"Saan mo ko dadalhin?" Huminto si Madeline. Hindi niya talaga gustong magpatuloy na maglakad kasama niya. Lumingon sa kanya si Ryan. "May magagawa ka pa ba maliban sa sundan ako?""Ryan, kung gusto mong tumakas, magiging pabigat lang ako sa'yo kapag sinama mo ako." Ngumiti si Ryan nang marinig niya ito at mabagal na naglakad papunta kay Madeline. "Sa tingin mo ba pakakawalan kita kapag sinabi mo yan? Wala man akong kahit na ano ngayon, pero ikaw na lang ang natitira sa'kin." “...”"Ano ngayon kung nanalo si Jeremy? Mas masakit sa kanya na mawala ka kaysa sa mawalan siya ng katanyagan, yaman, at katayuan." Nakita na itong lahat ni Ryan. Imposible para kay Jeremy na isuko ang babaeng ito para sa katanyagan, yaman, at pamilya. 'Nagpanggap lang siyang pinagsisihan raw niya ang sobra niyang pagmamahal para kay Madeline noon, pero isa lang itong pagpapanggap. ‘Heh.'Hindi ko talaga inaasahan na napakatalentado nila sa pag-arte.' Tinitigan ni Ryan si Madeline nang ilang sanda
Malakas na nanlaban si Madeline, pero para bang sinapian ni Satanas si Ryan. Ang kanyang mapupulang mga mata na nabasa ng ulan ay direktang nakatingin sa mga mata ni Madeline. Pinunit niya ang puting chiffon shirt ni Madeline. Pagkatapos, hahalikan niya ang katawan ni Madeline habang hindi pinapansin ang pagpupumiglas ni Madeline. Pakiramdam ni Madeline ay baliw na talaga si Ryan, pero hindi siya susuko. Pagkatapos ng isang malakas na tunog ng pagpunit, pinunit rin ni Ryan ang mga manggas ni Madeline. Tinaas niya ang kanyang paa para sipain si Ryan palayo, pero wala siyang laban sa lakas niya. Habang nararamdaman niya ang bigat ni Ryan sa kanyang katawan, alam ni Madeline na kapag hindi niya siya napaalis ngayon, baka matuluyan siyang pagsamantalahan ni Ryan. Mabilis siyang tumingin sa paligid nang bigla na lang, nakita niya ang isang maliit na kutsilyo sa mesa. Nagngitngit ang mga ngipin ni Madeline at ginawa niya ang lahat para igalaw ang kanyang katawan sa gilid ng sofa.
Kinuha ni Madeline ang pamalit na damit sa sofa bago tumalikod at tumakbo paakyat ng hagdan. Nakahanap siya ng isang kwarto na walang tao at nagmadaling nagpalit ng kanyang pang-itaas. Pagkatapos nito, sinara niya ang pinto at inobserbahan ang kanyang paligid. Hindi siya pamilyar sa lugar na ito at hindi niya rin alam kung mahahanap ito ni Jeremy. Habang lalo siyang magtatagal rito at mas lalong lalaki ang problema niya. Ang kasalukuyang Ryan ay hindi ang elegante, malalim, mapagkumbaba, at magalang na maginoo mula sa simula. Isa na siya ngayong demonyo. Isa siyang bayolente, walang konsensya, at nakakasamang demonyo. …Alas otso na ng gabi. Nasa Whitman Manor ang pulisya at ang Interpol para pag-usapan ang plano para iligtas si Madeline. Nasa mga braso pa rin ni Jeremy si Lilian sa sandaling ito. Siguro, dahil ito sa hindi pa siya nakakatanggap ng totoong pagmamahal mula sa kanyang ama. Nakakapagsalita na siya ngayon, pero ang tanging salita lang na alam niyang sabih
Nang tignan ang syringe na unti-unting lumalapit sa kanya, buong-lakas na nagpumiglas si Madeline. Itinaas niya ang kanyang binti at sinipa ang lalaki na nakahawak sa kanya. Nabigla ang lalaki at nasipa siya palayo ni Madeline. Sinamantala ito ni Madeline at tumakbo patungo sa pinto. Nagdilim ang mata ni Ryan nang maglakad siya para hawakan sa baywang si Madeline. "Ryan, baliw ka! Bitiwan mo ako!" "Kapag pinakawalan kita, ibig-sabihin nun panalo na si Jeremy. Tingin mo ba pakakawalan pa kita?" Narinig ang boses ni Ryan sa likod ng tainga ni Madeline. Itinaas niya ang kanyang matalim ngunit magandang mata. "Ryan, sinasabi ko sa'yo ngayon na kapag binigay mo sa akin ang injection at makontrol ako, magiging sunud-sunuran lang ako. Di ako maaantig ng isang lalaking tulad mo. Ang tanging lalaking mamahalin ni Eveline Montgomery sa buong buhay niya ay si Jerrmy Whitman!" Habang nakiking sa nagmamatigas at malakas na salita, sumimangot si Ryan. Di na siya nagsalita pa at hina
