”Masyadong mahina!”Nagngalit si Charlie at gumilid sa isang iglap habang sinubukan niyang iwasan ang kanyang sipa. Pagkatapos, tinaas niya ang kanyang binti at sinipa si Aurora sa kanyang puwitan, nagpabagsak sa kanya sa lapag. Muntik nang mahulog ang panga ni Adam habang nakatingin siya sa eksena sa harap niya. Binulong niya sa kanyang sarili, “Ito… paano ito posible?!”Mas lalong napahiya si Aurora. Simula noong nagsimula siyang makipaglaban, hindi pa siya napahiya nang ganito. Bukod dito, ang lugar na sinipa ni Charlie ay sobrang nakakahiya!Tumayo siya nang puno ng galit, naghanda si Aurora na sumugod kay Charlie at agad siyang atakihin. Nagpasya na siya na dapat magbayad ang b*stardong ito sa mga ginawa niya ngayon!“Aurora, tigilan mo ang ginagawa mo! Huwag kang bastos kay Mr. Wade.”Sa sandaling iyon, isang di gaano katandang lalaki ang biglang tumakbo papunta sa kanya at sinunggaban ang kamay ni Aurora.Si Aurora, na lubos na nahihiya, ay sumigaw, “Pa! Huwag mo akong p
Nagulantang si Graham sa sinabi ni Charlie.Masisira ang buong pamilya niya?Kailangan niya ba talagang magbayad ng malaki?Namutla si Graham bago siya napabuntong hininga at sinabi, “Kailanman ay wala akong ginawang masama sa buhay ko. Sinubukan kong gumawa ng mga kabutihan at tulungan ang mga taong nangangailangan araw-araw. Kaya, paano ako nahantong sa ganito?”Ngumiti si Charlie bago niya tinanong, “Anong dahilan kung bakit mo gustong bilhin ang piraso ng topaz dati?”Tumango si Graham. Sa totoo lang, sinubukan niya na ang iba’t ibang paraan, pero walang gumana hanggang nakilala niya si Charlie.Dati, akala niya na alam lang ni Charlie tumingin ng mga antigo, kaya, hindi niya siya masyadong pinansin.Pero, ngayon, hindi nag-atubili si Charlie na ituro ang dahilan ng kanilang kamalasan. Ngayon, alam ni Graham na hindi ordinaryong tao si Charlie. Sa totoo lang, marahil ay si Charlie lamang ang pag-asa nila, at ang kapalaran ng pamilya Quinton ay nasa kamay niya.Mabilis na pi
Nagulantang din ang biyenan na lalaki ni Charlie. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang ganitong sitwasyon sa kanyang buhay.Tumingin si Charlie sa jade bracelet pero hindi niya ito agad tinanggap. Pagkatapos niyang sumulyap dito, tumingin siya kay Graham bago siya ngumiti at sinabi, “Mr. Quinton, paano ka makasisiguro na kaya kong lutasin ang problema na ito?”Sumagot nang may tiwala si Graham, “Kung hindi ito kayang lutasin ni Mr. Wade, wala na sa mundong ito ang kaya itong lutasin!”Napangiti na lamang si Charlie dahil tama si Graham. Alam niya nga kung paano lutasin ang problemang ito at ilihis ang sakuna mula sa pamilya Quinton.Ito ay dahil nabasa na niya ang tungkol sa masamang espiritu na ito sa Apocalyptic Book, at ang paraan upang malutas ang problemang ito ay malinaw at simple lang.Sumulyap si Charlie sa jade bracelet bago niya ito kinuha sas kanyang mga kamay sa isang kaswal na paraan.Sinuri niya ang jade bracelet at napagtanto na ang kristal ay sobrang linaw
Ngumiti si Graham bago siya nagsalita ulit nang magalang, “Mr. Wade, hindi namin makakalimutan ang kabutihan mo sa pamilya Quinton. Marahil ay kaunting nagmamadali kami dahil kailangan naming maghanda, gayunman, gusto kitang imbitahin sa mansyon ng pamilya Quinton bukas upang maghapunan. Gusto kong magdiwang ng bangkete para sa iyo bilang pasasalamat sa kabutihan mo, Mr. Wade.”“Ayos lang, may kailangan akong gawin bukas.” Sumagot nang walang bahala si Charlie habang umiiling. “Ang dahilan lang kung bakit kita tinulungan ngayon ay dahil alam kong palagi kang gumagawa ng kabutihan para sa iba. Kung hindi, hindi kita talaga tutulungan. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?”Nagulat si Graham. Pero kahit na, tumawa siya bago tumango. “Naiintindihan ko! Mr. Wade, mangyaring huwag kang magdalawang-isip na hanapin ako kung kailangan mo ng tulong sa hinaharap. Lagi kang tatanggapin ng pamilya Quinton.”Pagkatapos, nagmamadaling nilabas ni Graham ang dorado niyang business card na may person
