Tinignan ni Madeline sa gulat ang lalaki na tumatakbo papunta sa kanya. Sa sandaling ginalaw niya ang kanyang mga labi, marahang tinakpan ng lalaki ang kanyang bibig. Hinawakan ng lalaki ang kanyang manipis na baywang at mabilis siyang dinala palayo. Nagmamadaling lumabas sina Ryan at ang isang maputing lalaki mula sa likod ng pader. Sinundan sila ng mga tauhan nila at kumuha ng flashlight para liwanagan ang lapag. Doon ay nakita nila ang isang ligaw na pusa na nakayuko habang inapakan nito ang plastik na bote ng tubig at nginiyawan sila. "Mr. Thomas, isa lang itong pusa." Humakbang paharap ang kanyang mga tao at sinipa paalis and kuting. Tumingin ang lalaki sa paligid bago nilingon muli si Ryan. Nakatayo si Madeline sa likod ng puno at nakita niya ang nangyari ngayon lang. Maswerte siya na biglang lumitaw ang kuting at nilutasan ang kanyang problema. Ngunit sinipa ang kuting nang dahil sa kanya at naawa si Madeline. "Alam ko ang naiisip mo. Pwede mong dalhin ang kut
Tinaas niya ang kanyang ulo at tinignan si Ryan nang may blangkong ekspresyon. Pagkatapos, unti-unting namula ang kanyang mga mata. "Kung talagang sesentensyahan siya, pwede ba ibigay mo muna sa'kin nang regeant? Ayaw ko siyang mamatay nang nasa katawan pa niya ang lason."!Nagmamakaawa si Madeline sa kanyang gamit ng kanyang mga mata. Tahimik na tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Tinignan ni Ryan ang mga luha ni Madeline, kumunot ang kanyang noo. "Ryan, kung hindi mo tutulungan si Jeremy na hanapin ang tunay na salarin at hindi mo ibibigay sa'kin ang regeant, mukhang nawalan na ako ng dahilan na manatili pa rito." Pagkatapos niyang magsalita, naluluha siyang tumayo para umalis. Ngunit bago siya makalayo, narinig ang boses ni Ryan mula sa kanyang likuran. "Kapag nasentensyahan si Jeremy ng kamatayan, ibibigay ko sa'yo ang regeant." Mukhang medyo nag-aalangan si Ryan pero sa wakas ay pumayag siya. Huminto si Madeline sa kanyang paglalakad. Nakaharap siya sa pin
Kinuha ni Ryan ang isang mukhang mabigat na handbag at mabilis na naglakad papunta sa ilog sa tabi ng daan. Nang makarating siya sa tulay, binato niya ang handbag pababa. Hindi nagtagal bago lumubog ang bag. Pagkatapos, unti-unting nawala ang mga alon sa ibabaw ng tubig. Bumalik si Ryan sa kotse at tinignan si Madeline na natutulog pa rin bago inapakan ang accelerator. Nang malapit na sila sa bahay ay dahan-dahang nagising si Madeline. Nakasandal siya sa upuan na para bang inaantok pa siya. Pagkatapos, kalmado niyang tinignan ang lalaki na nagmamaneho. "Ryan, bakit ang dami mong ginagawa?" Binuka niya ang kanyang mga labi at nagtanong nang may mahinang boses, "Palagi kang kampante na mapapaibig mo ko pero hindi talaga ako sumasang-ayon sa ginagawa mo." Pinarada ni Ryan ang kotse sa garahe bago kalmadong nagsabi, "Pareho lang iyon kung paanong mahal ng mga babae ang kagandahan habang mahal ng lahat ang pera. Ano sa tingin mo ang pinakagusto ng isang lalaki?" Tanong niya
Humingo siya at lumingon sa gilid para sagutin ang phone sa inis. Blangko siyang nagsalita, "Pupunta ako diyan." Binaba niya ang phone at humarap kay Madeline na mukhang nag-iisa "May kailangan akong asikasuhin ngayon. Gawin mo na lang ang ginagawa mo." Hindi siya pinansin ni Madeline. Pagkatapos niyang marinig si Ryan na nagmaneho papalayo, kaagad siyang nagpunta sa study ni Ryan. Kahit na nakasara ang pinto, sinabi sa kanya ni Ryan ang code ng pinto nang kinasal sila at naaalala pa rin ito ni Madeline. Kung kaya't madali niyang nabuksan ang pinto at pumasok. Hindi siya nagdalawang-isip isip bago matunton ang safe. Sinubukan niyang buksan ang safe damit ng code ng pinto pero hindi ito gumana. Nakatulalang nakatayo si Madeline sa harapan ng safe nang ilang sandali bago niya maisip na malamang ay maraming impormasyon si Ryan tungkol sa Stygian Johnson Gang sa kanyang computer. Nang bubuksan niya sana ang computer, bigla siyang may naisip at mabilis na umalis ng study. T
Napansin ni Jeremy na mayroong mali. Nang narinig niya ang malamig na mga salita ng lalaki ay lumingon siya.Malakas ang ulan at napakahina ng ilaw mula sa poste pero nakikita pa rin niya ang tubig sa lapag na nahahaluan ng dugo. Tinaas niya ang kanyang mga mata mula sa dugo at nakita niya ang isang maputlang lalaki na nakahiga sa may damuhan. Nang papalapit na sana siya para tignan kung anong nangyayari, mabilis na umandar papalayo ang kotse sa kanyang likuran. Pagkatapos niyang lumingon sa paligid, napansin niya na siya na lang ang naroon. Lumapit si Jeremy sa lalaking nakahiga sa lapag nang walang pag-aalinlangan. Tinignan niya ito nang malapitan at nalaman niya na ang lalaking ito ay ang pulis na umaresto sa kanya noon. Nakasuot siya ng sibilyang damit at maputla ang kanyang mukha. Maliban roon, may ilang hiwa siya sa kanyang katawan at nagdurugo pa rin siya. Kinapa ni Jeremy ang kanyang ugat sa leeg gamit ng kanyang mga daliri at nalaman niya na tumitibok pa rin ito
Biglang gumawa ng ingay ang pulis na hindi pa namamatay. Tinaas niya ang kanyang nanginginig na mga kamay at itinuro ito kay Ryan. Galit siyang nagsabi, "Ikaw pala ang totoong pumatay kay Lana! Pi-pinagbintangan mo si Mr. Whitman…" Hindi inaasahan ni Ryan na hindi pa patay ang pulis pero hindi siya nabahala. Sa halip ay mas lumaki ang kanyang ngiti. "Oo, ako nga. Pinatay ko ang babaeng nagngangalang Lana, pagkatapos ay pinagbintangan ko si Jeremy Whitman para roon. Eh ano ngayon? Nalaman ba ng kahit na sino sa inyo ang katotohanan?" "Ikaw…" Galit na nanlaki ang mga mata ng pulis at tinuro ang hindi nababahalang mukha ni Ryan. Iniunat niya ang kamay na para bang ilalabas ang kanyang phone para tawagan ang kanyang mga kasamahan. Nang makita ito ni Ryan, tinutok niya ang baril sa puso ng pulis nang walang pag-aalinlangan at kinalabit ang gatilyo… Bang! Biglang nakarinig si Madeline ng putok ng baril habang hinahanap ang lokasyon ni Ryan. Bigla siyang huminto habang bumilis ang
Nagulat si Madeline pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Jeremy. Habang nakatingin sa kanyang mga mata na kasing lalim ng gabi at kasing lamig ng tubig, sa ilang sandali, hindi niya matukoy kung nagsasabi siya ng totoo o sinasadya niya siyang inisin para umalis siya. "Umalis ka na." Tinignan ni Jeremy si Madeline na nakatulala at inulit ito. “Jeremy?”"Maraming nagawang masasamang pagkakamali si Ryan, pero tama siya sa isang bagay." Huminga nang malalim si Jeremy at tiniis ang hapdi sa kanyang braso. Pagkatapos, tinawanan niya ang kanyang sarili at nagsabing, "Ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko ay ang pahalagahan ka masyado. Eveline, mahal kita, pero kung babagsak ang buong Whitman family nang dahil sa pag-ibig ko sa'yo, masyado itong malaki bilang kapalit." Hindi makapaniwala si Madeline sa kanyang naririnig sa sandaling ito. Pakiramdam niya ay nagsisimula nang humiwalay ang kanyang malay. "Eveline, napapagod na rin ako." Bigla niyang sinabi ang isang pagod na
Naglakad si Ryan papunta sa living room. Pagkatapos, nakarinig siya ng isang malakas na kalabog na para bang mayroong nabasag. Kumunot ang noo sa pagtataka at mabilis siyang pumasok. Ngunit, nagulat siya sa nakita niya sa kanyang harapan. "Eveline!"Mabilis siyang tumakbo papunta sa lasing na si Madeline na nakaluhod sa lapag at tinulungan siyang tumayo. Tinulak siya ni Madeline palayo. "Iwan mo ko!" Kinuha niya ang bote ng red wine at direkta itong tinungga. Suot pa rin niya ang damit niya kanina at basa ang kanyang katawan. Ang kanyang buhok at mga mata ay basa rin. "Bakit niya sinabi sa'kin yun? Bakit?" Umiyak si Madeline at nagreklamo, "Kaya kong tiisin ang lahat basta't maging maayos lang siya. Bakit niya biglang sinabi na napapagod na siya ngayon?" Mapait na tinawanan ni Madeline ang kanyang sarili. "Ilang taon na ba? Ilang taon ko na bang minahal ang lalaking to?" tanong niya sa kanyang sarili habang tinaas niya ang kanyang mapupulang mga mata para tignan si Ryan