Nagpaalam si Marianne kay Logan at sa asawa niya pati na rin kay Vera pagkatapos kumain, at hinatid siya ni Madam Marilyn pabalik sa Thompson First.Biglang nakaramdam ng kaginhawaan si Marianne sa sandaling pumasok siya sa unang bahay na binili niya sa Aurous Hill.Binuksan niya ang bintana ng balkonahe, humiga sa dulo ng kama, at pinanood ang gabing tanawin at mabagal na mga barko sa Yaak River. Agad siyang naging relax habang umiihip sa kanya ang hangin mula sa ilog.May napakagandang tanawin ang top floor, at ang apartment unit na ito ay nasa gilid ng top floor, kaya hindi ito maiistorbo ng mga ingay mula sa mga kapitbahay. Kaya, pakiramdam ni Marianne na mas sulit pa ito.Nakaramdam pa siya ng udyok na manatili sa Aurous Hill ng ilang araw dahil dito.Pero, pagkatapos itong pag-isipan, naramdaman niya na mas mabuting umalis sa Aurous Hill sa lalong madaling panahon pagkatapos pirmahan ang kontrata sa Aurous University. Naisip niya rin na sabihin kay Charlie na nakuha siya ng
Si Elaine, na biglang nagkaroon ng inspirasyon, ay halos napagtanto agad na sobrang taas ng posibilidad na magtagumpay ang ideya na naisip niya.Sikat na sikat na internet celebrity na si Hannah ngayon, at palaging may sampu-sampung libong tao na online sa live broadcast room niya. Minsan, ang dami pa ng viewer sa live broadcast room niya ay umaabot ng dalawampu o tatlumpung libo. Kung masusugpo niya ang ganito katanyag na anchor, siguradong makakakuha siya ng maraming atensyon sa mga viewer.Bukod dito, kahit na hindi makakuha ng mga fans, kita, o benepisyo si Elaine, handa pa rin siyang ibunyag si Hannah.Kahit hindi na banggitin na hindi siya makakakuha ng mga benepisyo, pero kung may magsasabi kay Elaine na magbayad ng 100 thousand dollars kapalit ang pagkasira at kahirapan ni Hannah, siguradong magngangalit si Elaine at maglalabas ng 100 thousand dollars.Ito ay dahil pakiramdam niya na ang ideya niya ay katumbas ng paggawa ng dalawang bagay gamit ang isang kilos at talagang m
Natakot nang sobra si Elaine, at ang unang naisip niya ay tumakbo palayo.Pero, naisip niya na nag iika-ika pa rin siya sa isang binti at hindi niya matatakbuhan silang tatlo kahit anong mangyari.Kung sisigaw siya at tatawagin ang biyenan na lalaki niya para humingi ng tulong ngayon, marahil ay magulat si Hannah, na nagla-live broadcast sa itaas. Kung malalaman ni Hannah na umaaligid siya sa paligid ng villa niya, baka mahulaan ni Hannah ang mga layunin niya. Hindi ba’t mawawalan siya ng pagkakataon na ibunyag siya kung magiging maingat si Hannah sa kanya?Mabilis ang takbo ng isipan ni Elaine, at kumikibot din nang sobra ang mga mata niya.Nang makita ni Jennifer ang pagkibot ng mga mata ni Elaine at kung paanong hindi siya makapagsalita makalipas ang matagal na panahon, umabante siya agad, sinunggaban si Elaine sa kwelyo, at sinampal siya habang sinabi nang galit, “Naiinis ako kapag nakikita ka. Umalis ka sa lugar na ito!”Nagalit at natakot si Elaine pagkatapos sampalin, per
“Hannah Queen?!”Sumimangot agad si Jennifer nang marinig ito at tinanong nang mahigpit, “Paano mababaliktad ng isang tulad niya ang buhay nila? Maaari ba na ginagamit niya ang hitsura niya para makipagtalik sa iba?!”Ngumisi si Elaine at sinabi, “Ibebenta ang katawan niya sa hitsura niya? Ang isang katulad niya?! Tantya ko na ang isang tao na nagbebenta ng katawan na may ganitong hitsura ay makakakuha lang ng dalawang siopao!”Pagkasabi nito, tumingin si Elaine sa paligid at tumingala bago sinabi nang nagmamadali, “Jennifer, hindi ito ang lugar para mag-usap. Pumunta tayo doon at mag-usap. Huwag mong hayaan na marinig tayo ng pamilya Wilson sa itaas!”Kumindat agad si Jennifer sa mga kaibigan niya. Naintindihan agad ito ni Yulia at humakbang para alalayan si Elaine. Mabilis silang naglakad sa dulo ng bakod.Nang makita ni Elaine na hindi na niya kailangan mag-alala na maririnig siya ng pamilya Wilson, pinigilan niya sila at sinabi, “Dito na tayo mag-usap!”Si Jennifer ang unang
Pagkasabi nito, itinaas niya ang isang mangkok ng kanin na hawak niya sa camera at iprinesenta, “Salamat sa nutritional rice cereal company na ito na alam sa paghihirap ng pamilya ko, nagpadala sila ng isang batch ng nutritional rice cereal. Gumaling nang sobra ang asawa ko simula nang kinain niya ang rice cereal na ito.”Nakipagtulungan din si Christopher sa kanya at binuksan ang kanyang bibig para sumigaw habang desperadong itinaas ang kanyang leeg para sa kutsara ng kanin na nasa kamay niya.Mabilis na pinakain ni Hannah ang kanin sa kanya at nagpatuloy, “May limang flavor ang nutritional rice cereal na ito, at pwede mo itong kainin pagkatapos lagyan ng kumukulong tubig. Laman nito ang lahat ng sustansya na kailangan sa katawan ng tao. Magkakaroon ng sapat na nutrisyon ang mga nasa hustong gulang araw-araw sa pag-inom ng tatlong sachet kada araw, at gawa ito sa raw green at organic na materyales. Bukod dito, nagdagdag din sila ng iba’t ibang vitamins, amino acid, at DHA na kailang
Kahit na hindi talaga matalinong tao si Elaine, siguradong marami siyang madadayang plano.Matagal niyang pinag-isipan kung paano ibubunyag si Hannah, pero nahihirapan siya dahil sa baling binti niya, at masyadong malaki ang panganib kapag mag-isa lang siya.Pero, magiging iba ang sitwasyon kung sasali si Jennifer at ang dalawa. Araw-araw silang nakatira sa parehong bahay kasama ang pamilya ni Hannah, at malakas ang tatlong tao na ito. Kaya, mas madali para sa kanila na umakyat at bumaba kumpara kay Elaine.Kaya, nagmamadali niyang tinawag ang tatlo at binulong ang plano sa kanila nang detalyado.Pagkatapos marinig ang plano ni Elaine, naramdaman din nilang tatlo na malaki ang probabilidad na magtagumpay ang plano, kaya tinapik ni Jennifer ang dibdib niya at sinabi, “Huwag kang mag-alala, Elaine. Iwan mo na ito sa amin. Siguradong gagawin namin ang mga sinabi mo.”Pagkasabi nito, idinagdag niya, “Pero kailangan mong mangako sa amin na dapat ay tutuparin mo rin ang pangako mo at pa
Pagkatapos ay sinabi ni Jennifer sa mga kaibigan niya na nasa tabi niya, “I-add niyo rin si Elaine para mas madali tayong makapag-usap sa hinaharap.”Sinabi ni Elaine nang walang pag-aatubili, “Magaling talaga ito. Gagawa agad ako ng isang group chat at i-add tayong apat sa group chat. Pwede tayong mag-usap nang direkta sa group chat na ito kung may balita sa hinaharap.”Hindi katagalan, sinimulan nilang apat ang kapanganakan ng isang WhatsApp group chat na tinatawag na ‘Puksain si Hannah Queen para Puksain ang Kasamaan para sa Lipunan’.Pagkatapos ay umuwi si Elaine dala-dala ang mga saklay niya habang bumalik agad si Jennifer at ang iba sa villa nila.Pagkatapos dumating sa ibaba ng villa, tumingala si Jennifer sa kwarto sa second floor at sinabi sa dalawa sa mahinang boses, “Sinara talaga nila ang mga bintana at pinto. Aakyat ako sa balkonahe nila sa second floor para makita kung makakakuha ako ng mga litrato o video mula sa labas, pero may magandang soundproofing talaga ang mga
Hindi nangahas si Harold na sumagot pagkatapos pagalitan ni Hannah. Tumango na lang siya nang may hinanakit at sumang-ayon, “Tama ka, Ma. Masyado akong makasarili…”Suminghal nang malamig si Hannah at patuloy na sinabi, “At saka, sinabi ko sayo na may isang gawain ka lang ngayong gabi. Kailangan mong umiyak kapag pinapasalamatan ang mga viewers ng live broadcast pagkatapos ng live broadcast. Pero bakit wala akong nakitang luha habang nagsasalita ka kanina? Nasaan ang mga luha mo?”Sinabi nang kinakabahan ni Harold, “Ma… Hi-Hindi ako makaiyak nang maisip ko kung paano ka ulit kumita ng daang-daang libong dolyar ngayong gabi nang napakadali…”Galit na sinabi ni Hannah, “Walang kwenta! Kailangan mong umiyak kahit na hindi ka makaiyak! Kung hindi mo maaantig ang mga tao sa live broadcast room at ipapaisip sa kanila na sobrang marangal sila, paano sila gaganahan na gumastos ng pera para sa atin?! Sobrang mura at mga walang kwentang produkto ang mga pagpipilian sa live broadcast room nati
Nang makita ni Charlie na lumalalim na ang gabi, tumayo siya at sinabi sa kanilang dalawa, “Okay, sige, dahil maayos na ang pakiramdam ni Veron, dapat na akong umalis.”Medyo nag-atubili si Claudia at hindi niya mapigilang itanong, “Charlie, aalis ka na agad kahit na kadarating mo lang? Ayaw mo bang umupo muna saglit habang kumukuha ako ng isang baso ng tubig?”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Hindi na. Hindi angkop para sa isang lalaki na nasa hustong gulang tulad ko na manatili nang matagal sa dormitoryo ng mga babae. Kung mananatili ako dito nang mas matagal, sa tingin ko ay aakyat ang dormitory manager at itataboy ako.”Habang nagsasalita siya, may naisip si Charlie at nagbigay ng babala, “Ah, siya nga pala, magsisimula na ang orientation niyo bukas. Sobrang hirap ng orientation, kaya subukan niyo na huwag umalis sa university kung wala kayong gagawin sa panahong ito.”Hindi naintindihan ni Claudia ang malalim na kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, kaya tuman
Pero, alam ni Charlie na si Vera ay isang babae na nakita at naranasan na ang mundong ito. Siguradong may alam siya tungkol sa Reiki dahil mayroon siyang mandarayang singsing at hinahanap siya ng British Lord.Ang pinaka inaalala niya ay hindi mahulaan ni Vera na siya ang benefactor na nagligtas sa kanya sa Northern Europe at nakalimutan niya dahil lang sa pill na ito.Kaya, sinabi nang kaswal ni Charlie, “Nakuha ko ang pill na ito mula sa Antique Street. Mas nagiging kaunti ang mga pill sa tuwing nilalabas ko ang isa.”Nahulaan din ni Vera ang layunin niya at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang sinabi, “Maganda sana kung makakabili pa tayo ng ganitong divine pill at maitago ito kung sakaling may emergency.”Tumango si Charlie. Kung may dala-dala siyang Healing Pill, totoo nga na kaya niyang magligtas ng mga buhay sa kritikal na sandali. Muntikan nang mapatay si Jasmine sa Japan, pero nabuhay siya dahil sa Healing Pill na binigay niya sa kanya.Sa sandaling naisip niy
Medyo naging mausisa si Vera nang sinabi ni Charlie na magagamot ang migraine niya gamit ang isang pill.Alam niya na si Charlie ang sanhi ng kanyang migraine, kaya gusto niyang malaman kung anong magagawa ni Charlie para gamutin ang mga sintomas niya nang walang pinapasok na Reiki sa kanya.Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang isang Healing Pill mula sa kanyang bulsa. Ang Healing Pill na ito ay ang pinalakas na bersyon na ginawa niya gamit ang medicine cauldron mula sa Taoist Sect.Tiningnan ni Charlie ang pill at ipinakilala sa kanilang dalawa, “Ito ang pill na nakuha ko nang nagkataon matagal na panahon na ang lumipas. Hindi ako nangangahas na sabihin na kaya nitong buhayin ang patay, pero kaya nitong gamutin ang lahat ng sakit.”Pagkasabi nito, nabalisa nang kaunti si Charlie habang sinabi, “Kaso nga lang ay kaunti na lang ang natitirang pill ko, kaya kailangan ko silang tipirin at maglabas lang ng kala-kalahating pill. Ah, sa totoo lang, sapat na ang sangkapat ng pill na ito p
Walang pakialam si Charlie dito.Alam niya na halos walang saysay ang pagsusuri ng pulso ni Vera.Ang sakit ng ulo niya ay hindi dahil may sakit siya, ngunit dahil napinsala siya ng Reiki niya. Ang pinakamagandang paraan para gamutin siya ay gumamit ng ilang Reiki para ayusin ang pinsala sa utak niya.Pero, pagkatapos itong pag-isipan ni Charlie, hindi niya alam kung saan nagmula si Vera. Ang katotohanan na may mandarayang singsing siya ay pinapatunayan na kahit na hindi niya na-master ang Reiki, siguradong naiintindihan niya kung ano ang Reiki.Sa ibang salita, lumaki siya sa ganitong kapaligiran, kaya alam niya siguro kung ano ang Reiki at makikita niya sa isang tingin kung ginamit ang Reiki.Bukod dito, hula ni Charlie na marahil ay hindi siya naaalala ni Vera, kaya aktibo niyang ibubunyag ang sarili niya kung direkta siyang magpapadala ng Reiki sa katawan niya.Kaya, ang ideya ni Charlie ay magpanggap na suriin ang pulso niya at bigyan siya ng kalahating Healing Pill na wala
Pagkatapos bukasn ni Claudia ang pinto, nakita ni Charlie si Vera, na mukhang medyo maputla, na nakakunot ang noo habang nakaupo sa upuan sa harap ng lamesa.Nang makita ni Vera na pumasok si Charlie, tumayo siya nang mabilis habang sinabi nang medyo nahihiya at mahinga, “Mr. Wade, pasensya na talaga sa pag-abala sayo ngayong gabi…”Tumingin si Charlie kay Vera at sinabi nang nakangiti, “Miss Lavor, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nararapat lang na pumunta ako dahil roommate ka ni Claudia.”Sinabi nang nagmamadali ni Claudia, “Charlie, hindi mo kailangan na maging pormal kay Veron. Tawagin mo na lang siya na Veron tulad ko.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya kay Vera, “Veron, sampung taon na mas matanda si Charlie kaysa sa akin, at halos labing-isang taon na mas matanda siya kaysa sayo. Tratuhin mo na lang siya na kuya mo at tawagin mo rin siyang Charlie.”Medyo nabigla si Vera. Nag-atubili siya saglit bago tinawag si Charlie sa medyo mahinhin na paraan, “
Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi sa mahinahon na tono, “Hindi mo kailangan na sabihin sa akin ito basta’t nakumbinsi mo na ang sarili mo.”Hindi naitago ni Claudia ang pagkataranta niya at sinabi, “Hindi na ako makikipaglokohan sayo. Bababa ako at hihintayin na dumating si Charlie para maakyat ko siya pagdating niya dito.”Tinanong siya ni Vera, “Dumating na ba ang kuya mo?”Sinabi nang walang pag-aatubili ni Claudia, “Hindi pa, pero bababa ako at hihintayin siya para hindi na ako magsayang ng oras kung bababa lang ako pagkatapos niyang dumating.”Hindi na inasar ni Vera si Claudia at tumango siya nang bahagya habang sinabi, “Salamat, Claudia. Hindi na ako sasama sa iyo pababa dahil sobrang sakit ng ulo ko. Pakisabi sa kanya para sa akin, at baka isipin niya na wala akong modo.”Tumango si Claudia at sinabi, “Okay, maghintay ka lang sa dormitoryo. Sasabihan ko ang dormitory manager at dadalhin si Charlie. Sobrang galing ni Charlie, kaya siguradong gagaling ang migraine mo pag
Hindi inaasahan ni Charlie na tatawagan siya ni Claudia dahil gusto niyang gamutin niya ang sakit ng ulo ni Vera.Pero, naalala niya ang huling beses na nakita niya si Vera. Dinamihan niya ang ang Reiki noong naglagay siya ng psychological hint sa kanya, at mukhang gumawa ito ng malaign sequelae kay Vera.Alam niya Charlie na ito ay dahil gumamit siya ng sobrang daming Reiki sa kanya, kaya hindi niya maiwasan ang responsibilidad ngayong tinawagan siya ni Claudia para humingi ng tulong.Kaya, sinabi niya kay Claudia, “Kung gano’n, hintayin mo ako saglit. Magmamaneho na ako ngayon papunta diyan.”Sinabi nang masaya ni Claudia, “Okay, Charlie. Tawagan mo ako pagdating mo!”“Okay.” Pumayag si Charlie at sinabi kay Claire, “Honey, kailangan kong lumabas at may gagawin ako. Babalik agad ako.”Tinanong nang mausisa ni Claire, “Lagpas alas otso na. Sino ang naghahanap sayo ngayong gabing-gabi na?”Hindi itinago ni Charlie ang katotohanan mula kay Claire at sinabi, “Si Claudia. May kaunt
Alam ni Vera na ang sakit ng ulo niya ay ang squelae ng huling psychological hint na nilagay sa kanya ni Charlie. Wala nang ibang paraan para lutasin ito maliban sa hintayin itong gumaling nang unti-unti.Nag-isip saglit si Claudia, pagkatapos ay biglang may naalala siya at sinabi, “Siya nga pala, Veron, naaalala mo pa ba si Charlie?”Nagulat si Vera. Alam niya na sinubukan ni Charlie na burahin ang proseso ng pagtatanong niya sa kanya dati, pero nabigo siyang burahin ang lahat ng memorya niya sa kanya. Kaya, nagpanggap siyang mausisa at tinanong, “Iyon ba ang lalaking pumunta para ihatid ka dati?”Tumango si Claudia at sinabi, “Oo. Narinig ko na binanggit ni Stephanie na sobrang galing ni Charlie. Tinatawag siyang Master Wade ng lahat ng taong nakakakilala sa kanya sa Aurous Hill. Mukhang marunong siya sa Feng Shui at may ilang galing din siya sa medisina. Bakit hindi ko papuntahin si Charlie para tingnan ang kondisyon mo?”“Huh?!” Kahit na gustong makilala ni Vera si Charlie mula
Samantala, sa Aurous University.Nakumpleto na ng mga freshmen sa Aurous University ang registration, class placement, at pagtatalaga ng mga counselor. Nagbigay ng mga orientation uniform ang university sa lahat ng estudyante sa hapon, at opisyal na magsisimula bukas ng umaga ang dalawang linggong orientation.Dahil sa parang militar na pamamahala pagkatapos magsimula ng orientation, pinili nina Vera at Claudia na tumira sa campus. Kung hindi, kailangan nilang bumangon at magtipon ng alas sais ng umaga araw-araw, o hindi sila makakarating sa university sa oras.Nag-uusap silang dalawa sa dormitoryo habang nililinis ang mga kama at mga gamit nila.Simula noong pinatay ang pamilya niya, naging sobrang ingat ni Claudia sa iba at ayaw niyang makipag-ugnayan sa iba. Noong nasa Canada siya, ang dalawang tao lang na pinagkakatiwalaan niya ay sina Mrs. Lewis at Stephanie.Pero, sa kung paano man, si Claudia, na madalas na tahimik, ay may maraming magkaparehong paksa kay Vera. Kahit ano pa