Habang hawak ang kanyang binti, alam ni Loreen na hindi nagsisinungaling ang lalaki nang makita niyang tumutulo ang kanyang dugo sa pagitan ng kanyang mga daliri. Pero nahihirapan siya nang maisip niya na tatanggalin niya ang kanyang pantalon sa harap ng isang kakaibang lalaki.Kaharap ang kamatayan, nag-atubili si Loreen nang ilang sandali at sa huli ay tinanggap na ang realidad.Ayaw niyang mamatay, lalo na ang maging baldado..Tumingin si Loreen sa lalaking may maskara, ang kanyang mukha ay namula, at ang kanyang puso ay tumitibok nang malakas, habang kumukuwag ang kanyang katawan.Sa huli, sinabi niya nang mahina, “Sige, salamat.”Tumango si Charlie sa pagsunod niya. Umupo siya, sinunggaban ang kanyang pantalon, at pwersahan itong pinunit.Binaba ni Loreen ang kanyang ulo at tumingin sa ibang lugar, huminga siya nang malalim, ang kanyang mukha at mainit, at ang kanyang puso ay halos tumalon na sa pagtibok nito.Si Charlie ay sobrang kalmado. Nang makita niya ang sugat sa kan
Kanino itong bato? Sa naka maskara ba ito? Aksidente bang nahulog ito sa kanya?Hinawakan nang mahigpit ni Loreen ang bato na tila ba may hawak siyang isang mamahaling diyamante.Kung makikita niya ulit siya, ang batong ito lang ang mayroon siya.Dinala ng ambulansya si Loreen sa hospital. Pagkatapos nang ilang pagsusuri, talagang nasorpresa ang doktor na hindi seryoso ang sugat niya, nang hindi nalalaman na ginamot ni Charlie ang sugat niya.Kung titingnan ang sugat, dapat ay nasira na ang kanyang hamstring o ang mas malala, nasira ang kanyang kalamnan at mga ugat.Gayunpaman, bukod sa mababaw na sugat, ang mga ugat at litid sa loob ay buo pa na tila ba nakonekta ulit sila at mas matibay pa kaysa dati.Sinabi ng doktor, “Gagaling ang sugat mo pagkatapos ng ilang araw na pahinga. Siya nga pala, sobrang kamangha-mangha ito. May ginawa ka ba sa sugat?”Iniisip ni Loreen ang misteryosong lalaki na nakamaskara, pero sinabi niya, “Hindi, wala akong ginawa.”Sinabi ng doktor, “Milagr
Tila ba hinampas si Harold sa likod ng kanyang ulo, ang kanyang utak ay puno ng pagseselos.Hindi niya nga mahawakan ang mga kamay ni Loreen pero isang lalaki ang lumitaw at hinubaran siya at hinawakan siya nang hubad!Kapangahasan!Walang pakialam si Harold kung gaano kagalit si Loreen sa kanya, naiinggit niyang kinagata ng kanyang mga ngipin at galit na sinabi, “Sa tingin ko ay hindi nandoon ang lalaki para iligtas ka! Gusto ka lang niyang pagsamantalahan at manyakin ka!”Sa sandaling sinabi ito ni Harold, tumingin ang lahat kay Loreen.Sa totoo lang, ganoon din ang iniisip nila.Isang maganda at marikit na babae ang nakahiga nang walang pantalon sa harap ng isang lalaking hindi niya kilala at hinayaan siyang hawakan siya para magamot. Hindi nila maiwasang maintriga at isipin ang nakatagong layunin sa bastos na paraan.Nanginig sa sobrang galit si Loreen! Sobrang nadismaya siya kay Harold!Hindi niya lamang siya iniwan at tumakbo nang mag-isa, ngunit sinisiraan niya pa ang pu
