Kaagad doon, naglabas si Bill ng isang baras na metal at lumapit kay Zazpi. Kahit na ang lalaki ay nagmakaawa sa kanyang buhay, hindi nag-atubili si Bill na iangat ang baras na metal at ipalo ito nang mabilis.Crack!Ang kanang tuhod ni Zazpi ay nabali agad. Ang ganitong pagkadurog ay halos imposible nang gumaling!Sumigaw sa sakit si Zazpi, pero hindi tumigil si Charlie doon. “Hindi pa tayo tapos. Isang binti pa lamang ang nababali natin, kailangan niya pang maging lumpo sa kabila. Gusto ko siyang mapilay habang buhay!”Tumango si Bill at itinaas muli ang baras na metal, at hindi matagal, isang malakas na pagbitak ang narinig sa kaliwang tuhod ni Zazpi. Gumulong si Zazpi sa sahig, humihingi ng tulong, halos mangisay na ang kanyang katawan.Nagsabi ng utos si Don Albert. “Bill, lagyan mo ng takip ang kanyang bibig. Maiinis si Mr. Wade sa malakas niyang ungol!”“Opo, Don Albert!” Sumunod si Bill at nilagyan ng kaunting piraso ng gasa sa bibig ni Zazpi habang ang lalaki ay pumulupo
Hindi rin inasahan ni Lawson na ang pag-amin sa kanyang pagkakamali ay may mabuting magagawa sa kanya. Kahihimatay niya lamang sa gulat, gayunpaman, agad siyang ginising ng sakit ng hampas.“Ah!!!” Hindi pa naranasan ni Lawson ang ganitong matinding sakit sa buong buhay niya.Luha ang dumaloy sa mga kulubot niya sa kanyang mukha habang desperado siyang umiyak, “Mr. Wade, ang lahat ay kasalanan ko! Hindi ko na pababayaan ang mga pagkakamali niya kahit kailan, hindi ko na siya hahayaang gawin ang mga masasamang bagay.”Nandidiri, sinabi ni Charlie, “Ang galing mo palang manisi ng iba sa pagkakamali mo?”Ang pangungusap na ito ay sapat na upang magbigay ng panginginig sa gulugod ni Lawson Lewis.Pagkatapos ay sinabi ni Charlie, “Lawson Lewis! Tungkol sa isang daang libong dolyar na ininvest ng aking kaibigan sa restaurant mo, bakit ka tumanggi na bayaran siya? Bakit inangkin mo na regalo ito?”Nawalan ng kulay ang mukha ni Lawson, at sinubukan niyang magpaliwanag. “Mali ako, mali ak
Pagkatapos ng matagal na hinto, humarap si Charlie kay Bill. “Mukhang medyo matalas ang matandang lalaki na ito. Sa tingin niya ay hindi niya mapaparusahan hangga’t hindi siya siya sumasagot. Bills, baliin mo ang dalawang binti niya!”“Opo, Mr. Wade!” Sumunod si Bill.Habang nakatingin kay Dylan, na nagpa-panic na, sinabi ni Charlie sa malamig na tono. “Masisisi mo lamang ang anak mo.”Sinundan ng dalawang kakila-kilabot na sigaw, lumpo na rin si Dylan Hunt. Nang makita niya na binubugbog ang kanyang ama, naramdaman ni Jerome na hindi niya na makontrol ang kanyang katawan. Sa ilang sandali, nakaupo na siya sa isang lawa ng likido na may malakas at hindi kaaya-ayang amoy. Talagang naihi siya sa pantalon niya!Humagikgik si Charlie. “Aba, tingnan mo nga naman iyan? Mukhang hindi mo na makontrol ang ari mo! Ito ang pangunahing dahilan ng lahat na nangyayari ngayon! Sa tingin ko ay hindi mo na kailangan ito!”Pagkatapos ay inutos niya, “Kung gano’n, sirain na ang isang bagay na nagp
Pagkatapos ay pinabuhat ni Charlie ang lima palabas, sinabi bago sila umalis, “Pagbibigyan ko ang buhay niyo ngayon. Pero, kung lalabas ang nangyari dito sa ibang tao, papatayin ko kayong lahat, naiintindihan niyo ba?”Hindi nagdalawang-isip na umiling ang lima. Swerte na sila na mabuhay pagkatapos nito, paano sila mangangahas na suwayin pa si Charlie?Nang nalaman na hindi na siya susuwayin ng lima, tumango sa lugod si Charlie at humarap kay Lawson Lewis. “May malaking kabayaran ang pagsubok na manipulahin ang kaibigan ko. Bukas, gusto kong umalis kayo ng anak mong babae sa restaurant at ilipat ang pangalan nito sa ilalim ng kaibigan ko, naiintindihan niyo ba?”Tumango nang ilang beses is Lawson. “Naiintindihan ko, siguradong wala na ako sa restaurant bukas!”Pagkatapos ay humarap si Charlie kay Dylan Hunt. “Nakipagtalik ang anak mo sa nobya ng kaibigan ko, at binugbog pa siya nang ganito. Dapat ka nang maghanda ng dalawang milyong dolyar bilang kabayaran sa kanya, at huwag kang m
Tumango si Charlie. “Magpahinga ka lang. Sa sandaling gumaling ka na, maaari mo nang pamunuan ang restaurant. Kung may kailangan ako, hahanapin kita.”Sinabi ni Douglas, “Kahit kailan mo ako kailangan!”Pagkatapos ay idinagdag ni Charlie, “Ah, siya nga pala, huwag mong sabihin kahit kanino ang nangyari dito. Hindi ko gustong may makaalam kung sino ako, naiintindihan mo ba?”Tumango si Douglas. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala, siguradong ililihim ko ang nangyari dito hanggang mamatay ako!”Ngumiti si Charlie. “Magpapadala ako ng dalawang tao para lagaan ka, magpahinga ka lang. Aalis na ako.”Nang makauwi, hindi planong sabihin ni Charlie kay Claire ang nangyari ngayon dahil ayaw niyang malaman niya ito. Mas ligtas siya kung hindi niya alam ang pagkakakilanlan niya.Sa sumunod na araw, habang bumibili siya ng pamilihan, nakatanggap siya ng tawag. Nang sinagot niya ang selpon, napagtanto niya na ito ang anak ng boss ng Vintage Deluxe, si Jasmine Moore.Nalilito, hindi mapig
Sinabi lang ni Jasmine ang totoo. Sa tingin niya talaga na ang bagong chairman ng Emgrand Group ay isang misteryosong lalaki.Dahil, nakuha niya ang isang grupo na may halagang mas mataas pa sa isang daang bilyon dahil gusto niya. Bukod dito, hindi niya pinakita ang mukha niya sa buong proseso. Mukhang ang kanyang buong kayamanan ay mas engrande pa sa Emgrand Group.Kung ikukumpara, ang pamilya Moore ay nagmumukhang walang gaanong halaga.Gayunpaman, hindi niya napagtanto na ang chairman ng Emgrand Group ay nakaupo ngayon sa upuan ng pasahero.Si Charlie, sa kabilang dako, ay isang lalaki na hindi gustong magpasikat hangga’t posible. Kahit na sumasagot siya kay Jasmine, kailanman ay hindi niya ibinunyag sa kanya ang kahit anong impormasyon tungkol sa kanyang pagkakakilanlan.Sa isang mabilis ngunit tuloy-tuloy na bilis, dumating sila sa isang maliit na hardin malapit sa ilog sa ilang minuto lang. Ang hardin ay elegante at payapa. Sa labas, mukha itong luma at krudo, gayunpaman, it
Tumingin ang matandang lalaki kay Travis bago nilapag ang isang simpleng kahon na gawa sa kahoy sa lamesa. Sa loob ng kahon ay isang krimson na pulang jade, mukhang isang sinaunang kayamanan. Sa sandaling binuksan ang kahon, naramdaman ng lahat na tila ba ang lobby ay napuno ng isang bakas ng mainit na enerhiya.Umilaw ang mata ng lahat.Humarap si Jasmine kay Quilt. “Tito Quilt, ano sa tingin mo?”Tinitigan ito ni Quilt at tumango. “Sa tingin ko ay totoo ito. Mukhang ang Bloody Jade ay nagmula sa Zhou dynasty. Mukhang binasbasan din ito ng isang sobrang makapangyarihan na monghe!”Tumango si Jasmine at humarap kay Charlie. “Ano sa tingin mo, Mr. Wade?”Si Charlie naman, sa kabilang dako, ay sumimangot sa pandidiri. “Peke ito…”Tumitig nang galit si Quilt sa kanya. “Isa ka lang bata, sino ang nagbigay sa’yo ng karapatan na magsinungaling sa harap ng maraming tao?”Si Matthew Gibson, ang matandang lalaki na nakaupo sa tabi ni Travis, ay binuksan ang kanyang mga mata at tinitigan
”Syempre! Sabihin mo lang ang nasa isip mo!” Humagikgik si Quilt. “Gusto kong makita kung paano ka magsinungaling na parang balasubas sa iba!”Nagkibit balikat si Charlie. “Hindi ko gustong ilantad kayo, pero kung gusto niyo, bastos naman kapag hindi ko kayo pinansin.”“Ilantad? Sinasabi mo na may hindi kami napansin?” Tumawa ang kalmadong si Matthew Gibson.”Sumulyap sa kanya si Charlie at tumawa. “Siya ang pinaka tanga sa inyong lahat…”“Gusto mo bang mamatay, bata?” Nagalit si Matthew.“Totoo ang jade, walang mali.” Pagkatapos at idinagdag ni Charlie, “Pero hindi ito isang bloody jade mula sa Zhou dynasty, o binasbasan ng isang makapangyarihang monghe. Ito ay isa lamang dekalidad na nephrite, ngunit ang halaga nito ay nasa limampung libo sa pinakamataas.”“Kalokohan. Hindi mo ba nakikita na kulay pula ang jade!?” Binulyaw ni Quilt.Nagpatuloy si Charlie na tila ba hindi siya nagambala. “Ang pulang kulay ay dahil nasira ito ng mga mineral na may potassium permanganate. Sa ting
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang