”Boss, sa tingin ko ay mali ang nalabas ko na bote ng wine dahil nagmadali ako palabas ng bahay ngayon.”“Ah, mali ang nalabas mong bote ngayon?” Ngumiti si Charlie habang pumulot siya ng isa pang bote ng wine na nababalot ng putik. Pinunasan niya ang putik gamit ang kanyang kamay bago niya ito itapat sa araw. Pagkatapos tingnan, sinabi ni Charlie, “Paano naman ang bote na ito? Mukhang ang bote ng wine na ito ay gawa sa Suzhou.”Totoo nga, mayroong isang helera ng maliliit na letra na nakasulat sa ilalim ng bote.“Made by Suzhou Craft Factory.”“Hindi ko alam ang nakasulat diyan dahil hindi ako marunong magbasa,” ngumisi ang may-ari ng pwesto habang sumagot siya. Pagkatapos, pinahid niya ang talampakan niya sa papel na nilangisan, pinapakita na tila ba hindi siya interesado na makipag negosyo sa kanila.Nagalit si Jacob at nainis nang makita na naloko siya.Sinunggaban ang may-ari ng pwesto, galit siyang sumigaw sa kanya.“Sinungaling! Ibalik mo ang pera ko!”“Anong pera ang ti
Sa sandaling narinig niya ang boses, tumalikod si Charlie upang hanapin ang pinagmulan nito.Nakita niya ang isang batang lalaki na may puting lino na suit at isang pares ng itim na sapatos na naglalakad papunta sa pwesto. Mayroong iba’t ibang uri ng bracelet sa kanyang kamay, at dahil maliwanag at maaraw, mayroon siyang isang antigong salamin na gawa sa ginto ang gilid na may dalawang itim na lense. Ang salamin ng batang lalaki ay katulad ng mga salamin na sinusuot ng mga bata noong Qing Dynasty sa China.Mga apat o limang bodyguard ang naglalakad sa likod ng batang lalaki, at kumpara sa young master, ang mga bodyguard ay mukhang mabangis at masama, pinapaalis ang lahat sa daan upang maiwasan ang gulo sa eksena.“Ah, si Mr. Quinton!”Lumaki ang mga mata ng may-ari ng pwesto at nagsimulang ngumiti nang makita ang batang lalaki. Pagkatapos, papuri ang lumabas sa kanyang bibig na tila ba may tubig na dumadaloy dito. “Mr. Quinton, bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka ngayon? La
Gayunpaman, talagang iba si Mr. Quinton. Ito ay dahil nabuhay siya na may pilak na kutsara sa kanyang bibig, dahil nagmula siya sa isang sikat na pangalawang henerasyon na mayamang pamilya. Hindi niya pa nararanasan na maubusan ng pera simula noong isinilang siya.Hindi gustong galitin ni Zachary si Mr. Quinton, pero ayaw niya ring labagin ang panuntunan ng pakikipagkalakalan ng antigo, kaya, patuloy niyang tiningan ni Charlie, umaasa na magbabago ang isip niya.Alam ni Charlie na pinapakiusapan siya ni Zachary, pero hindi niya pinasin ang kanyang pakiusap at sumagot, “Hindi.”Walang magawa si Zachary at umupo nalang sa lapag at magtiis kung sakaling sipain siya ulit ni Mr. Quinton.“Tingnan mo kung gaano ka kawalang kwenta!”Sumigaw si Mr. Quinton at binulyawan si Zachary. Pagkatapos, sumulyap siya kay Charlie bago sinabi nang mayabang, “Binili mo ang batong ito sa halagang tatlong daang dolyar? Bibigyan kita ng tatlumpung libong dolyar kung ibibigay mo ito sa akin!”Malakas na
Nang makita ng lahat ang mayabang na ekspresyon sa mukha ni Mr. Quinton, pinigilan ng mga manonood ang kanilang hininga dahil alam nila na matatalo si Charlie sa paghaharap na ito.Gayunpaman, mayroong kalmadong ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha, at ngumiti siya habang sumagot, “Sa tingin ko ay hindi ito ang unang beses na sumali ka sa isang pakikipagkalakalan ng antigo. Mayroon ka bang ideya sa kung ano ang pinakamahalagang bagay pagdating sa pakikipagkalakalan ng antigo?”Tumingin na may malamig na ekspresyon si Mr. Quinton kay Charlie, “Ano?”Tumawa si Charlie bago sumagot, “Syempre ang panuntunan na namamahala sa pakikipagkalakalan ng mga antigo!”Pagkatapos, nilakasan nang kaunti ni Charlie ang kanyang boses bago nagpatuloy, “Sa pakikipagkalakalan ng mga antigo, kung sino ang nauna, sa kanya na ito. Nauna ako, at ako ang unang taong bumili ng batong ito. Kaya, sa akin na ang batong ito. Kahit na lumuhod ka pa at magmakaawa na ibigay ko ito sa iyo, hindi ko ito ibibigay sa
”Okay, sige,” Agad na pumayag si Charlie na may sobrang relax na kilos. “Maaari ko lang sabihin na kamangha-mangha ka dahil naniwala ka talaga na ang artipisyal na bato ay isang jade.”Mas nainis si Mr. Quinton, ang kanyang mukha ay namula pagkatapos punahin ni Charlie. Tumalikod siya at tynubgub sa maraming tao na nakapalibot sa kanila.“Mr. Zeke, Mr. Lionel, gusto kong tulungan niyo ako na tingnan itong bracelet sabihin sa akin kung tunay ba ito o hindi.”Ang dalawang taong natawag ay biglang naging awkward habang tumingin sila sa isa’t isa.Ito ay dahil ang pagsusuri sa katunayan ng isang antigo ay karaniwang nakakagalit sa may-ari, hindi alintana kung totoo ba ito o hindi.“Mr. Quinton, limitado lang din ang aming kaalaman sa pagtatasa ng mga antigo. Hindi namin makikita ang pagkakaiba.”Agad nagalit si Mr. Quinton at mabilis na sinabi, “Huwag kayong magsabi ng mga palusot! Gusto kong bigyan niyo ako ng tapat na pagtatasa sa bracelet. Kahit na tunay ang piraso ng jade o hindi
Nang makita ni Charlie kung gaano kayabang si Mr. Quintong, kinutya niya habang umiling siya sa panghahamak. “Hindi mo man lang makita ang pagkakaiba ng gourd sa jade plug? Hindi mo pa ba narinig ang tungkol sa siyam na butas o ang jade plugs na ginagamit sa mga bangkay?”“Anong ibig sabihin mo sa jade plugs at mga bangkay?” Tinanong ni Mr. Quinton na may nalilitong ekspresyon sa kanyang mukha.Nagbuntong-hininga si Charlie. “Hindi maturuan ang bata!” Pagkatapos, umiling siya bago sinabi, “Hindi mo man lang alam ang tungkol dito? Narinig mo na ba ang ‘Nine Aperture Jade’?”“Anong ‘Nine Aperture Jade’?” Tinanong ni Mr. Quinton habang nakatingin siya kay Charlie na may blankong ekspresyon sa kanyang mukha.Kahit na nasiyahan si Mr. Quinton sa pagbili ng mga antigo, hindi talaga siya nag gugol ng oras para pag-aralan ang kahit ano sa mga antigo. Lagi niyang bibilhin ang sinasabi ng kahit sino na maganda bago siya umalis at magyayabang tungkol sa mga piraso ng antigo niya.“Ungas!” K
Malamig na sumagot si Charlie bago siya tumalikod upang umalis.Nang makita ni Mr. Quinton na aalis na ang kabilang partido, inakala niya na gustong tumakas ni Charlie. Kaya, agad niyang sinigaw, “Pigilan niyo siya! Sino ang nagbigay ng tapang sa kanya na gawin ito? Siguradong may sumusuporta sa batang ito!”“Hindi kita dapat galitin?! Hahaha! Walang sinuman sa Aurous Hill ang hindi ko kakayanin kapag nagalit!”“Itali niyo siya at baliin niyo ang mga binti niya! Gusto kong malaman kung sino ang may kapangahasan na galitin ang pamilya Quinton!”Sa totoo lang, naniniwala si Mr. Quinton na si Charlie ay ipinadala ng kanyang karibal sa negosyo upang sadyain na galitin siya. Kung hindi, paano niya malalaman ang tungkol sa aksidente sa kotse niya sa simula ng taon?Agad na kumilos ang mga bodyguard, at nagmadali sila nang walang pag-aalangan kay Charlie.Dalawang bodyguard ang lumapit kay Jacob at iniangat ang kanilang mga kamay bago siya sunggaban nang mabangis.Sobrang natakot si Ja
Naniwala ang mga manonood kay Charlie at gusto nilang lahat na umuwi na upang tingnan agad ang sports channel.Napakapangit ng ekspresyon ng mukha ni Mr. Quinton, at pagkatapos manahimik saglit, bumalik na siya sa kanyang diwa.Nakakahiya ito!Ang mga bodyguard na kinuha niya at binayaran niya nang malaki ay mga propesyonal na lumalaban at partikular na kinuha sila upang protektahan siya. Sinong mag-aakala...Sinong mag-aakala na isang batang lalaki na lumitaw kung saan ay tinalo ang mga propesyonal na manlalaban na ito, sa pamamagitan lamang ng panonood ng programa sa telebisyon.Hindi isang propesyonal na manlalaban si Mr. Quinton, kaya, hindi niya alam na sobrang magaling talaga si Charlie. Pero, ang kanyang mga bodyguard ay hindi tanga.Alalm nila na siya ay isang dalubhasa sa sandaling hinawakan niya sila.Kahit na mapagpakumbaba si Charlie, ang kanyang mga galaw ay nakamamatay kahit na wala siyang ginamit na lakas.Hindi siya isang tao na madali nilang matatalo.Kaya, hi
Matagal nang alam ni Charlie na mahirap itago ang mga bakas na kaugnay sa mga close-defense missile, kaya sadya niyang sinabihan si Porter na ilagay ang lahat ng bakas ng close-defense missile papunta sa Blackwater Company para maiwasan ang atensyon.Ngayong isa-isang nawala ang mga executive ng Blackwater Company sa Middle East, siguradong pinupuntirya sila ng Qing Eliminating Society dahil sa mga bakas na naiwan ng close-defense missile.Sinabi nang magalang ni Porter kay Charlie, “Mr. Wade, ang impormasyon na natanggap ko ay kahit na isa-isang nawala ang mga executive ng Blackwater Company, walang bakas na napasok ang base nils. Pinuntirya at naglaho lang ang mga taong ito nang lumabas sila. Mukhang natutunan na ng Qing Eliminating Society ang leksyon nila at hindi na sila naglakas-loob na pumasok nang palihim at padalus-dalos sa isang modernong military base…”Tumango si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Magandang bagay na magpigil sila. Kung isang beses na silang naharangan ng
Tinaas ni Charlie ang mga kilay niya at tinanong, “Porter, kailan ka dumating?”Sinabi nang magalang ni Porter, “Kailan lang ako dumating. Tahimik akong naglayag mula sa cargo ship nang dumaan ito sa Suez Canal at pinalitan ko nang tatlong beses ang pagkakakilanlan ko bago ako pumunta dito. Pagkatapos bumaba sa eroplano, nag-renta ako ng isang kotse, at papunta na ako sa siyudad ngayon.”Tinanong siya ni Charlie, “Nasaan na ang iba?”Sumagot si Porter, “Mr. Wade, ayon sa mga utos mo, bukod sa akin, ang lahat ng kasangkot sa plano para pabagsakin ang base sa Cyprus ay hindi pwedeng bumaba sa lupa sa susunod na tatlo o anim na buwan. Maglalayag lang sila sa dagat sa cargo ship at babalik lang sa Syria pagkatapos humupa ng sitwasyon.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Porter, “Siya nga pala, Mr. Wade, nakatanggap ako ng impormasyon habang nasa karagatan, at gusto ko itong i-ulat sayo sa personal.”Ngumiti nang kuntento si Charlie at sinabi, “Okay. Pumunta ka sa Shangri-La at han
“Martial arts?” Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Charlie-kun, ang Oskian martial arts ba ang tinutukoy mo?”Tumango si Charlie at sinabi, “Tama. Gumagamit ng essential qi ang Oskian martial arts para buksan ang walong pambihirang meridian.”Natulala si Nanako at tinanong, “Pwede ba ako?”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya sa mahinang boses, “Dahil, hindi naman ako Oskian, Charlie-kun…”Kinaway ni Charlie ang kanyang kamay, tumingin kay Nanako, at sinabi nang seryoso, “Lumaganap na sa buong mundo ang Oskian martial arts. Maraming sect sa ibang bansa ang kumuha ng mga dayuhang disipulo, at marami ring mga dayuhang miyembro sa Ten Thousand Armies, kaya wala kang dapat alalahanin. Kung interesado ka, pwede kitang pasalihin sa training.”Tinanong nang nagmamadali ni Nanako, “Anong klaseng training ito? Ikaw ba ang personal na magsasanay sa akin, Charlie-kun?”Umiling si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Wala akong gano’ng abilidad. Isang dating leader ng isang martial arts sect mu
“Okay!”Nang tiningnan ni Nanako ang likod ni Marianne habang umaalis siya, pakiramdam niya na para bang kakaiba ang kilos ni Marianne, pero hindi niya maisip kung bakit. Pakiramdam niya na medyo natatakot si Marianne sa kanya dahil parang kakaiba ang ekspresyon niya sa sandaling nakita niya siya. Naramdaman pa ni Nanako na parang gumaan ang pakiramdam ni Marianne nang lumabas na siya sa elevator.Inisip ni Nanako, ‘Nakakatakot ba ako?’Dumating ang elevator sa underground parking lot habang iniisip ito ni Nanako.Nagmaneho si Charlie papasok sa underground parking lot pagkatapos maghintay ni Nanako ng mga limang minuto. Mabilis na tumayo si Nanako sa gilid nang umaasa.Umabante agad siya pagkatapos ipinarada ni Charlie ang kotse. Pagkatapos lumabas ni Charlie sa kotse, kumaway siya sa kanya nang sabik at pagkatapos ay yumuko nang bahagya habang sinabi, “Charlie-kun, nakakapagod siguro ang biyahe mo!”Natulala saglit si Charlie, pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, “Hindi ito na
Alam ni Nanako na hiling ng kanyang ama na magkaroon sila ng relasyon ni Charlie, kaya hindi siya nasorpresa nang tinukso siya ng kanyang ama. Hindi rin siya nahiya nang sobra. Sa halip, huminga siya nang malakas at nagreklamo, “Otou-san, magbo-book na ako ng hotel para sayo ngayon kung gusto mong matulog sa hotel. Pwede ka pang manatili sa hotel hanggang umuwi tayo sa Japan! Kung hindi pa ito sapat para sayo, kaya kong bilhin ang hotel na titirahan mo, Otou-san.”Humagikgik si Yahiko at sinabi, “Nanako, nagbibiro lang ako, hayaan mo na sana ako…”Pagkasabi nito, mabilis niyang idinagdag, “Oh, magsisimula na akong maglaro ng golf, kaya aliwin mo muna si Mr. Wade. Hindi kami babalik at mang-iistorbo pansamantala!”Hindi na masyadong nagsalita si Nanako nang makita niya na hindi na siya tinukso ng kanyang ama. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ama, nagmamadali siyang lumabas at naghandang makipagkita kay Charlie sa basement.Pinindot niya ang down button sa elevator, at mabilis na bumu
“Okay, Master Wade!”***Pagkatapos ng tawag kay Aurora, tinawagan ni Charlie si Nanako. Nagbuburda si Nanako sa bahay. Nang matanggap niya ang tawag ni Charlie, sinabi niya nang masaya, “Charlie-kun, ano ang kinakaabalahan mo ngayon?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Nagmamaneho ako, at pabalik na ako sa siyudad. May gusto akong sabihin sayo sa personal. Nasa bahay ka ba ngayon?”Sinabi nang masaya ni Nanako, “Oo! Charlie-kun, pwede kang pumunta kahit anong oras.”Sinabi ni Charlie, “Okay, darating ako ng halos dalawampung minuto.”Mabilis na binaba ni Nanako ang burda sa mga kamay niya at sinabi nang nakangiti, “Maghahanda na ako ngayon at magpapakulo muna ng ilang tsaa para makapag-tsaa tayo pagdating mo mamaya, Charlie-kun.”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Hindi mo na kailangan mag-abala. May gusto ko lang akong sabihin sayo sa personal, at aalis ako pagkatapos kang kausapin.”Sinabi nang nakangiti ni Nanako, “Pwede kang mag-enjoy ng isang tasa ng tsaa habang nagsasalita
Tinawagan muna ni Charlie si Aurora pagkatapos magdesisyon. Medyo matagal na niyang hindi nakikita si Aurora. Ang huling beses na nakita niya siya ay noong ipinadala ni Aurora ang mga halamang gamot sa kanya sa ngalan ng kanyang ama.Medyo nahiya si Charlie nang maisip niya na nangako siya sa kanya na maglalaan siya ng oras para pangasiwaan ang training niya pero hindi niya ito magawa dahil masyado siyang naging abala.Mabilis na kumonekta ang tawag pagkatapos niyang tawagan ang number ni Aurora. Tinanong ni Aurora sa sorpresa, “Master Wade, bakit may oras ka na tawagan ako?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Tinawagan kita dahil may magandang balita ako na sasabihin sayo.”Tinanong nang masaya ni Aurora, “Ano ito? Maaari ba na pupunta ka sa bahay ko para pangasiwaan at gabayan ako sa training ko? Matagal mo na itong pinangako sa akin…”Sinabi ni Charlie nang nakangiti, “Kaugnay ito doon. Kailan lang ay nag-imbita ako ng isang martial arts expert para gumawa ng isang martial arts tra
Sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Albert, bakit hindi kita ilibre ng kain mamayang gabi? Kailangan nating uminom nang magkasama!”Sinabi ni Albert, “Mukhang hindi ako makakaalis pansamantala. Ako ang responsable para sa lahat ng logistics dito, kaya sa teorya, kailangan kong manatili dito buong magdamag!”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Albert, “Ganito na lang kaya? Maghanap tayo ng pagkakataon na uminom nang magkasama sa Champs Elys Resort pagkatapos opisyal na magsimula ang mga leksyon. Siguradong may ilang libreng oras tayo pagkatapos ng mga klase.”Sinabi nang nakangiti ni Isaac, “Okay! Gano’n na lang!”***Samantala, nagmamaneho si Charlie pabalik sa siyudad ng Aurous Hill.May malaking kahalagahan para kay Charlie ang pananatili ni Caden sa Aurous Hill para sanayin ang mga martial arts expert para sa kanya.Kahit kailan, hindi nag-cultivate o nag-ensayo ng martial arts si Charlie, kaya bukod sa pagbibigay ng mga pill at mga mental cultivation method, wala siyang ib
Nang makita ni Isaac na parang kumikilos nang misteryoso si Albert para bitinin siya, tinukso niya siya, “Albert, hindi pa ba kita kilala? Siguradong wala kang magawa maliban sa asarin ako! Paano tayo magiging magkaklase sa ganitong edad?!”Sinabi nang agrabyado ni Albert, “Hindi iyon totoo, Mr. Cameron! May habang buhay na pagkakaibigan tayo, kaya sa tingin mo ba ay aasarin kita nang kaswal?”Pagkatapos, idinagdag niya nang mabilis, “Okay, Mr. Cameron, hindi ko na itatago ang katotohanan sayo. Didiretso na ako sa punto. Alam mo naman na ni-renovate ni Master Wade ang Champs Elys resort kailan lang, pero alam mo ba kung bakit niya ni-renovate ang lugar na ito?”Sinabi ni Isaac, “Hindi ba’t gustong sanayin ng young master ang isang grupo ng mga martial artist doon? Anong kinalaman nito sa atin?”Humagikgik si Albert at sinabi, “Tinipon ko ang tapang ko para kausapin si Master Wade ngayong araw, at sinabi ko sa kanya na interesado tayo sa pag-eensayo ng martial arts, kaya hiniling ko