Nakita ni Charlie ang mga gulat at balisang ekspresyon ng mga tao, kaya sinabi niya nang magaan, "Sa totoo lang, hindi ako ang special envoy ng Qing Eliminating Society. Kontrolado ko na ngayon ang totoong special envoy, at ang lahat ng miyembro ng Armed Calvary Guards ay nangako na ng katapatan sa akin na lumaban sa tabi ko laban sa Qing Eliminating Society. Kaya, pumunta ako para tanungin ka kung gusto mo bang lumaban sa tabi ko tulad nila?”Nagkagulo ang mga tao sa sandaling sinabi ito ni Charlie!Walang nag-aakala na magiging ganito ang mga bagay-bagay!Pero, nagulat si 3900 at hindi mapigilang sabihin, “Sir, kung totoo ang sinabi mo, wala sa amin ang mabubuhay ngayong araw. Kahit na makuha mo ang totoong antidote mula sa totoong special envoy, mabubuhay lang kami ng isa pang linggo. Kaiht na gusto naming lumaban sa tabi mo, natatakot ako na wala kaming magagawa.”Nalungkot nang sobra nang ilang sandali ang mga dead solder na nagulat dahil sa mga sinabi ni 3900.Alam ng lahat
Sa abot ng alaala ni 3900, gumamit ng mga praktikal na kilos ang kanyang ama para ipakita na napakahirap ng kapalaran ng mga dead soldiers, pero ang bawat henerasyon ay patuloy na lumalaban at nagkakaroon ng mga anak na may iisang layunin na sana, balang araw, masisira nila ang mga posas ng Qing Eliminating Society at tunay na makakamit ang kalayaan.Maraming hirap ang kailangan lampasan para makamit ito, at ang unang hirap na kailangang malampasan ay ang matinding lason na karaniwang nangyayari sa katawan nila.Hindi na talaga kailangan pag-usapan ang ganitong uri ng lason.Kahit ilang henerasyon na ng mga dead soldier ang sumubok, wala pa rin silang magawa para matanggal ang kakaibang lason na ito.Kahit hindi nakalimutan ni 3900 ang mga tapat na turo ng kanyang ama, alam niya rin na isa itong bagay na hindi niya magagawa.Nilagay niya pa ang pag-asa niya sa kanyang anak at kahit sa anak ng anak niya sa hinaharap.Ang mentalidad ng lahat ng henerasyon ng dead soldier ay: ‘Kahit
Matapos maalis ang lahat ng lason sa katawan ng mga dead soldier, bumaba si Charlie sa mga batong hagdan at pumunta sa plaza.Libu-libong tao ang tumingin sa kanya at lumuhod nang nagpapasalamat.Ang leader, si 3900, ay humikbi at sinabi, “Sir, gusto kong magpasalamat sa iyong dakilang kabutihan sa ngalan ng lahat ng mga dead soldier at kanilang mga kamag-anak!”Ang iba naman ay lumuhod din sa lupa tulad niya at sumigaw nang magalang, “Salamat sa iyong dakilang kabutihan, Sir!”Tumingin si Charlie sa libu-libong taong nakaluhod sa lupa at kalmado niyang sinabi, “Tumayo na kayo. Simula ngayon, hindi na kayo magiging mga alipin, at hindi niyo na kailangang lumuhod at yumuko kaninuman.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi na niya hinintay ang sagot nila. Sa halip, sinabi niya kay 3900 na nakaluhod nang magalang sa harapan, “Dalhin mo ako sa lugar kung saan kayo nakatira.”Sumagot nang magalang si 3900, “Masusunod!”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumayo siya at itinuro ang likuran ng pl
Tumango si Charlie at sinabi nang seryoso, “Dahil, may libo-libong tao dito at ilang daan lang sa itaas, imposible na ilipat lahat sa itaas para doon tumira. Ang biglaang pagdami ng tao ay makakaakit ng hinala at usapan sa publiko.”Pagkatapos niya itong sabihin, binago ni Charlie ang usapan at nagpatuloy, “Pero simula ngayon, hindi na magkakaroon ng hadlang ang daanan ng mga dead soldiers papunta sa itaas. Dapat niyong ayusin para may mga tao na makakapunta sa itaas araw-araw sa iba’t-ibang oras para maramdaman nila ang totoong araw at gabi, at makita ang totoong araw, buwan, at mga bituin.”Tuwang-tuwa si 3900 nang marinig ito at mabilis na nagpasalamat, “Salamat, Sir! Salamat, Sir! Masaya na ako basta’t makikita ng mga bata ang totoong mundo at makalanghap sila ng sariwang hangin!”Sinabi ni Charlie nang nakangiti, “Lahat kayo ay pwedeng lumabas, pero kailangan niyo pa ring mag-ingat sa ngayon. Kaya kailangan niyong magtiis at maghintay nang kaunti pa. Pero huwag kayong mag-alala. M
