tama ako. Isa ka ngang babae na nararapat na kong sundan nang maligaya." "Hindi ako ganoon kagaling. Ryan, natalo ka dahil masyado kang arogante." Walang awa siyang pinuna ni Madeline at sinabi kay Ryan ang maliliit na detalye. "Sa totoo lang, alam ko na may camera sa study mo. Alam ko na baka nakita mo kong pumasok sa study mo at sinubukang buksan ang safe mo. Kaya sinadya kong sabihin sa'yo na gusto kong nakawin ang mga gamot." Nang marinig ito, bahagyang nagbago ang mukha ni Ryan. Noong nangyari ito, inisip niya na nagiging tapat lang si Madeline sa kanya, pero hindi niya inasahan na ginawa niya lang iyon para makuha ang tiwala niya!"Ryan, masasabi ko rin sa'yo na walang nakatira sa tapat ng Glendale Hotel na nakunan ng video ang eksena ng pagpatay mo kay Lana sa
Nang makita niyang tumatakbo papunta sa kanya si Jeremy, tinutok ni Ryan ang kanyang baril kay Madeline. Pagkatapos, isang ngiti na parehong makatarungan at masama ang lumitaw sa kanyang gwapong mukha. "Sumama ka sa'kin." Sinabi niya ito kay Madeline bago hinawakan ang kanyang kamay at naglakad papunta sa pantalan. Mayroong isang maliit na yate sa pier. Pagkatapos, tinulak ni Ryan si Madeline papunta sa yate at pinaandar ito. Lumingon sa likuran si Madeline at nakita niya si Jeremy na tumatakbo papunta sa dulo ng pantalan, ngunit wala siyang magawa kundi manood habang kinuha siya ni Ryan. "Linnie." Mukhang nagaalala si Jeremy. Habang nakatingin sa anyo na unti-unting lumalabo, kaagad niyang binuksan ang app sa kanyang phone at hinanap ang lokasyon ni Madeline. Habang nakatingin sa maliit na pulang puso na tumitibok sa screen, naramdaman niya rin bumilis ang tibok ng kanyang puso. 'Linnie, ililigtas kita. 'Pagkatapos, magsasama na tayong muli bilang pamilya.' Dahil din
"Saan mo ko dadalhin?" Huminto si Madeline. Hindi niya talaga gustong magpatuloy na maglakad kasama niya. Lumingon sa kanya si Ryan. "May magagawa ka pa ba maliban sa sundan ako?""Ryan, kung gusto mong tumakas, magiging pabigat lang ako sa'yo kapag sinama mo ako." Ngumiti si Ryan nang marinig niya ito at mabagal na naglakad papunta kay Madeline. "Sa tingin mo ba pakakawalan kita kapag sinabi mo yan? Wala man akong kahit na ano ngayon, pero ikaw na lang ang natitira sa'kin." “...”"Ano ngayon kung nanalo si Jeremy? Mas masakit sa kanya na mawala ka kaysa sa mawalan siya ng katanyagan, yaman, at katayuan." Nakita na itong lahat ni Ryan. Imposible para kay Jeremy na isuko ang babaeng ito para sa katanyagan, yaman, at pamilya. 'Nagpanggap lang siyang pinagsisihan raw niya ang sobra niyang pagmamahal para kay Madeline noon, pero isa lang itong pagpapanggap. ‘Heh.'Hindi ko talaga inaasahan na napakatalentado nila sa pag-arte.' Tinitigan ni Ryan si Madeline nang ilang sanda