Ngumiti si Graham bago siya nagsalita ulit nang magalang, “Mr. Wade, hindi namin makakalimutan ang kabutihan mo sa pamilya Quinton. Marahil ay kaunting nagmamadali kami dahil kailangan naming maghanda, gayunman, gusto kitang imbitahin sa mansyon ng pamilya Quinton bukas upang maghapunan. Gusto kong magdiwang ng bangkete para sa iyo bilang pasasalamat sa kabutihan mo, Mr. Wade.”“Ayos lang, may kailangan akong gawin bukas.” Sumagot nang walang bahala si Charlie habang umiiling. “Ang dahilan lang kung bakit kita tinulungan ngayon ay dahil alam kong palagi kang gumagawa ng kabutihan para sa iba. Kung hindi, hindi kita talaga tutulungan. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?”Nagulat si Graham. Pero kahit na, tumawa siya bago tumango. “Naiintindihan ko! Mr. Wade, mangyaring huwag kang magdalawang-isip na hanapin ako kung kailangan mo ng tulong sa hinaharap. Lagi kang tatanggapin ng pamilya Quinton.”Pagkatapos, nagmamadaling nilabas ni Graham ang dorado niyang business card na may person
Pagkatapos ng ilang sandali, naramdaman ni Charlie ang isang bugso ng enerhiya na dumadaloy sa kanyang katawang, tila ba pinapasigla ang lahat ng kanyang pandama, buto, at dugo.Ito ang Reiki!Nang tumingin tumingin siya ulit sa bato, nakita ni Charlie na tila ba sinisipsip ng bato ang ispiritwal na enerhiya at mukha lang itong karaniwan na walang buhay na bato.Sinubukan niyang gawin ang cultivation method na nakatala sa “Apocalyptic Book” pero hindi niya na makuha ang Reiki sa bato.Malungkot na nilagay niya ang bato sa kanyang bulsa. Naramdaman niya na ang bato ay pambihira, pero wala siyang paraan upang suriin ito ngayon. Mukhang kailangan niyang hasain ang kanyang mga kasanayan bago niya mapagana ulit ang bato.Nagmadali siyang maligo dahil malagkit na siya sa labis niyang pagpapawis. Halos lampas 5 pm na nang matapos siyang maligo, at doon tumawag si Claire.Sa tawag, sinabi ni Claire kay Charlie na nasa kalagitnaan siya ng pagpupulong kasama ang Emgrand Group tungkol sa mg
Narinig ni Charlie ang kumakaluskos na mga yapak sa likod niya. Patago siyang tumingin sa salamin na bintana sa sulok ng kanyang mga mata at nakita na sumusunod sa kanya si Loreen!Ah, patay!Kung makikita siya ni Loreen dito, iisipin niya na siya ang chairman ng Emgrand Group!Ang mas malala, baka mapagtanto niya na siya ang young master ng pamilya Wade!Talagang masama ito!Nang mahahabol na siya ni Loreen, naglakad siya nang mas mabilis, pumunta sa opisina ng chairman, at mabilis na kinandado ang pinto sa likod niya.Kailanman ay hindi inasahan ni Loreen na biglang bibilis ang lalaki. Gusto niya siyang habulin, pero nasa opisina na siya.Nagbuntong hininga si Loreen sa pagkadismaya at binulong, “Kakaiba, bakit pakiramdam ko na tumatakbo sa akin ang chairman…”Tumanggi siyang sumuko sa isang magandang pagkakataon. Huminga siya nang malalim, kumatok sa pinto, at sinabi, “Hello, Mr. Chairman, ako si Loreen Thomas, ang bagong administrative director. Gusto kong iulat sa iyo ang
Agad na pumunta si Loreen sa opisina ni Doris nang natanggap niya ang tawag. Kinuha ni Charlie ang pagkakataon at mabilis na bumaba.Nakita niya si Claire na lumabas, mukhang pagod na, sa sandaling dumating siya sa kanyang kotse.Siya ay pagod na sa mabigat na trabaho ng proyekto sa hotel. Sinabi niya nang walang magawa, “Ang dami kong trabaho, hindi sapat ang 24 oras.”Sinabi ni Charlie na may mabigat na puso, “Paano kung hatiin ang trabaho sa ibang tao? O kaya huwag nalang itong gawin.”“Imposible,” sinabi ni Claire, “Kailan lang ako ginawang direktor, kailangan kong magsikap para mapalakas ko at patatagin ang pundasyon ko sa kumpanya, kung hindi, sisingit ang pinsan ko sa sandaling makita niya ang pagkakataon.”Sobrang nainis si Claire nang lumitaw sa isip niya ang nakakadiring hitsura ni Harold. Patuloy siyang nilalabanan ng nakakaabalang lalaki na ito at palaging gumagawa ng masama at hindi makatwirang bagay.Sa daan pauwa, ipinikit ni Claire ang kanyang mga mata upang magpa
Ayaw sagutin ni Loreen ang tawag habang nakatingin siya sa pangalan ni Harold sa kanyang selpon.Hindi maganda ang impresyon niya kay Harold, at nakikita niya ang layunin niya kung bakit niya siya nilalapitan. Gusto niya lang lumapit sa kanya at subukang kunin ang kanyang puso.Sobrang naiinis siya sa taong ito at agad na binaba ang selpon.Gayunpaman, hindi kumukuha ng pagtanggi si Harold. Sinubukan niya nang ilang beses hanggang sa nag-aatubiling sinagot ni Loreen ang tawag at tinanong nang malamig, “Anong mayroon, Harold?”:Si Harold, sa kabilang linya, ay sinabi nang mabilis, “Loreen, narinig ko na nahirang ka bilang sales director, totoo ba?”Nasorpresa si Loreen. “Paano mo nasagap nang mabilis ang balita?”Humagikgik si Harold. “May mga kaibigan akong nagtatrabaho sa Emgrand Group, sinabi nila sa akin na nakatanggap sila ng opisyal na anunsyo tungkol sa paghirang sa’yo, kaya tumawag ako para batiin ka.”“Ah,” sinabi ni Loreen, “Oo, hinirang ako bilang sales director.”“Bi
Sa totoo lang, kayang basahin ni Loreen ang tumatakbo sa isipan ni Harold, at gusto niyang protektahan ang sarili niya sa kahit anong masamang pangyayari, kaya, nagpasya siya na hindi uminom kasama siya ngayong gabi.Nayamot si Harold pagkatapos tanggihan ang hiling niyang uminom, pero hindi siya nangahas na ipakita ito, kaya sa halip sinabi niya, “Sige, juice nalang ang inumin natin.”Tumango si Loreen. “Salamat sa pagiging maunawain!”Samantala, isang parang mabait na batang lalaki na nakaupo sa katabing lamesa nila ay nakatitig kay Loreen. Naakit siya sa elegante niyang pag-uugali at aura pagkatapos niyang pumasok sa restaurant.‘Sobrang ganda at pambihira ang babaeng ito, mukha siyang isang diwata na bumaba sa lupa!’ naisip ng batang lalaki nang una niyang makita si Loreen.Pagkatapos silang pagmasdan, napagtanto niya na hindi magkasintahan ang babae at ang lalaki, kaya nagpasya siya na kunin ang pagkakataon na ito upang makilala ang magandang babae.Nag-ipon siya ng lakas ng
Nahilo ang batang lalaki dahil sa hampas at muntik na siyang matumba.Nagulat ang mga kumakain sa paligid nila sa biglaang gulo.Tumingin nang mabangis si Harold sa batang lalaki na dumudugo ang ulo at kinutya, “Umalis ka, o babaliin ko ang binti mo!”Hinawakan ng batang lalaki ang sugat sa kanyang ulo at sinabi nang galit, “Sige, siga, maghintay ka!”Pagkatapos, tumakbo siya palabas ng restaurant.Ngumisi nang may panghahamak si Harold at sinabi, “T*ang inang talunan, sino ba siya para bantaan ako? Ako si Harold Wilson, p*ta!”Pagkatapos, naglabas siya nang mayabang na hitsura at sinabi kay Loreen, “May ganoon talagang nakakainis na surot kahit saan, huwag mo siyang hayaan sirain ang gabi natin. Tara, kumain na tayo.”Nasira ang masayang kondisyon ni Loreen dahil sa nakakagambalang pangyayari. Tumango na lang siya at hindi nagsalita.Sa buong hapunan, sinubukang pagaanin ni Harold ang atmospera sa pakikipag-usap, pero hindi naaliw si Loreen.Para sa kanya, si Harold ay isa la