Bahagyang nawalan ng gana si Claire pagkatapos ng tawag.Tinanong ni Charlie nang nag-aalala, “Anong mayroon?”Dagliang sinabi ni Claire kay Charlie ang hiling ni Lady Wilson.Tumango si Charlie at iminungkahi, “Bakit hindi ka humingi ng paunang bayad sa Emgrand Group na 20 milyong dolyar para sa proyekto?”Nagulat si Claire at sinabim “Paano ko magagawa iyon?! Hindi ko sila maabot, karangalan kong makapagtrabaho sa kanila, mamaliitin nila tayo kung hihingi tayo ng bayad bago pa isagawa ang proyekto.”Sinigaw sa isip ni Charlie, ‘Ang asawa mo ang may-ari ng Emgrand Group, gaano sila kangahas na maliitin ka para lamang sa 20 milyong dolyar?!’Pero hindi nababasa ni Claire ang kanyang isip, wala siyang ideya kung ano ang iniisip niya.Pagkatapos magbuntong-hininga, sinabi niya, “Sa tingin ko ay mas mabuti kung kakausapin ko si Mr. Koch.”“Sasamahan kita.”“Hindi pwede,” sinabi ni Claire, “Sinong magdadala ng asawa nila sa pagpupulong? Masyado itong hindi propesyonal.”Pagkatapo
Inihatid ni Daniel si Claire sa kanyang opisina. Sa sandaling sumara ang pinto, isang bakas ng kalibugan ang lumabas sa mga mata ni Daniel.Tahimik niyang ni-lock ang pinto at inimbitahan si Claire na umupo sa sofa.Kinakabahan at awkward nang kaunti si Claire. Umupo siya sa kasalungat niya na nakatiklop ang kanyang kamay sa kanyang mga hita.Nagsimula si Daniel nang nakangiti, “Miss Wilson, maaari ko bang malaman ang dahilan ng pagbisita mo ngayon?”Nakapaglabas ng nahihiyang ngiti si Claire at sinabi, “Sa totoo lang, Mr. Koch, may mga problema ang kumpanya namin sa pag-ikot ng pera ngayon, kaya gusto ko sanang tanungin kung maaari mo kaming bentahan ng mga materyales gamit ang kredito?”“Kredito, huh?” Binawi ni Daniel ang kanyang ngiti at pinalitan ito ng kunot ng noo. “Miss Wilson, sigurado akong alam mo ang patakaran ng kumpanya ko. Kailanman ay hindi kami pumayag sa pagbayad gamit ang kredito o unang ipadala ang materyales. Ito ay laging—magbayad muna at ipapadala namin ang
Habang inaalala niya ang mapurol at panis na buhay niya, wala siyang pagkakataon na mambabae, lalo na ang maging sangkot nang pisikal sa ganito kagandang babae. Nakatuon ang kalahati ng buhay niya sa nakakadiring babae na iyon na kinamumuhian niya.Ngayon ang araw na masisira niya ang mahigpit na kadena ng kapalaran!Oo!Gusto niyang matikman si Claire!Gusto niyang talunan ang babae na kinababaliwan ng lahat ng lalaki sa siyudad!Habang mabangis na tumatakbo ito sa kanyang isip, naglabas siya ng ngiti at sinabi, “Miss Wilson, maaari natin itong pag-usapan dahil pumunta ka dito galing sa malayo. Hindi ako mahirap kausapin tulad ng iniisip mo.”Mabilis na umupo si claire, iniisip na may pagkakataon na ibaliktad ang sitwasyon, at sabik na tinanong, “Mr. Koch, ibebenta mo ba sa amin ang materyales gamit ang kredito?”Hindi niya ito sinabi nang tiyak, ngunit medyo malabo, “Siguradong tatanggihan ko sila kung ibang tao, pero kung ikaw, Miss Wilson, ay ibang usapan na…”Mabilis na si
Sobrang sabik ni Daniel habang pinapanood niyang ubusin ni Claire ang tsaa.Ngayon, ang kailangan niya lang gawin ay hintayin magkabisa ang sleeping pills.Pagkatapos inumin ang tsaa, napagtanto ni Claire na may kakaiba!Naramdaman niya na para bang umiikot ang ulo niya, sobrang nakakahilo at mabigat nito.Anong nangyayari?Talagang nagulat siya nang dumating ito sa kanyang isip!Pinainom ba siya ng sleeping pill ni Daniel?!Nanginig siya sa gulat at takot nang maisip niya ang nangyayari!Gusto niyang tumayo, pero lumalambot ang mga binti niya. Kung titingnan, mukhang imposibleng makatakas siya!Habang gising pa siya, patago niyang nilabas ang kanyang selpon, hinanap ang numero ni Charlie sa kanyang chatting app, at pinindot ang audio record button.Habang tinatala ng selpon ang kanyang voice message, sinabi niya kay Daniel, “Mr. Koch, nahihilo ako nang kaunti, may mali ba sa tsaa?”Humagikgik si Daniel. “Hindi, walang mali! Ang tsaa na ito ay mla sa PG Tips Diamond tea bag
