Biglang napatalon sa sofa si Jeremy. "Nasaan siya?" "Nalaman ko na may private jet si Ryan. Sinakyan niya ang eroplano kagabi at umalis ng Glendale!" "Saan bababa ang eroplano?" Nababahalang tanong ni Jeremy. "Di ko pa alam sa ngayon." Umiling ang lalaki ngunit binigyan niya ng pag-asa si Jeremy. "Pero natutukoy pa ng radar na nasa biyahe pa ang eroplano." Unti-unting lumiwanag ang malungkot na mata ni Jeremy, makikita ang liwanag dito. Nagmamadali siyang bumalik sa Whitman Manor para ayusin ang kanyang sarili at magpalit ng damit. Habang palabas siya, sinundan siya ni Jackson at Lilian. "Daddy, di mo pa ba nakikita si Mommy?" Nababahalang tanong ni Jackson. Lumuhod si Jeremy. Hinaplos niya ang gwapo at nakakatuwang mukha sa harap niya at nginitian ito nang kasing-amo ng simoy ng hangin sa tagsibol. "Jack, alagaan mong maigi ang kapatid mo. Sinisiguro ni Daddy na iuuwi niya si Mommy." Tumango si Jackson ngunit ang maliit niyang kily ay nakakunot. Nakikita ni Jerem
"Tulungan niyo si Madam na magsipilyo at magpalit ng damit," Iniutos niya. Sabay na sumagot ang dalawang katulong, "Opo, Master." Tapos nakita ni Ryan si Madeline na nakatitig sa kanya nang masama bago tumalikod. Lumapit ang dalawang katulong kay Madeline at palakaibigan nang tulungan siya nitong magpalit ng damit. Tinulungan din siya ng mga ito na magsipilyo. Gustong tumanggi ni Madeline ngunit di niya magawa. Alam niyang dahil ito sa itinurok sa kanya at naapektuhan na siya nito. Paglabas ni Ryan ng kwarto, isang dalaga ang kaagad na lumapit kay Ryan nang mukhang nahihiya at puno ng pag-asa. "Rye, tingin ko may oras ka ngayon diba? Pwede ba tayong mag-usap?" Ngumisi si Ryan sa babae sa harapan niya at tamad na bumaba. Tinignan niya ang balita na lumabas sa kanyang phone nang walang bahala. Nabasa niya na ang mga pulis ss Glendale at ang Interpol ay hinahanap ang kinaroroonan niya. Ngunit di niya hahayaan na mahanap siya ng mga ito nang ganito kadali. Ibinato ni Ryan
Kumakabog ang dibdib ni Ryan nang makita niyang nababahala ang katulong. Nag-aalala siya na baka may nangyari kay Madeline. Itinulak niya palayo ang kamay ni Naomi at tumakbo patungo sa kwarto. Ngunit sa sandaling pumasok siya ng kwarto, may malakas na kalabog at isang plorera ang biglang nabasag sa tabi ng kanyang binti. Ang mga bubog ng nabasag na plorera ay nakahiwa sa mukha ni Ryan ngunit di umiwas si Ryan. Umapak siya mismo sa mga bubog at pumasok sa kwarto. Nakatayo si Madeline sa tapat ng bintana. Ang mga pagkaing inihanda ng mga katulong ay nakakalat sa sahig habang ang sariwang dugo ay tumutulo sa binti ni Madeline. Nagmula ang dugo sa kanyang daliri. Gayunpaman, di siya gumalaw sa kanyang pwesto at nanatiling nakatayo sa ilalim ng araw ng tag-init na parang isang statwa na walang alikabok. "Layas," Inutusan ni Ryan ang mga katulong. Sa kabila ng masungit na komento nito, may lambing sa kanyang mukha. Medyo di ito nagtutugma. Di na nagpaliguy-ligoy pa ang nga
Tinaas ni Madeline ang kanyang tingin nang marinig niya ang sinabi ni Ryan at nakita niya ang matinding pagnanasa sa mga mata ni Ryan.‘Napakatigas ng ulo niya.’Biglang hinablot ni Ryan ang nagdudugong daliri ni Madeline.Sinubukan niya ilayo ang kamay niya, ayaw niyang hawakan ni Ryan ng mahigpit ang kanyang kamay. Pagkatapos ay yumuko si Ryan at dinikit niya ang labi niya sa nagdudugong sugat ni Madeline, na para bang sinusubukan niyang gamutin ito.“Anong ginagawa mo?” Hindi mapakali si Madeline at sinubukan niyang gamitin ang natitira niyang lakas upang itulak si Ryan.Dahan-dahang dinilaan ni Ryan ang madugo niyang labi. Napangiti siya sa lasa ng sariwang dugo na mula sa daliri ni Madeline. Nagmistula siyang isang demonyo sa itsura niya ngayon.Ngayon lang nakakita ng ganitong ngiti si Madeline at kinilabutan ang buong katawan niya dahil dito.Lumaki ng lumaki ang ngiti ni Ryan nang mapansin niya ang takot sa mga mata ni madeline.“Akala ko wala kang kinatatakutan, pero m
