”Dalawang beses ko na siyang tinurukan ng gamot, pero mukhang hindi naman kasing ganda ng sinabi mo ang epekto nito,” ang malamig na sinabi ni Ryan. Tila hindi siya nasiyahan sa kinalabasan nito.Kalmado lang si Adam at sinabing, “Magkaiba ang epekto ng gamot sa bawat tao. Kung buo ang determinasyon ni Madeline, baka hindi gumana ng maayos ang gamot.”Huminto siya sandali bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, “Pero anuman ang mangyari, makakamit pa rin natin ang gusto nating mangyari.”Tumaas ang mga kilay ni Ryan, naglaho ang lambing sa kanyang mga mata. Sa halip, napalitan ito ng kasamaan.“Oo nga pala, may balita ako. Nasa Y Country si Jeremy.” Ang sabi ni Adam.”Hindi na nagulat si Ryan. “Alam kong pupunta siya sa Y Country. Inasahan ko na yun. Pero hindi niya mahahanap ang lugar na ‘to.”Naging seryoso ang ekspresyon niya. Nilapag niya ang gamot at dahan-dahan siyang tumayo. Maging ang mga mata niya ay seryoso rin.“Ang number one young master ng Glendale… Gusto kong makita
‘Mukhang seryoso si Ryan sa sinasabi niya.’Nagtatakang tumingin si Madeline sa kampanteng lalaki na nasa harap niya.Subalit, walang kilala si Madeline sa Y Country. Paano naman niya pagsisisihan na hindi makita ang dalawang tao na tinutukoy ni Ryan?“Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako sayo?” Napansin ni Ryan na pinagdududahan siya ni Madeline. Biglang sinuot ni Ryan ang kamay niya sa kanyang bulsa at nilabas ang isang bagay. “Naaalala mo pa ba kung ano ‘to?”Tiningnan ni Madeline ang bagay na nilabas ni Ryan at nakita niya na hawak ni Ryan ang isang jade bracelet. Biglang sumama ang ekspresyon niya.Lumapit siya kay Ryan at kinuha niya ang bracelet.Habang hawak niya ang malamig na bracelet para bang bigla niyang naamoy ang amoy ng isang taong malapit sa kanya."Mom…"Agad na natauhan si Madeline at tiningnan niya ang mga salitang nakaukit sa bracelet. Nakumpirma niya na kay Eloise nga ang bracelet na ‘to!Ito ang regalo ni Sean kay Eloise noong kinasal sila. Kaya naman, s
Muli, nakaramdam ng panghihina si Madeline, ngunit ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang imulat ang kanyang mga mata.Kung alam lang niya na buburahin ng gamot na ‘to ang mga alaala niya, hindi sana siya sumunod kanina.‘Pero, Dad, Mom…’Nakapako sa isipan ni Madeline ang mga mukha nila Eloise at Sean. Hindi niya alam kung nagsisinungaling ba si Ryan o hindi, ngunit alam niya na kailangan niya itong subukan.‘Pero Jeremy, paano naman kita makakalimutan?‘Hindi, hindi ko hahayaan na makalimutan kita. Hindi…’Sa huli, nawalan pa rin ng malay si Madeline. Binitbit siya ni Ryan papunta sa kama at dahan-dahan niya siyang kinumutan.“Ilang dose pa ba ang kailangan bago natin mabura ang mga alaala niya?” Tinanong ni Ryan si Adam.“Nakadepende ito sa determinasyon niya.”Hindi nagustuhan ni Ryan ang sagot ni Adam, ngunit wala siyang ibang pagpipilian.Lumabas sa silid si Ryan at nakita niya si Naomi na nakatayo sa pintuan. Nakapako sa kanya ang nanlilisik niyang mga mata.“Pi
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Madeline pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Ryan.Ang dalawang taong nasa isip niya ay ang mga magulang niya.“Magbihis ka. Hihintayin kita sa baba.” Seryoso si Ryan at tila hindi siya nakikipag lokohan sa kanya.Pagkalabas ni Ryan sa silid, agad na sinara ni Madeline ang pinto at nagpalit siya ng damit bago siya bumaba.Pagkatapos siyang dalhin ni Ryan sa lugar na ‘to, hindi pa siya lumabas ng kwarto ni minsan.Ngayon lang niya napansin na elegante ang itsura ng bahay.‘Sabi nila isa ‘tong holiday villa. Pero sa mundong ‘to, gaano karaming villa ba ang ganito kamahal at ganito kaganda ang itsura?’Ang pinaka pinagtataka ni Madeline ay mula noong sumulpot si Naomi noong araw na yun, hindi na niya siya nakita ulit.Syempre, hindi siya mag-uusisa at magtatanong kay Ryan tungkol sa kanya.Nagpalit din ng damit si Ryan. Nagsuot siya ng isang suit na may necktie, dahilan para magmukha siyang elegante.Sinundan siya ni Madeline papu
”Nandito siguro si Linnie kanina! Nakita niya ako!”Hindi nagpaabala si Jeremy sa pulang traffic light. Sinunod niya ang kutob niya, at tumakbo siya sa kabila ng kalsada."Jeremy. Mmm—"Gagawa sana ng ingay si Madeline nang biglang tinakpan ni Ryan ang bibig niya.Nakita niya si Jeremy na unti-unting lumalapit sa kanya at inangat niya ang kamay niya upang katukin ang bintana ng kotse, sinubukan niyang gumawa ng paraan para marinig siya ni Jeremy. Subalit, pinigilan ni Ryan ang mga kamay niya.Hinawakan niya ng mahigpit ang mga braso ni Madeline upang hindi siya makapalag.“May mangyayaring hindi maganda kapag nakita ka niya.” Narinig niya ang malamig na boses ni Ryan mula sa likod niya. “Nakalimutan mo na ba kung sino ang pupuntahan natin ngayon?”Pinaalalahanan niya si Madeline. Pagkatapos niyang magsalita, ramdam niya na wala nang balak si Madeline na pumiglas at suwayin siya.Unti-unting lumuwag ang mga kamao niya na noong una’y pinangkakabog niya sa bintana, at sa huli, wal
Tumingin si Madeline kay Ryan at pakiramdam niya ay sinasakal ang kanyang damdamin.Tumingin siya sa pinto na nasa malayo at dahan-dahan siyang naglakad palapit.Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline noong nagsimula siyang mag-isip kung ano ang makikita niya.Paisa-isa ang hakbang niya. Pagdating niya sa pinto, narinig niya na may nagsasalin ng tubig at kasunod nito ang pagsulpot ng isang mukha sa harap niya. Ito ang mismong mukha na nakikita niya lang sa mga panaginip niya.Agad na namula ang mga mata ni Madeline. Inangat niya ang kanyang mga kamay at sumandal siya sa may pinto."Dad…"Kakatapos lang magsalin ni Sean ng tubig sa baso. Sa di inaasahan, narinig niya na may tumawag sa kanya ng ‘Dad’. Kumabog ang kanyang dibdib nang marinig niya ang boses na ito.Lumingon siya at humarap siya sa pinto. Noong nakita niya si Madeline, na nakatayo sa tabi ng pinto, agad na nanlaki ang mga mata ni Sean at humulas sa mga kamay niya ang baso na hawak niya.Crash!Nahulog sa lapag ang b
”Eveline?” Natauhan si Eloise at nanlaki ang kanyang mga mata. Pinagmasdan niyang maigi si Madeline. Pagkatapos, umiling siya. “Hindi siya si Eveline, hindi.”Naramdaman ni Madeline na nagkapira-piraso ang kanyang puso noong marinig niya na itinanggi siya ni Eloise.Nag-aalinlangan siyang tumingin kay Eloise, na nasa likod ni Sean, at nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha. . Pinakalma ni Madeline ang kanyang sarili at kinausap niya si Sean, "Bakit siya nagkaganito? Bakit hindi niya ako makilala? Dad, anong nangyayari?" Bumuntong hininga si Sean at malungkot siyang nagsalita, "Dahil 'to kay Lana." "Dahil kay Lana?"Tumango si Sean, puno ng galit para kay Lana ang mga mata niya. "Dahil sa kanya, nasunog ang bahay natin. Akala ng mom mo na namatay ka sa sunog. Mula noon, lagi niyang sinasabi na gusto ka niyang hanapin. Araw-araw, paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan mo…"Sa puntong iyon, napahinto si Sean. Hinawakan niya ang kamay ni Eloise. Makikita pa rin sa mga mat
Inalala ni Sean ang nangyari noong araw na yun. Nagsalubong ang mga kilay niya at naging madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Eveline, may mga bagay na ayaw ko sanang sabihin sayo dahil natatakot akong masaktan ka." Masama ang loob ni Sean. "Dad, sabibin mo sakin, anong nangyari? Marami akong tiniis na sakit nitong mga nagdaang taon. Kaya kong tanggapin kung anong sasabihin mo." Determinado si Madeline na malaman ang nangyari. Malungkot na tumingin si Sean sa kanyang anak. Pagkatapos, nagdesisyon siya na sabihin ang lahat ng nangyari noong araw na yun. "Si Jeremy ang nagsimula ng sunog. Hindi ko inakala na susundin niya ang mga sinabi ni Lana dahil lang nawala ang mga alaala niya at nagawa niya ang isang napakasamang bagay." Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Madeline noong narinig niya ang sagot ni Sean. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao at hinarap niya ang katotohanan. 'Kahit na utos lang yun ni Lana, si Jeremy pa rin ang gumawa nun.' Subalit, pagkatapos niy