”Sige!”***Hindi matagal, isang eksklusibong helicopter ang umalingawngaw sa langit.Sa loob ng helicopter ay si Isaac at sampung lalaking nakaitim.May madilim na hitsura si Isaac. Ang tangang iyon, gaano siya kangahas na pagsamantalahan si Mrs. Wade? Ito ang Aurous Hill! Pinirmahan niya ang kahilingan niyang mamatay!Mabilis na lumipad ang helicopter, at hindi matagal, dumating ito sa taas ng bahay ni Claire.Nagmadali si Charlie sa bubong, diretsong umakyat sa helicopter, at mabilis na inutos, “Bilisan niyo sa Elite Vault Enterprise hangga’t maaari!”***Samantala, sa Elite Vault Enterprise.Habang unti-unting nawawalan ng lakas si Claire, sabik na ngumisi si Daniel at iniunat ang kanyang kamay, susubukan tanggalin ang mga damit ni Claire.Sa sandaling ito, biglang may sumipa pabukas ng pinto!Isang pangit na babae ang agresibong sumugod sa kwarto kasama ang kaunting malalaki at matipunong mga lalaki!Nang makita si Daniel na hawak ang damit ni Claire, sinabi nang galit
Lubhang ikinagulat ni Charlie ang tanong ni Vera. Pero sa masusing pag-iisip, mukhang may punto nga ito. Kung isa talaga itong malaking plano na inihanda sa loob ng mahigit dalawampung taon, imposibleng iaasa ito sa isang taong hindi maasahan para sa isang napakahalagang bahagi ng plano.Alam ng lahat kung gaano ka-hindi maasahan si Jacob, at si Charlie na mismo ang pinaka nakakaalam nito. Kahit biyenan na lalaki niya si Jacob, masasabi ni Charlie nang buong tiwala na kung sa kanya nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng isang mahalagang plano, malamang sa malamang ay mabibigo ito.Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jacob.Sa sandaling iyon, nakahiga si Jacob sa kwarto niya sa Thompson First habang abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Mula nang magsama sina Matilda at Yolden, tila nawala na ang lahat ng kasiyahan sa buhay niya. Dagdag pa roon, nasa bahay din si Elaine na kinaiinisan at kinasusuklaman niya, kaya’t ang tanging libangan na lang niya ay ang magku
“Pero namatay na ang ama ko dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi naman siya isang Feng Shui master na katulad mo, kaya paano niya malalaman noon pa lang na kailangan kong malagpasan ang pagsubok na iyon sa edad na dalawampu’t pito?”Napakunot ang noo ni Vera.Matapos ang matagal na pag-iisip, sinabi niya, “May punto ka. Ayokong bastusin ang sinuman, pero parang imposibleng mahulaan ng iyong ama nang ganoon ka-eksakto ang mga mangyayari dalawampung taon na ang nakalipas.”Dagdag ni Charlie, “Nang makilala ko si Master Lennard sa Mount Wintry, sinabi niyang pumunta siya sa Eastcliff para piliin ang Mount Wintry bilang isang geomantic treasure land para sa pamilya Wade, alinsunod sa kahilingan ng lolo ko. Kinumpirma ko na ito sa lolo ko at sa iba pa. Sa panahong iyon, masama ang sitwasyon ng pamilya Wade, at totoo ngang naghanap ng tulong ang lolo ko kung kani-kanino bago niya nahanap si Master Lennard. Kaya hindi posibleng naplano ng ama ko ang paglabas ko sa dragong stranding pred
Nararamdaman ni Jasmine na may gustong siguraduhin si Charlie, pero nang mapansin niyang ayaw ni Charlie na ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, naging maunawain siya at hindi na siya tinanong. Sa halip, magalang niyang sinabi, “Master Wade, kung may kailangan ka o may gusto kang itanong, huwag kayong mag-atubiling tumawag sa akin kahit kailan.”“Sige, salamat.”Nagpasalamat si Charlie kay Jasmine at ibinaba ang tawag. Napansin ni Vera ang tila naguguluhang ekspresyon niya kaya hindi niya napigilang magtanong, “Young Master, ano naman ang bumabagabag sayo ngayon?”Kalmadong sagot ni Charlie, “Bigla ko lang naalala ang isang bagay. Noong nakuha ko ang Apocalyptic Book, para siyang libro pero parang hindi rin. Pagkapulot ko, kusa itong naging pulbos, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laman nito ay agad na naitala sa isipan ko…”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, “Ibig bang sabihin nito, ang Apocalyptic Book ay para lang talaga sa isang gamitan, at nakatakda na isang ta
Parang naputol ang daloy ng kuryente sa utak ni Charlie sa sandaling iyon. Sa ngayon, mukhang malaki na ang posibilidad na sadyang ipinadala si Raymond sa Aurous Hill, at ang taong nagplano ng lahat ng ito ay marahil ang mismong ama niya na pumanaw na dalawampung taon na ang nakalipas.Dahil dito, nakaramdam si Charlie ng kakaibang tensyon at bigat sa dibdib. Ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang niya noon? Hindi lang ito nauwi sa isang trahedya, kundi mukhang may matagal at malawak na plano na pala para sa kanya, kahit bago pa man nangyari ang lahat.Nang mangyari ang aksidente sa mga magulang niya, agad siyang inilagay ni Stephen sa ampunan. Isa na iyon sa mga plano ng ama niya noon pa man. At sa hindi inaasahan, pati ang pagpapapunta kay Mr. Cole sa Aurous Hill at ang pagsasaayos ng ‘bitag’ na ito para sa kanya halos dalawampung taon ang lumipas, ay bahagi rin pala ng plano ng kanyang ama.Habang iniisip ito ni Charlie, agad niyang kinuha muli ang cellphone at tinawagan si Ja
Pagkasabi nito, muling nagtanong si Charlie, “Siya nga pala, Jasmine, pwede mo ba akong tulungan na maghanap ng impormasyon tungkol sa taong ito?”Sagot ni Jasmine, “Kakausapin ko ang kasalukuyang namamahala sa Vintage Deluxe. Naka-save pa sa computer ang mga employee records nila. Hindi kasi orihinal na naka-rehistro sa Moore Group ang Vintage Deluxe kaya hindi naisama ang files sa main HR system ng Moore Group, at hindi rin ganoon kahigpit ang file management nila.”Sabi ni Charlie, “Kung ganoon, pakikuha sana ang impormasyon, at kapag nahanap mo na, pakipadala agad ito sa akin sa lalong madaling panahon.”“Okay, Master Wade!”Pagkatapos ng tawag, sinabi ni Charlie kay Vera, “Kapag nakuha na natin ang impormasyon mamaya, paki-forward kay Mr. Sandsor ito at pakisabi sa kanya na sana ay tulungan niya akong suriin ang lahat ng impormasyon kaugnay sa tanong ito.”Agad na sumagot si Vera, “Huwag kang mag-alala, Young Master, agad ko siyang sasabihan.”Tumango si Charlie at balisa sil
Noong una, akala niya ay sinuwerte lang talaga siya na nakuha niya ang Apocalyptic Book. Pero kamakailan, nabanggit ng uncle niya na nakuha raw ng mga magulang niya noon ang Preface to the Apocalyptic Book, kaya nagsimula siyang maghinala na baka may koneksyon ang dalawang aklat. Pero wala siyang matibay na ebidensya.Ngayon, bigla niyang nadiskubre na ang manager ng Vintage Deluxe na si Raymond ay matalik palang kaibigan ng tatay niya mula pa mahigit dalawampung taon na ang nakaraan. At si Raymond din mismo ang nag-abot ng jade vase sa biyenan niyang si Jacob.Noong nangyari iyon, nasa labas si Charlie ng VIP room habang sina Raymond at Jacob ay nasa loob. Hindi niya mismo nasaksihan ang eksaktong nangyari, pero ayon sa kwento ni Jacob pagkatapos, si Raymond daw ang naglabas ng jade vase mula sa magandang packaging at iniabot ito sa kanya. Pero nadulas ito sa kamay ni Jacob at nahulog sa sahig. Ngayon na alam niyang kasangkot si Raymond, hindi na ito maaaring isang simpleng pagkakata
Nang makita ni Vera ang pangungusap na ito, agad niyang sinabi, “Ang Queens na ito ay siguro ang Queens, New York City. Kaya't ang larawang ito ay talagang kuha sa Queens. Tungkol naman sa ‘Cole’, mukhang ang tao sa larawan kasama ang tatay mo ay may apelyidong Cole at siya ay may lahing Oskian. Ang hindi lang natin alam ay ang buong pangalan niya.”“Tama ka…” Tumango si Charlie nang marahan habang patuloy na nakakunot ang kanyang kilay.Bumulong siya, “May pakiramdam ako na pamilyar ang lalaking may apelyidong Cole, pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalala kung saan ko siya nakita dati.”Nagmamadaling sinabi ni Vera, “Wag kang mag-alala, Young Master. Ang pakiramdam ng pagiging pamilyar ay tiyak na may pinagmulan sa iyong alaala. Baka lang hindi malalim ang alaala mo sa taong iyon, o baka saglit lang ang pagkikita niyo. Kaya, wag kang mag-alala. Kung mag-iisip ka nang mabuti, tiyak may maalala kang mga palatandaan.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tinanong ni Vera si Charlie, “B
Itinuro ni Vera ang isang karatula na may postcode sa tabi ng pinto ng tindahan at sinabi, “Young Master, ang tindahang ito ay nasa Queens, New York.”Nagtanong si Charlie nang mausisa, “Ganoon ba? Paano mo nalaman? Hindi ko halos mabasa ang mga salita dito dahil sa resolution na ito.”Ipinaliwanag ni Vera, “Dati akong nakatira sa Queens. Ang laki, kulay, at pwesto ng karatulang ito para sa postal code ay tipikal na istilo ng Queens noon. Hindi ko lang alam kung sinusunod pa nila ang parehong istilo ngayon.”“New York…” Tumango si Charlie, bigla niyang naalala ang sinabi ng tiyuhin niya ilang araw na ang nakalipas. Bumili ang mga magulang niya ng set ng mga sinaunang libro mula sa isang antique shop sa New York. Ang set ng mga librong ito ay walang iba kundi ang Preface to the Apocalyptic Book.Kasama ng antique shop sa larawan, biglang naalala ni Charlie ang isang bagay at sinabi kay Vera, “Maaaring ito nga ang antique shop kung saan nabili ng tatay ko ang Preface to the Apocalypti
Nang marinig ni Charlie ang mga sinabi ni Vera, tumingin siya agad sa itim na photo album na hawak niya. Sa unang tingin, halatang luma na ang album.Sa nakaraang dekada, dahil sa mabilis na pag-usbong ng mga smartphone, hindi namamalayan ng karamihan na nadidigitize na nila lahat ng mga larawan nila. Kunti na lang ang bumibili ng mga photo album na iba't ibang laki at kapal tulad ng ginagawa ng mga tao dalawampung taon na ang nakalipas para ayusin ang mga litrato nila.Hindi alam ni Charlie kung ano ang laman ng album, kaya kinuha niya ito mula kay Vera at maingat na binuksan ang unang pahina. Ang unang bagay na tumama sa mata niya sa unang pahina ay dalawang magkahiwalay na larawan ng dalawang kabataan na kuha sa harap ng Statue of Liberty sa America.Ang lalaki sa larawan ay kamukhang-kamukha ni Charlie, pero medyo luma ang pananamit dahil suot ng lalaki ang kilalang knit sweater at kupas na jeans na sikat noong mga panahong iyon. Siya ang ama ni Charlie, si Curtis.Ang babae sa