Ang kakaibang bagay ay nang sinubukan niyang tawagan si Troy gamit ang isang espesyal na linya ng telepono na pwede niyang gamitin ng buong araw sa kahit anong oras, hindi ito makakonekta. Hindi pa nangyayari ang ganitong uri ng bagay sa nakaraang dalawampung taon.Kaya, kinabahan nang sobra si Arlo sa abnormal na sitwasyon na ito. Sinubukan niyang tawagan si Brody pero hindi rin siya makakonekta sa cellphone ni Brody.Bigla siyang nagkaroon ng masamang kutob sa puntong ito. Pero, dahil sa espesyal na pagsasaayos ng Qing Eliminating Society, wala siyang ibang tauhan sa Cyprus na matatawagan niya nang direkta bukod sa Section Ambassador, si Troy.Kaya, ang pinakamagandang paraan ay magpadala siya ng tao sa Cyprus para magtanong tungkol sa sitwasyon. Ang pinakamagandang tao na pupunta at magtatanong ay ang special envoy mula sa copper refinery sa Turkey. Dahil, sobrang lapit ng Turkey sa Cyprus, at hindi matagal ang biyahe ng isang helicopter papunta doon.Pero, isa sa four great ear
“Anong sinabi mo?!” Biglang tumaas ng isang octave ang boses ng British Lord habang tinanong niya nang hindi makapaniwala, “Anong mali sa kanya? Sinabihan ko siya na gawin ang isang misyon, pero nawalan talaga siya ng contact sayo?!”Sinabi nang nagmamadali ni Arlo, “British Lord, marahil ay hindi kusang nawalan ng contact si Mr. Jothurn sa atin dahil… dahil…”Tinanong nang malamig ng British Lord, “Anong dahilan? Kung mag-aatubili kang magsalita simula ngayon, ako mismo ang puputol sa dila mo!”Nanginig si Arlo sa takot at sinabi nang nagmamadali, “British Lord, si Troy Nimbleton, ang Section Ambassador ng Cyprus, ay hindi rin matawagan. Nawalan din kami ng contact sa alternatibong Section Ambassador na nilagay namin sa tabi niya…”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Arlo, “Ayon sa normal na sitwasyon, kailangan siguraduhin ni Troy at ng alternatibong Section Ambassador ang maayos na komunikasyon ng 24 oras sa bawat araw. Ito ang pinaka pangunahing pangangailangan… lalo na par
Sinabi ng British Lord, “Bilisan mo at pumunta ka na sa Cyprus. Mag-ulat ka sa akin sa lalong madaling panahon kung may kahit anong sitwasyon!”“Masusunod!”***Makalipas ang kalahating oras, isang private jet ang lumipad mula sa Naples Airport.Pumunta si Arlo sa Cyprus kasama ang ilang tauhan niya, dala-dala ang mga aerial drone at ibang kagamitan.Pagkatapos bumaba ng private jet, sinundan nila ang parehong ruta na ginamit ni Brody. Nag-renta sila ng isang kotse pagkatapos nilang umalis sa airport at nagmaneho papunta sa lokasyon ng copper mine.Ang buong copper mine ay napapalibutan ng mga opisyal na imbestigador mula sa Cyprus sa sandaling ito. Hinarangan nila ang balita habang mabilis nilang hinukay ang lugar. Ang layunin ng paghuhukay ay para alamin ang dami ng napinsala sa copper mine.Pero, ang nagpalito sa mga opisyal ng Cyprus ay kahit pagkatapos hukayin ang lupa at mga gumuhong building sa iba’t ibang lokasyon ng gumuhod lugar at tinanong ang mga eksperto na suriin a
Hindi nakaka sorpresa sa command center na makahanap ng DNA ng tao sa ganito kalaking pagguho, pero medyo kakaiba na makahanap ng artillery shell mula sa isang close-defense missile sa ganitong lugar. Ang pagdiskubre sa artillery shell ay nangangahulugan na inatake ng mga close-defense missile ang lugar na ito.Ayon sa distansya ng mga close-defense missile na mas mababa sa apat na kilometro, kahit na wala sa loob ng copper mine ang mga close-defense missile, hindi ito malayo sa copper mine nang pinaputok ito.Hindi ito makatwiran, kahit na gumamit ang mga tao sa copper mine ng mga close-defense missile para atakihin ang iba, o gumamit ng mga close-defense missile ang mga nasa labas para atakihin ang copper mine.Tinanong ng isa sa mga katuwang, “Maaari ba na inatake ng mga terorista ang copper mine?!”Nakuha nito ang pagsang-ayon ng karamihan ng mga tao nang sinabi ito. Sa mga nagdaang taon, hindi tumigil ang mga atake ng terorista sa Middle East. Gumagawa rin ng kaguluhan ang mga
Magarang ilaw at palamuti ang nagpaliwanag sa mamahaling mansyon ng pamilya Wilson.Sapagkat ngayong gabi ay ipinagdiriwang ang ika-70 kaarawan ni Lady Wilson, ang pinuno ng pamilya Wilson.Ang kanyang mga apo at mga asawa nito ay lumapit sa kanya upang ibigay ang kanilang mga mamahaling regalo.“Lola, narinig ko na gusto niyo raw po ng Chinese tea. Kung saan-saan po ako naghanap upang mabili itong isang daang taong gulang na Pu’er tea na may presyong kalahating milyong dolyar upang iregalo sa inyo.” “Lola, isa ka matapat na Buddhist. Itong estatwa ni Buddha ay inukit mula sa tunay na Hetian jade, ito ay nagkakahalaga ng $700,000…”Habang nakatingin sa mga regalong nakabalot nang maayos sa kanyang harapan, si Lady Wilson ay masayang tumawa. Ang paligid ay nabalot ng kasiyahan at kapayapaan.Matapos ang ilang saglit ay biglang dumating ang pinakamatandang manugang ni Lady Wilson na si Charlie Wade at nagsabing, “Lola, maaari mo ba akong pahiramin ng ilang milyong dolyar? Si Mrs.
Sampung bilyong dolyar?! Nagulat si Charlie. Dilat ang kanyang mga mata at ang kanyang bibig ay nakanganga. Alam niya na napakayaman ng kanyang lolo, ngunit dati, masyado pa siyang bata upang maunawaan ang konsepto ng pera. Alam niya lang na ang pamilya Wade ay isa sa pinakamayamang pamilya sa Eastcliff, maging sa bansa, pero hindi siya sigurado sa kanilang buong kayamanan. Ngayon, nalaman na niya. Kung ang sampung bilyong dolyar ay maliit na pera lang, ang ibig sabihin ay mas malaki pa sa isang trilyong dolyar ang buong kayamanan ng pamilya Wade! Sa totoo lang, sa sandalling ito, siya ay naantig at bumigay nang kaunti. Gayunpaman, nang maisip niya ang namatay niyang mga magulang at kung paano naging parte ng dahilan ang kanyang lolo sa kanilang pagkamatay, alam niya na hindi niya siya mapapatawad nang madali. Nang maramdaman ang kanyang pagkabigo, sinabi nang mabilis ni Stephen, “Young Master, ikaw ay isang miyembro ng pamilya Wade, kaya sayo ang pera. Bukod dito, kung ii
Kinabukasan, pagkatapos maghain ng almusal, sumakay si Charlie sa kanyang iskuter papunta sa opisina ng Emgrand Group.Ipinarada niya ang kanyang iskuter sa gilid ng paradahan ng Emgrand. Sa sandaling pinatay niya ang kanyang iskuter, isang itim na Bently ang mabagal na pumarada sa harap ng kanyang lugar.Tumingala siya nang hindi sinasadya at nakita ang magnobyo na papalabas ng kotse.Ang lalaki ay may suot na may tatak na amerikana, gwapo, at matalino sa paningin. Samantala, ang babae ay mabulaklak ang suot. Kahit na matingkad, matatawag siyang maganda.Ang babae ay si Wendy Wilson, ang pinsan ni Claire, at ang lalaki ay ang kanyang nobyo, si Gerald White.Hindi alam ni Charlie kung bakit sila nandito, pero alam niya na ang pinakamabisang paraan upang makalayo sa gulo ay lumayo sa kanila.Gayunpaman, kapag mas sabik siyang magtago sa kanila, mas malaki ang tyansa na makita siya nila.Napansin siya ni Wendy sa sulok ng kanyang mga mata. Sinigaw niya nang malakas, “Hoy, Char
Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ni Charlie si Doris.Inaamin niya na si Doris ay isang napakaganda at nakakaakit na babae!Siya ay humigit-kumulang dalawampu’t pito o walong gulang na may payat ngunit malaman na katawan, nakakaakit na itsura, at mayroong napaka-mature at marangal na pag-uugali.Habang nakaupo sa harap ng mesa ni Doris, nagsimula si Charlie, “Hindi ako madalas pupunta sa opisina, kaya gusto kong alagaan mo ang kumpanya para sakin. At saka, pakitago ang aking tunay na pagkakakilanlan sa publiko.”Alam ni Doris na si Mr. Wade, na nakaupo sa harap niya, ay nagmula sa pambihirang pamilya Wade. Para sa isang kilalang pamilya tulad ng sa kanila, ang Emgrand Group ay isa lamang pangkaraniwang negosyo, kaya normal lang sa kanya na hindi ito pamahalaan. Kaya naman ay mabilis niyang sinabi, “Sige po. Mr. Wade, sabihan mo lang ako kung may kailangan ka, at tutulungan po kita.”Sa sandaling ito, isang sekretarya ang kumatok sa pinto at sinabi, “Miss Young, isang lalaki