Hindi rin inasahan ni Lawson na ang pag-amin sa kanyang pagkakamali ay may mabuting magagawa sa kanya. Kahihimatay niya lamang sa gulat, gayunpaman, agad siyang ginising ng sakit ng hampas.“Ah!!!” Hindi pa naranasan ni Lawson ang ganitong matinding sakit sa buong buhay niya.Luha ang dumaloy sa mga kulubot niya sa kanyang mukha habang desperado siyang umiyak, “Mr. Wade, ang lahat ay kasalanan ko! Hindi ko na pababayaan ang mga pagkakamali niya kahit kailan, hindi ko na siya hahayaang gawin ang mga masasamang bagay.”Nandidiri, sinabi ni Charlie, “Ang galing mo palang manisi ng iba sa pagkakamali mo?”Ang pangungusap na ito ay sapat na upang magbigay ng panginginig sa gulugod ni Lawson Lewis.Pagkatapos ay sinabi ni Charlie, “Lawson Lewis! Tungkol sa isang daang libong dolyar na ininvest ng aking kaibigan sa restaurant mo, bakit ka tumanggi na bayaran siya? Bakit inangkin mo na regalo ito?”Nawalan ng kulay ang mukha ni Lawson, at sinubukan niyang magpaliwanag. “Mali ako, mali ak
Pagkatapos ng matagal na hinto, humarap si Charlie kay Bill. “Mukhang medyo matalas ang matandang lalaki na ito. Sa tingin niya ay hindi niya mapaparusahan hangga’t hindi siya siya sumasagot. Bills, baliin mo ang dalawang binti niya!”“Opo, Mr. Wade!” Sumunod si Bill.Habang nakatingin kay Dylan, na nagpa-panic na, sinabi ni Charlie sa malamig na tono. “Masisisi mo lamang ang anak mo.”Sinundan ng dalawang kakila-kilabot na sigaw, lumpo na rin si Dylan Hunt. Nang makita niya na binubugbog ang kanyang ama, naramdaman ni Jerome na hindi niya na makontrol ang kanyang katawan. Sa ilang sandali, nakaupo na siya sa isang lawa ng likido na may malakas at hindi kaaya-ayang amoy. Talagang naihi siya sa pantalon niya!Humagikgik si Charlie. “Aba, tingnan mo nga naman iyan? Mukhang hindi mo na makontrol ang ari mo! Ito ang pangunahing dahilan ng lahat na nangyayari ngayon! Sa tingin ko ay hindi mo na kailangan ito!”Pagkatapos ay inutos niya, “Kung gano’n, sirain na ang isang bagay na nagp
Pagkatapos ay pinabuhat ni Charlie ang lima palabas, sinabi bago sila umalis, “Pagbibigyan ko ang buhay niyo ngayon. Pero, kung lalabas ang nangyari dito sa ibang tao, papatayin ko kayong lahat, naiintindihan niyo ba?”Hindi nagdalawang-isip na umiling ang lima. Swerte na sila na mabuhay pagkatapos nito, paano sila mangangahas na suwayin pa si Charlie?Nang nalaman na hindi na siya susuwayin ng lima, tumango sa lugod si Charlie at humarap kay Lawson Lewis. “May malaking kabayaran ang pagsubok na manipulahin ang kaibigan ko. Bukas, gusto kong umalis kayo ng anak mong babae sa restaurant at ilipat ang pangalan nito sa ilalim ng kaibigan ko, naiintindihan niyo ba?”Tumango nang ilang beses is Lawson. “Naiintindihan ko, siguradong wala na ako sa restaurant bukas!”Pagkatapos ay humarap si Charlie kay Dylan Hunt. “Nakipagtalik ang anak mo sa nobya ng kaibigan ko, at binugbog pa siya nang ganito. Dapat ka nang maghanda ng dalawang milyong dolyar bilang kabayaran sa kanya, at huwag kang m
Tumango si Charlie. “Magpahinga ka lang. Sa sandaling gumaling ka na, maaari mo nang pamunuan ang restaurant. Kung may kailangan ako, hahanapin kita.”Sinabi ni Douglas, “Kahit kailan mo ako kailangan!”Pagkatapos ay idinagdag ni Charlie, “Ah, siya nga pala, huwag mong sabihin kahit kanino ang nangyari dito. Hindi ko gustong may makaalam kung sino ako, naiintindihan mo ba?”Tumango si Douglas. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala, siguradong ililihim ko ang nangyari dito hanggang mamatay ako!”Ngumiti si Charlie. “Magpapadala ako ng dalawang tao para lagaan ka, magpahinga ka lang. Aalis na ako.”Nang makauwi, hindi planong sabihin ni Charlie kay Claire ang nangyari ngayon dahil ayaw niyang malaman niya ito. Mas ligtas siya kung hindi niya alam ang pagkakakilanlan niya.Sa sumunod na araw, habang bumibili siya ng pamilihan, nakatanggap siya ng tawag. Nang sinagot niya ang selpon, napagtanto niya na ito ang anak ng boss ng Vintage Deluxe, si Jasmine Moore.Nalilito, hindi mapig
Sinabi lang ni Jasmine ang totoo. Sa tingin niya talaga na ang bagong chairman ng Emgrand Group ay isang misteryosong lalaki.Dahil, nakuha niya ang isang grupo na may halagang mas mataas pa sa isang daang bilyon dahil gusto niya. Bukod dito, hindi niya pinakita ang mukha niya sa buong proseso. Mukhang ang kanyang buong kayamanan ay mas engrande pa sa Emgrand Group.Kung ikukumpara, ang pamilya Moore ay nagmumukhang walang gaanong halaga.Gayunpaman, hindi niya napagtanto na ang chairman ng Emgrand Group ay nakaupo ngayon sa upuan ng pasahero.Si Charlie, sa kabilang dako, ay isang lalaki na hindi gustong magpasikat hangga’t posible. Kahit na sumasagot siya kay Jasmine, kailanman ay hindi niya ibinunyag sa kanya ang kahit anong impormasyon tungkol sa kanyang pagkakakilanlan.Sa isang mabilis ngunit tuloy-tuloy na bilis, dumating sila sa isang maliit na hardin malapit sa ilog sa ilang minuto lang. Ang hardin ay elegante at payapa. Sa labas, mukha itong luma at krudo, gayunpaman, it
Tumingin ang matandang lalaki kay Travis bago nilapag ang isang simpleng kahon na gawa sa kahoy sa lamesa. Sa loob ng kahon ay isang krimson na pulang jade, mukhang isang sinaunang kayamanan. Sa sandaling binuksan ang kahon, naramdaman ng lahat na tila ba ang lobby ay napuno ng isang bakas ng mainit na enerhiya.Umilaw ang mata ng lahat.Humarap si Jasmine kay Quilt. “Tito Quilt, ano sa tingin mo?”Tinitigan ito ni Quilt at tumango. “Sa tingin ko ay totoo ito. Mukhang ang Bloody Jade ay nagmula sa Zhou dynasty. Mukhang binasbasan din ito ng isang sobrang makapangyarihan na monghe!”Tumango si Jasmine at humarap kay Charlie. “Ano sa tingin mo, Mr. Wade?”Si Charlie naman, sa kabilang dako, ay sumimangot sa pandidiri. “Peke ito…”Tumitig nang galit si Quilt sa kanya. “Isa ka lang bata, sino ang nagbigay sa’yo ng karapatan na magsinungaling sa harap ng maraming tao?”Si Matthew Gibson, ang matandang lalaki na nakaupo sa tabi ni Travis, ay binuksan ang kanyang mga mata at tinitigan
”Syempre! Sabihin mo lang ang nasa isip mo!” Humagikgik si Quilt. “Gusto kong makita kung paano ka magsinungaling na parang balasubas sa iba!”Nagkibit balikat si Charlie. “Hindi ko gustong ilantad kayo, pero kung gusto niyo, bastos naman kapag hindi ko kayo pinansin.”“Ilantad? Sinasabi mo na may hindi kami napansin?” Tumawa ang kalmadong si Matthew Gibson.”Sumulyap sa kanya si Charlie at tumawa. “Siya ang pinaka tanga sa inyong lahat…”“Gusto mo bang mamatay, bata?” Nagalit si Matthew.“Totoo ang jade, walang mali.” Pagkatapos at idinagdag ni Charlie, “Pero hindi ito isang bloody jade mula sa Zhou dynasty, o binasbasan ng isang makapangyarihang monghe. Ito ay isa lamang dekalidad na nephrite, ngunit ang halaga nito ay nasa limampung libo sa pinakamataas.”“Kalokohan. Hindi mo ba nakikita na kulay pula ang jade!?” Binulyaw ni Quilt.Nagpatuloy si Charlie na tila ba hindi siya nagambala. “Ang pulang kulay ay dahil nasira ito ng mga mineral na may potassium permanganate. Sa ting
Galit na ngayon si Charlie. “Sa tingin mo ba ay makakatakas ka dito kung hindi ka magsasalita, taba? Ipapaalam ko lang, ito ang Aurous! Hindi mo ba alam na ang mga tao sa kwartong ito ay makapangyarihan sa lugar na ito? Kaya ka nilang ipapatay at ipatapon sa kanal kung sasabihin nila! Pinapayuhan kita na sabihin mo ang totoo ngayon na, kung hindi, hindi mo maililigtas ang sarili mo!”Alam ni Jasmine na minamanipula siya ni Charlie, kaya, naglabas siya ng isang istriktong ekspresyon at nakisama. “Ang pamilya Moore ay medyo makapangyarihan. Kung may gustong mang-scam sa amin, siguradong tuturuan namin siya ng magandang leksyon. Dahil, kung pakakawalan namin siya, ang reputasyon namin ay masisira sa mga mata ng publiko!”Nagulat nang sobra ang matabang lalaki. Alam niya na ang mga Moore ay mayroon ngang labis na kapangyarihan sa lugar na ito. Kung gagalitin niya pa si Jasmine Moore, siguradong mamamatay siya sa Aurous!Nagpa-panic, desperado siyang humarap kay Quilt. “Quilt, tulungan m
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo