Nagulat si Lady Wilson sa determinasyon ni Wendy. Sa parehong oras, nakaramdam din siya ng lamig sa likod niya.Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na si Wendy, na palagi niyang pinapangunahan, ay mas naging malakas simula noong nakuha niya ang posisyon bilang manager ng etiquette company. Nilinaw niya pa na dapat siyang sundin ng lahat sa pamilya simula ngayon.Para naman sa lamig sa likod niya, ito ay dahil napagtanto niya na kahit kailan ay hindi siya pinatawad ni Wendy para sa nagawa niya dati. Ang dahilan lang kung bakit siya inaalagaan ni Wendy sa halip na maghiganti sa kanya ay dahil matanda na siya.Pero, nilinaw na ni Wendy ang sarili niya. Kung patuloy talaga siyang aasa sa edad niya para gumawa ng problema, wala talagang matitira sa kanya at wala na siyang maaasahan.Hindi tanga si Lady Wilson. Alam niya na sa isang pamilya, kung sino man ang may kontrol sa pera ay ang may karapatan na magsalita para sa buong pamilya.Matanda na siya at wala siyang kahit anong asset
Dahil ilang araw na mas maagang dumating si Hiroshi sa Aurous Hill kaysa sa pamilya Ito, naghanda na siya ng isang convoy para sunduin sila ngayong araw.Nang umalis ang pamilya Ito sa airport gamit ang kotse, dinala na rin ng ilang refrigerated trucks nang maaga ang mga bulaklak na dumating.Kahit na si Charlie lang ang nasa isipan ni Nanako, ang Shangri-La pa rin ang unang pinuntahan niya.Pero, hindi pumunta si Yahiko sa Shangri-La, ngunit dinala siya ni Hiroshi sa Thompson First. Hindi balak ni Yahiko na pumunta sa Shangri-La bago ang kasal dahil kilala siyang tao sa Japan, at nag-aalala siya na makikita siya ng maraming tao, at mabubunyag ang sikreto na bumalik ang mga binti niya.Nakuha lang ni Isaac ang balita nang dumating ang convoy ni Nanako sa Shangri-La.Nang malaman ang pagdating nila, tinawagan agad ni Isaac si Charlie at inulat ang balita kay Charlie.Nang marinig ni Charlie na nandito si Nanako, ang unang reaksyon niya ay masorpresa nang masaya. Nagkataon na pumun
Tumango nang bahagya si Rosalie at tinanong si Nanako, “Siya nga pala, Miss Nanako, sinabihan mo ba si Mr. Wade bago ka pumunta ngayong araw?”“Hindi.” Sinabi nang medyo nahihiya ni Nanako, “Siguradong mas abala si Charlie-kun sa karaniwang araw, kaya hindi ko siya sinabihan.”Ngumiti si Rosalie at sinabi, “Kahit na hindi mo siya sinabihan, sinabi na ito ni Mr. Cameron sa kanya sa lalong madaling panahon. Pinapahalagahan ka nang sobra ni Mr. Wade, kaya marahil ay papunta na siya ngayon dito.”Namula si Nanako at sinabi, “Hindi… Sa tingin ko ay pinapahalagahan ka rin nang sobra ni Charlie-kun…”Sinabi nang nahihiya ni Rosalie, “Ma… Magkaiba ang sitwasyon natin… Tauhan ako ni Mr. Wade, pero katiwala ka ni Mr. Wade…”Tiningnan siya ni Nanako at tinanong nang mausisa, “Tauhan ka lang ba talaga niya?”Sinabi ni Rosalie nang medyo hindi natural, “Tauhan niya lang talaga ako. Maraming beses akong niligtas at tinulungan ni Mr. Wade, kaya natural na kailangan kong manatili sa tabi niya pa
Nang marinig ang boses na ito, tumingin sa paligid ang tatlong babae at nakita na pumasok na si Charlie sa Sky Garden.Hindi namalayan ng tatlong babae na nagkaroon sila ng sabik na ekspresyon sa mukha nila sa sandaling ito.Dahil alam nila na ang ang tinutukoy ni Charlie ay ang kapatid ni Sophie, ngumiti lang sina Rosalie at Nanako kay Charlie nang hindi nagsasalita.Tuwang-tuwa si Sophie at mabilis na kinumpirma ulit kay Charlie, “Mr. Wade, ang ibig mong sabihin ay pwede mong ibalik ang kapatid ko?”“Oo.” Tumango si Charlie at sinabi nang kalmado, “Pero pwede lang siyang pumunta sa kasal. Kailangan niyang tapusin ang parusa niya pagkatapos ng kasal.”Tinanong nang hindi nag-iisip ni Sophie, “Mr. Wade, kung babalik ang kapatid ko para pumunta sa kasal, kailangan niya bang ibalik sa lugar kung saan siya sinundo o kailangan niya ulit mag-umpisa sa simula?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Syempre kailangan niyang magsimula kung saan siya tumigil. Paano ko magagawang pabalikin siya sa
Sa sandaling ito, si Jaimen, na naglalakad sa Sandskirts, ay patuloy sa peregrinasyon niya kahit na mayroon na siyang magulong balbas at punit-punit na damit.Kahit na punit-punit ang mga damit niya, mayroon siyang makapal na protective gear sa kanyang mga kamay at tuhod. Luluhod siya sa bawat tatlong hakbang, at yuyuko bago tumayo. Pagkatapos tumayo, maglalakad siya ng tatlong hakabng at patuloy na luluhod, at paulit-ulit ito.Sa simula, hindi kaya ng katawan ni Jaime ang napakataas na intensidad ng paggalaw. Naghirap nang sobra ang katawan niya. Naabot na niya ang kanyang limitasyon sa paglalakad ng tatlo o apat na kilometro sa isang araw, na mas mabagal nang sobra kumpara sa bilis ng sampung kilometro kada araw para sa mga karaniwang nananampalataya.Pero, sa pagdaan ng panahon at sa mas matagal na paglalakbay, unti-unti siyang nasanay sa ritmo na ito at unti-unting tumaas mula tatlo hanggang apat na kilometro kada araw at naging pito o walong kilometro na ngayon.Mahigit isang
“Ang young master mo?!”Tinanong ni Jaime sa sorpresa, “Maaari ko bang malaman kung sino ang young master mo?”Sinabi nang magalang ng middle-age na lalaki, “Ang young master ko ay si Charlie Wade mula sa Aurous Hill!”“Charlie Wade?!” Nagulat si Jaime nang malaman niya na ang middle-age na lalaki sa harap niya ay ipinadala pala ni Charlie para iuwi siya.Tumingin siya sa lalaki at tinanong sa sorpresa, “Sinabi mo na pinapablik ako ni Mr. Wade?”“Oo.” Tumango ang middle-age na lalaki at sinabi nang seryoso, “Naghihintay na ang eroplano sa airport. Gusto ni Mr. Wade na pabalikin ka sa Aurous Hill sa lalong madaling panahon.”Lumaki ang mga mata ni Jaime habang sinabi niya, “Maaari ko bang malaman kung bakit ako pinapabalik ni Mr. Wade kahit na hindi ko pa natatapos ang paglalakbay ko?”Walang tinago ang middle-age na lalaki at sinabi nang direkta, “Mr. Jaime, ang iyong ama, si Sheldon Schulz, ay malapit nang ikasal, at gaganapin ang kasal sa Aurous Hill. Sinabihan ako ni Mr. Wade
Magarang ilaw at palamuti ang nagpaliwanag sa mamahaling mansyon ng pamilya Wilson.Sapagkat ngayong gabi ay ipinagdiriwang ang ika-70 kaarawan ni Lady Wilson, ang pinuno ng pamilya Wilson.Ang kanyang mga apo at mga asawa nito ay lumapit sa kanya upang ibigay ang kanilang mga mamahaling regalo.“Lola, narinig ko na gusto niyo raw po ng Chinese tea. Kung saan-saan po ako naghanap upang mabili itong isang daang taong gulang na Pu’er tea na may presyong kalahating milyong dolyar upang iregalo sa inyo.” “Lola, isa ka matapat na Buddhist. Itong estatwa ni Buddha ay inukit mula sa tunay na Hetian jade, ito ay nagkakahalaga ng $700,000…”Habang nakatingin sa mga regalong nakabalot nang maayos sa kanyang harapan, si Lady Wilson ay masayang tumawa. Ang paligid ay nabalot ng kasiyahan at kapayapaan.Matapos ang ilang saglit ay biglang dumating ang pinakamatandang manugang ni Lady Wilson na si Charlie Wade at nagsabing, “Lola, maaari mo ba akong pahiramin ng ilang milyong dolyar? Si Mrs.
Sampung bilyong dolyar?! Nagulat si Charlie. Dilat ang kanyang mga mata at ang kanyang bibig ay nakanganga. Alam niya na napakayaman ng kanyang lolo, ngunit dati, masyado pa siyang bata upang maunawaan ang konsepto ng pera. Alam niya lang na ang pamilya Wade ay isa sa pinakamayamang pamilya sa Eastcliff, maging sa bansa, pero hindi siya sigurado sa kanilang buong kayamanan. Ngayon, nalaman na niya. Kung ang sampung bilyong dolyar ay maliit na pera lang, ang ibig sabihin ay mas malaki pa sa isang trilyong dolyar ang buong kayamanan ng pamilya Wade! Sa totoo lang, sa sandalling ito, siya ay naantig at bumigay nang kaunti. Gayunpaman, nang maisip niya ang namatay niyang mga magulang at kung paano naging parte ng dahilan ang kanyang lolo sa kanilang pagkamatay, alam niya na hindi niya siya mapapatawad nang madali. Nang maramdaman ang kanyang pagkabigo, sinabi nang mabilis ni Stephen, “Young Master, ikaw ay isang miyembro ng pamilya Wade, kaya sayo ang pera. Bukod dito, kung ii