Pagkaalis ni Ryan, naiwang nag-iisa sa silid si Madeline.Muling dumating ang mga maid at may dala silang first aid kit at masasarap na pagkain.Pinagmasdan ni Madeline ang nagdudugo niyang daliri. Alam niya na bihira ang blood group na meron siya at ayaw niyang magpatuloy ang pagdurugo ng daliri niya.“Hayaan mong tulungan kita, Madam.” Napakabait ng maid at magalang itong lumapit sa kanya, nais niyang tulungan si Madeline.Naisip ni Madeline na masyado siyang nagpadalos-dalos kanina nang maalala niya ang nangyari. Dapat maging mahinahon siya dahil yun lang ang paraan para makatakas siya kay Ryan.“Sige.” Tumango si Madeline. “Pasensya na sa abala.”Masayang tinulungan ng maid si Madeline na gamutin ang kanyang sugat nang mapansin niya na hindi nagpupumiglas si Madeline di gaya kanina.Magalang siyang umupo sa tabi ni Madeline at nilabas niya ang alcohol at bulak upang linisin ang sugat ni Madeline.Pinagmasdan ni Madeline ang maid, na seryosong naglilinis sa kanyang sugat, at
”Dalawang beses ko na siyang tinurukan ng gamot, pero mukhang hindi naman kasing ganda ng sinabi mo ang epekto nito,” ang malamig na sinabi ni Ryan. Tila hindi siya nasiyahan sa kinalabasan nito.Kalmado lang si Adam at sinabing, “Magkaiba ang epekto ng gamot sa bawat tao. Kung buo ang determinasyon ni Madeline, baka hindi gumana ng maayos ang gamot.”Huminto siya sandali bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, “Pero anuman ang mangyari, makakamit pa rin natin ang gusto nating mangyari.”Tumaas ang mga kilay ni Ryan, naglaho ang lambing sa kanyang mga mata. Sa halip, napalitan ito ng kasamaan.“Oo nga pala, may balita ako. Nasa Y Country si Jeremy.” Ang sabi ni Adam.”Hindi na nagulat si Ryan. “Alam kong pupunta siya sa Y Country. Inasahan ko na yun. Pero hindi niya mahahanap ang lugar na ‘to.”Naging seryoso ang ekspresyon niya. Nilapag niya ang gamot at dahan-dahan siyang tumayo. Maging ang mga mata niya ay seryoso rin.“Ang number one young master ng Glendale… Gusto kong makita
‘Mukhang seryoso si Ryan sa sinasabi niya.’Nagtatakang tumingin si Madeline sa kampanteng lalaki na nasa harap niya.Subalit, walang kilala si Madeline sa Y Country. Paano naman niya pagsisisihan na hindi makita ang dalawang tao na tinutukoy ni Ryan?“Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako sayo?” Napansin ni Ryan na pinagdududahan siya ni Madeline. Biglang sinuot ni Ryan ang kamay niya sa kanyang bulsa at nilabas ang isang bagay. “Naaalala mo pa ba kung ano ‘to?”Tiningnan ni Madeline ang bagay na nilabas ni Ryan at nakita niya na hawak ni Ryan ang isang jade bracelet. Biglang sumama ang ekspresyon niya.Lumapit siya kay Ryan at kinuha niya ang bracelet.Habang hawak niya ang malamig na bracelet para bang bigla niyang naamoy ang amoy ng isang taong malapit sa kanya."Mom…"Agad na natauhan si Madeline at tiningnan niya ang mga salitang nakaukit sa bracelet. Nakumpirma niya na kay Eloise nga ang bracelet na ‘to!Ito ang regalo ni Sean kay Eloise noong kinasal sila. Kaya naman, s
Muli, nakaramdam ng panghihina si Madeline, ngunit ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang imulat ang kanyang mga mata.Kung alam lang niya na buburahin ng gamot na ‘to ang mga alaala niya, hindi sana siya sumunod kanina.‘Pero, Dad, Mom…’Nakapako sa isipan ni Madeline ang mga mukha nila Eloise at Sean. Hindi niya alam kung nagsisinungaling ba si Ryan o hindi, ngunit alam niya na kailangan niya itong subukan.‘Pero Jeremy, paano naman kita makakalimutan?‘Hindi, hindi ko hahayaan na makalimutan kita. Hindi…’Sa huli, nawalan pa rin ng malay si Madeline. Binitbit siya ni Ryan papunta sa kama at dahan-dahan niya siyang kinumutan.“Ilang dose pa ba ang kailangan bago natin mabura ang mga alaala niya?” Tinanong ni Ryan si Adam.“Nakadepende ito sa determinasyon niya.”Hindi nagustuhan ni Ryan ang sagot ni Adam, ngunit wala siyang ibang pagpipilian.Lumabas sa silid si Ryan at nakita niya si Naomi na nakatayo sa pintuan. Nakapako sa kanya ang nanlilisik niyang mga mata.“Pi