Tumango si Charlie. “Magpahinga ka lang. Sa sandaling gumaling ka na, maaari mo nang pamunuan ang restaurant. Kung may kailangan ako, hahanapin kita.”Sinabi ni Douglas, “Kahit kailan mo ako kailangan!”Pagkatapos ay idinagdag ni Charlie, “Ah, siya nga pala, huwag mong sabihin kahit kanino ang nangyari dito. Hindi ko gustong may makaalam kung sino ako, naiintindihan mo ba?”Tumango si Douglas. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala, siguradong ililihim ko ang nangyari dito hanggang mamatay ako!”Ngumiti si Charlie. “Magpapadala ako ng dalawang tao para lagaan ka, magpahinga ka lang. Aalis na ako.”Nang makauwi, hindi planong sabihin ni Charlie kay Claire ang nangyari ngayon dahil ayaw niyang malaman niya ito. Mas ligtas siya kung hindi niya alam ang pagkakakilanlan niya.Sa sumunod na araw, habang bumibili siya ng pamilihan, nakatanggap siya ng tawag. Nang sinagot niya ang selpon, napagtanto niya na ito ang anak ng boss ng Vintage Deluxe, si Jasmine Moore.Nalilito, hindi mapig
Sinabi lang ni Jasmine ang totoo. Sa tingin niya talaga na ang bagong chairman ng Emgrand Group ay isang misteryosong lalaki.Dahil, nakuha niya ang isang grupo na may halagang mas mataas pa sa isang daang bilyon dahil gusto niya. Bukod dito, hindi niya pinakita ang mukha niya sa buong proseso. Mukhang ang kanyang buong kayamanan ay mas engrande pa sa Emgrand Group.Kung ikukumpara, ang pamilya Moore ay nagmumukhang walang gaanong halaga.Gayunpaman, hindi niya napagtanto na ang chairman ng Emgrand Group ay nakaupo ngayon sa upuan ng pasahero.Si Charlie, sa kabilang dako, ay isang lalaki na hindi gustong magpasikat hangga’t posible. Kahit na sumasagot siya kay Jasmine, kailanman ay hindi niya ibinunyag sa kanya ang kahit anong impormasyon tungkol sa kanyang pagkakakilanlan.Sa isang mabilis ngunit tuloy-tuloy na bilis, dumating sila sa isang maliit na hardin malapit sa ilog sa ilang minuto lang. Ang hardin ay elegante at payapa. Sa labas, mukha itong luma at krudo, gayunpaman, it
Tumingin ang matandang lalaki kay Travis bago nilapag ang isang simpleng kahon na gawa sa kahoy sa lamesa. Sa loob ng kahon ay isang krimson na pulang jade, mukhang isang sinaunang kayamanan. Sa sandaling binuksan ang kahon, naramdaman ng lahat na tila ba ang lobby ay napuno ng isang bakas ng mainit na enerhiya.Umilaw ang mata ng lahat.Humarap si Jasmine kay Quilt. “Tito Quilt, ano sa tingin mo?”Tinitigan ito ni Quilt at tumango. “Sa tingin ko ay totoo ito. Mukhang ang Bloody Jade ay nagmula sa Zhou dynasty. Mukhang binasbasan din ito ng isang sobrang makapangyarihan na monghe!”Tumango si Jasmine at humarap kay Charlie. “Ano sa tingin mo, Mr. Wade?”Si Charlie naman, sa kabilang dako, ay sumimangot sa pandidiri. “Peke ito…”Tumitig nang galit si Quilt sa kanya. “Isa ka lang bata, sino ang nagbigay sa’yo ng karapatan na magsinungaling sa harap ng maraming tao?”Si Matthew Gibson, ang matandang lalaki na nakaupo sa tabi ni Travis, ay binuksan ang kanyang mga mata at tinitigan
”Syempre! Sabihin mo lang ang nasa isip mo!” Humagikgik si Quilt. “Gusto kong makita kung paano ka magsinungaling na parang balasubas sa iba!”Nagkibit balikat si Charlie. “Hindi ko gustong ilantad kayo, pero kung gusto niyo, bastos naman kapag hindi ko kayo pinansin.”“Ilantad? Sinasabi mo na may hindi kami napansin?” Tumawa ang kalmadong si Matthew Gibson.”Sumulyap sa kanya si Charlie at tumawa. “Siya ang pinaka tanga sa inyong lahat…”“Gusto mo bang mamatay, bata?” Nagalit si Matthew.“Totoo ang jade, walang mali.” Pagkatapos at idinagdag ni Charlie, “Pero hindi ito isang bloody jade mula sa Zhou dynasty, o binasbasan ng isang makapangyarihang monghe. Ito ay isa lamang dekalidad na nephrite, ngunit ang halaga nito ay nasa limampung libo sa pinakamataas.”“Kalokohan. Hindi mo ba nakikita na kulay pula ang jade!?” Binulyaw ni Quilt.Nagpatuloy si Charlie na tila ba hindi siya nagambala. “Ang pulang kulay ay dahil nasira ito ng mga mineral na may potassium permanganate. Sa ting
Galit na ngayon si Charlie. “Sa tingin mo ba ay makakatakas ka dito kung hindi ka magsasalita, taba? Ipapaalam ko lang, ito ang Aurous! Hindi mo ba alam na ang mga tao sa kwartong ito ay makapangyarihan sa lugar na ito? Kaya ka nilang ipapatay at ipatapon sa kanal kung sasabihin nila! Pinapayuhan kita na sabihin mo ang totoo ngayon na, kung hindi, hindi mo maililigtas ang sarili mo!”Alam ni Jasmine na minamanipula siya ni Charlie, kaya, naglabas siya ng isang istriktong ekspresyon at nakisama. “Ang pamilya Moore ay medyo makapangyarihan. Kung may gustong mang-scam sa amin, siguradong tuturuan namin siya ng magandang leksyon. Dahil, kung pakakawalan namin siya, ang reputasyon namin ay masisira sa mga mata ng publiko!”Nagulat nang sobra ang matabang lalaki. Alam niya na ang mga Moore ay mayroon ngang labis na kapangyarihan sa lugar na ito. Kung gagalitin niya pa si Jasmine Moore, siguradong mamamatay siya sa Aurous!Nagpa-panic, desperado siyang humarap kay Quilt. “Quilt, tulungan m
Walang pagbabago ang ekspresyon ni Jasmine habang nakaupo sila sa kotse.Nainis siya nang sobra sa katotohanang may walang kwentang tampalasan sa kanyang pamilya. Bukod dito, ang mas nakakainis ay ang katotohanan na sinubukan siyang lokohin ni Tito Quilt sa harap ng maraming tagalabas.Kung naloko siya ngayon na magbigay ng pera, tatakas si Tito Quilt dala-dala ang lahat ng pera. Mapapahiya nang sobra si Jasmine kapag nadiskubre niya na niloko siya pagkatapos mawala ang malaking kayamanan na pag-aari ng pamilya Moore!Mabuti nalang, nandoon si Charlie at niligtas siya, tinulungan siyang maiwasan ang pagkawala ng kayamanan ng pamilya niya.Naglabas si Jasmine ng bank card mula sa kahon ng guwantes sa kanyang kotse bago niya ito ibinigay kay Charlie. “Mr. Wade, mayroong humigit-kumulang na isang milyong dolyar sa card na ito. Ang passcode ay anim na ‘eights’. Mangyaring tanggapin mo ito bilang paraan ng aking pasasalamat.”Hindi maiwasang magbuntong hininga ni Jasmine habang nagsasa
Naramdaman ni Charlie na talagang wala na siyang magagawa sa oras na ito. Kababasag lang ni Jacob ng Yuhuchun vase, pero, sa sandaling lumabas siya ng bahay, sinamantala ng matandang lalaki ang pag-alis niya upang tumakas at pumunta muli sa Antique Street.Kaugalian niya na ito. Hindi siya matututo sa kamalian niya.Tumawa si Jacob habang tinanong niya sila sa misteryosong tono, “Ang ibig kong sabihin ay ang mga celadon cups na ito ay may halagang kalahating milyong dolyar! Bakit hindi niyo hulaan kung magkano ko sila binili?”Sandaling nag-alangan si Claire bago sumagot, “Tatlong daang libong dolyar?”“Hindi! Hulaan mo ulit!” Sinabi ni Jacob habang iwinasiwas niya ang kanyang kamay.“Dalawang daang libong dolyar?”“Hindi rin!”Sumulyap si Charlie sa pares ng celadon cups sa kamay ng kanyang biyenan na lalaki at agad nalaman na ang mga tasa ay peke at may halaga lamang ilang daang dolyar.Sa sandaling iyon, ngumiti si Jacob habang sinabi niya nang sabik, “Haha! Binili ko ito sa
Ang sumunod na araw ay sabado na.Dinala ni Jacob si Charlie palabas ng bahay at maagang silang nagmaneho papunta sa Antique Street. Mukhang presko at masigla ang matandang lalaki, nang lumabas sila sa kotse, iwinasiwas ni Jacob ang kanyang kamay kay Charlie at sinabi, “Tara! Ipapakita ko sa’yo kung paano pumili ng isang magandang bagay!” Pagkatapos, naglakad silang dalawa sa kalye ng Antique Street. Kailangan maglakad nang mabilis ni Charlie upang mahabol si Jacob. Gayunpaman, patuloy siyang tumingin sa paligid habang naglalakad siya sa kalye. Dahil sabado na, mas maraming tao ang naglalakad sa Antique Street kumpara sa karaniwan.Maraming tao sa magkabilang kanto ng kalye ng Antique Street dahil maraming mga nagbebenta na lumalabas upang itayo ang kanilang pwesto sa sabado at linggo, kaya, ang buong kalye ay puno.Maraming nagbebenta ang naglalagay lang ng plastic sa lapag habang binabati nila ang mga bisita at mga mamimili upang tingnan ang iba’t ibang uri ng antigo at jade na n
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka
“Ano… Anong sinabi mo?!” Pakiramdam ni Charlie na namanhid ang buong katawan niya dahil sa mga sinabi ni Vera. Hindi ito pagmamalabis. Nakaramdam talaga siya ng mahinang kuryente mula sa kanyang ulo hanggang paa!Sinabi ni Vera na napanood niya ang Mother of Pu’er Tea na nabigong lampasan ang kalamidad nito sa Heavenly Lake tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay mahigit 300 years old na siya?!Sa una ay hindi kayang maniwala ni Charlie sa sinabi ni Vera. Dahil, kahit na nahanap talaga ng isang tao ang daan sa mahabang buhay, karaniwan ay unti-unting proseso ito.Marahil ay mag-cultivate ang isang tao sa 20s o 30s, pero madalas posible na magsimula ang cultivation sa edad na 50 o 60, o mas matanda pa.Habang lumalalim ang cultivation ng isang tao, humahaba ang buhay niya, pero kahit ang isang cultivator na mahigit 100 years old, tulad ng great earl ng Qing Eliminating Society, ay napanatili lang ang hitsura niya na isang lalaki na nasa 60 years old.Kung m
Humagikgik si Vera at sinabi, “Nagkataon, may natira pa na huling piraso ng Pu’er tea. Nag-aatubili akong inumin ito, at hinihintay ko ang araw na maitimpla ko ito para sayo para matikman mo ito. Charlie, mangyaring maghintay ka saglit!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Miss Lavor, hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo. Bigyan mo na lang ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Vera at hindi na lumingon habang sinabi, “Ang Pu’er tea na mayroon ako ay ang pinakamasarap ng Pu’er tea sa buong mundo. Charlie, siguradong pagsisisihan mo sa hinaharap kung hindi mo ito titikman.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “At saka, ipapaliwanag ko ang lahat ng mga bagay kung saan ka nalilito, simula sa piraso ng Pu’er tea na iyon.”Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Vera ang kumpletong tea set niya at ang Pu’er tea na palagi niyang pinapahalagahan nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie.Pagkatapos bumalik sa tabi ng kama, maingat na sinindihan ni Vera ang uling ng olibo
Nang marinig ang paliwanag ni Vera, kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Paano iyon posible? Nagsisinungaling ka siguro sa akin.”“Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinabi nang sigurado ni Vera, “Totoo talaga ito! Kaya kong mangako sa buhay ko!”Umiling si Charlie at sinabi nang sobrang seryoso at tapat, “Paniniwalaan kita kahit na may pagdududa ako. Naniniwala ako na kaya nga ng singsing na ito na ipadala ang tao sa iba, pero nang mangyari ang pagsabog kanina, hindi ikaw ang iniisip ko… Ang iniisip ko ay ang mga pumanaw na magulang ko…”Pagkasabi nito, patuloy na binulong ni Charlie, “Mukhang lumitaw sa isipan ko ang imahe ng asawa ko sa dulo. Kung totoo ang sinabi mo, dapat ay ipinadala ako ng singsing na ito sa asawa ko…”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang may kaunting lungkot, “Charlie, hindi ako nagsisinungaling sayo. Natural na alam ko na hindi mo ako iisipin sa sandali ng buhay at kamatayan. Kaso nga lang ay ang ama ko ang nag-iwan ng singsing na ito sa aki
Tumango si Vera at sinabi, “May kaunting alam ako sa lahat, pero mga pangunahing kaalaman lang.”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Nagdala ako ng maraming pill bago ako umalis, pero wala nang natira ngayon…”Pagkatapos itong sabihin, may naalala siya at mabilis niyang tinanong si Vera, “Siya nga pala, ano na ang petsa at oras ngayon?”Hindi alam ni Charlie kung gaano katagal ang lumipas bago siya napunta dito. Kung kaunting panahon lang ito, may oras pa siya para magmadaling umuwi at sirain ang sulat na iniwan niya para kay Claire. Kung matagal na panahon na ang lumipas, marahil ay nalaman na ni Claire ang tungkol sa sikreto niya.Nang makita ni Vera na nababalisa nang sobra si Charlie, sinabi niya nang nagmamadali, “Huwag kang mag-alala, Charlie. Karirinig ko lang ng ilang segundo ang pagsabog sa timog bago ka lumitaw sa hot spring pool. Nasa kalahating oras pa lang ang lumipas simula noon.”Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Charlie nang marinig ni
Pakiramdam ni Charlie na pagod na pagod na ang utak niya, at hindi niya maunawaan ang lohika. Sa sandaling ito, bigla niyang naalala na ginamit ni Vera ang pangalan na ‘Veron’ nang bumisita siya sa Aurous Hill, pero pagkatapos siyang makita, tinawag niyang ‘Vera’ ang sarili niya.Kahit na may kaunting pagkakaiba lang sa pangalan na ‘Vera’ at ‘Veron’, bukod-tangi ang kahulugan nito para kay Charlie.Agad siyang nakaramdam ng lamig sa kanyang gulugod at tinanong nang mahina sa gulat, “Hindi… Naa… Naaalala mo ako?”Tumango si Vera at nahihirapan na alalayan ang nanghihinang si Charlie habang papunta siya sa kanyang kwarto. Sinabi niya nang malambot, “Charlie, niligtas mo ang buhay ko sa Northern Europe. Hinding-hindi ko ito makakalimutan!”Nagulat nang sobra si Charlie. Binulong niya, “Bakit… Bakit naaalala mo pa rin? Maaari ba… Maaari ba na isa ka ring cultivator?”Ngumiti nang nahihiya si Vera at sinabi, “Charlie, hindi ako isang cultivator, pero medyo espesyal ang katawan ko, kaya
Simula noong nawalan siya ng malay, walang ideya si Charlie kung gaano katagal na siyang lumulutang sa kawalan, hanggang sa huli, isang kaunting ilaw ang biglang lumitaw sa harap ng mga mata niya.Sa sandaling ito, kasama ng kaunting ilaw ay ang matinding sakit at malakas na pakiramdam ng kahinaan. Sa sobrang lakas ng pakiramdam ng kahinaan na ito, hindi niya man lang kayang buksan ang mga mata niya.Hindi katagalan, naramdaman niya na para bang binalot ng mainit na pakiramdam ang katawan niya, at parang nagbigay ng ilang kaginhawaan ang init na ito sa matinding sakit sa paligid niya. Pagkatapos ay nadiskubre niya na inaangat siya ng mainit na pakiramdam na ito.Pagkatapos nito, narinig niya ang isang pamilyar na boses na sinabi sa tainga niya, “Charlie!” Dahil sa tawag na ito, unti-unting bumalik ang paningin ni Charlie.Nang binuksan ng nanghihingang Charlie ang mga mata niya at nakita niya ang tao na nakatayo sa harap niya, natulala siya dahil bigla niyang nadiskubre na ang maga