Habang pinapanood ni Harold ang bakal na tubo na nakatutok sa kanya, muntik na siyang maihi sa takot at nag-panic.Bigla niyang sinunggaban ang kamay ni Loreen at itinulak siya papunta sa mga lalaki at tumakbo siya sa kanyang kotse, mabilis na binuksan ang pinto, pumasok, at nagmaneho nang hindi tumitingin sa kanyang likuran.Agad na tumili si Loreen nang itinulak siya sa mga mababangis na lalaki, at nagalit siya nang makita niya si Harold na tumakbo.P*tcha! Sobrang hina at duwag ni Harold Wilson!Pagkatapos gumawa ng gulo, may lakas ng loob siyang itulak ang isang babae bilang panangga niya sa isang mapanganib na sandali at tumakas mag-isa!Siya ang pinaka nakakadiring basura sa buong mundo!Nagmura nang malakas ang batang lalaki nang tumakas si Harold.“P*ta, ang g*gong iyon! Iniwan niya ang babae dito at tumakbo! Talunan!”Pagkatapos, humarap siya kay Loreen at malamig na sinabi, “Ganda, tawagan mo ang bastardong iyon, kung hindi, ikaw ang sunod!”Sinabi nang nagpa-panic n
Hindi inaasahan ni Charlie na tatawagan siya ni Claudia dahil gusto niyang gamutin niya ang sakit ng ulo ni Vera.Pero, naalala niya ang huling beses na nakita niya si Vera. Dinamihan niya ang ang Reiki noong naglagay siya ng psychological hint sa kanya, at mukhang gumawa ito ng malaign sequelae kay Vera.Alam niya Charlie na ito ay dahil gumamit siya ng sobrang daming Reiki sa kanya, kaya hindi niya maiwasan ang responsibilidad ngayong tinawagan siya ni Claudia para humingi ng tulong.Kaya, sinabi niya kay Claudia, “Kung gano’n, hintayin mo ako saglit. Magmamaneho na ako ngayon papunta diyan.”Sinabi nang masaya ni Claudia, “Okay, Charlie. Tawagan mo ako pagdating mo!”“Okay.” Pumayag si Charlie at sinabi kay Claire, “Honey, kailangan kong lumabas at may gagawin ako. Babalik agad ako.”Tinanong nang mausisa ni Claire, “Lagpas alas otso na. Sino ang naghahanap sayo ngayong gabing-gabi na?”Hindi itinago ni Charlie ang katotohanan mula kay Claire at sinabi, “Si Claudia. May kaunt
Alam ni Vera na ang sakit ng ulo niya ay ang squelae ng huling psychological hint na nilagay sa kanya ni Charlie. Wala nang ibang paraan para lutasin ito maliban sa hintayin itong gumaling nang unti-unti.Nag-isip saglit si Claudia, pagkatapos ay biglang may naalala siya at sinabi, “Siya nga pala, Veron, naaalala mo pa ba si Charlie?”Nagulat si Vera. Alam niya na sinubukan ni Charlie na burahin ang proseso ng pagtatanong niya sa kanya dati, pero nabigo siyang burahin ang lahat ng memorya niya sa kanya. Kaya, nagpanggap siyang mausisa at tinanong, “Iyon ba ang lalaking pumunta para ihatid ka dati?”Tumango si Claudia at sinabi, “Oo. Narinig ko na binanggit ni Stephanie na sobrang galing ni Charlie. Tinatawag siyang Master Wade ng lahat ng taong nakakakilala sa kanya sa Aurous Hill. Mukhang marunong siya sa Feng Shui at may ilang galing din siya sa medisina. Bakit hindi ko papuntahin si Charlie para tingnan ang kondisyon mo?”“Huh?!” Kahit na gustong makilala ni Vera si Charlie mula
Samantala, sa Aurous University.Nakumpleto na ng mga freshmen sa Aurous University ang registration, class placement, at pagtatalaga ng mga counselor. Nagbigay ng mga orientation uniform ang university sa lahat ng estudyante sa hapon, at opisyal na magsisimula bukas ng umaga ang dalawang linggong orientation.Dahil sa parang militar na pamamahala pagkatapos magsimula ng orientation, pinili nina Vera at Claudia na tumira sa campus. Kung hindi, kailangan nilang bumangon at magtipon ng alas sais ng umaga araw-araw, o hindi sila makakarating sa university sa oras.Nag-uusap silang dalawa sa dormitoryo habang nililinis ang mga kama at mga gamit nila.Simula noong pinatay ang pamilya niya, naging sobrang ingat ni Claudia sa iba at ayaw niyang makipag-ugnayan sa iba. Noong nasa Canada siya, ang dalawang tao lang na pinagkakatiwalaan niya ay sina Mrs. Lewis at Stephanie.Pero, sa kung paano man, si Claudia, na madalas na tahimik, ay may maraming magkaparehong paksa kay Vera. Kahit ano pa
“Ano bang alam mo?!” Tumingin nang mapanghamak si Jacob sa kanya, pagkatapos ay sinabi kay Charlie, “Siya nga pala, Charlie, malapit nang magsagawa ng isang ancient calligraphy and painting exhibition ang Calligraphy and Painting Association. Sobrang taas ng mga pamantayan ng ancient calligraphy and painting exhibition na ito. Sobrang suportado rin ang siyudad dito, kaya malaking kilos siguro ito para sa bansa natin! Marahil ay imbitahin pa namin ang Central Oskia Media para magbigay ng kumpletong ulat sa buong event!”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Sobrang laking event nito? Hindi maituturing na base ang Aurous Hill para sa calligraphy at painting, kaya hindi ba’t masyadong puwersahan na gawin ang napakalaking event dito?”Sinabi ni Jacob, “Hindi mahalaga kung hindi ang Aurous Hill ang base para sa calligraphy at painting. Ayos lang ito basta’t kayang ipakita ng Aurous Hill ang mga magagandang calligraphy at painting, kaya nangongolekta kami ngayon ng mga likha ng mga sikat na a
Samantala, gabi na sa Aurous Hill.Naghanda na ng hapunan si Elaine at inimbita sina Charlie at Claire sa lamesa. Sa parehong oras, hindi niya mapigilang magreklamo, “Alas otso na, kaya bakit wala pa rin sa bahay ang g*gong iyon, si Jacob? Nasaan na kaya siya ngayon!”Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Ma, si Papa na ang vice president ng Calligraphy and Painting Association, kaya siguradong abala siya. Sana ay maging maunawain ka.”Sinabi nang mapanghamak ni Elaine, “Bakit ako magiging maunawain sa kanya? Sa tingin mo ba ay wala akong alam sa abilidad niya? Sa tingin ko ay bulag ang taong namamahala sa Calligraphy and Painting Association para hayaan siyang maging vice president!”Habang nagsasalita siya, binuksan ni Jacob ang pinto at pumasok.Mabilis siyang binati ni Claire at sinabi, “Pa, maghugas ka na ng kamay at maghapunan tayo!”Tinanong nang kaswal ni Jacob, “Anong klaseng mga pagkain ang mayroon? May karne ba?”Nanumpa si Elaine at sinabi, “May takip, gusto mo bang nguyai
Sa gabing iyon, umupo si Mr. Chardon sa sahig ng kanyang pansamantalang bahay habang naka-krus ang mga paa. Mukhang nagme-meditate siya habang nakapikit ang mga mata, pero sa totoo lang, kinakalkula niya kung kailan siya aalis para pumunta sa Aurous Hill.Bigla siyang nakatanggap ng isang notification sa kanyang cellphone, at ang British Lord pala ang gustong kumausap sa kanya.Binuksan niya agad ang cellphone niya, pumasok sa espesyal na software, at kumonekta sa British Lord.Narinig ang malamig na boses ng British Lord sa cellphone, “Mr. Chardon, sinabihan kita na pumunta sa Aurous Hill para hanapin ang anak ni Curtis Wade. Bakit hindi ka pa pumupunta?”Mabilis na nagpaliwanag si Mr. Chardon, “British Lord, may ilang ideya ako, at gusto kong i-report ang mga ito sayo!”Sinabi nang malamig ng British Lord, “Sabihin mo!”Sinabi nang magalang ni Mr. Chardon, “British Lord, noon pa man ay pakiramdam ko na marahil ay nasa Eastcliff si Vera, kaya naghahanap ako ng mga bakas tungkol