"Gising ka na." Narinig niya ang mababang boses ni Ryan na parang isang bangungot. Tumingin si Madeline at nakita si Ryan na nakaupo sa tabi niya habang umiinom ng kape. Nakatingin ito sa kanya nang masaya. Hindi siya mukhang isang kriminal ngayon. Mukha siyang napakasaya sa kanyang postura. Nang gagalaw na si Madeline, napansin niya na nakatali ang kamay niya sa gilid ng upuan. Tumingin siya sa gilid at naaininag ang asul na langit at ang puting ulap sa labas. Nasa himpapawid ba sila? Nasa eroplano siya! Nagngitngitan ang ngipin ni Madeline at tinignan niya ang lalaking walang bahala nang may pagkamuhi. "Saan mo ako dadalhin Ryan?" "Sa bahay natin," Sumagot si Ryan nang hindi itinataas ang ulo nito. Tumingin nang masama sa kanya si Madeline. "Wag ka nang umasa. Di kita kailanman nagustuhan." "Di mo maaalis ang katotohanan na asawa kita sa marriage certificate kahit gusto mo man ako o hindi." Itinaas ni Ryan ang kanyang tingin at ngumiti. "Kasal tayo kahit saan pa
Biglang napatalon sa sofa si Jeremy. "Nasaan siya?" "Nalaman ko na may private jet si Ryan. Sinakyan niya ang eroplano kagabi at umalis ng Glendale!" "Saan bababa ang eroplano?" Nababahalang tanong ni Jeremy. "Di ko pa alam sa ngayon." Umiling ang lalaki ngunit binigyan niya ng pag-asa si Jeremy. "Pero natutukoy pa ng radar na nasa biyahe pa ang eroplano." Unti-unting lumiwanag ang malungkot na mata ni Jeremy, makikita ang liwanag dito. Nagmamadali siyang bumalik sa Whitman Manor para ayusin ang kanyang sarili at magpalit ng damit. Habang palabas siya, sinundan siya ni Jackson at Lilian. "Daddy, di mo pa ba nakikita si Mommy?" Nababahalang tanong ni Jackson. Lumuhod si Jeremy. Hinaplos niya ang gwapo at nakakatuwang mukha sa harap niya at nginitian ito nang kasing-amo ng simoy ng hangin sa tagsibol. "Jack, alagaan mong maigi ang kapatid mo. Sinisiguro ni Daddy na iuuwi niya si Mommy." Tumango si Jackson ngunit ang maliit niyang kily ay nakakunot. Nakikita ni Jerem
"Tulungan niyo si Madam na magsipilyo at magpalit ng damit," Iniutos niya. Sabay na sumagot ang dalawang katulong, "Opo, Master." Tapos nakita ni Ryan si Madeline na nakatitig sa kanya nang masama bago tumalikod. Lumapit ang dalawang katulong kay Madeline at palakaibigan nang tulungan siya nitong magpalit ng damit. Tinulungan din siya ng mga ito na magsipilyo. Gustong tumanggi ni Madeline ngunit di niya magawa. Alam niyang dahil ito sa itinurok sa kanya at naapektuhan na siya nito. Paglabas ni Ryan ng kwarto, isang dalaga ang kaagad na lumapit kay Ryan nang mukhang nahihiya at puno ng pag-asa. "Rye, tingin ko may oras ka ngayon diba? Pwede ba tayong mag-usap?" Ngumisi si Ryan sa babae sa harapan niya at tamad na bumaba. Tinignan niya ang balita na lumabas sa kanyang phone nang walang bahala. Nabasa niya na ang mga pulis ss Glendale at ang Interpol ay hinahanap ang kinaroroonan niya. Ngunit di niya hahayaan na mahanap siya ng mga ito nang ganito kadali. Ibinato ni Ryan
Kumakabog ang dibdib ni Ryan nang makita niyang nababahala ang katulong. Nag-aalala siya na baka may nangyari kay Madeline. Itinulak niya palayo ang kamay ni Naomi at tumakbo patungo sa kwarto. Ngunit sa sandaling pumasok siya ng kwarto, may malakas na kalabog at isang plorera ang biglang nabasag sa tabi ng kanyang binti. Ang mga bubog ng nabasag na plorera ay nakahiwa sa mukha ni Ryan ngunit di umiwas si Ryan. Umapak siya mismo sa mga bubog at pumasok sa kwarto. Nakatayo si Madeline sa tapat ng bintana. Ang mga pagkaing inihanda ng mga katulong ay nakakalat sa sahig habang ang sariwang dugo ay tumutulo sa binti ni Madeline. Nagmula ang dugo sa kanyang daliri. Gayunpaman, di siya gumalaw sa kanyang pwesto at nanatiling nakatayo sa ilalim ng araw ng tag-init na parang isang statwa na walang alikabok. "Layas," Inutusan ni Ryan ang mga katulong. Sa kabila ng masungit na komento nito, may lambing sa kanyang mukha. Medyo di ito nagtutugma. Di na nagpaliguy-ligoy pa ang nga