Nagulat si Madeline pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Jeremy. Habang nakatingin sa kanyang mga mata na kasing lalim ng gabi at kasing lamig ng tubig, sa ilang sandali, hindi niya matukoy kung nagsasabi siya ng totoo o sinasadya niya siyang inisin para umalis siya. "Umalis ka na." Tinignan ni Jeremy si Madeline na nakatulala at inulit ito. “Jeremy?”"Maraming nagawang masasamang pagkakamali si Ryan, pero tama siya sa isang bagay." Huminga nang malalim si Jeremy at tiniis ang hapdi sa kanyang braso. Pagkatapos, tinawanan niya ang kanyang sarili at nagsabing, "Ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko ay ang pahalagahan ka masyado. Eveline, mahal kita, pero kung babagsak ang buong Whitman family nang dahil sa pag-ibig ko sa'yo, masyado itong malaki bilang kapalit." Hindi makapaniwala si Madeline sa kanyang naririnig sa sandaling ito. Pakiramdam niya ay nagsisimula nang humiwalay ang kanyang malay. "Eveline, napapagod na rin ako." Bigla niyang sinabi ang isang pagod na
Naglakad si Ryan papunta sa living room. Pagkatapos, nakarinig siya ng isang malakas na kalabog na para bang mayroong nabasag. Kumunot ang noo sa pagtataka at mabilis siyang pumasok. Ngunit, nagulat siya sa nakita niya sa kanyang harapan. "Eveline!"Mabilis siyang tumakbo papunta sa lasing na si Madeline na nakaluhod sa lapag at tinulungan siyang tumayo. Tinulak siya ni Madeline palayo. "Iwan mo ko!" Kinuha niya ang bote ng red wine at direkta itong tinungga. Suot pa rin niya ang damit niya kanina at basa ang kanyang katawan. Ang kanyang buhok at mga mata ay basa rin. "Bakit niya sinabi sa'kin yun? Bakit?" Umiyak si Madeline at nagreklamo, "Kaya kong tiisin ang lahat basta't maging maayos lang siya. Bakit niya biglang sinabi na napapagod na siya ngayon?" Mapait na tinawanan ni Madeline ang kanyang sarili. "Ilang taon na ba? Ilang taon ko na bang minahal ang lalaking to?" tanong niya sa kanyang sarili habang tinaas niya ang kanyang mapupulang mga mata para tignan si Ryan
Nang makita niya ang seryosong itsura ni Madeline, binaba ni Ryan ang tasa ng kape at malambing na tinignan si Madeline. "Anong gusto mong pag-usapan natin?" Bahagyang yumuko si Madeline bago tumalikod at maglakad papunta sa bintana. "Kagabi, bigong-bigo ako at mahirap para sa'kin na tanggapin ang kalamigan niya. Baka tama ka at kailangan ko nang bumitaw. Baka sa umpisa pa lang, hindi talaga tugma ang kasal namin ni Jeremy."Nag-aalalang tumingin si Ryan sa likod ni Madeline. "Kung ganon, ang balak mong pag-usapan natin ay…" "Hindi ko alam kung ano ang susunod na haharapin niyang parusa. Umaasa lang ako kung talagang kailangan niyang mamatay, sana kahit papaano ay hindi siya magdusa sa sakit ilang araw bago ang bitay." Unti-unting naintindihan ni Ryan ang ibig sabihin ni Madeline. "Gusto kong ibigay ko kay Jeremy ang anti-toxoid reagent?" "Oo. Kahit ano pa ang maging hatol, umaasa ako na ibibigay mo sa kanya ang reagent." Tumalikod si Madeline. Mukhang may kapangyarihan an
"Eveline, anong ginagawa mo?" Mukhang naguguluhan si Jeremy. "Mag-asawa tayo. Ayaw kitang mamatay nang nasa katawan mo pa ang lason na to." Diretsong tinignan ni Madeline ang lalaki at tinurok ang gamot sa braso ni Jeremy nang walang pag-aalinlangan. Tinignan niya ang lalaki na hindi tumanggi. Namula ang gilid ng kanyang mga mata. "Pupunta ka sa korte bukas at umaasa ako na hindi ito ang huling pagkikita natin." Mukhang natulala si Jeremy nang marinig niya ang sinabi ni Madeline. Nasalamin sa kanyang mga mata ang malungkot na mukha ni Madeline. Bago siya makapagsalita ay umalis na siya. Sa sandaling makalabas ng pinto si Madeline, nakita niya si Ryan na naghihintay sa kanya. Lumapit siya sa kanya, nagpasalamat, at sumakay sa kotse. Alam ni Ryan na nalulungkot ngayon si Madeline kaya hindi niya siya ginulo. Pagkatapos niyang ihatid si Madeline pauwi, maalaga siyang nagtimpla ng isang tasang kape para sa kanya. "Wag mo tong masyadong isipin. Sasamahan kita sa hearing buk