"Makita ang sikat ng araw?!"Nabigla si 3900 at sabay tanong na sabik, “Seryoso ka ba, Sir?!”Tumango si Charlie. “Kakasabi ko lang na sisiguraduhin kong makakapunta sa itaas ang mga dead soldier sa kahit anong oras sa hinaharap. Ang unang pagkakataon ngayon ay para sa mga bata na hindi pa nakakita ang araw, buwan, at mga bituin.”Sabik na sabik si 3900, pero biglang may naalala siya at tinanong si Charlie, “Sir, madilim pa ba sa labas ngayon?”“Oo.” sinabi ni Charlie, “Sisikat pa lang ang araw makalipas ang kalahating oras.”Tiningnan ni 3900 ang mga makakapal na ilaw sa kisame at nagbuntong-hininga. “Mukhang baliktad ang araw at gabi para sa amin kumpara sa labas.”Ngumiti nang bahagya si Charlie. “Ayaw nilang malaman niyo ang totoong petsa sa totoong buhay, kaya natural na babaliktarin nila at gugulhin ang oras at realidad para sa inyo.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Charlie, “Pero huwag kayong mag-alala. Simula ngayon, magiging pareho na ang araw at gabi dito sa labas. Mag
Nagulat sina Noel at 3900.Hindi nila inaasahan na gagamitin ni Charlie ang Ten Thousand Armies para tulungan silang mag-shopping, na medyo sobra na sa kanilang tingin.Pero, nang naisip nila na makakapagtrabaho na sila araw-araw at kikita ng pera para makabili ng iba't ibang bagay mula sa labas para sa kanilang pamilya, hindi nila mapigilang manabik.Lalo na si 3900 na hindi masyadong malaya tulad ni Noel. Si Noel, bilang isang banner commander sa Armed Calvary Guards, kahit na hindi rin siya binabayaran, nakatira siya sa ibabaw ng lupa at mas may alam tungkol sa mundo kumpara sa mga taong nasa ilalim ng lupa at nalalayo sa buong taon.Para ipaliwanag sa anak niya na bilog ang mundo, matagal nang ipinapaliwanag ni 3900 ang katotohanan na ito sa anak niya.Pero, dahil hindi pa nakalabas ang anak niya sa misyon at hindi pa niya nakikita ang labas ng mundo, at dahil wala siyang globo, hindi niya maipakita nang maayos sa anak niya ang simpleng katotohanang ito.Kapag nasagawa na ang model
Ang mga batang wala pang tatlong taong gulang ay kasama ang mga nanay nila, habang ang mga mas matanda naman ay magkakasunod na umakyat sa itaas, hawak ang kamay ng mga kapatid o kaibigan nila.Mahigit pitong daang bata na wala pang labing walong taong gulang ang nasa bubong ng office building ng copper mine, nilalanghap ang sariwang hangin na hindi pa nila nalanghap noon habang nakatingin sila sa langit sa silangan na puno ng pananabik.Nang magkaroon ng liwanag sa kalangitan, ang lahat ng bata ay nanabik nang sobra sa punto na hindi nila nagawang kumurap, takot na baka hindi nila makita ang unang pagsikat ng araw sa buhay nila.Kahit narinig na ng mga batang ito ang kwento ng mga magulang nila tungkol sa araw mula pagkabata, wala sa kanila ang nakakaalam kung ano nga ba ang hitsura ng araw.Walang kahit isang litrato ng araw sa tirahan ng mga dead soldier.May ilang mga bata na hindi makapaniwala sa kwento ng mga magulang nila na pagkatapos umakyat ng maliwanag na bolang apoy sa kal
Sa sandaling ito, ang lahat ng mata ng mga bata ay nakatuon sa umaangat na gintong bagay!Habang lumalawak ang arko ng tumataas na araw, sinakop ng gintong ilaw ang buong langit kasama na ang buong gintong dagat.Punong-puno ng liwanag ang langit, at kumikinang ang dagat!Binaluktot ng papataas na araw ang ilaw sa langit, ginawa itong mas maganda.Namangha ang mga bata, pati na rin ang mga magulang nila na nag-aalaga sa mga mas bata.Kahit na mas nagiging nakakasilaw ang liwanag, walang gustong kumurap.Mahigpit na hinawakan ng mga magulang ng mga bata pati na rin ang mga batang wala pa sa hustong gulang ang mga malapit na kaibigan nila. Lahat sila ay nagkaroon ng mga maliliit na grupo at hindi na nila napigilan ang pag-iyak nila.Kahit na dalawampung taon pa silang mag-isip nang sobra sa ilalim ng lupa, hindi nila magagawang maipaliwanag ang tanawin sa harap nila ngayon.Hindi nagtagal, ang bilog na bola ng gintong araw ay tuluyan ng lumitaw sa ibabaw ng dagat, at ang mundo ay tila na
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni