Habang pinapanood ni Harold ang bakal na tubo na nakatutok sa kanya, muntik na siyang maihi sa takot at nag-panic.Bigla niyang sinunggaban ang kamay ni Loreen at itinulak siya papunta sa mga lalaki at tumakbo siya sa kanyang kotse, mabilis na binuksan ang pinto, pumasok, at nagmaneho nang hindi tumitingin sa kanyang likuran.Agad na tumili si Loreen nang itinulak siya sa mga mababangis na lalaki, at nagalit siya nang makita niya si Harold na tumakbo.P*tcha! Sobrang hina at duwag ni Harold Wilson!Pagkatapos gumawa ng gulo, may lakas ng loob siyang itulak ang isang babae bilang panangga niya sa isang mapanganib na sandali at tumakas mag-isa!Siya ang pinaka nakakadiring basura sa buong mundo!Nagmura nang malakas ang batang lalaki nang tumakas si Harold.“P*ta, ang g*gong iyon! Iniwan niya ang babae dito at tumakbo! Talunan!”Pagkatapos, humarap siya kay Loreen at malamig na sinabi, “Ganda, tawagan mo ang bastardong iyon, kung hindi, ikaw ang sunod!”Sinabi nang nagpa-panic n
Mahapdi at nakakaiyak na sakit sa kanyang binti ang nagpadala ng nginig sa buong katawan ni Loreen. Sobrang desperado niya at walang pag-asa, luha ang patuloy na dumadaloy sa mga pisngi niya.Palihim na ngumisi ang batang lalaki habang nakatingin siya sa umiiyak ngunit maganda niyang mukha. Nilinis niya ang kanyang lalamunan at sinigaw, “Ipasok niyo siya sa kotse!”Narinig ang boses ng isang tao sa gilid, “Mr. Westbrook, kailan namin matitikman ang matamis na babae?”Sinabi nang malamig ng batang lalaki, “Pagkatapos ko sa kanya, pwede niyo nang gawin ang gusto niyo!”Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang kamay at gusto siyang sunggaban para ipasok sa kotse nang may biglang sumigaw sa likod ng mga lalaki!“Argh!”Biglang umalingawngaw ang mga malalakas at masasakit na sigaw.Galit na tumalikod ang batang lalaki at sumigaw, “Anong mayroon?”Ngunit nang itinaas niya ang kanyang ulo, bigla niyang naramdaman ang isang malakas na hangin na papunta sa kanya. Bago pa siya makaiwas, nara
Tahimik na sumulyap si Charlie kay Loreen at inisip, ‘Lagi mo akong minamaliit, ano ang punto sa pagpapakilala ko? Mas bibigyan lang tayo nito ng gulo.’Kaya, nagpasya siyang ilihim ito.Gayon din naman, niligtas niya siya para sa kanyang mahal na asawa na si Claire, hindi dahil may espesyal siyang pakikitungo sa kanya.Nang makita niyang hindi sumagot ang lalaki, naintindihan ni Loreen na hindi niya gustong ibunyag ang pagkakakilanlan niya, kaya itinigil niya ang mausisa niyang tanong.Gayunpaman, siya ay isang babae na may panlalaking pagkatao na tumatangging kumapit sa mga lalaki kahit na anong mangyari. Hindi siya kumportable na hindi niya siya napasalamatan pagkatapos niya siyang tulungan..Nang itatanong niya na ulit, isang paos at malamig na boses ang umalingawngaw sa tainga niya.“Tanggalin mo ang pantalon mo.”Nagulantang na tumingala si Loreen. Bigla siyang napahiya at nabalisa nang makita niya ang lalaking nakatingin sa kanyang mula ulo hanggang paa.Inisip niya na n
Habang hawak ang kanyang binti, alam ni Loreen na hindi nagsisinungaling ang lalaki nang makita niyang tumutulo ang kanyang dugo sa pagitan ng kanyang mga daliri. Pero nahihirapan siya nang maisip niya na tatanggalin niya ang kanyang pantalon sa harap ng isang kakaibang lalaki.Kaharap ang kamatayan, nag-atubili si Loreen nang ilang sandali at sa huli ay tinanggap na ang realidad.Ayaw niyang mamatay, lalo na ang maging baldado..Tumingin si Loreen sa lalaking may maskara, ang kanyang mukha ay namula, at ang kanyang puso ay tumitibok nang malakas, habang kumukuwag ang kanyang katawan.Sa huli, sinabi niya nang mahina, “Sige, salamat.”Tumango si Charlie sa pagsunod niya. Umupo siya, sinunggaban ang kanyang pantalon, at pwersahan itong pinunit.Binaba ni Loreen ang kanyang ulo at tumingin sa ibang lugar, huminga siya nang malalim, ang kanyang mukha at mainit, at ang kanyang puso ay halos tumalon na sa pagtibok nito.Si Charlie ay sobrang kalmado. Nang makita niya ang sugat sa kan
Kanino itong bato? Sa naka maskara ba ito? Aksidente bang nahulog ito sa kanya?Hinawakan nang mahigpit ni Loreen ang bato na tila ba may hawak siyang isang mamahaling diyamante.Kung makikita niya ulit siya, ang batong ito lang ang mayroon siya.Dinala ng ambulansya si Loreen sa hospital. Pagkatapos nang ilang pagsusuri, talagang nasorpresa ang doktor na hindi seryoso ang sugat niya, nang hindi nalalaman na ginamot ni Charlie ang sugat niya.Kung titingnan ang sugat, dapat ay nasira na ang kanyang hamstring o ang mas malala, nasira ang kanyang kalamnan at mga ugat.Gayunpaman, bukod sa mababaw na sugat, ang mga ugat at litid sa loob ay buo pa na tila ba nakonekta ulit sila at mas matibay pa kaysa dati.Sinabi ng doktor, “Gagaling ang sugat mo pagkatapos ng ilang araw na pahinga. Siya nga pala, sobrang kamangha-mangha ito. May ginawa ka ba sa sugat?”Iniisip ni Loreen ang misteryosong lalaki na nakamaskara, pero sinabi niya, “Hindi, wala akong ginawa.”Sinabi ng doktor, “Milagr
Tila ba hinampas si Harold sa likod ng kanyang ulo, ang kanyang utak ay puno ng pagseselos.Hindi niya nga mahawakan ang mga kamay ni Loreen pero isang lalaki ang lumitaw at hinubaran siya at hinawakan siya nang hubad!Kapangahasan!Walang pakialam si Harold kung gaano kagalit si Loreen sa kanya, naiinggit niyang kinagata ng kanyang mga ngipin at galit na sinabi, “Sa tingin ko ay hindi nandoon ang lalaki para iligtas ka! Gusto ka lang niyang pagsamantalahan at manyakin ka!”Sa sandaling sinabi ito ni Harold, tumingin ang lahat kay Loreen.Sa totoo lang, ganoon din ang iniisip nila.Isang maganda at marikit na babae ang nakahiga nang walang pantalon sa harap ng isang lalaking hindi niya kilala at hinayaan siyang hawakan siya para magamot. Hindi nila maiwasang maintriga at isipin ang nakatagong layunin sa bastos na paraan.Nanginig sa sobrang galit si Loreen! Sobrang nadismaya siya kay Harold!Hindi niya lamang siya iniwan at tumakbo nang mag-isa, ngunit sinisiraan niya pa ang pu
Bahagyang nawalan ng gana si Claire pagkatapos ng tawag.Tinanong ni Charlie nang nag-aalala, “Anong mayroon?”Dagliang sinabi ni Claire kay Charlie ang hiling ni Lady Wilson.Tumango si Charlie at iminungkahi, “Bakit hindi ka humingi ng paunang bayad sa Emgrand Group na 20 milyong dolyar para sa proyekto?”Nagulat si Claire at sinabim “Paano ko magagawa iyon?! Hindi ko sila maabot, karangalan kong makapagtrabaho sa kanila, mamaliitin nila tayo kung hihingi tayo ng bayad bago pa isagawa ang proyekto.”Sinigaw sa isip ni Charlie, ‘Ang asawa mo ang may-ari ng Emgrand Group, gaano sila kangahas na maliitin ka para lamang sa 20 milyong dolyar?!’Pero hindi nababasa ni Claire ang kanyang isip, wala siyang ideya kung ano ang iniisip niya.Pagkatapos magbuntong-hininga, sinabi niya, “Sa tingin ko ay mas mabuti kung kakausapin ko si Mr. Koch.”“Sasamahan kita.”“Hindi pwede,” sinabi ni Claire, “Sinong magdadala ng asawa nila sa pagpupulong? Masyado itong hindi propesyonal.”Pagkatapo
Inihatid ni Daniel si Claire sa kanyang opisina. Sa sandaling sumara ang pinto, isang bakas ng kalibugan ang lumabas sa mga mata ni Daniel.Tahimik niyang ni-lock ang pinto at inimbitahan si Claire na umupo sa sofa.Kinakabahan at awkward nang kaunti si Claire. Umupo siya sa kasalungat niya na nakatiklop ang kanyang kamay sa kanyang mga hita.Nagsimula si Daniel nang nakangiti, “Miss Wilson, maaari ko bang malaman ang dahilan ng pagbisita mo ngayon?”Nakapaglabas ng nahihiyang ngiti si Claire at sinabi, “Sa totoo lang, Mr. Koch, may mga problema ang kumpanya namin sa pag-ikot ng pera ngayon, kaya gusto ko sanang tanungin kung maaari mo kaming bentahan ng mga materyales gamit ang kredito?”“Kredito, huh?” Binawi ni Daniel ang kanyang ngiti at pinalitan ito ng kunot ng noo. “Miss Wilson, sigurado akong alam mo ang patakaran ng kumpanya ko. Kailanman ay hindi kami pumayag sa pagbayad gamit ang kredito o unang ipadala ang materyales. Ito ay laging—magbayad muna at ipapadala namin ang
Hindi inaasahan ni Charlie na tatawagan siya ni Claudia dahil gusto niyang gamutin niya ang sakit ng ulo ni Vera.Pero, naalala niya ang huling beses na nakita niya si Vera. Dinamihan niya ang ang Reiki noong naglagay siya ng psychological hint sa kanya, at mukhang gumawa ito ng malaign sequelae kay Vera.Alam niya Charlie na ito ay dahil gumamit siya ng sobrang daming Reiki sa kanya, kaya hindi niya maiwasan ang responsibilidad ngayong tinawagan siya ni Claudia para humingi ng tulong.Kaya, sinabi niya kay Claudia, “Kung gano’n, hintayin mo ako saglit. Magmamaneho na ako ngayon papunta diyan.”Sinabi nang masaya ni Claudia, “Okay, Charlie. Tawagan mo ako pagdating mo!”“Okay.” Pumayag si Charlie at sinabi kay Claire, “Honey, kailangan kong lumabas at may gagawin ako. Babalik agad ako.”Tinanong nang mausisa ni Claire, “Lagpas alas otso na. Sino ang naghahanap sayo ngayong gabing-gabi na?”Hindi itinago ni Charlie ang katotohanan mula kay Claire at sinabi, “Si Claudia. May kaunt
Alam ni Vera na ang sakit ng ulo niya ay ang squelae ng huling psychological hint na nilagay sa kanya ni Charlie. Wala nang ibang paraan para lutasin ito maliban sa hintayin itong gumaling nang unti-unti.Nag-isip saglit si Claudia, pagkatapos ay biglang may naalala siya at sinabi, “Siya nga pala, Veron, naaalala mo pa ba si Charlie?”Nagulat si Vera. Alam niya na sinubukan ni Charlie na burahin ang proseso ng pagtatanong niya sa kanya dati, pero nabigo siyang burahin ang lahat ng memorya niya sa kanya. Kaya, nagpanggap siyang mausisa at tinanong, “Iyon ba ang lalaking pumunta para ihatid ka dati?”Tumango si Claudia at sinabi, “Oo. Narinig ko na binanggit ni Stephanie na sobrang galing ni Charlie. Tinatawag siyang Master Wade ng lahat ng taong nakakakilala sa kanya sa Aurous Hill. Mukhang marunong siya sa Feng Shui at may ilang galing din siya sa medisina. Bakit hindi ko papuntahin si Charlie para tingnan ang kondisyon mo?”“Huh?!” Kahit na gustong makilala ni Vera si Charlie mula
Samantala, sa Aurous University.Nakumpleto na ng mga freshmen sa Aurous University ang registration, class placement, at pagtatalaga ng mga counselor. Nagbigay ng mga orientation uniform ang university sa lahat ng estudyante sa hapon, at opisyal na magsisimula bukas ng umaga ang dalawang linggong orientation.Dahil sa parang militar na pamamahala pagkatapos magsimula ng orientation, pinili nina Vera at Claudia na tumira sa campus. Kung hindi, kailangan nilang bumangon at magtipon ng alas sais ng umaga araw-araw, o hindi sila makakarating sa university sa oras.Nag-uusap silang dalawa sa dormitoryo habang nililinis ang mga kama at mga gamit nila.Simula noong pinatay ang pamilya niya, naging sobrang ingat ni Claudia sa iba at ayaw niyang makipag-ugnayan sa iba. Noong nasa Canada siya, ang dalawang tao lang na pinagkakatiwalaan niya ay sina Mrs. Lewis at Stephanie.Pero, sa kung paano man, si Claudia, na madalas na tahimik, ay may maraming magkaparehong paksa kay Vera. Kahit ano pa
“Ano bang alam mo?!” Tumingin nang mapanghamak si Jacob sa kanya, pagkatapos ay sinabi kay Charlie, “Siya nga pala, Charlie, malapit nang magsagawa ng isang ancient calligraphy and painting exhibition ang Calligraphy and Painting Association. Sobrang taas ng mga pamantayan ng ancient calligraphy and painting exhibition na ito. Sobrang suportado rin ang siyudad dito, kaya malaking kilos siguro ito para sa bansa natin! Marahil ay imbitahin pa namin ang Central Oskia Media para magbigay ng kumpletong ulat sa buong event!”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Sobrang laking event nito? Hindi maituturing na base ang Aurous Hill para sa calligraphy at painting, kaya hindi ba’t masyadong puwersahan na gawin ang napakalaking event dito?”Sinabi ni Jacob, “Hindi mahalaga kung hindi ang Aurous Hill ang base para sa calligraphy at painting. Ayos lang ito basta’t kayang ipakita ng Aurous Hill ang mga magagandang calligraphy at painting, kaya nangongolekta kami ngayon ng mga likha ng mga sikat na a
Samantala, gabi na sa Aurous Hill.Naghanda na ng hapunan si Elaine at inimbita sina Charlie at Claire sa lamesa. Sa parehong oras, hindi niya mapigilang magreklamo, “Alas otso na, kaya bakit wala pa rin sa bahay ang g*gong iyon, si Jacob? Nasaan na kaya siya ngayon!”Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Ma, si Papa na ang vice president ng Calligraphy and Painting Association, kaya siguradong abala siya. Sana ay maging maunawain ka.”Sinabi nang mapanghamak ni Elaine, “Bakit ako magiging maunawain sa kanya? Sa tingin mo ba ay wala akong alam sa abilidad niya? Sa tingin ko ay bulag ang taong namamahala sa Calligraphy and Painting Association para hayaan siyang maging vice president!”Habang nagsasalita siya, binuksan ni Jacob ang pinto at pumasok.Mabilis siyang binati ni Claire at sinabi, “Pa, maghugas ka na ng kamay at maghapunan tayo!”Tinanong nang kaswal ni Jacob, “Anong klaseng mga pagkain ang mayroon? May karne ba?”Nanumpa si Elaine at sinabi, “May takip, gusto mo bang nguyai
Sa gabing iyon, umupo si Mr. Chardon sa sahig ng kanyang pansamantalang bahay habang naka-krus ang mga paa. Mukhang nagme-meditate siya habang nakapikit ang mga mata, pero sa totoo lang, kinakalkula niya kung kailan siya aalis para pumunta sa Aurous Hill.Bigla siyang nakatanggap ng isang notification sa kanyang cellphone, at ang British Lord pala ang gustong kumausap sa kanya.Binuksan niya agad ang cellphone niya, pumasok sa espesyal na software, at kumonekta sa British Lord.Narinig ang malamig na boses ng British Lord sa cellphone, “Mr. Chardon, sinabihan kita na pumunta sa Aurous Hill para hanapin ang anak ni Curtis Wade. Bakit hindi ka pa pumupunta?”Mabilis na nagpaliwanag si Mr. Chardon, “British Lord, may ilang ideya ako, at gusto kong i-report ang mga ito sayo!”Sinabi nang malamig ng British Lord, “Sabihin mo!”Sinabi nang magalang ni Mr. Chardon, “British Lord, noon pa man ay pakiramdam ko na marahil ay nasa Eastcliff si Vera, kaya naghahanap ako ng mga bakas tungkol
Tumingin si Mr. Chardon kay Samadius, na umabante agad at sinabi sa hindi matitinag na tono, “Ferris, may mahalagang gawain si Mr. Chardon na kailangan niyang gawin, kaya walang pwedeng pumigil o antalain siya! Sinabi na sa akin ni Mr. Chardon ang gusto niyong malaman, at sasabihin ko sa inyo ang bawat salita mamaya!”Pagkatapos itong sabihin, “Hayaan mong sabihin ko ito nang maaga. Kung may kahit sinong mag-aantala sa mahalagang gawin ni Mr. Chardon, hindi magkakaroon ng pagkakataon ang taong iyon na malaman ang paraan para sa pagpapahaba ng buhay!”Mayroong takot na ekspresyon ang lahat sa kanilang mukha, at wala nang naglakas-loob na magtanong.Si Ferris, na tinawag sa pangalan, ay nabalisa rin at sinabi, “Maging ligtas sana ang biyahe mo, Mr. Chardon!”Kumilos agad ang lahat at sinabi nang sabay-sabay, “Paalam, Mr. Chardon!”Hinimas ni Mr. Chardon ang mahabang balbas niya at naglakad palayo nang mahinhin. Nang ihahatid na siya palabas ng lahat, sinabi ni Mr. Chardon nang hindi
Pagkatapos itong sabihin, nagtanong ulit si Samadius, “Master Coldie, may karaniwang bakas ka ba tungkol sa babaeng ito? Halimbawa, saan siya maaaring magtago?”Umiling si Mr. Chardon at sinabi, “Hindi ko alam kung nasaan siya, pero sa tingin ko ay malaki ang posibilidad na nasa Oskia siya. Kaya, mas mabuti kung makakagawa ka ng isang grupo ng mga disipulo mo at hayaan silang maglakbay sa buong bansa para hanapin siya!”Tumango si Samadius at sinabi, “Walang problema, aayusin ko na ang lahat ngayon din!”Tumango nang bahagya si Mr. Chardon at sinabi, “Okay, kung gano’n, iiwan ko na sayo ang bagay na ito. Tandaan mo na ipaalam mo agad sa akin kung may nadiskubre kang kahit anong bakas.”“Opo, Master Coldie!” Sumang-ayon nang mabilis si Samadius. Pagkatapos ay tinanong niya si Mr. Chardon, “Siya nga pala, Master Coldie, mga junior ko ang mga taong naghihintay sa labas. Kung matuturo mo sa akin sa hinaharap ang paraan para humaba ang buhay, maaari ko rin ba itong ibahagi sa kanila? Mg
Nang marinig ni Mr. Chardon ang sabik na pagpapahayag ng katapatan ni Samadius, tumango siya at ngumiti nang kuntento. Ang lahat ay nangyayari ayon sa planong direksyon niya.Para kay Mr. Chardon, kailanman ay hindi siya naging isang mabuting tao. Bukod sa pagsisikap nang walang reklamo sa harap ng British Lord, kahit kailan ay hindi niya naabot ang pinakapangunahing kabutihang-asal ng ‘pagtupad ng pangako niya’ pagdating sa iba.Sa totoo lang, naisip niyang gamitin ang mga koneksyon at resources ng Cohmer Temple para hanapin si Vera noong una siyang dumating sa Eastcliff, pero pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, naramdaman niya na hindi sulit na ibunyag ang tunay niyang pagkakakilanlan para lang pagsamantalahan ang Cohmer Temple.Kahit hindi na banggitin kung matutulungan ba siya ng Cohmer Temple na makahanap ng mga bakas tungkol kay Vera, pero kung ang balita na buhay pa rin ang isang Taoist priest na ipinanganak sa 19th century at nag-ensayo ng Taoism sa Cohmer Temple ng dek