Bahagyang ngumiti ang mapupulang labi ni Madeline. Ang matangkad at gwapong anyo na iyon ay malinaw na nasalamin sa kanyang magagandang mga mata. Nakasuot si Jeremy ng isang pinasadyang suit, itim na polo, at pulang kurbata. Nakatayo siya sa panig ng nasasakdal na mukhang kalmado at elegante. Kumpara sa kung gaano siya kapagod at kasakiting tignan nitong nakaraang dalawang araw, maganda na ang kanyang kalagayan pati ang kanyang timpla. Elegante ang kanyang tindig at ang buo niyang katawan ay nagpapakita ng isang kalmadong karisma. Parang hindi siya isang kriminal na naghihintay ng sentensya, sa halip ay isang dominanteng husgado na gustong manubok ng iba. Walang pakialam na tinignan ni Ryan si Jeremy. Hindi importante kung gaano kaganda ang imahe ni Jeremy o kung gaano kalakas ang kanyang aura ngayon. Hindi siya makakatakas sa bintang sa kanya na pagpatay ngayong mayroong silang matibay na ebidensya. Nginitian ni Ryan ang hindi natitinag na tingin ni Jeremy. Mukhang pin
Tahimik niya siyang tinignan ng kanyang malalalim na mga mata bago nagsabing, "Wala akong masasabi." Lumitaw ang napakaraming spekulasyon mula sa sagot ni Jeremy. "Walang masabi si Jeremy. Pag-amin ba yun?" "May mga testigo at pisikal na ebidensya rin tayo. Hindi talaga siya makakalaban sa simula pa lang." "Hindi ko talaga inaasahan na makakapatay siya ng tao." "Aw, hinahangaan ko pa naman siya dati!" Kinumpirma ng mga bulung-bulungan ng mga tao sa korte ang mga bintang kay Jeremy. Ganoon rin ang mga diskusyon sa internet. Tinignan ni Madeline sina Karen at Winston sa kabilang panig. Nakakunot ang kanilang mga noo habang mukhang sobrang nag-aalala. "Bakit hindi ipinagtatanggol ni Jeremy ang sarili niya? Paano siya makakapatay ng tao? Hindi siya papatay!" Bulong ni Karen. Kumunot rin ang noo ni Winston. "Wag kang masyadong mataranta. Kapag hindi to ginawa ni Jeremy, hindi niya hahayaan ang sarili niya na mapagbintangan ng ganitong krimen." "Manahimik." Pinukpok ng hu
Nanigas ang ngiti sa mukha ni Ryan nang biglang magsabi ng ganito si Madeline. Lumingon siya para tingnan si Madeline na nakangiti at kalmado. Pagkatapos, nagsimulang mabuo ang pagdududa sa kanyang puso. 'Bagong ebidensya? 'Anong bagong ebidensya ang ibibigay niya?' Maingat na tinignan ng hukom si Madeline. "Sino ka?" Magalang na yumuko si Madeline. "Ako ang asawa ni Jeremy Whitman, at ang pangalan ko ay Eveline Montgomery." Kumunot ang noo ni Ryan nang marinig niya ang pagpapakilala ni Madeline. Kakaiba ang tingin ng mga taong nanonood sa live broadcast at ng mga nasa korte kay Madeline habang sinasabihan siya ng mga masasamang komento. Baliw ba ang babaeng ito? Noong una, sinabi niya na si Jeremy ang asawa niya. Sa sumunod na segundo, nakita siya kasama ni Ryan. Ngayon, sinasabi niya na siya ang asawa ni Jeremy sa korte? Anong nangyayari?Kaagad na nagsalita ang abogado, "Your Honor, hindi pwedeng ipakita sa korte ang mga hindi pa nasusuring ebidensya. Hindi ito m
Parehong nagulat sina Karen at Winston. Pagkatapos, tinginan nila si Madeline na kalmado pa rin habang naguguluhan sila. "Eveline, wag mo nang ulitin ang pagkakamali mo. Nasa korte tayo." Mukhang pinapakiusapan siya ni Ryan sa isang mahinahon at mabuting paraan. Makahulugang ngumiti si Madeline. "Ryan, hindi ko na kayang ituloy ang pagpapanggap ko at hindi mo na rin kailangang ituloy to." "..." Nabigla si Ryan. Habang nakatingin kay Madeline na arogante at mapagmataas ngayon, hindi niya maisip na siya rin ang babaeng naglasing sa kasawian kagabi. Pagpapanggap lang ang lahat ng iyon? Ang kanyang kahinaan, kalungkutan, at kasawian sa gabing iyon ay isa lamang pagpapanggap? "Ryan, alam ko na sasabihin mo na gumawa ako ng pekeng ebidensya para kay Jeremy, pero ang kasinungalingan ay isa pa ring kasinungalingan. Hindi magtatagal ang kasinungalingan sa harap ng katotohanan." Nanlulumong tinignan ni Ryan si Madeline na nakatayo hindi malayo sa kanya. Pagkatapos, nakita niya siya