Pagkatapos ng ilang sandali, naramdaman ni Charlie ang isang bugso ng enerhiya na dumadaloy sa kanyang katawang, tila ba pinapasigla ang lahat ng kanyang pandama, buto, at dugo.Ito ang Reiki!Nang tumingin tumingin siya ulit sa bato, nakita ni Charlie na tila ba sinisipsip ng bato ang ispiritwal na enerhiya at mukha lang itong karaniwan na walang buhay na bato.Sinubukan niyang gawin ang cultivation method na nakatala sa “Apocalyptic Book” pero hindi niya na makuha ang Reiki sa bato.Malungkot na nilagay niya ang bato sa kanyang bulsa. Naramdaman niya na ang bato ay pambihira, pero wala siyang paraan upang suriin ito ngayon. Mukhang kailangan niyang hasain ang kanyang mga kasanayan bago niya mapagana ulit ang bato.Nagmadali siyang maligo dahil malagkit na siya sa labis niyang pagpapawis. Halos lampas 5 pm na nang matapos siyang maligo, at doon tumawag si Claire.Sa tawag, sinabi ni Claire kay Charlie na nasa kalagitnaan siya ng pagpupulong kasama ang Emgrand Group tungkol sa mg
Narinig ni Charlie ang kumakaluskos na mga yapak sa likod niya. Patago siyang tumingin sa salamin na bintana sa sulok ng kanyang mga mata at nakita na sumusunod sa kanya si Loreen!Ah, patay!Kung makikita siya ni Loreen dito, iisipin niya na siya ang chairman ng Emgrand Group!Ang mas malala, baka mapagtanto niya na siya ang young master ng pamilya Wade!Talagang masama ito!Nang mahahabol na siya ni Loreen, naglakad siya nang mas mabilis, pumunta sa opisina ng chairman, at mabilis na kinandado ang pinto sa likod niya.Kailanman ay hindi inasahan ni Loreen na biglang bibilis ang lalaki. Gusto niya siyang habulin, pero nasa opisina na siya.Nagbuntong hininga si Loreen sa pagkadismaya at binulong, “Kakaiba, bakit pakiramdam ko na tumatakbo sa akin ang chairman…”Tumanggi siyang sumuko sa isang magandang pagkakataon. Huminga siya nang malalim, kumatok sa pinto, at sinabi, “Hello, Mr. Chairman, ako si Loreen Thomas, ang bagong administrative director. Gusto kong iulat sa iyo ang
Agad na pumunta si Loreen sa opisina ni Doris nang natanggap niya ang tawag. Kinuha ni Charlie ang pagkakataon at mabilis na bumaba.Nakita niya si Claire na lumabas, mukhang pagod na, sa sandaling dumating siya sa kanyang kotse.Siya ay pagod na sa mabigat na trabaho ng proyekto sa hotel. Sinabi niya nang walang magawa, “Ang dami kong trabaho, hindi sapat ang 24 oras.”Sinabi ni Charlie na may mabigat na puso, “Paano kung hatiin ang trabaho sa ibang tao? O kaya huwag nalang itong gawin.”“Imposible,” sinabi ni Claire, “Kailan lang ako ginawang direktor, kailangan kong magsikap para mapalakas ko at patatagin ang pundasyon ko sa kumpanya, kung hindi, sisingit ang pinsan ko sa sandaling makita niya ang pagkakataon.”Sobrang nainis si Claire nang lumitaw sa isip niya ang nakakadiring hitsura ni Harold. Patuloy siyang nilalabanan ng nakakaabalang lalaki na ito at palaging gumagawa ng masama at hindi makatwirang bagay.Sa daan pauwa, ipinikit ni Claire ang kanyang mga mata upang magpa
Ayaw sagutin ni Loreen ang tawag habang nakatingin siya sa pangalan ni Harold sa kanyang selpon.Hindi maganda ang impresyon niya kay Harold, at nakikita niya ang layunin niya kung bakit niya siya nilalapitan. Gusto niya lang lumapit sa kanya at subukang kunin ang kanyang puso.Sobrang naiinis siya sa taong ito at agad na binaba ang selpon.Gayunpaman, hindi kumukuha ng pagtanggi si Harold. Sinubukan niya nang ilang beses hanggang sa nag-aatubiling sinagot ni Loreen ang tawag at tinanong nang malamig, “Anong mayroon, Harold?”:Si Harold, sa kabilang linya, ay sinabi nang mabilis, “Loreen, narinig ko na nahirang ka bilang sales director, totoo ba?”Nasorpresa si Loreen. “Paano mo nasagap nang mabilis ang balita?”Humagikgik si Harold. “May mga kaibigan akong nagtatrabaho sa Emgrand Group, sinabi nila sa akin na nakatanggap sila ng opisyal na anunsyo tungkol sa paghirang sa’yo, kaya tumawag ako para batiin ka.”“Ah,” sinabi ni Loreen, “Oo, hinirang ako bilang sales director.”“Bi
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka
“Ano… Anong sinabi mo?!” Pakiramdam ni Charlie na namanhid ang buong katawan niya dahil sa mga sinabi ni Vera. Hindi ito pagmamalabis. Nakaramdam talaga siya ng mahinang kuryente mula sa kanyang ulo hanggang paa!Sinabi ni Vera na napanood niya ang Mother of Pu’er Tea na nabigong lampasan ang kalamidad nito sa Heavenly Lake tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay mahigit 300 years old na siya?!Sa una ay hindi kayang maniwala ni Charlie sa sinabi ni Vera. Dahil, kahit na nahanap talaga ng isang tao ang daan sa mahabang buhay, karaniwan ay unti-unting proseso ito.Marahil ay mag-cultivate ang isang tao sa 20s o 30s, pero madalas posible na magsimula ang cultivation sa edad na 50 o 60, o mas matanda pa.Habang lumalalim ang cultivation ng isang tao, humahaba ang buhay niya, pero kahit ang isang cultivator na mahigit 100 years old, tulad ng great earl ng Qing Eliminating Society, ay napanatili lang ang hitsura niya na isang lalaki na nasa 60 years old.Kung m
Humagikgik si Vera at sinabi, “Nagkataon, may natira pa na huling piraso ng Pu’er tea. Nag-aatubili akong inumin ito, at hinihintay ko ang araw na maitimpla ko ito para sayo para matikman mo ito. Charlie, mangyaring maghintay ka saglit!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Miss Lavor, hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo. Bigyan mo na lang ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Vera at hindi na lumingon habang sinabi, “Ang Pu’er tea na mayroon ako ay ang pinakamasarap ng Pu’er tea sa buong mundo. Charlie, siguradong pagsisisihan mo sa hinaharap kung hindi mo ito titikman.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “At saka, ipapaliwanag ko ang lahat ng mga bagay kung saan ka nalilito, simula sa piraso ng Pu’er tea na iyon.”Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Vera ang kumpletong tea set niya at ang Pu’er tea na palagi niyang pinapahalagahan nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie.Pagkatapos bumalik sa tabi ng kama, maingat na sinindihan ni Vera ang uling ng olibo
Nang marinig ang paliwanag ni Vera, kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Paano iyon posible? Nagsisinungaling ka siguro sa akin.”“Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinabi nang sigurado ni Vera, “Totoo talaga ito! Kaya kong mangako sa buhay ko!”Umiling si Charlie at sinabi nang sobrang seryoso at tapat, “Paniniwalaan kita kahit na may pagdududa ako. Naniniwala ako na kaya nga ng singsing na ito na ipadala ang tao sa iba, pero nang mangyari ang pagsabog kanina, hindi ikaw ang iniisip ko… Ang iniisip ko ay ang mga pumanaw na magulang ko…”Pagkasabi nito, patuloy na binulong ni Charlie, “Mukhang lumitaw sa isipan ko ang imahe ng asawa ko sa dulo. Kung totoo ang sinabi mo, dapat ay ipinadala ako ng singsing na ito sa asawa ko…”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang may kaunting lungkot, “Charlie, hindi ako nagsisinungaling sayo. Natural na alam ko na hindi mo ako iisipin sa sandali ng buhay at kamatayan. Kaso nga lang ay ang ama ko ang nag-iwan ng singsing na ito sa aki
Tumango si Vera at sinabi, “May kaunting alam ako sa lahat, pero mga pangunahing kaalaman lang.”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Nagdala ako ng maraming pill bago ako umalis, pero wala nang natira ngayon…”Pagkatapos itong sabihin, may naalala siya at mabilis niyang tinanong si Vera, “Siya nga pala, ano na ang petsa at oras ngayon?”Hindi alam ni Charlie kung gaano katagal ang lumipas bago siya napunta dito. Kung kaunting panahon lang ito, may oras pa siya para magmadaling umuwi at sirain ang sulat na iniwan niya para kay Claire. Kung matagal na panahon na ang lumipas, marahil ay nalaman na ni Claire ang tungkol sa sikreto niya.Nang makita ni Vera na nababalisa nang sobra si Charlie, sinabi niya nang nagmamadali, “Huwag kang mag-alala, Charlie. Karirinig ko lang ng ilang segundo ang pagsabog sa timog bago ka lumitaw sa hot spring pool. Nasa kalahating oras pa lang ang lumipas simula noon.”Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Charlie nang marinig ni
Pakiramdam ni Charlie na pagod na pagod na ang utak niya, at hindi niya maunawaan ang lohika. Sa sandaling ito, bigla niyang naalala na ginamit ni Vera ang pangalan na ‘Veron’ nang bumisita siya sa Aurous Hill, pero pagkatapos siyang makita, tinawag niyang ‘Vera’ ang sarili niya.Kahit na may kaunting pagkakaiba lang sa pangalan na ‘Vera’ at ‘Veron’, bukod-tangi ang kahulugan nito para kay Charlie.Agad siyang nakaramdam ng lamig sa kanyang gulugod at tinanong nang mahina sa gulat, “Hindi… Naa… Naaalala mo ako?”Tumango si Vera at nahihirapan na alalayan ang nanghihinang si Charlie habang papunta siya sa kanyang kwarto. Sinabi niya nang malambot, “Charlie, niligtas mo ang buhay ko sa Northern Europe. Hinding-hindi ko ito makakalimutan!”Nagulat nang sobra si Charlie. Binulong niya, “Bakit… Bakit naaalala mo pa rin? Maaari ba… Maaari ba na isa ka ring cultivator?”Ngumiti nang nahihiya si Vera at sinabi, “Charlie, hindi ako isang cultivator, pero medyo espesyal ang katawan ko, kaya
Simula noong nawalan siya ng malay, walang ideya si Charlie kung gaano katagal na siyang lumulutang sa kawalan, hanggang sa huli, isang kaunting ilaw ang biglang lumitaw sa harap ng mga mata niya.Sa sandaling ito, kasama ng kaunting ilaw ay ang matinding sakit at malakas na pakiramdam ng kahinaan. Sa sobrang lakas ng pakiramdam ng kahinaan na ito, hindi niya man lang kayang buksan ang mga mata niya.Hindi katagalan, naramdaman niya na para bang binalot ng mainit na pakiramdam ang katawan niya, at parang nagbigay ng ilang kaginhawaan ang init na ito sa matinding sakit sa paligid niya. Pagkatapos ay nadiskubre niya na inaangat siya ng mainit na pakiramdam na ito.Pagkatapos nito, narinig niya ang isang pamilyar na boses na sinabi sa tainga niya, “Charlie!” Dahil sa tawag na ito, unti-unting bumalik ang paningin ni Charlie.Nang binuksan ng nanghihingang Charlie ang mga mata niya at nakita niya ang tao na nakatayo sa harap niya, natulala siya dahil bigla niyang nadiskubre na ang maga