Tumingin si Mr. Chardon kay Samadius, na umabante agad at sinabi sa hindi matitinag na tono, “Ferris, may mahalagang gawain si Mr. Chardon na kailangan niyang gawin, kaya walang pwedeng pumigil o antalain siya! Sinabi na sa akin ni Mr. Chardon ang gusto niyong malaman, at sasabihin ko sa inyo ang bawat salita mamaya!”Pagkatapos itong sabihin, “Hayaan mong sabihin ko ito nang maaga. Kung may kahit sinong mag-aantala sa mahalagang gawin ni Mr. Chardon, hindi magkakaroon ng pagkakataon ang taong iyon na malaman ang paraan para sa pagpapahaba ng buhay!”Mayroong takot na ekspresyon ang lahat sa kanilang mukha, at wala nang naglakas-loob na magtanong.Si Ferris, na tinawag sa pangalan, ay nabalisa rin at sinabi, “Maging ligtas sana ang biyahe mo, Mr. Chardon!”Kumilos agad ang lahat at sinabi nang sabay-sabay, “Paalam, Mr. Chardon!”Hinimas ni Mr. Chardon ang mahabang balbas niya at naglakad palayo nang mahinhin. Nang ihahatid na siya palabas ng lahat, sinabi ni Mr. Chardon nang hindi
Pagkatapos itong sabihin, nagtanong ulit si Samadius, “Master Coldie, may karaniwang bakas ka ba tungkol sa babaeng ito? Halimbawa, saan siya maaaring magtago?”Umiling si Mr. Chardon at sinabi, “Hindi ko alam kung nasaan siya, pero sa tingin ko ay malaki ang posibilidad na nasa Oskia siya. Kaya, mas mabuti kung makakagawa ka ng isang grupo ng mga disipulo mo at hayaan silang maglakbay sa buong bansa para hanapin siya!”Tumango si Samadius at sinabi, “Walang problema, aayusin ko na ang lahat ngayon din!”Tumango nang bahagya si Mr. Chardon at sinabi, “Okay, kung gano’n, iiwan ko na sayo ang bagay na ito. Tandaan mo na ipaalam mo agad sa akin kung may nadiskubre kang kahit anong bakas.”“Opo, Master Coldie!” Sumang-ayon nang mabilis si Samadius. Pagkatapos ay tinanong niya si Mr. Chardon, “Siya nga pala, Master Coldie, mga junior ko ang mga taong naghihintay sa labas. Kung matuturo mo sa akin sa hinaharap ang paraan para humaba ang buhay, maaari ko rin ba itong ibahagi sa kanila? Mg
Nang marinig ni Mr. Chardon ang sabik na pagpapahayag ng katapatan ni Samadius, tumango siya at ngumiti nang kuntento. Ang lahat ay nangyayari ayon sa planong direksyon niya.Para kay Mr. Chardon, kailanman ay hindi siya naging isang mabuting tao. Bukod sa pagsisikap nang walang reklamo sa harap ng British Lord, kahit kailan ay hindi niya naabot ang pinakapangunahing kabutihang-asal ng ‘pagtupad ng pangako niya’ pagdating sa iba.Sa totoo lang, naisip niyang gamitin ang mga koneksyon at resources ng Cohmer Temple para hanapin si Vera noong una siyang dumating sa Eastcliff, pero pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, naramdaman niya na hindi sulit na ibunyag ang tunay niyang pagkakakilanlan para lang pagsamantalahan ang Cohmer Temple.Kahit hindi na banggitin kung matutulungan ba siya ng Cohmer Temple na makahanap ng mga bakas tungkol kay Vera, pero kung ang balita na buhay pa rin ang isang Taoist priest na ipinanganak sa 19th century at nag-ensayo ng Taoism sa Cohmer Temple ng dek